Maggie's Diaries Series 3 Chapter 5

SABI NANG nanay ko noon, ayos lang daw naman ang magmahal at ma-in love agad. Pero hanggang maaari daw ay huwag ko munang ibigay ang lahat kay Knight. Hindi niya alam—at hindi ko pa rin alam noon—na nang makita ko si Knight, ibinigay ko na sa kanya ang lahat.

---

KINABUKASAN ng hapon ay sinundo ni Knight si Leigh sa kanilang opisina. Kinilig naman siya dahil iyon ang unang beses na may sumundong lalaki sa kanya—at may dala pa itong pink roses! Kaya pakiramdam niya’y opisyal na talagang may love life na siya. Masaya rin siya dahil sa tingin niya’y botong-boto si Raoul kay Knight. Sa katunayan ay hinahayaan na siya nitong maunang umuwi dito hindi katulad noong dati na kailangang hintayin niya ito bago siya makauwi.

Well, palagi naman kaming sabay umuwi ni Raoul dahil hinahatid niya ako pauwi noon. Until Knight. Ganito pala ang feeling kapag may isang lalaking nag-uukol ng atensyon sa’yo, kinikilig na sabi ni Leigh sa sarili.

Mabuti na rin lang at hindi siya nagsuot ng corporate attire ng araw na iyon dahil wala siyang oras para makapagpalit. Fitted black cocktail dress ang suot niya na pinatungan niya ng kulay puting blazer na tinanggal niya pagkasakay nila ng kotse ni Knight.

“So, how was your day?” tanong ni Knight kay Leigh habang nagmamaneho.

“The usual. Wala namang interesanteng nangyari,” except ngayon na sinundo mo ako. The perfect highlight of my day. “Ikaw? Pumapasok ka na sa kompanya n’yo? Kumusta naman?”

“Alam mo ‘yong pakiramdam na parang first day ko sa school ‘tapos headmistress pala ng school na ‘yon ang mama ko? My mother’s the current COO of SFC. Nakabantay siya sa bawat galaw ko at naiinis ako do’n. Pakiramdam ko’y wala siyang tiwala sa’kin. Ayaw niya akong magkamali which was irritating. Pakiramdam ko tuloy ay magkakamali nga ako,” malungkot na kwento ni Knight.

Napangiti si Leigh dahil sa kwentong iyon ni Knight. Pakiramdam niya’y unti-unti nang nagtitiwala sa kanya si Knight. Yes, he might really like her but that doesn’t mean he’ll trust her. Hindi katulad niya na sa una pa lang ay naging tapat na dito. Well, ayaw naman talaga niyang magsinungaling sa mga tao kaya hangga’t maaari ay hindi siya nagsisinungaling sa mga ito. Lalo na sa isang lalaking gusto niya.

But Knight, he remained to be a big puzzle to her. Sinasagot nito ang mga tanong niya pero alam niyang hindi pa ito ganoon ka-bukas sa kanya para sabihin ang mga nararamdaman nito. Ayos lang naman sa kanya dahil sa tingin niya’y may problema talaga ito sa pamilya at ayaw naman niyang piliting ilabas nito iyon sa kanya. So that story was a big step for him.

Nag-research na lang siya tungkol kay Knight kaninang wala siyang ginagawang trabaho at nalaman niyang totoo ang mga sinabi nito. Sikat pala talaga ito sa Asia dahil hindi lang ito basta racer kundi champion racer pa ito. May ilang feature na rin pala dito dati sa iba’t ibang magazines at diyaryo na hindi man lang niya nakita noon. Hindi naman kasi siya mahilig tumingin sa mga ganoon.

Pero mas pinagtuunang pansin niya ang family background nito. May ilang articles din kasi tungkol sa pamilya nito sa internet. Hindi niya akalaing ito pala ang isa sa tagapagmana ng Serrano Food Corporation na isa sa pinakamalaking kompanya sa food industry mula canned goods hanggang sa organic food products. Sa katunayan ay paborito niya ang organic rice ng mga ito kahit na medyo mahal.

Nalaman din niyang nag-iisang anak si Knight ng mag-asawang Agatha at Augustus Serrano—ang panganay na anak ni Don Augusto na siyang tumatayong presidente ng SFC. Ang kapatid ni Augustus namang si Vino at ang asawa nitong si Millena ay may anak na babaeng ang pangalan ay Kaya. Hindi malaki ang pamilya ng mga ito. Pero mukhang mahihirapan siyang makibagay sa mga ito dahil sa mag nakita pa lang niyang litrato ay tingin niya’y mukhang mata-pobre ang mga ito. Lalo na ang ina ni Knight na si Agatha.

Hindi naman siya ang mamahalin mo kundi si Knight, anang isang bahagi ng isipan ni Leigh. At saka, bakit ba ‘yong pamilya agad niya ang iniisip mo? Enjoy his company first and go with the flow.

“Well, you just have to do your best. Think positive. ‘Wag mong iisipin na magkakamali ka. Gawin mong inspirasyon ang mother mo. Show her what you’re really capable of. Basta ano’t ano man ang mangyari, nandito lang ako para sa’yo,” nakangiting sabi ni Leigh kay Knight.

“Ah, now I feel better. Thanks, Leigh.”

“You’re always welcome. So, saan tayo pupunta ngayon?”

“Okay lang ba sa’yo na mag-stay tayo ‘til one AM sa Midnight? I really want you to experience Midnight to the fullest,” ani Knight.

Dahil umuwi na sina Leigh at Knight bago pa man mag-alas-dose nang nakaraang gabi ay hindi na nila nahintay pang mag-“Midnight”. Ang sabi ni Knight kagabi, Jin—Uncle M’s son—would turn the café upside-down. Kung paano? Wala pa siyang ideya. Kaya excited din siyang ma-experience ang ibang side ng Midnight.

“O, sige. Basta ililibre mo ako ng breakfast.”

“’Sus! ‘Yon lang pala eh. Oo naman. So, Midnight it is. But before Midnight, may gusto muna akong ipakita sa’yo,” pagkuwa’y sabi ni Knight.

“Ano?”

“Secret.”

“Fine. Pero siguraduhin mong magugustuhan ko nga ‘yon.”

“Well, it involves some boring stuffs or…other things and me.”

“Seryoso ka?” As long as there’s you, I’m very fine with it. Iyon talaga ang gustong sabihin ni Leigh kay Knight.

“Yes. ‘You still game?”

“Hell, yeah!”

And then, he grinned at her deliciously.

How could a grin be delicious?

“WELCOME to Ferriz Art Gallery Museum!”

“Wow! First time ko dito.”

“Good. I’m glad ako ang naunang nagdala sa’yo dito. May art exhibit ngayon ang isa naming kakilala. He’s a very interesting guy. Mysterious and somehow dark on the outside but he’s really a little funny on the inside. Pupunta rin dito ‘yong mga kaibigan na sinasabi ko sa’yo. Maybe we’ll meet them later,” sabi ni Knight kay Leigh. Leigh hinted excitement in his voice. She could see him beaming and Knight looked more gorgeous than ever.

“Wala akong alam sa painting. Ano bang klase ang mga ipinipinta mo?” curious na tanong ni Leigh kay Knight.

Hinawakan ni Knight ang isang kamay niya na para bang normal na nila iyong ginagawa. And surprisingly, it really felt like they have been doing it for years, like it was a natural thing to do. Iginiya siya ni Knight pakaliwa sa entrance.

“Katulad ng sabi mo sa poetry mo, puchu-puchu lang.”

“Puchu-puchu lang? Ang alam ko, mahal ang mga painting materials. Hindi ako naniniwalang puchu-puchu lang ‘yon dahil pinag-aaksayahan mo ‘yon ng oras, panahon at pera. Unlike my rhyming words. Isa pa, sa nakikita ko namang reaksyon mo ngayon, sa tingin ko mahal mo ang art. Kaya kailangan mong ipakita sa’kin ang samples ng paintings mo.”

“Kung gusto mong makita ang paintings ko, kailangan mong sumama sa’kin sa The Haven of Secrets,” tila nanghahamong saad ni Knight.

“The…what?”

“’The Haven of Secrets” ang tawag sa maliit na islang sinasabi ko sa’yong binili namin ng mga kaibigan ko. Iyon ang ipinangalan ni Dwight dahil doon daw kami nagtatago ng aming mga ‘sikreto’. Well, sa family ko, hindi na sikreto na nagpipinta ako. Pero sa ibang tao, oo. Hindi naman sa itinatago ko sa kanila pero sa tingin ko’y wala namang magiging interesado. Painting is boring for other people,” paliwanag ni Knight.

“Bakit ako? Interesado naman ako sa painting mo ah,” aniya rito.

“Ah, interesado ka kasi sa’kin,” nanunuksong sabi nito.

“Hindi ka naman masyadong humble n’yan?” Pilit na kumukunot-noo si Leigh kay Knight pero napapangiti lang siya dahil napakalaki ng ngiti nito sa kanya. Bigla tuloy nag-init ang magkabilang pisngi niya.

Deal with it, Leigh. You’ve sent all your ‘go’ signals on him the first time you’ve met. Ngayon ka pa mahihiya ng ganyan? Besides, inamin mo na na nai-in love ka na sa kanya. You don’t have the right para mag-inarte ng ganyan. You’re as good as a couple now, anang isang bahagi ng isipan ni Leigh.

Couple? Oh my god! Reema’s sure gonna flip when she hears this, aniya sa kanyang sarili. Sigurado siya na tatawagan agad ni Reema ang nanay niya at magsusumbong ito tungkol sa ‘super whirlwind romance’ na nangyari sa kanila ni Knight. Not that they were officially together now. ‘Sus! Iyon naman talaga ang gustong-gusto mo nang mangyari.

“Hindi. Honest lang,” nakangising sabi ni Knight sa kanya saka siya nito kinindatan. Kasabay niyon ang marahang pagpisil nito sa kamay niya. “Come on. You’ll be thrilled to see what’s inside,” pagkuwa’y sabi ni Knight nang tumapat sila sa isang nakabukas na kwarto roon.

Pagpasok nila sa loob ay nakita ni Leigh na hindi masyadong maraming tao ang naroon katulad ng inaasahan niya. Not that she’s underestimating the artist or their line of work. Pero sa tingin niya’y marami sa mga tao sa Pilipinas ang hindi pa aware sa totoong “art” na katulad ng ginagawa ng mga ito. Katulad niya. Kung hindi pa dahil kay Knight ay hindi siya makakapunta sa ganoong exhibit.

Puti ang kabuuang tema ng lugar. Mula sa kinatatayuan nila ay nakita ni Leigh ang mga taong nakapatong sa ilang estante—na parang maliliit na stage. Noon lang niya na-realize na ang mga ito ang ine-exhibit doon dahil sa body paint ng mga ito. She was in awe. Hindi pa siya nakakakita ng ganoong art. Kaya napasinghap siya nang makita ang isang nakahubad na babae sa gitna ng kwarto.

“OMG! Nakahubad ba talaga siya?” pabulong na sabi niya kay Knight.

“No. May skin tone bra and panty siya. But others do it without a bra. Makikita mo naman ang difference eh. Let’s look around,” yaya sa kanya ni Knight pero biglang nakaramdam ng pagkailang si Leigh sa buong lugar. Pakiramdam niya ay hindi siya makakatingin sa mga subjects na naroon dahil mako-conscious siyang tingnan ang hitsura ng mga ito.

Duh. Ang katawan naman talaga nila ang titingnan mo dahil naroon ang art nila, anang isang bahagi ng isipan ni Leigh.

“Dapat sinabi mo sa’kin kanina na body painting pala ang forte ng kaibigan mo. Napaghandaan ko sana. Hindi pa ako nakakakita nang…nang…” hubad na katawan ng ibang tao! Or kahit half-naked man lang.

Knight chuckled. “They’re not really naked, Leigh. But I’m glad you haven’t seen something…you’re not ready to see yet. Okay. Hindi ko ipapakita sa’yo ‘yong male subjects ni Rogue.”

“Okay,” tanging nasambit niya. Wala naman na siyang choice kundi ang samahan si Knight doon. Ayaw niyang maging kill joy dahil alam niyang excited si Knight para sa exhibit na iyon. She’ll just go with the flow.

“You’re so cute,” pagkuwa’y sabi ni Knight. Tila hindi nito napigilan ang sarili at bigla na lang nitong kinurot ng marahan ang isang pisngi ni Leigh.

“Cute lang?” pabirong tanong naman niya rito.

“Maganda ka kaya. May diperensiya ang mata niyang si Knight,” anang isang boses mula sa kung saan.

“I know, Calyx. She’s all things nice,” sabi naman ni Knight na nakatingin sa gilid nila. Sinundan niya ang tingin nito at nakita niya ang isang gwapong lalaki na nakangiti sa kanilang dalawa.

“Hello, pretty lady. I’m—“

“You are not to touch her, Calyx. Ever,” seryosong sabi ni Knight sa lalaki. Bago pa man mahawakan ni Calyx ang isang kamay niya ay hinila na siya ni Knight palayo dito.

Nginisihan lang ni Calyx si Knight saka nag-flying kiss sa kanya na ikinatawa ni Leigh. Nilingon siya ni Knight at napakunot-noo ito nang makitang tumatawa siya. She felt like he marked his territory—that she was already his. Iyon lang ang makakapagpaliwanag sa selos na nababanaag niya sa mga mata nito. Ikinagalak iyon ng puso niya.

“You are so cute,” bulong niya kay Knight bago bumaling kay Calyx. “I’m Leighton.”

“As you’ve heard, I’m Calyx. This possessive man’s friend,” pakilala naman sa kanya ni Calyx saka ito muling bumaling kay Knight. “Don’t worry, man. May girlfriend ako.”

“Yeah. Like that’ll stop you from flirting with mine,” ani Knight.

Mine. Mine. Mine, paulit-ulit na nag-reply sa likod ng isipan ni Leigh. Ibig bang sabihin niyon ‘girlfriend’ na niya ako?

Pero naramdaman niya ang biglang paninigas ni Knight sa tabi niya.

“Okay. See you around, then,” paalam na lang ni Calyx sa kanila.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya kay Knight.

“I’m sorry. Playboy kasi ‘yong si Calyx. Harmless naman ‘yon pero…”

“I know,” umiintinding sabi ni Leigh. Kinikilig siya sa pagiging possessive at seloso ni Knight. Alam niyang hindi dapat ine-encourage ang selos pero dahil kay Calyx ay pakiramdam niya’y nag-level up na sila ni Knight.

“You know?” kunot-noong tanong ni Knight sa kanya.

Tinanguan niya ito. “Yeah. I know what you’re trying to say.” Pagkuwa’y tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata.

He doesn’t want her to be with any other man than him. It’s true. What the lips couldn’t say, the eyes could.

“THIS IS so cool!” bulalas ni Leigh kay Knight.

Kasalukuyan silang nasa Midnight ngayon at sumasayaw na saliw ng upbeat music kahit na ang ginagawa lang nila ni Knight ay tumalon-talon at mag-sway-sway. Pasado alas-dose na ng gabi. Nag-text na lang siya kay Reema na late siyang makakauwi at huwag na itong maghintay para sa kanya. Sigurado kasi siyang mauuuna itong umuwi sa kanya kahit na pang-gabi ang shift nito sa trabaho. Sigurado siyang sesermonan siya nito kapag nagpang-abot sila mamayang umaga pero hindi muna niya inintindi iyon ngayon.

Bahala na si Batman mamaya.

Just as Knight had said, Jin would turn Midnight upside-down—and he did. Isa palang propesyunal na DJ si Jin at ginagawa nitong club ang café na iyon pagsapit ng alas dose. Midnight turned into something that looked like a house party. Kaya pala maraming estudyanteng mahilig mag-party ang palaging nakatambay doon. At naki-isa sina Leigh at Knight sa party na iyon pagkaling nila sa art exhibit. Kaya pala malaki ang espasyo sa gitna ng Midnight na walang mga nakalagay na tables o sofa dahil iyon ang nagsisilbing dance floor ng club pagsapit ng alas-dose. Ang mga ilaw na tila bituin sa langit—na siyang café version—ay naging disco lights ng buong lugar dahil nag-iiba-ibang kulay pala ang mga iyon.

Mayroong resident bartender din ang Midnight—si Key na pinsan ng best friend ni Jin na si Daye. Wala na roon si Uncle M dahil oras na daw ng pagtulog nito. Naitanong niya kay Jin kung paano nakakatulog si Uncle M sa ingay na ginagawa nila sa baba at sinabi nitong sound proof daw ang café na iyon na hindi agad niya napansin noong una. Makapal pala kasi ang glass windows ng café.

“You know what, I’ve never been this all out crazy with anyone,” pasigaw na sabi niya kay Knight.

Hindi pa siya nakakapag-party at club ng ganito kahit na kasama niya si Raoul o si Reema. Ang tanging party na pinupuntahan niya ay cocktail parties at birthday parties. Nothing as wild and crazy as this. Hindi siya nababahala kahit na maaga siya dapat sa kanilang opisina bukas o kung ilang oras na lang ang magiging tulog niya mamaya. Kaya niya nasabi iyon kay Knight. Ang mga bagay na ginagawa nila ni Knight ay mga bagay na hindi pa niya nagagawa noon.

“I’m glad to be your many firsts,” nakangiting sabi ni Knight sa kanya.

He pulled her against him—almost hugging her—as they swayed their bodies slowly to the upbeat music in the air. Suddenly, it felt like the music slowed down a bit to rhyme with their heartbeats. Mukha siguro silang timang ng mga oras na iyon dahil upbeat ang musika sa paligid pero nag-i-slow dance sila pero wala na siyang pakialam. Tila nagkaroon sila ng sariling mundo ni Knight ng mga oras na iyon. Just looking straight into his eyes already meant a world to her.

Then she realized, she was willing to forget everything and act crazy with Knight because she know he’s worth it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.