THAT TIME had come. Nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko. Thanks to you, Maggie. And I’ve worked hard to show how much I love her. Your charm bracelet did work its magic. Sobrang saya ko nang maramdaman ko noon na unti-unti nang nagwa-warm up sa’kin si Nikki. At nangyari ‘yon pagkatapos mong ibigay sa kanya ang diary mo na alam ko na ngayon kung bakit.
But I think its Fate. I think we’re really meant to be, that we’re the “it” for each other. Kaya nang maramdaman kong everything’s falling into place, the way I liked it to be, ipinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para mapasaya si Nikki. Gagawin ko ang lahat para muli siyang magtiwala sa pag-ibig. And we had our moments back then. Sweet moments. I’ve missed those. I’ve missed her.
Unfortunately, kung kailan feel na feel ko na ang mga moment namin noon, kinailangan ko namang umalis dahil naka-book na ako para sa one-month project ko noon sa America. Alam ‘yon ni Nikki. Nagpaalam ako sa kanya. But little did I know that I have to stay for there for a long time. At pinili kong ‘wag nang ipaalam kay Nikki kung bakit. I specifically instructed my family and Mirr not to tell Nikki about it.
Nasa gitna kami ng photoshoot nang bigla na lang daw akong mag-collapse. Dinala ako ng ilang agency staff na kasama ko sa trabaho noon sa pinakamalapit na ER. Akala ko ay dahil lang sa matinding init sa California kaya ako nag-collapse. But I’ve had a CT scan there and they’ve detected a tumor near the right temporal lobe of my brain. So, I was transferred to a larger hospital and put in neuro-intensive care. I was diagnosed with Glioblastoma Multiforme Grade IV later.
Akala ko ay migraines lang ang mga sakit ng ulo na naranasan ko before the diagnosis. Akala ko ay namamanhid ang left side ng katawan ko dahil sa matinding pagod sa trabaho o kaya naman ay sa pagtulog—dahil sanay akong matulog nang nakatagilid. May times pa na nagsuka ako noon pero akala ko’y dahil lang sa mga nakain ko. Hindi ko alam na gano’n na pala kalala ang cause kung bakit ako nakakaramdam ng gano’n.
Nang humingi ako ng second opinion ay gano’n pa rin ang naging resulta. I had one doctor telling me to have a surgery and have the tumor removed. I had another telling me to just leave it alone and enjoy the rest of the time I had left because surgery would likely get only sixty percent of the tumor out and the side effects would likely leave me unable to care for myself.
I went in to have the tumor removed. Ang sabi sa’kin ng radiologist ko do’n, kasing-size daw halos ng isang mini-chocolate chip ang tumor ko. It had been explained to me that the tumor was in such a place that it could have permanently damaged my speech and motor skills. The post MRI revealed that they got eighty percent of the tumor out. I felt this was a huge success. Pero nanatiling mahina pa rin ‘yong left side ng katawan ko at hindi ko maigalaw ang left hand ko.
Na-discharge ako sa ospital one week later. Nagpa-physical therapy ako para sa kamay ko at naging okay naman siya. Pero kinailangan kong magpa-chemo at radiation after. Pero masaya ako dahil nalampasan ko ang surgery at buhay pa rin ako ngayon.
Pinili kong ‘wag munang umuwi sa Pilipinas at magpakita kay Nikki dahil ayokong maging pasanin niya. I’ve braved it all without Nikki knowing. Siguro sasabihin niyang pa-cool na naman ako. I don’t mean to sound rude and I don’t mean to offend you, Maggie pero alam kong ganito rin ang nararamdaman mo. Ayokong maging pabigat sa kanya dahil nakita ko kung paano siya nahirapan at nasaktan noon nang malaman niyang may sakit ka pati na rin si Uncle Nichol. ‘Tapos dadagdag pa ako? I don’t want to ever cause her pain. But I did cause her pain, right?
And I’m so sorry for that. It’s just...nahihirapan ako kapag nakikita kong nahihirapan din siya. At ayoko siyang makitang mahirapan nang dahil sa’kin. Kasi sa totoo lang, after the surgery, kailangang si Daddy pa ang magpaligo sa’kin. Si Mommy ang laging nagpapakain sa’kin at si Mirr naman ang madalas na mag-drive sa’kin tuwing kailangan kong bumalik sa ospital para magpa-check up. Race stayed in the Philippines to take care of all our businesses.
So I’ve felt like, I should battle with my illness without her. To save her from the misery, pain and hardship. Kasi gano’n kapag may sakit ka, ‘di ba? Akala nila ikaw ‘yong pinaka nasasaktan sa lahat, pero ang mas nasasaktan ay ‘yong mga taong tumitingin sa’yo. Naramdaman ko na ‘yon noon kay Granny, sa’yo at kay Uncle Nichol. Watching someone dear to you slowly die—or maybe just in pain—was the most painful and terrible feeling ever. It was draining you down. ‘Yong tipong wala kang magawa kundi ang masaktan na din lang para sa kanila? Ayokong maramdaman ni Nikki ‘yon.
Ayokong makita siyang umiiyak nang dahil sa’kin tuwing nagkakaro’n ako ng seizure. Ayokong mahirapan siyang mag-alaga sa’kin tuwing nagsusuka o sumasakit ang ulo ko. Dahil gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya. Not the other way around.
Nang panahong nalaman kong nawala na si Uncle Nichol. I was fighting to come back because I wanted to be there for Nikki but I needed to finish the chemotherapy and radiation to prevent the tumor from growing back. I was crying because I couldn’t be there for her and I promised. I would’ve been there, but I was struggling to live for her. Hindi nga ako namatay dahil sa brain tumor ko, but I was slowly dying inside. Dahil malaki ang naging kapalit ng lahat nang ‘yon—Nikki’s love.
Ang sabi ko na lang sa sarili ko, kaya ko pa rin namang ilaban ‘yon pagkatapos ng recovery ko. Basta magpapagaling muna ako at kapag bumalik na ako kay Nikki, hinding-hindi na ako aalis pang muli sa tabi niya. When I was ready to come back, dahil okay na okay na ang pakiramdam ko—wala nang panghihina sa left side ng katawan ko at bumalik na rin sa dating shape ang katawan ko, even my hair grew back—naghanda na akong bumalik dito. Pero nagkaroon na naman ako ng seizure.
Focal seizures. My left side would go completely numb if I got stressed or if I did not get enough sleep. I did not lose consciousness, I just feel numb. It was as if someone had drawn a straight line down the middle of my body and one side would tingle then become immobile, restricting a lot of my movement and sometimes my vision. My seizure medication was increased. But as long as I take care of myself, I did not seem to have them.
Then, I’ve had another MRI and it revealed that the tumor grew back. Mas maliit siya ngayon kaysa no’ng una. My doctor told me that we have to remove the tumor and have chemo and radiation after. I have to do that cycle again. Kailangan ko na namang magtiis na hindi makita si Nikki pero ayoko na ng gano’n.
Kung noon ay hindi ako masyadong nakaramdam ng takot at pakiramdam ko’y makakaya ko siyang mag-isa, ngayon ay tila nawalan na ako ng pag-asa. Kasi alam kong kapag bumabalik ang isang sakit, nagiging malala na siya sa sunod. I was afraid that I’d have to see Nikki twenty minutes before I die. And I don’t want that to happen.
Kaya tumakas ako sa surveillance nina Mirr at ng family ko para umuwi dito. Pero pagkauwi ko naman ay agad akong nagkaro’n ng seizure sa airport. And that’s when you found me.
When I saw Nikki again, I knew I have to beg for her. But I’ve remembered the reason to fight and live—her. Sabi ko sa sarili ko, kapag nagkaayos na ulit kami ni Nikki, saka ko lang sasabihin sa kanya ng tungkol sa sakit ko. Kasi ayokong patawarin niya ako dahil lang naawa siya sa’kin. Ayoko ng sympathy love. ‘Tapos, sabay kaming babalik sa Amerika. We’d fight this together, because she would be my strength and energy booster. Pero kailangan ko munang maghirap na suyuin siya bago mangyari ‘yon. I don’t want to lose her again. And I don’t want to say goodbye. Ever.
---
Hindi makapaniwala si Nikki sa kanyang mga nabasa. At hindi na rin siya nagdalawang-isip pang puntahan ang silid ni Chace para kausapin ito tungkol sa kanyang mga nalaman. Mabuti na lang at bukas iyon kaya agad siyang nakapasok. Ngunit napahinto siya sa kanyang balak nang makitang himbing sa pagtulog si Chace.
Napaluhod si Nikki sa gilid ng kama nito at pinagmasdan itong mabuti. He looked so peaceful sleeping. Na parang kahit kailan ay hindi ito uminda ng kahit na anong sakit. Na-realize ni Nikki na hindi naman pala siya ang matatag. All this time, she believed that she was the tough one, but she’s not. Mukha lang siyang matatag dahil pino-protektahan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Hinawan ni Nikki ang ulunan ni Chace. Kahit paano ay maramdaman nito na nag-aalala siya para dito, na kahit hindi niya alam ang rason kung bakit bigla na lang itong umalis at hindi bumalik noon ay dahil nagkaroon ito ng sakit. Pero may wirdong naramdaman si Nikki sa pagdama niya sa ulo ni Chace. Hindi niya binuksan ang ilaw sa silid nito dahil may sinag na ng araw na pumapasok sa kwarto nito. Tr-in-ace na lang niya gamit ang kanyang mga kamay ang wirdong naramdaman niya.
It was at the right side of Chace’s head. Dahil patagilid na nakahiga si Chace sa kaliwa nito paharap sa kanya. Noon niya na-realize na maaaring iyon ang tahi dahil sa operasyon ni Chace noon. Makapal iyon kaya ramdam na ramdam pa ni Nikki sa kanyang mga kamay. It felt ugly, but scars had always been a proof of bravery. At nabibiyak ang puso ni Nikki habang dinadama ang scar na iyon.
“I’m so sorry, Chace. I wasn’t there for you when you needed me to,” pabulong na sabi ni Nikki sa natutulog na si Chace habang umiiyak. Kanina ay gusto niya itong sitahin, sisihin, sumbatan pa lalo dahil hindi niya matanggap ang naging desisyon nito sa hindi pagsabi sa kanya nang tungkol sa sakit nito. Pero hindi niya ito masisi.
Nang pakiramdam ni Nikki ay hindi na siya makahinga dahil sa kakaiyak ay bumalik siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng kanyang track suit. It’s time to run again. Pagbaba niya ay nakita niya si Jelay sa kusina at nagpaalam muna siya ritong magdya-jogging.
Naging hobby at daily exercise na niya ang pagdya-jogging noong umalis si Chace pero nang magkatampuhan sila ni Maggie ay natigil muna iyon. Ngayon ay gusto niyang tumakbo para kahit paano ay may iba siyang paraan para ilabas ang kanyang nararamdaman. Running helps her free her mind.
Pero habang tumatakbo ay hindi pa rin makalimutan ni Nikki ang mga isinulat ni Chace sa diary ni Maggie. Hindi niya mawari kung nakatulong ba sa kanya na nalaman niya ang rason noon ni Chace dahil labis siyang nasasaktan ngayon. Oo at naiintindihan niya ang mga nakalagay doon, naiintindihan niya ang rason ni Chace. He would’ve been there for her when she needed him the most if he could. Pero pakiramdam niya ay hindi rin siya nito pinagkakatiwalaan.
If Chace could be there for her, she could be there for him too. She cared for him back then. She would be there for him if she has to, especially when she needed him the most. And then she realized, she had loved him too. Pero muli ay naiintindihan niya kung may naramdaman ding hesitation si Chace noon sa pagsasabi sa kanya ng totoo. Kasalukuyang may sakit din noon sina Maggie at ang papa niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sakaling malaman niyang may sakit din pala si Chace noon. And somehow, it felt like Chace did her a favor. At siguro’y na-prevent din nito ang sarili na masaktan ng lubos noon sakaling nalaman niya nga noon ang tungkol sa sakit nito pero mas pinili pa rin niyang manatili sa Pilipinas para kina Maggie at sa kanyang papa. Because she hadn’t given him her life like how he did for her.
Napabuntong-hininga si Nikki pagkatapos at napatigil din siya sa pagtakbo. Tamang-tama lang dahil malapit naman na siya sa kanilang bahay. Pero bigla rin naman niyang naramdaman ang pagpatak ng ulan, at imbes na tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay ay pinili niyang manatili sa ilalim ng ulan. The raindrops felt cold on her skin and somehow, she felt numb. Nakatulong iyon para sandal at kahit paano’y mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
“Nikki!” narinig ni Nikki na tawag sa kanya ng boses ni Chace. Paglingon niya ay nakita niyang tumatakbo si Chace palapit sa kanya. At nanlaki ang mga mata niya ng makitang wala itong dalang payong.
“What the hell are you doing? Pumasok ka na sa loob!” mariing utos ni Nikki kay Chace.
“Nah. This feels romantic. Both of us under the rain, kahit hindi tayo sumayaw,” nakangiting sabi nito sa kanya.
Pinanlakihan pa niya lalo ng mata si Chace—kung may mailalaki pa ba ang mata niya—dahil kinabahan at natakot siya para dito. Kaya lumapit siya rito at hinila ito papasok sa kanilang bahay. But Chace won’t budge. Hinawakan pa nito si Nikki sa isang kamay habang nakatingala sa langit at pinapanood ang pagbagsak ng mga ulan.
“Hindi ito nakasulat sa ‘fake’ diary entries mo pero ngayon may maisusulat ka ng sweet do’n,” sa halip ay sabi ni Chace. Napailing si Nikki dito.
Alam niyang hindi niya mahihila si Chace papasok sa loob dahil mas mabigat ito sa kanya. And though silly as it may be, she tiptoed in front of him, then she put both of her hands on top of his head to somehow shield him from the rain. Chace chuckled at what she did. Pero ganoon din ang ginawa nito sa kanya.
“Now you’re getting the feeling,” anito.
“I’ve read Maggie’s diary, Chace. I know,” aniya rito.
“Well, sure.” Napabuntong-hininga si Chace. Tinanggal nito ang mga kamay sa ibabaw ng ulo niya at matamang tumingin sa kanya. The rain suddenly stopped. Dumaan lang pala ang ulan na iyon. “I hope that it would make you understand. Pero hindi ko hihilingin sa’yo na bigyan mo ako ng chance dahil lang sa mga nakasulat doon. I want you to love me because you feel like it.”
“I could’ve been there for you,” sabi ni Nikki.
“Well, pinili kong maging selfish sa sakit. Kasi ayoko nang madagdagan pa ang sa’yo,” sabi naman ni Chace. Dahil sa sinabi nito ay nayakap ito ni Nikki. She cried hard on his chest. At ibinalik din naman ni Chace ang yakap niya. “I asked Mirr to check on you, to send you post cards and even to send you messages para malaman mong okay ako. Pero nalaman kong naging selfish din sa’kin si Mirr eh. She took advantage of the situation para ma-solo ako. And I’m sorry for that.”
Humiwalay si Nikki sa pagkakayakap kay Chace. Malinaw na in love dito si Mirr kaya nagawa iyon ng best friend nito. “Alam mo, isa ‘yon sa ikinaiinis ko. Bakit si Mirr hinayaan mong mag-stay do’n para sa’yo? Ako ang mahal mo pero ako ang wala do’n.”
“Is that jealousy I hear in your voice?”
“Chace!”
“I didn’t want to force myself on you. I didn’t want to ask you to be there for me. Kasi alam kong nasa proseso ka pa lang ng pagkagusto sa’kin noon. Ayokong mag-assume noon, Nikki.”
“Umasa ako noon, Chace at sobrang nagalit ako sa’yo kasi bigla ka na lang nawala. If only I knew...” She had to catch her breath while talking. Sumisikip ang dibdib niya dahil sa pag-iyak. “Please don’t leave me again. Kung iniisip mo na naman na iwan ako, labanan mo. We’ll try harder this time. We’d fight together. I’ll be there for you. And don’t you dare deny me that,” sabi ni Nikki kay Chace.
Dahil doon ay parang bombilya namang nagliwanag ang buong mukha ni Chace. “I love you. No, don’t answer that yet. Give me another chance to prove it to you,” sabi ni Chace. Pagkuwa’y hinapit siya nitong muli palapit sa katawan nito at hinalikan sa kanyang mga labi. Napaungol pa si Nikki dahil sa pagkagulat sa ginawa nito. Pero napangiti lang si Chace na naramdaman niya sa kanyang mga labi.
Magsisimula silang muli.