JUST WHEN I thought everything’s turning out the way it should be, surprises came and it confused me. Sometimes, it’s better not to know something. Para hindi na maging complicated ang mga bagay. Pero na-realize kong kailangang dumating ang isang ‘test’ para subukan ka.
---
“SO, NANIWALA ka naman agad? Paano kung bino-bola ka lang pala niya para mai-kama?”
Napasimangot si Leigh dahil sa tinuran ng pinsang si Reema. Naputol tuloy ang kilig at excitement na nararamdaman niya habang nagku-kwento dito tungkol kay Knight. Practical romantic si Reema. Ibig sabihin ay mas sinusunod nito ang isipan kaysa puso at okay lang dito kung hindi ito makakapag-asawa pero may parte rin naman dito na naghahangad na mahanap nito ang tunay na pag-ibig. Minsan nga lang ay nagtutunog bitter sa pag-ibig si Reema.
Inaasahan na niya ang ganitong usapan kay Reema kaya hindi na siya nagulat. Pero mood-killer talaga ito. Kung iyon ang gusto sa kanya ni Knight, disinsana’y nai-kama na siya nito kagabi pa lang. Pero hindi niya nararamdaman na iyon ang gusto sa kanya ni Knight. He’s not like any other guy. He was different. Alam niyang nirerespeto siya nito.
“Okay lang din naman. He’s sexy and hot,” pabirong sabi ni Leigh. Pinandilatan siya ng mata ni Reema dahil doon. Nagsimula na siyang magligpit ng pinagkainan nila ng umagang iyon.
“Isusumbong kita kay Tita Nely!” pagbabanta ni Reema.
“Tse! Alam mo, dream killer ka. Ngayon lang ako mai-in love ‘no.”
“Iyon na nga eh. Ngayon ka lang mai-in love kaya paano mo nalamang in love ka na eh, kakikilala mo lang do’n sa tao at first date n’yo pa lang. Ni hindi mo pa nga nate-test kung totoo ba ang sinasabi niya.”
“Ano’ng gusto mong gawin ko? Paimbestigahan siya para mapatunayan kong totoo ang lahat ng sinabi niya? Hindi po speed dating ang nangyari sa’min na kailangang alam namin ang buong profile ng ka-date namin. Basta lahat ng nangyari ay spontaineity on both our sides at mas gusto ko ‘yon ‘no,” paliwanag ni Leigh.
“Hindi nga kayo sumali sa speed dating pero parang gano’n na rin ang nangyari. Okay. Let’s test him. ‘Wag kang makipag-text, makipag-usap at makipagkita sa kanya sa loob ng isang linggo. Tingnan natin kung magiging interesado pa rin siya sa’yo. Maganda ka, alam ko. Pero mukha kang masyadong sweet at easy. Malay natin na ‘yon pala ang dahilan kaya ka niya nilapitan,” ani Reema.
“Aray ha! Alam mong kahit na matagal ko nang hinihiling ang tunay na pag-ibig, hindi ako atat at desperada na mahanap ‘yon. Naniniwala ako na darating ang tamang pag-ibig sa tamang panahon na ibinigay Niya. At feeling ko, ngayon na ang tamang panahon na ‘yon at si Knight na ang ibinigay Niya sa’kin.”
“Fine. Pero okay lang naman na mag-check, ‘di ba? Parang package delivery lang ‘yan. Kailangan mong i-check kung walang damage at para sa’yo talaga ang package,” sabi naman ni Reema.
Nagpakawala si Leigh ng isang buntong-hininga. May punto si Reema. Dahil kahit siya ay hindi pa rin sigurado sa nararamdaman niya. Iniisip niyang in love na siya kay Knight pero maaari rin namang nao-overwhelm lang siya sa nararamdaman niyang kilig para dito. At naiintindihan niya ring marami sa mga lalaki ngayon ang hindi marunong maghintay. This will be a test for the both of them. Pero makakaya ba niyang hindi makipag-ugnayan kay Knight sa loob ng isang linggo?
“Masyado naman yatang matagal ang isang linggo. Bakit hindi na lang natin gawing tatlong araw? Siguro naman sapat na iyon para sa test na ‘to,” ani Leigh sa pinsan.
“Okay. Alam mo, sana siya na talaga ang para sa’yo. Ayaw kitang makitang ma-frustrate at masaktan. Pero ilaglag ka man niya o hindi, nand’yan pa naman si Raoul para sa’yo,” sabi naman ni Reema. Siya naman ang nandilat ng mata dito.
Noon pa siya nito tinutukso kay Raoul pero hindi niya pinapatulan ang mga panunukso nito dahil ayaw niyang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila ni Raoul. Isa pa’y sigurado siyang walang kahit na anong romantikong nararamdaman para sa kanya si Raoul. Hanggang kaibigan, boss at kapatid lang ang turingan nilang dalawa. At dapat nang tigilan ni Reema ang pagbibigay-malisya sa pagkakaibigan nilang dalawa.
“Alam mo, sa kakaasar mo sa’ming dalawa, ikaw rin ang mai-in love sa kanya. Ha!” balik niya sa asar nito. Actually, ngayon lang pumasok sa isipan ni Leigh ang bagay na iyon. Pero kung sakali ay susuportahan niya ang love team ng dalawa.
“Okay lang. Jackpot ako kay Raoul kung saka-sakali,” sabi naman nito.
“Gusto mong i-set ko kayo ng date? ‘Swerte mo dahil pinsan mo ako. Iuuna kita sa listahan ng dates niya.”
“Ay, bawal ko nga palang i-date ang boss ko,” pagkuwa’y sabi nito.
“Boss ko rin naman siya pero bakit mo ako inaasar sa kanya?”
“Bagay kasi kayo.”
“At bakit? Kayo ay hindi? ‘Wag ka ngang nega!” sabi ni Leigh sa pinsan na katulad din ng sinabi niya kay Raoul noon.
“Basta. Gawin mo ang test na ‘yon ha. Matutulog na ulit ako. At ikaw ay pumasok na,” sabi ni Reema sa kanya. Saktong pagtayo nito mula sa kinauupuan ay tumunog ang cell phone niyang nakapatong sa dining table nila. Tiningnan ni Reema kung sino ang tumatawag. “Si Knight.”
Dadamputin sana niya ang cell phone pero naalala niya ang test na ipinapagawa nito. “Ang hard mo, pinsan.”
Please, Knight. Three days lang naman. Sana makapaghintay ka.
“LEIGH, STOP what you’re playing!”
Nagulat si Leigh dahil sa biglang pagdagundong ng boses ni Raoul sa opisina nila. Silang dalawa lang ang tao doon kaya dalawa lang silang nag-a-absorb ng lakas ng sigaw nito. Bigla tuloy siyang nabuhayan ng loob dahil buong araw na siyang malungkot.
Pesteng test kasi ni Reema.
Nag-focus siya kay Raoul. “Hindi ako naglalaro. Inaayos ko ang mga reports na kailangan mong basahin,” sabi ni Leigh dito. Nang wala itong naging ibang ekspresyon ay alam niyang bad trip ito. Ngunit bakit? Ano ang nagawa niyang mali?
“Alam mo bang tadtad na ng texts ni Knight ang inbox ko? Hindi ko sinagot ang tawag niya isang beses at ito ang nangyari,” inis na sabi ni Raoul saka nito ipinakita ang unread text messages na mula kay Knight sa cell phone nito. Napangiwi siya nang makita iyon. “Hindi kami textmates dati kaya alam kong may kinalaman ito sa’yo.”
“Tawagan mo. Sabihin mong busy ako at hindi ako dapat na maistorbo ngayon,” sabi niya.
“No. Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo ng diretso. Ano bang nangyayari sa’yo?”
“I’m testing him. Kung hahanapin pa rin niya ako pagkatapos ng ilang araw, ibig sabihin ay seryoso talaga siya sa’kin. Kapag hindi, ibig sabihin ay—“
“That’s not you, Leigh. I hear Reema talking. Love is a game of lies and truth, of choices and consequences, and of the heart and mind. Most of all, it’s a quest of bravery. Complications will always be there. It’s for you to decide whether you’ll continue and hold on or give up and let go. In love, no one ends up losing, because the one who gives up will earn courage to fight for the real one and the one who holds on will have what they deserve.”
“Isa lang naman ang dapat mong matutuhan dito—trust yourself. Because at the end of the day, sarili mo lang ang magiging kakampi, karamay at siyang makakaintindi sa’yo. Dahil darating ang panahon na lahat ay makakalaban mo sa isang bagay na pinaniniwalaan mo. Kaya hindi ako o si Reema o ang nanay mo at kahit si Knight ang maaaring makapagdesisyon para sa’yo. ‘Wag mong iasa lagi sa fate o destiny at sa mga bituin sa langit ang lahat. It’s always gonna be your choice, your way and your life, Leigh. No one can tell you what to do with it. Kaya kung gusto mo si Knight, go for him.”
Namangha si Leigh sa lahat ng sinabi ni Raoul. Pumasok sa isipan niya ang mga sinabi nito. Pero nagulat siya na marinig ang lahat ng iyon mula kay Raoul.
“Ikaw pa ba si Raoul Maxwell na control freak at masungit na kilala ko? Saan nanggaling ang lahat ng sinabi mo? At paano mo naman nasabi ang lahat ng ‘yon gayong hindi ka pa nai-in love? May hindi ka ba sinasabi sa’kin?” kastigo ni Leigh sa kaibigan.
“Just do what you want. ‘Wag kang magpaimpluwensiya sa iba. ‘Yong sinabi ko sa’yo, opinion ko lang ‘yon. Nasa sa’yo pa rin kung maniniwala ka,” sagot nito na hindi sinagot ang tanong niya. Nagkaroon tuloy siya ng hinala na may itinatago ito sa kanya.
“Na-in love ka na ba, Raoul?” seryosong tanong niya rito saka hinuli ang mga mata nito. Nang hindi ito tumitingin sa kanya ng diretso ay lumapit siya rito at hinawakan ang baba nito para makatingin ito sa kanya ng diretso.
“Fine, fine. Yes. Na-in love na ako. Once,” naaburidong sagot nito.
“Talaga? Kanino? Bakit hindi mo sinabi sa’kin? Are you still in love with her right now?” excited na tanong niya rito. Pero nagtataka siya kung bakit hindi nito sinabi ang tungkol doon sa kanya.
“I still love her and I’ll always will but I’m giving her up. In love na kasi siya sa ibang lalaki at mukhang masaya siya. Ayoko namang makasagabal sa kaligayahan niya. Sometimes, you have to sacrifice your own happiness for someone else’s. Lalo na kung mahalaga sa’yo ang taong ‘yon,” paliwanag ni Raoul.
“Wow! Ang deep no’n. Hindi ko masisid,” pabirong sabi niya rito. “So, sino ang babaeng ‘yon?”
“’Wag mo nang alamin. Sasabihin ko sa’yo kapag naka-move on na ako,” sabi naman nito sa kanya.
“Malay mo hindi pa pala huli ang lahat ‘tapos nag-give up ka agad. What if, mas magiging masaya sa’yo ang babaeng ‘yon? Come on. Tutulungan kita sa kanya,” sabi niya rito. Pero inilingan lang siya nito.
“’Wag mo na akong intindihin. Just be happy.”
“Ang sama ko namang friend kung puro sarili ko lang ang iisipin ko. Siyempre, gusto rin kitang makitang maging masaya. Dali! Tutulong ako sa’yo,” giit niya rito.
“You can’t help me,” seryosong sabi ni Raoul. But then, lagi naman itong seryoso at hindi iyon nakakapigil sa kanya para kulitin ito.
“I can. Para saan pa at naging sekretarya mo ako?”
“Because you’re that girl,” anitong tila nagulat din sa sinabi. Then, he muttered a few expletives.
Bigla ay pakiramdam niya’y bumagal pero lumakas ang tibok ng puso niya. Higit pa sa gulat ang naramdaman niya sa naging rebelasyong iyon ni Raoul. Hindi ito nagbibiro at kung nagbibiro man ito ay hindi iyon palaging effective. Nang tumingin siya ng diretso sa mga mata nito’y alam niyang seryoso ito sa sinabi.
Hindi pala ang “test” na naisip ni Reema ang magiging malaking test para sa kanya kundi ito. Gusto niya si Knight at nararamdaman niyang nai-in love na siya rito. Pero ayaw naman niyang makitang nasasaktan si Raoul dahil kaibigan niya ito at mahal niya ito. Mahalaga sa kanya si Raoul. Marami na itong nagawa para sa kanya at sa pamilya niya. Kaya pakiramdam niya ay biglang nagulo ang sistema niya.
Why did I even ask?
“Bakit…Bakit ngayon mo lang sinabi?” nagawang itanong ni Leigh kay Raoul. Kaya ba ito istrikto at overprotective sa kanya noon mula sa mga lalaki? Bakit ngayon lang nito sinabi?
Kung nalaman mo ba noon, tatanggapin mo ang pag-ibig niya? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.
Sa tingin niya ay ganito rin ang magiging reaksyon niya kahit kailan man mangyari ang pag-amin ni Raoul. But she has the right to know. Hindi man niya matatanggap ang pagmamahal nito ay hindi naman niya iyon mabababale-wala dahil alam niya ang nararamdaman nito para sa kanya.
Sometimes, it’s better not to know some things. Para hindi maging complicated ang mga bagay-bagay, sabi pa ng isang bahagi ng isipan niya.
“Ayokong mahalin mo ako dahil kaibigan mo ako. Alam kong magugulo ang damdamin mo sakaling malaman mo ang tungkol dito at ayokong mahalin mo ako dahil sa pagkakaibigan natin. Ayokong mahalin mo ako dahil tinutulungan kita o dahil sa awa at guilt na maaari mong maramdaman. I don’t want your petty love. I wanted you to love me for me,” paliwanag ni Raoul.
“At ‘yon ang dahilan kung bakit mo ako isinuko? How can you talk about bravery when you’re not even brave enough to tell me how you feel?” sabi niya rito.
“I’m brave enough to accept defeat and pain.”
“Pero hindi ka man lang lumaban. Paano mo ako nagawang isuko kung hindi ka naman lumaban?”
Hindi alam ni Leigh kung saan nanggaling ang inis na bigla niyang naramdaman kay Raoul ngayon. Kung kanina ay hanga siya sa mga binitiwan nitong salita, ngayon ay hindi na. Naiinis siya na matagal na silang magkasama pero wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman nito. Naiinis siya—iba pa sa guilt na nararamdaman niya—na hinayaan siya nitong saktan ito ng hindi sinasadya.
“Bakit ka pumayag na makipag-date ako kay Knight kung may nararamdaman ka pala para sa’kin?”
“I’ve never seen you that happy when you met Knight. The skies aren’t the only one bright with stars that night, also your eyes. At alam kong dahil kay Knight ‘yon, dahil alam kong siya lang ang tanging lalaking nagpatibok ng puso mo. You never looked at me that way. Kahit na pinapasaya kita sa paraang alam ko. I’ve been with you all your life and you didn’t even feel a single thing for me except friendship. Here comes a guy who’s a total stranger to you and yet you instantly felt something big for him. How can I compete with that?”