PAGPASOK NINA Leigh at Knight sa loob ng isang French restaurant ay agad silang sinalubong ng maitre d’ na agad din namang yumuko para tingnan ang kanilang mga suot na sapatos. Nakangiti sila nitong binate saka sila nito iginiya patungo sa reserved table ni Knight. Sa tingin niya ay patron customer na roon si Knight dahil tila kilalang-kilala na ito ng maitre d’. Naririnig kasi niyang may sinasabing “usual” ang maitre d’.
Nang makaupo sila at bigyan si Leigh nang menu card ay itinulak niya iyon kay Knight dahil wala siyang alam sa French cuisine maliban sa croissant, crepes, fondues at French fries. Kaya hahayaan na lang niyang si Knight ang um-order para sa kanya.
“Ikaw na lang ang um-order para sa’kin. May tiwala ako sa’yo,” sabi niya kay Knight.
“I’m sorry, I should’ve asked you about your preference,” hinging-paumanhin naman ni Knight.
“No, no. Okay lang. Gusto kong mag-try ng ibang French foods other than their breads and desserts. At ‘wag kang mag-alala, dagdag pogi points sa’kin na hindi mo na kinailangang magtanong kung saan ko gustong kumain. Actually, I want men in control,” Shit! “Of ordering food,” agad na dagdag ni Leigh nang titigan siya ng maitre d’ at ni Knight.
Saka niya binigyan ng isang matamis na ngiti ang dalawa. Nginisihan naman agad siya ni Knight. Nagsabi ito ng orders nila sa maitre d’ pagkatapos ay nakapangalumbaba itong tumitig sa kanya.
“Oops, ‘wag mo akong titigan ng ganyan. Bawal pa akong ma-in love agad,” sabi niya rito. Napailing ito sa kanya habang nakangiti.
“What’s with you and Raoul?” pagkuwa’y tanong ni Knight kay Leigh. Kinunutan naman niya ito ng noo.
“Boss-friend relationship. Secretary, assistant, shock-absorber, kaibigan, ‘yon ako kay Raoul. Actually, siya ang best friend ko kahit hindi ako ang best friend niya. Minsan, kuya ko siya, minsan naman, siya ang bunso ko. Pero palaging siya ang boss ko. Kababata ko siya dahil naging kusinera ng pamilya Maxwell ang nanay ko noon. Ang family nila ang nagpaaral at nagbigay ng trabaho sa’kin. Malaki ang utang-na-loob ko sa kanila lalo na’t tinutulungan pa rin nila ako sa pagpapagamot ng nanay ko. Nagkaroon kasi ng komplikasyon sa puso ang nanay ko pero okay naman siya.”
“Itatanong mo siguro kung bakit hindi ko kasama ang nanay ko dito at kung bakit hindi ko siya inaalagaan. May pagkamaarte kasi ‘yon. Ayaw niyang magpaalaga sa’kin dahil kaya daw naman niya ang sarili niya. Pero nagpapa-baby ‘yon sa mga tiyahin ko. Siya kasi ang bunso sa magkakapatid. Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa mga kapamilya ko dahil hindi talaga nila kami pinababayaan, lalo na ang nanay ko. At saka, ang nanay kong ‘yon, mas gusto niya sa probinsiya dahil sariwa ang hangin doon. Actually, siya ang nag-udyok na dito ako magtrabaho sa Maynila. Ipinagtatabuyan pa nga niya ako eh. Pero umuuwi naman ako sa do’n every weekend,” kwento ni Leigh.
“Nasaan ang tatay mo?” curious na tanong ni Knight.
“Ah, that’s the biggest question of the century. Hindi ko kilala ang tatay ko. Bata pa lang ako ay hinahanap ko na siya pero ang sabi ng nanay ko ay hindi ko na daw siya dapat pang makilala. Kapag napupunta sa kung sino ang tatay ko ang usapan, nagda-drama ang nanay ko. Sasabihin niyang hindi pa raw ba siya sapat para maging masaya ako at para maramdaman ko ang pagmamahal ng isang magulang. Siyempre, kapag gano’n na ang linya niya, hindi ko na pinu-push ang usapan dahil ayaw ko siyang malungkot. OA pa naman ‘yong umiyak,” paliwanag ni Leigh.
“So, your mother’s love is the reason behind your smiles?” tanong pa nito.
“Oo. Pero pwede rin namang ikaw,” banat niya rito. Natawa si Leigh sa naging reaksyon ni Knight. Halatang nagulat ito sa sinabi niya dahil napaka-seryoso na nito kanina. Pero ayaw niyang mapunta sa ka-seryosohan ang usapan nila. Ayaw niyang maging boring ang date nilang ito. “Joke lang. Actually, ang nanay ko ang sentro ng buhay ko. Pero siyempre, may kontribusyon din sa saya at pagmamahal na nararamdaman ko ang mga kamag-anak ko at mga kaibigan ko. Kinokolekta ko lang sa kanila ang mga ngiti at isine-share ‘yon sa iba para everybody happy, ‘di ba? Wala man akong tatay, hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal.”
Nginitian siya ni Knight dahil doon. “’Buti ka pa. Ako, kompleto ang pamilya ko pero hindi ako makangiti ng ganyan sa’yo. Thank you for sharing your smiles, Leighton.”
“’Leigh’ na lang. Masyadong pormal at sosyal ang ‘Leighton’. Hindi ko nga alam kung bakit ‘yon ang napiling pangalan ng nanay ko eh,” aniya rito.
“I know, because it’s close to ‘light’. You’re light, Leighton,” ani Knight.
“Uuy, ngayon ko lang naisip ‘yon ha. So, sinasabi mong ‘tons of light’ ang pangalan ko kaya ‘Leighton’?” tanong niya rito.
“Pwede. Bagay naman sa’yo eh, lalo na kapag nakangiti ka.”
“Naku! Lumi-litanya ka na naman, Knight.” Pero hindi ito nabigo sa pagpapakilig sa kanya.
“Ah, so ikaw pwedeng bumanat, ako, hindi?”
“Oo. Kasi sa’ting dalawa, ikaw ang hindi nanganganib na ma-in love,” sabi ni Leigh kay Knight.
“What if I’m almost there?” tanong naman nito sa kanya.
At hayun na naman ang puso niya, kung makakabog akala mo’y hinahabol ng sampung kabayo sa bilis. Hinahanap niya ang kanyang dila dahil pakiramdam niya ay tinakbuhan na naman siya niyon. She couldn’t find the words to say. She was rendered speechless. Again. Naroon na naman ang nararamdaman niyang kakaibang kaba na una niyang naramdaman kay Knight kagabi. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
“It’s okay. Sabihin mo kung ano ang iniisip mo, Leigh,” udyok naman sa kanya ni Knight.
“Ah…what’s the story behind that cool guy act? Hindi naman sa tsismosa ako pero naintriga ako sa sinabi ni Raoul kagabi na hindi mo raw hawak ang buhay mo?” pag-iiba ng usapan ni Leigh. May pagka-makulit kasi si Knight pero may pagka-reserved din ito katulad ni Raoul.
So much for trying not to be serious, Leigh.
“It’s partly true. Palagi ko kasing sinusunod ang utos ni mama at ‘yon ang nakikita ng ibang tao,” simpleng paliwanag ni Knight. Naghintay pa siya ng ibang paliwanag mula rito pero hindi na ito nagpalawig pa.
“Okay lang ‘yon. Wala namang masama sa pagsunod sa magulang mo eh. Lahat naman ng mga anak ginagawa ‘yon. Puwera na lang kung labag sa loob mo ang pagsunod sa kanya,” sabi ni Leigh. Hindi agad nakasagot si Knight kaya alam niyang may punto ang kanyang sinabi. “Anyways, ano ang racing forte mo? Marami akong kilalang Camp Speed patrons pero first time kitang nakita kagabi,” muling pag-iiba ng usapan ni Leigh. Hindi naman niya ito balak na i-push sa isang usapang ayaw nitong puntahan.
“Superbike. Actually, matagal na ako sa motorsport. Hindi nga lang ako dito naka-base dati kundi sa Singapore dahil doon naka-base ang team na kumuha sa’kin. Umuuwi lang ako dito on special occasions at kapag kailangan ng family kaya ngayon lang tayo nagkita,” paliwanag ni Knight.
Nanlaki ang mga mata ni Leigh sa narinig. “Shet! International racer ka? Wow. Okay, wow.” Now, she’s totally speechless. Iniisip tuloy niyang bitter si Raoul kaya nito nasabing ‘itinuturing na bata’ si Knight dahil hindi ito basta kung sino lang. At kung hindi ito ang may hawak sa buhay nito, sa tingin niya’y hindi ito magiging international racer.
“You don’t have to act like that, Leigh. Besides, I quitted a few months ago,” sabi ni Knight.
“Ano? Bakit?” agad na tanong niya rito.
“Ang business na kasi ng pamilya ko ang kailangan kong i-prioritize ngayon. Mabuti nga at binigyan pa ako ng time ni mama para mag-enjoy at gawin ang mga gusto kong gawin. It’s payback time now,” ani Knight.
“Seryoso ka? Mahirap makarating sa international league ‘tapos basta mo na lang itatapon ang lahat? Sayang naman, Knight,” nanghihinayang na sabi ni Leigh. Wala siyang ibang alam sa racing kundi ang mahirap at delikado iyon. Pero marami siyang kakilalang racers dahil kay Raoul at sa Camp Speed.
“Okay lang naman dahil nagka-problema ako sa team. Ite-trade nila ako sa ibang team na ayaw ko kaya nag-quit na lang talaga ako. Don’t worry, hindi ko naman igi-give up ng tuluyan ang racing dahil nand’yan pa ang Camp Speed. Pwede akong pumunta do’n kapag my free time ako,” sabi naman ni Knight.
“Good. Because you shouldn’t give up something you love,” seryosong sabi niya rito.
“I won’t give up on you,” banat na naman nito sa kanya.
Shet! “Hay, mga linya mo talaga, Knight.”
“What if it’s not a line?” ani Knight na titig na titig kay Leigh.
“Mahilig ka sa ‘what if’ ‘no?” sabi na lang niya rito.
“Sabi mo kasi ayaw mo pang ma-in love sa’kin ngayon,” nakangiting sabi ni Knight.
Damn, straight.
“What if I already am?” panggagaya naman niya rito. Tumingin ito sa relong pambisig at noon niya napansin na suot pa rin nito ang Evil Eye na ibinigay niya rito nang nagdaang gabi
“Four hours pa. Gotcha! ‘Told you I’ll make you fall for me before midnight comes,” sabi ni Knight sabay kindat nito sa kanya. Napahawak si Leigh bigla sa kanyang dibdib nang gawin iyon ni Knight. Hindi naging handa ang puso at buong sistema niya sa pagkindat nito. He’s so darn gorgeous.
Shet! Gotcha na gotcha ako.
Mabuti na lang at dumating ang pagkain nila kaya doon nabaling ang atensyon ni Knight dahil nawalan na naman ng dila si Leigh. Ilang beses ba siyang magiging speechless sa harap ni Knight?
Habang kumakain sila ay ipinapaliwanag ni Knight kung ano ang kinakain nila. Nagsimula sila sa Ratatouille na narinig na niya noon mula sa Disney animated film na may kaparehong pangalan kung saan isang ‘rat’ ang bida. Ang sumunod ay Foie Gras na duck liver pala. Sa lahat ng atay na natikman niya ay ito ang pinaka-paborito niya. Pero nalungkot siya ng sabihin ni Knight na pino-force feed ang mga bibi para magkaroon ng malalaking atay ang mga ito. Parang ayaw na tuloy niyang kumain ng ganoon sa susunod kahit na gaano pa iyon kasarap.
Ang main entrée na natikman niya ay ang Boeuf Bourguignon na isang laman na niluto sa red wine at may kasamang mga gulay. Pagkatapos niyang kumain niyon ay busog na busog na siya pero ang sabi ni Knight ay may darating pa raw na dessert. Pakiramdam niya, pagkatapos ng dessert ay puputok na siya.
“’Buti na lang hindi fitted ang sinuot kong dress. Kung hindi, mahahalata na ang bondat kong tiyan,” sabi ni Leigh kay Knight.
“Don’t worry. May gagawin tayo mamaya na makakapag-burn ng kinain natin,” sabi naman ni Knight. Bigla siyang napasinghap dahil sa sinabi nito.
“A-ano’ng plano mo?” kinakabahang tanong niya rito.
Lord, ‘wag naman po sana. First date pa lang namin. Iyon agad?
“Silly. It’s not what you’re thinking,” agad namang sabi ni Knight.
“’Oy, wala akong iniisip na iba ha. Curious lang ako kung ano ‘yon,” palusot ni Leigh. Nginisihan lang siya ni Knight.
Akala niya’y wala nang space sa loob ng tiyan niya para sa dessert pero nagawa pa rin niyang kainin ang inihain sa kanila na chocolate at cheese fondue. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya nang umalis si Knight. Pero sa halip na sumakay sa sasakyan nito ay naglakad lang sila.
“Sayang naman ang mga sapatos natin kung hindi natin gagamitin, ‘di ba?” sabi ni Knight habang naglalakad sila.
Ah, ito pala ang plano niyang pag-burn ng mga kinain namin, sabi ni Leigh sa sarili. Medyo nahiya pa siya sa sarili, kay Knight at sa Diyos dahil sa naisip niyang maaaring plano ni Knight.
“So, iikutin lang natin ang block na ‘to ‘tapos babalik na rin tayo sa kotse mo?”
“Nope. May pupuntahan tayo. Isa sa pinakapaborito kong lugar. Na-discover ko siya last year nang maglibot-libot ako. It’s a place called ‘Midnight’,” sabi ni Knight.
“So, madilim do’n?” Oh, shet. Ano’ng lugar ‘yon?
“No. It’s a café, Leigh,” nangingiting tugon ni Knight.
“Ah,” tumatangong sabi ni Leigh dito. Napa-facepalm siya dito dahil biglang nag-init ang buong mukha niya tanda na nahihiya na siya. Natawa lang naman si Knight. Tumikhim siya saka ibinalik ang composure. “Okay. Habang naglalakad tayo, magtanungan tayo. Kung ano ang itatanong ko sa’yo, ‘yon din ang itatanong mo sa’kin. ‘Wag kang magtatanong ng isang tanong na ayaw mong sagutin. Gets?” pag-iiba niya ng usapan.
“Game. You first,” agad namang sang-ayon ni Knight.
“I know it’s not my business, pero nakailang girlfriend ka na?” unang tanong ni Leigh. Curious siya at iyon ang unang pumasok sa isipan niya.
“Two. One in high school and one in college.”
“Seryoso? Dalawa lang? Hindi ako naniniwala.”
“The others were just dates,” ani Knight. Napatango na lang si Leigh dito. “Eh, ikaw? Nakailang boyfriends ka na?”
“Wala pa. As in, nada, zero,” sagot niya rito.
“What? Hindi ako naniniwala. Walang nanligaw sa’yo o na-basted mo silang lahat?” tanong ni Knight.
“Yes. Choosy ako. Arte ko ‘no? Pero ayoko kasing mag-entertain ng lalaking hindi pinili ng puso ko. Ang ibig kong sabihin, madami nga akong napapansing lalaki d’yan sa tabi pero ayokong pumili gamit ang mga mata ko. Yes, attraction comes first and with that comes good looks, pero hindi ko nga maintindihan kung bakit wala akong nagustuhan ni isa sa kanila noon. Kinilig naman ako sa ilan pero wala sa kanila ‘yong nagkaroon ng matinding impact sa’kin. At saka, grabe kung maka-screen si Raoul. ‘Buti nga pumasa ka do’n eh.”
Tumawa muna si Knight bago ito muling nagsalita. “Okay. So, bakit ako? Paano mo ako napili?”
“Teka lang! Madaya ka. Dapat turn ko na magtanong,” nanlalaki ang matang sabi niya rito.
“Sorry. Nauna na ako eh. So, ano?” muling tanong nito. Hinawakan ni Knight ang siko niya saka siya nito iginiya paliko sa dulo ng block na nilalakaran nila.
“Nag-wish kasi ako, ‘tapos bigla ka na lang nag-appear sa tabi ko. So, I guess ikaw ‘yong sagot sa hiling ko na ‘yon. At aaminin ko, ikaw ang pinakagwapong nakita ko,” sagot ni Leigh dito habang diretso ang tingin sa nilalakaran nila. Pagkuwa’y naramdaman na lang niyang tumigil sa paglalakad si Knight. Nang tingnan niya ito ay nakita niya itong nakatingala sa langit. “Ano’ng ginagawa mo?”
“Nagpapasalamat sa Diyos at sa mga stars. I feel so lucky and blessed right now,” nakangiting sabi ni Knight sa kanya.
“Maka-linya na naman ‘to. ‘Wag ka nga. At dahil nasagot mo na ang tanong na ‘yon kanina, medyo babaguhin ko ang tanong para sa’yo. Kung sakaling may makita kang babae ngayon na mas maganda, mas sexy, mayaman at mas mag-e-enjoy kang kasama kaysa sa’kin. Ako pa rin ba ang pipiliin mo?” tanong ni Leigh. Ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakad.
“If I’ll look at that girl, I’ll see her beauty, her curves, know about her wealth and enjoy her company. When I look at you, I see realness than beauty, warmth than curves, purity than wealth and happiness than enjoyment. So, yeah. I’d still choose you. And that’s not a line, Leigh,” sabi ni Knight.
Okay, wow. Hindi alam ni Leigh kung ano ang magiging come back niya para doon. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig ni Knight kaya alam niyang hindi iyon isang linya lang. Nang muling hawakan ni Knight ang siko niya para pahintuin siya sa paglalakad ay tumapat sila sa isang bahay na may malaking sign board na nagsasabing “Midnight”.
And when she looked at Knight, she knew that somewhere along their way there, she absentmindedly fell for him.