MONDEMAR CLAN SERIES 2 Chapter 25

Hindi fan ng salitang forever si Fabio. Naniniwala kasi siya na hindi naman lahat ng tao sa mundo ay may kakayahan na makahanap ng ka-forever. Kaya nakontento na lang siya sa one night stand at nangako sa sarili na hindi papasok sa seryosong relasyon. Pero nagbago ang paniniwala niya sa forever ng makilala niya si Vanessa. Sa lahat ng babaeng nakilala niya ay si Vanessa lang ang nagpahirap sa kaniya. Ang masaklap pa ay hindi niya ito madala sa kama dahil parang hindi naman ito apektado sa karisma niya.

Ah, hindi siya papayag! Hindi pwedeng may isang babae ang tumanggi sa kaniya. Ginawa ni Fabio ang lahat para lang makuha si Vanessa. Nagawa pa niya itong ligawan kahit wala naman iyon bokabularyo niya.

Noong una ay aminado siya na sex lang ang habol niya kay Vanessa. Pero nagbago ang isip niya nang makilala niya ang totoong ito. Hindi na lang pala ang katawan nito ang gusto niyang makuha dahil kahit siguro ang buhay niya ay itataya niya para lang ibigay nito sa kaniya ang puso nito.

Pero mukhang mabibigo pa yata siya sa first love. Mauuwi pa yata ito sa first heartbreak dahil planado na pala ni Vanessa ang lahat. Balak pala nitong pahirapan siya at durugin ang puso niya.

Sa unang pagkakataon ay nasaktan siya ng sobra. May second chance at forever pa nga ba para sa kanilang dalawa ni Vanessa?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.