SA AMERICA. Nagkaroon ng food trip sina Nikki at Chace pagkagaling sa ospital. Nag-grocery shopping sila kanina at pagkarating nila sa bahay ng mga Owens doon ay agad silang gumawa ng avocado ice candy na ginawa na rin nila noon—at isa sa mga ‘fake’ entry ni Nikki sa diary ni Maggie. Gusto kasi ni Chace na ‘totohanin’ lahat ang mga isinulat niya noon sa diary ni Maggie.
Naka-schedule nang surgery si Chace sa darating na Miyerkules. Pagkalipas ng isang linggo ay kailangan naman nitong magpa-chemotherapy kasunod ang radiation. Monitored na monitored niya ang pag-inom nito ng mga gamot. Natatakot siya na baka magkaroon na naman ng seizure si Chace. Pero nagpatulong siya kina Mommy Carmen at Mirr kung ano ang ginagawa ng mga ito tuwing nagkakaroon ng seizure noon si Chace.
Mirr, on the other hand, had a little hesitation towards her. Noon pa namang hindi pa sila naikakasal ni Chace ay hindi na maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Pero alam na alam na niya ngayong dahil mahal din nito si Chace. Narinig pa niya ang pag-uusap ng mga ito noon sa ospital nang samahan niyang magpa-check up si Chace at sumunod din pala doon si Mirr.
“Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ikinahumaling mo sa Nikki na ‘yon. She’s pretty all right, but she’s too prim for you,” ani Mirr. Nagkukubli si Nikki sa corner ng hallway malapit sa mga ito.
“But it’s her I only want, Mirr,” agad namang sagot ni Chace dito.
“Yeah. Sucks to be like the others,” ani Mirr. Naramdaman niya ang lungkot sa tinig nito.
“Mirr?”
“Oh?”
“You’ll find ‘him’ too.”
“I hope it’s you,” ani Mirr. Kung hindi lang nahimigan ni Nikki ang panunukso sa tinig nito ay sinugod na niya ito ng mga oras na iyon. Pero nakita niyang pabirong tinampal ni Chace ang noo ni Mirr, at okay na sa kanya iyon.
Nainis si Nikki kay Mirr noong una lalo na’t hindi naman niya agad na nagugustuhan ang isang tao lalo na’t may mali itong ginawa sa kanya. But they were civil with each other now. Tanggap na nitong siya talaga ang mahal ni Chace at nagkausap na rin silang mabuti. Naging thankful na lang si Nikki kay Mirr dahil naroon ito para kay Chace nang wala siya sa tabi ng kanyang asawa.
“I admit that I’ve been selfish. I took advantage of the situation to go for the kill, because I love Chace so much and I know about my feelings for him. You don’t. You don’t know about your feelings for him, you didn’t acknowledge him. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ka kailangan ni Chace. Ako ang kailangan niya. Kaya kahit na pinakiusapan niya akong padalhan ka ng messages ay hindi ko ginawa. Pero wala pa rin eh. Kahit ako ang nando’n para sa kanya, ikaw pa rin ang hinahanap niya. Ikaw pa rin ang mahal niya talaga. I’m sorry, Nikki.”
Nikki and Chace are fighting together now. But Nikki couldn’t seem to shake the scary feeling away of what if the only chance left for her is to say goodbye. Ngunit sabi nga ni Chace noon, they will never say goodbye. Pero hangga’t maaari ay ipinaparamdam niya kay Chace na mahal niya ito. She love him not because she have to or she needs to but because she do.
“Ang lamig! Ayoko na. I can’t feel my lips anymore,” sabi ni Nikki kay Chace saka niya binigay dito ang kalahati ng pangatlo niyang avocado ice candy. Tinanggap naman ni Chace ang ice candy niya at inilagay iyon sa platong nasa harapan nila.
Dinama ni Nikki ang kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay namaga iyon dahil sa lamig. Nasarapan kasi siya sa avocado ice candy na ginawa nila ni Chace kaya naka-tatlong stick siya. Then, she cupped her hands in front of her mouth and blew hot breaths through it. Narinig niyang tumawa si Chace sa kanyang tabi. Pagkuwa’y kinuha nito ang dalawa niyang kamay at walang anu-anong hinalikan ang kanyang mga labi.
Dahil sa gulat ay napaawang ang kanyang bibig. Chace took that opportunity to deepen his kiss. His warm mouth, rained hotness through hers. Something inside her stirred like that something wanted to get out of her. Dahil sa mga halik ni Chace ay hindi na naging manhid pa ang mga labi ni Nikki. Pero pakiramdam naman niya’y sinisilaban siya ngayon.
“Did you feel mine?” tanong ni Chace nang bahagyang maghiwalay ang kanilang mga labi. His hazel green eyes stared at her tenderly.
“Yes,” sagot ni Nikki. Kung tama ang pagkakarinig niya sa kanyang tinig, medyo paos pa iyon.
“Gods. You know you’re supposed to say ‘no’.”
“Why?” maang na tanong niya rito.
“So I could kiss you again.”
She laughed lightly. “I think we both know you don’t need an excuse for that.”
NAGISING si Nikki na wala si Chace sa kanyang tabi. Nakaramdam siya ng panic nang hindi niya ito makita sa kanyang tabi. It was as if a big part of her was lost and empty. Huli siyang nakaramdam nang ganoon nang ma-diagnose ng leukemia si Maggie, nang malaman niya ang tungkol sa cancer ng Papa Nichol niya at nang mawala ito. Pero sa pagkakataong ito ay hindi sakit at lungkot ang dahilan ng panic na nararamdaman niya kundi kaligayahan.
They keep on making love since the first time they got back together but last night was beautiful—no, amazing. Nikki had never felt so complete and womanly since last night happened between her and Chace. There’s no other word to describe Chace except wonderful—no, he was beyond that.
“Gosh, Chace! Nabuntis ba kita?” pabirong sigaw niya kay Chace nang marinig niya ang pagduwal nito sa loob ng banyo.
Pagkuwa’y naalala niya ang tungkol sa sakit ni Chace. Fear crept into her system—especially inside her heart. Kaya tumalon siya sa kanilang kama at patakbong tinungo ang banyo. Agad na dinaluhan ni Nikki ang nakayukong si Chace sa bowl habang nagduduwal. Hinagod niya ang likuran nito para tulungan itong kahit paano’y maginhawahan.
“Nabuntis mo nga yata ako,” pagbibiro ni Chace nang matapos ito sa pagsusuka. Pero sa halip na matawa sa biro nito’y niyakap lang niya ito ng mahigpit. “Okay lang ako, babe. Baka naghalo-halo lang sa tiyan ko ‘yong mga kinain natin kagabi. O na-over sa excitement lang ‘yong tiyan ko dahil sa nangyari.”
Napangiti si Nikki kasabay ang pagluha—at hindi niya alam kung ano ang hitsura niya ng mga oras na iyon—dahil kahit na nahihirapan na si Chace ay ang mararamdaman pa rin niya ang iniisip nito.
“I think I love you,” sabi ni Nikki kay Chace.
“Like a one percent kind of love?”
“Nope. About ten,” nakangising sabi niya rito.
“I’ll work on it. Hanggang sa maging one hundred na siya,” ani Chace.
Later that day, tinawag siya ni Chace habang nasa banyo ulit ito. Agad namang pumunta roon si Nikki dahil nag-aalala siya dahil baka kung ano ang nangyari dito. Pero nakita niya lang itong nakaupo sa isang stool habang nakaharap sa floor-to-ceiling bathroom mirror nila at may hawak na electric razor. May ideya na siya kung ano ang gusto nitong gawin.
“Will you do the honors, Mrs. Owens? Ayoko kasing sila pa ang mag-shave ng buhok ko sa ospital,” nakangiting sabi ni Chace sa kanya. Nikki was so afraid that moment. Kasi baka mapa-mali siya at masaktan niya si Chace. Pero kinuha pa rin niya ang electric razor dito.
“Chace, I’ve never done this before. Baka masaktan kita.”
“I trust you and I’m willing to take the pain, as long it’s you.”
“Grabe talaga ang ka-corny-han mo,” reklamo ni Nikki pero napangiti na siya dahil sa sinabi nito. Chace had never failed to make her feel better.
Sinimulan niyang ahitin ang buhok nito sa gitna. At kapwa pa sila ni Chace na natawa nang makita ang hitsura nito pagkatapos. Mukhang nag-open sesame si Moses sa buhok nito. Ngunit napaluha at napatigil sa pag-ahit si Nikki nang madama na naman ng mga kamay niya ang scar ng unang surgery nito. Nang matapos niyang ahitan ang parteng iyon ay hinalikan niya iyon.
“It looks ugly,” ani Chace nang halikan niya iyon.
“Pero mukha kang cool dahil dito. No tattoo could ever compare to this,” sabi naman ni Nikki dito. Pagkatapos ay binigyan niya ng magaan na halik si Chace sa mga labi.
“Thank you for giving me another chance and thank you for being here with me.”
“There’s no need for you to thank me. I want to be here with you.”
SURGERY DAY. Nakasuot na si Chace ng hospital gown ng muli itong humarap kay Nikki. Kailangan na rin itong lagyan ng anesthesia dahil isang oras na lang ay surgery na nito. Iniwan muna niya ito sandal sa hospital suite nito kasama ang pamilya nito dahil kinailangan niyang kausapin ang isang doctor kanina.
“Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap eh,” bungad sa kanya ni Chace.
“Nagpa-check up ako. Bigla na lang kasi akong nahilo at nagsuka kanina. Two weeks na akong delayed, and since nandito na rin naman tayo sa ospital, nagpatingin na sa ob-gyn,” kwento niya rito.
“Fuck! Seriously?” nanlalaki ang mga matang sigaw ni Chace nang makuha nito ang ibig niyang sabihin.
“Yes. One week pa lang naman,” sabi niya rito. Hindi nga rin siya makapaniwala noong una dahil maraming medication na iniinom si Chace at akala niya’y magiging dahilan iyon para hindi na sila magka-anak pa at sinabi niya iyon sa doktor. Sinabi ng doktor na maaaring himala daw iyon pero sinabi din nitong malakas daw ang dugo ni Chace kaya nakabuo din sila.
“Oh my god! That’s great news!” excited namang sabi ni Mommy Carmen. Kasabay niyon ang pagsugod ng yakap ni Chace kay Nikki at mabilis na paghalik sa kanyang mga labi.
“I’m gonna have a grandchild!” masayang sigaw naman ni Daddy Bern. Napangisi siya dito.
Natatandaan pa niya ang importanteng pag-uusap nila noon tungkol sa pagbabayad niya dito sa “manang” nakuha niya noon—nang ikasal sila ni Chace—na galing pala dito dahil walang ganoon kalaking halaga na maibibigay ang Papa Nichol niya sa kanya noon. She paid him back because of her pride. Pero tinanggihan nito iyon noon.
Nang oras na para bigyan ng anesthesia si Chace ay mahigpit itong niyakap ni Nikki at matagal na hinalikan. “I’d be waiting for you here. It’s my turn to wait for you now. I love you,” masuyong sabi niya rito.
“Sigurado ka na ba d’yan?”
“A hundred percent sure. And I don’t love you because I just have to or because I need to, sympathy love? No. I love you because I do.”
Napangiti si Chace dahil sa sinabi niya. Pero nakita niya rin ang takot at pangamba sa mga mata nito. “Naalala mo ba ‘yong sinabi ko sa’yo noon tungkol kay Granny? What if I’d forget you?”
Si Nikki naman ang napangiti kay Chace. “Silly. We never forget, remember? Besides, these...” Hinawakan niya ang magkabilang wrists nito kung saan naka-tattoo ang chained “Nikki” at itinuro ang gilid ng rib cage nito kung saan alam niyang naka-tattoo ang caged “N”. “These would always remind you about me. Iyon ang sabi mo sa’kin noon, ‘di ba? That even if you’d forget, you’d always remember.”
“Another thing, kanina pa ako nag-iisip kung ano ang pwede nating ipangalan sa magiging anak natin. May naisip ka na ba?” pagkuwa’y tanong ni Chace.
“Excited? One week pa nga lang siya eh,” aniya rito.
“Pero kahit na.”
“Don’t stress yourself thinking about that, Chace. You need to relax,” sabi ni Nikki nang masilip niya ang naka-tattoo sa dibdib ni Chace. At kahit na natatabunan ng hospital gown ang buong hitsura ng tattoo na iyon ay tanda niya kung ano iyon. “Faith.”
“What?”
“’Faith’,” aniya saka bahagyang ibinaba sa gitna ng dibdib ni Chace ang hospital gown nito. “Since your tattoo says, ‘Have Faith’. So, we shall.”
“Paano kung lalaki?”
“Eh ‘di, Chace Owens, Jr.”
“Hmmm. That’s gonna be my last thought when I doze off,” sabi ni Chace. Kunwa’y nainis naman si Nikki dahil sa sinabi nito.
“That’s gonna be your last thought? Paano ako? Gusto kong maging selfish ngayon, Chace. I want to be in your last thought when you doze off because of anesthesia,” sabi ni Nikki na binigyang diin ang mga huling salita. Pagkatapos ay hinalikan na naman niya ito sa mga labi.
“Enough of kissing please,” narinig niyang sabi ng kung sino at sigurado siyang si Mirr iyon. Pero inignora niya ito. Nang tumikhim ang nurse sa gilid nila ni Chace ay noon lang siya tumigil sa paghalik dito.
“That...is definitely gonna be my last thought,” ani Chace.
DEAR MAGGIE,
Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa mo sa’kin ito. Pero wala akong ibang masabi sa’yo kundi “thank you”. Hindi man naging lubusang maganda ang happy ever after namin ni Chace hindi katulad nang kina Cyrene, Selena, Czarina, Patty, Nicole, Kareene, Ariadne at Leighton, masaya pa rin ako dahil nagkaro’n kami ng chance na magkasama at ma-enjoy ang aming little happy ending.
When you lose someone you love, it’s like a part of you had died or had been taken away from your insides. Seeing them die was even way worse, like you’re also dying—harder and even more painful than them. Seeing them alive and smiling, that’s what you call heaven.
I asked my self “why”. I asked God a million “whys” nang malaman ko ang tungkol sa sakit ni Chace. Kung bakit palaging nangyayari na lang sa’kin ito. Kung bakit nagkakaroon ng sakit ang mga taong malapit sa puso ko. And then, Chace answered me with, “because you’re strong and you can make it through”. At alam kong kung sasagot din sa’kin si God, ‘yon din ang sasabihin niya sa’kin.
Chace and I are still fighting together. Hindi madali ang recovery stage ni Chace. Totoo ang sinabi niya dito noon na kailangang dumaan ulit siya sa cycle na ‘to. At araw-araw ay hindi nawawala ang takot sa puso ko na baka kung ano ang mangyari sa kanya sa susunod na araw. Alam mo ‘yong iniiyak ko na lang dahil wala akong magawa para pawiin ‘yong sakit ng ulo niya o tuwing bigla na lang siyang magsa-shut down, ‘pag bigla na lang siyang titigil. It hurts, Mallow. Niyayakap ko na lang siya tuwing nagkakaro’n siya ng episode. Kasi kahit na binibigyan siya ng medical attention, alam kong iba pa rin ang maitutulong sa kanya ng love ko.
Palagi kong hinihiling na sana ako na lang ang masaktan kaysa siya, na sana kahit one day lang ako naman ang aako sa sakit para makapagpahinga siya. Because I’ve realized that this is how love works, to put each other first. I agree when Chace told me he’d put me first, because I feel that now. I want to hurt instead of him. I want to take his pain away whichever way I could, if I just could.
But I’d fight for him forever, because you don’t give up on the one you love. I won’t give up on him. We won’t give up. Lalo na’t may bago nang magiging addition sa pamilya namin ngayon. (Oh my gosh, Maggie! I’ve never been this excited all my life! I’m gonna have a baby! I hope it’s a girl. Pero okay din lang naman kung boy, basta kamukha ni Chace.)
I miss you so much, Maggie. At nagtatampo pa rin ako sa s-in-end mong message sa’kin noon na “medyo nakahinga ako ng maluwag nang umalis ka dahil wala nang nagbe-baby sa’kin”. Ha! I know you’re missing me too, Mallow. Ayaw mo lang talagang pumunta dito sa Amerika. Pero don’t worry, babalik din naman kami d’yan. Babalik din “siya” d’yan. ;)
I’m so happy that you’ve already overcome the greatest threat of your life. So, if you have time, please come here? Okay? I’ll love you forever, Maggie. I owe this happy ever after from you. And I do hope you’d have yours too. THE SOONEST POSSIBLE TIME! Ako naman ang magpu-push sa’yo ngayon. I hate you and your twisted reasons. Kung hindi lang kita friend nasabunutan na kita dahil sa ginawa mo.
Anyways, nabasa ko ito somewhere: “The most painful goodbyes are the ones never said or never explained.” Ito ang take ko sa phrase na ‘yan. Why would you say goodbye if you don’t actually mean to leave? Think about it, Mallow.
Love,
Nikki/Marsh
------
A couple of years later…
“COME BACK home already!” anang malambing na tinig ni Maggie sa kabilang linya.
Oh, how he wished it was meant for him. Pero para iyon kay Nikki na nakaharap sa kanya ngayon at naka-speaker phone katabi ang dalawang taong gulang nitong anak na si Faith.
“We would. Soon. At may pasalubong ako sa’yo na siguradong magugustuhan mo,” nakangising sabi ni Nikki sabay sulyap at kindat sa kanya. “Alam mo hindi magandang maging role model si Chace. I can’t believe na tumulad ka rin sa kanya.”
“When you love someone, you have to sacrifice your own happiness for them to have theirs,” sabi ni Maggie. Nahimigan niya ang lungkot sa tinig nito. Nalungkot din siya. Pero mas pinanaig niya ang kilig na naramdaman dahil inamin ni Maggie na mahal pa rin siya nito—kahit na indirect iyon.
“But what if you’re his happiness?” sabi ni Nikki dito. Pero hindi na iyon sinagot pa ni Maggie. “Mallow, mapapatawad mo ba ako kung sasabihin ko sa’yong katabi ko si Ryleigh ngayon at narinig niya ang sinabi mo?”
Pagkasabi niyon ni Nikki ay biglang nawala sa linya si Maggie. Pero sa halip na ma-guilty ay ngumisi lang si Nikki sa kanya. Napailing na lang siya dahil sa ginawa nito. Dati-rati’y daig pa nito ang isang ice queen sa pagiging cold, pero ngayon ay mukha na itong summer. Ah, what love can really do.
“So, why did you leave her?” tanong ni Nikki sa kanya.
“Because she asked me to as if her life depended on it and I did not have the heart to deny her that. I had to die for her to live.”