ALAM MO ‘yong pakiramdam na parang ‘you and me against the world’? Parang iyon ang naging drama namin ni Knight. Walang problema sa unang pagkikita namin. Actually, everything is going smoothly between us, then. Maliit na komplikasyon lang pala ‘yong issue kay Raoul na ipinagpapasalamat ko. Pero may panibagong problema pala na darating, and this time, malaki na siya. An invisible one. Mahirap labanan dahil hindi ko alam kung ano. Lalo na’t ang nanay ko mismo ang sentro niyon.
---
“LEIGH, KAILAN pa kayo magkakilala ni Knight?” tanong kay Leigh ni Sunshine Maxwell—ang ina ni Raoul—nang lumapit ito sa kanya. Tapos na silang kumain lahat at nanonood sila ng mga batang naglalaro. Kasali doon si Knight ngayon.
“Ah, bagong magkakilala lang po kaming dalawa. Sa Camp Speed po kami unang nagkita,” sagot ni Leigh dito.
“Ah, nagsisimula pa lang pala kayo. Ibig sabihin ay hindi mo pa nakikilala ang mga magulang niya, ano?” pagkuwa’y sabi ng ginang.
Hindi niya alam kung bakit iba ang dating sa kanya ng sinabi nito. At nagtataka rin siya kung bakit tila naging mausisa ito bigla. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya rito. Pala-ngiti si Tita Sunny na siyang tawag niya rito at malapit din sila sa isa’t isa dahil itinuturing siya nitong anak. Wala kasi itong anak na babae kaya giliw na giliw ito sa kanya. Malapit din ito sa nanay niya kahit na malayo ang estado sa buhay ng mga ito. Ni hindi nga ito nagpapatawag ng “Ma’am” sa kanila at ganoon din ang asawa nito at labis ang pagtulong nito sa pamilya nila.
Ipinagkibit-balikat na lang niya ang mga naiisip dahil baka gusto lang talagang mangumusta ni Tita Sunny.
“Hindi pa po. Hindi pa naman po kasi kami,” nakangiting sagot niya rito.
“I see. Leigh, ayoko sanang manghimasok sa love life mo pero…hindi para sa’yo si Knight. Hindi katulad namin ang pamilya nila lalo na ang ina niyang si Agatha—”
“Mom!”
Sabay napatingin si Leigh at ang kanyang Tita Sunny sa sumigaw na si Raoul. Pero mas binigyang-pansin niya ang sinabi ni Tita Sunny. Bakit nasabi nitong hindi para sa kanya si Knight? Dahil ba mayaman si Knight at mahirap siya? Dahil ba sa tingin nito’y hindi siya magugustuhan ng pamilya ni Knight?
“What are you doing?” tanong ni Raoul sa ina nito. Ngunit hindi ito sinagot ng ina.
“Nag-aalala lang ako para sa’yo,” masuyong sabi ng Tita Sunny niya bago siya nito layuan. Nilapitan naman niya si Raoul nang makaalis ito.
“Alam mo, nararamdaman ko na ‘yong mga sinabi mo sa’kin noon. Am I brave enough?” sabi ni Leigh kay Raoul.
“Are you?” balik tanong nito sa kanya.
Nginisihan niya ito. “I believe I am. Hindi naman ang mama ni Knight ang mamahalin ko, ‘di ba?” sabi ni Leigh. Having said that, bigla siyang nagbigay ng apologetic look kay Raoul. “I love you, you know. Pero—“
“Oo na. Matagal ko nang alam ‘yan. Can we just forget about it and move on? Please?” ani Raoul.
“Thank you,” nakangiting sabi niya rito.
She believed no words could describe how thankful she was for having Raoul as a friend. Wala siyang ibang kaibigan na kasing-pasensyoso ni Raoul, kasing-thoughtful at kasing-mapag-alaga katulad nito. Isa rin siguro sa rason kung bakit hindi niya ito magawang tingnan ng higit pa sa isang kaibigan ay dahil ayaw niyang magbago ang turingan nila sa isa’t isa. Walang makakapalit kay Raoul bilang pinakamatalik niyang kaibigan. He would always be the constant man in her life.
“Siguro naman hindi mo na ulit te-testing-in si Knight? Nakapasa na siya sa test mo,” pag-iiba ni Raoul nang usapan.
Tumingin sila kay Knight na kasalukuyang nakikipaglaro sa mga bata ngayon. Napangiti siya. Knight would be a good father. Nakikita na niya itong nakikipaglaro sa mga anak nila.
Wait. ‘Nila’? Gano’n ka ka-sigurado na magiging kayo nga sa huli?
Siyempre, ‘yon ang wish ko, ani Leigh sa sarili.
“He’s a good guy, Leigh. I wouldn’t let him near you if he isn’t. Whatever comes your way, fight for him because I know he’s going to fight for you. He wouldn’t pursue you if he’s not willing to fight for you,” sabi ni Raoul.
“Okay. Sa tono ng pananalita n’yo ng mommy mo, naiintriga na talaga ako sa mama niya. Nakita ko na ang pictures ng mga kapamilya niya sa internet. Mukha ngang mataray ‘yong mama niya, pero siguro naman kakayanin ko siyang mapaamo, ‘di ba?” aniya.
“Oo naman. Basta bawasan mo lang ang kadaldalan mo. So, in love ka na talaga kay Knight?” ani Raoul.
“Selos ka?” pabirong tanong niya rito. Salubong ang mga kilay nito ng tumingin sa kanya na ikinatawa lang niya. “Joke lang. Yeah, I think I am. I’ve never imagined my future with any other guy but him. Parang pagdating sa kanya napakadali ng lahat ng bagay. From the night we first met hanggang ngayon kahit na may konting complications. I’m sure he’s ‘the one’. Pero naiintindihan ko rin namang hindi magiging madali ang lahat para sa’min.”
“Basta alam mong nandito lang ako lagi para sa’yo,” masuyong sabi ni Raoul.
“I know. Kaya nga mahalaga ka sa buhay ko,” nakangiting sabi niya rito.
“Leigh, sali tayo sa next game!” biglang singit sa kanila ni Knight. “Excuse us,” baling nito kay Raoul saka siya hinila patungo sa gitna ng play area nila doon kung saan idinaraos ang mga palaro.
“Ano bang next game?” tanong niya.
“I don’t know,” sagot ni Knight. Napangisi siya nang makita ang hitsura nito. Hindi kasi ito nakangiti at tila bad mood pa.
“Ano’ng problema mo?” pasimpleng tanong niya rito.
“Wala,” anito. Pagkuwa’y mataman siya nitong tiningnan. “I think Raoul likes you.”
Muntikan na siyang matawa sa sinabi nito. Sinasabi na nga ba niya at nagseselos ito kay Raoul. “He loves me,” ani Leigh.
“I love you too,” biglang sabi ni Knight. Napaawang ng bahagya ang kanyang mga labi dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung nasabi lang nito iyon dahil sa selos pero walang kapantay na kilig pa rin ang naramdaman niya.
“Hmmm.”
“’Hmmm’ lang?” frustrated na sabi ni Knight.
“Hmmm, hmmm.”
“You know, I liked you when I first saw you. I fell in love with you on our first date. I’ve been genuinely in love with you on the second, insanely in love with you on the next couple of days, and deeply falling in love with you right now. Hindi ko na alam kung gaano pa katindi ang mga susunod kong mararamdaman sa’yo pero handa na ako,” sabi ni Knight.
“You really know how to use your words right, huh? May sagot din ako sa lahat ng sinabi mo, kaso nasa Midnight eh,” sabi ni Leigh dito.
“Then, I’d better go and find out.”
“Hep! Hindi pa tapos ang game. Yayain mo ‘ko dito ‘tapos bigla ka na lang aalis,” aniya.
“Okay. Pang-adults ang susunod nating laro kaya mga bata, tabi muna kayo d’yan. Hindi ko alam kung ano’ng tawag sa larong ito kaya ide-demo na lang ng committee. Pero bago namin i-demo ang laro, pumunta muna sa gitna ang lahat ng sasali. Kahit limang pares lang. Walang atrasan kapag nasa gitna na kayo ha. Bago ‘to kaya nakaka-excite. Hindi kayo magsisisi kapag sumali kayo,” sabi ng pinsan niyang si Jellie gamit ang mikropono. Hindi alam ni Leigh na may committee na pala ng palaro nila ngayon pero naiintriga na siya kung ano ang larong iyon.
“Sasali kami ni Knight!” sigaw ni Leigh. Nakita ni Leigh na sasali din ang mga pinsan niyang dalaga at binata at ang mga tiyahin at tiyuhin niya.
“Ano’ng premyo dito, Jellie?” tanong ng Tita Alice niya.
“Intense na kaligayahan, tita,” sagot ni Jellie. Naghiyawan ang mga taong naroon.
Pagkuwa’y ipinakilala nito ang committee na magiging judge daw ng larong iyon. Kasama si Reema sa mga iyon. Tinawag ni Jellie ang asawa nitong si Harold para maka-partner nito sa pagde-demo. Nanlaki ang mga mata niya ng paghubarin ni Jellie ng pang-itaas si Harold pagkatapos ay binuhusan ito ng tubig ni Reema na halatang ikinagulat ni Harold. Napanganga siya ng kumuha ng isang tissue si Jellie at inilagay nito iyon sa bibig nito. Iyon ang ginamit nitong pangtuyo sa katawan ni Harold.
“Oh my god!” sigaw niya. Naghiyawan din naman ang mga taong naroon. Ayos iyon para sa mga tiyahin at tiyuhin niyang mag-asawa at sa mga pinsan niya pero hindi sa kanila ni Knight. Kinakabahan siya. Bigla siyang napatingin kay Knight na tila gustong-gusto ang larong iyon.
Shet! Sino’ng nakaisip ng larong ito? Bakit ba ako may mga luka-lukang pinsan? At bakit ba sumali pa kami?
“Ah, your cousins love me,” nakangising sabi ni Knight.
“Sa next game na lang tayo sumali? Mababasa ka. Wala kang pamalit na damit,” katwiran niya rito.
“May spare shirt ako sa kotse,” sabi naman ni Knight.
“I can’t do that!” sabi niya rito.
“O, sige. Gusto mong ikaw ang mabasa?” ani Knight. Napasimangot si Leigh dito dahil sa sinabi nito. Pabor dito pareho. Kinakabahan talaga siya.
“Sino’ng nakaisip n’yan, ha?” sigaw niya sa mga pinsan.
“Ako. We’re here to have fun. Malay ko ba na sasali kayo,” painosenteng sabi ni Reema. Pinandilatan niya ito ng mata pero nginisihan lang siya nito.
“Upper body lang naman ang kailangang tuyuin, Leigh. Minus the hair. Kayang-kaya mo ‘yon. Okay lang ‘yan kay Tita Nely kung ‘yon ang inaalala mo. Open-minded ‘yan. At saka, mukhang boto naman si tita kay Knight,” sabi sa kanya ni Jellie.
Napatingin siya sa nanay niya. Nakangiti naman ito sa kanila ni Knight kaya medyo napanatag siya. Baka kasi mamaya ay atakihin ito sa puso kapag nakita nitong tinutuyo niya—gamit ang kanyang bibig—ang katawan ni Knight.
That scene was just so hot.
“Participants, get ready! Mahigpit ang ating mga judges kaya pagbutihan n’yo ang pagtuyo, okay? Tandaan, paunahan sa pagtuyo,” anunsyo ni Jellie gamit ang mic saka ito bumungisngis.
Pinaghiwa-hiwalay ang mga magkakapares para mabigyan ng distansya ang mga ito para magawa ng maayos ang mechanics ng game. Lumapit kina Leigh at Knight si Baching na may dalang isang tabo ng tubig at isang box ng tissue. Saka naman naghubad ng pang-itaas si Knight na tila naging slow motion pa para kay Leigh.
Flat. Abs. Wow, iyon lang ang naisip ni Leigh ng bumungad sa kanya ang hubad na katawan ni Knight. His torso was well-toned she couldn’t honestly believe it. Alam niyang maganda ang katawan ni Knight pero hindi niya akalaing ganoon iyon kaganda. Ang tanging lalaki na kilala niyang may ganoon kagandang katawan ay si Raoul. Pero magkasing-gwapo nga pala ang dalawa kaya dapat ay hindi na niya pagtakhang magkasing-katawan din ang mga ito.
“Laway mo, ‘te. Malapit nang tumulo,” narinig niyang sabi ni Baching sa kanya. Noon na-realize ni Leigh na nakanganga pala siya. She touched her mouth to check if she’s really in the verge of drooling. Pero niloloko lang pala siya ni Baching.
“’Buti na lang hindi pagandahan ng katawan ang labanan. Kung hindi, talo agad kami kay Knight,” sabi ng Tito Aldrin niya na ama ni Reema.
“Are you ready?” tanong sa kanya ni Knight. Mukhang nae-enjoy na naman nito ang pagkakatanga niya rito. At halatang excited na excited ito.
“Buhusan na ang mga lalaking ‘yan! Get ready to dry them up, girls,” ani Jellie.
Kinailangan pang yumuko ni Knight para mabuhusan ito ng tubig ni Baching. Agad naman siyang naghanda ng isang tissue sa kanyang bibig. Nang matapos ang countdown ni Jellie bago magsimula ang laro ay pumwesto na siya sa harapan ni Knight. Uunahin niyang tuyuin ang parte sa may baywang nito pataas.
“Sigurado ka ba na gusto mong d’yan magsimula? It’s better to start up para hindi na tumulo pa ‘yong mga tubig pababa. Mahihirapan ka lang,” suhestyon ni Knight. Kaya naman nagbago siya ng istratehiya.
Muling naglagay ng tissue sa kanyang bibig si Leigh. Hinawakan niya sa balikat si Knight at pinilit itong bumaba para pumantay sa mukha niya ang mukha nito. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito para ma-steady ito at hindi siya mahirapan. Tinuypo niya ang noo nito pababa sa ilong nito. Nang maramdaman niyang basing-basa na ang tissue na gamit niya ay muli siyang kumuha ng panibago sa box na hawak ni Baching. Ang magkabilang pisngi naman ni Knight ang tinuyo ni Leigh hanggang sa bumaba ng bumaba ang mga labi niya.
Help me, God. Ang hirap po ng larong ito. Parang mas madali pa ang mag-soccer kaysa dito.
Maliban kasi sa hiyawan, panunukso at kantiyaw ng mga manonood sa kanila ay nadi-distract din si Leigh sa panaka-nakang pag-ungol ni Knight. Katulad na lang ng paglapat ng mga labi niya—kahit na may tapal iyong tissue—sa leeg ni Knight at lalo na nang dumako ang pagtuyo niya sa dibdib nito. Para tuloy gusto na rin niyang magpabuhos ng malamig na tubig kay Baching dahil init na init na siya.
Kaya lumipat muna ng pagtuyo si Leigh sa likuran ni Knight. Mas mabilis niyang natuyo ang likod nito. Saka siya bumalik sa harapan ni Knight at tinuyo ang parteng may tiyan nito pababa. Pero wala naman nang masyadong tubig doon. Iba ang naramdaman niya habang nakalapat ang bibig niya—na may tissue—sa mga abs ni Knight, ang init ng katawan nito.
“Babe, aren’t you done yet?” tila hirap na hirap na tanong ni Knight.
Tinapos muna ni Leigh ang pagtuyo sa katawan ni Knight saka niya dinama ang katawan nito para masigurong tuyo na nga iyon bago sana niya sagutin si Knight. Nagulat siya ng maramdamang gumalaw ang muscles ni Knight sa dibdib. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila ni Knight pasandig dito.
“This is the most difficult game ever. It’s pure torture,” pabulong na sabi sa kanya ni Knight. “And you know what, may nakalimutan ka pang tuyuin.”
“H-ha? Alin pa?” nauutal na tanong ni Leigh.
Para sa kanya ay napaka-intense ng eksenang iyon lalo na’t magkalapat ang mga katawan nila ni Knight. Hindi nakatulong ang damit na suot niya para hindi niya maramdaman ang init ng katawan nito na nagbuhay sa kakaibang init na galing din sa kanya. She feels like she’s going to explode any time now.
“My lips. Niligtaan mo kanina. Unfair ka naman sa lips ko. Hindi ko ‘yon matatanggap,” ani Knight. His voice low and she could see raw desire in his eyes. Alam niyang nanunukso “But let me help you.”
Napakunot siya at napaisip kung ano ang maaari nitong itulong sa kanya. Pero nagkaroon na siya ng hint nang maglagay ito ng isang pirasong tissue sa kanyang bibig at walang anu-anong inilapat doon ang bibig nito. May pakiramdam na siyang iyon ang gagawin nito pero nagulat pa rin siya. His mouth feels warm over hers. Kahit na may nakapagitang tissue sa kanilang mga labi—na sa tingin niya’y hindi rin naman naging hadlang para ‘mahalikan’ siya nito.
A tissue kiss! It was a simple and indirect kiss but it meant more than that for her. Knight never failed on letting her feel different feelings and emotions. It wasn’t just him and his lines. It’s his heart.
Ah, I love this man.