MONDEMAR CLAN SERIES 2 Chapter 28

Hindi mapigilan ni Vanessa ang pag alpas ng impit na ungol mula sa mga labi niya nang mas lalo pa siyang kabigin ni Fabio palapit sa mainit na katawan nito. Halos mawala na siya sa tamang pag iisip habang patuloy ito sa pag angkin sa mga labi niya. Nakakalasing ang paraan ng paghalik nito sa kaniya. Parang isang masarap na wine ang lasa ng mga labi nito.

Oh god! Napasinghap siya ng mas lalo pang lumalim ang pagsiil nito ng halik sa kaniya. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi na siya nakatanggi pa nang alukin siya ni Fabio na sumakay sa kotse nito. Pumayag naman ito na hindi na siya ihatid pa sa bahay niya. Sa hotel sila nakarating at hindi siya tumutol kahit na nakikita na niya kanina na hindi na ito makapaghintay pa na makuha siya.

Muli siyang napaungol nang isandal ng binata ang likod niya sa dahon ng pinto. Idiniin nito ang sarili sa kaniya dahilan para muling mag init ang buong katawan niya. Hindi siya inosente sa ganoong bagay at aminado siya na hindi siya makalumang klase ng babae. Pero sa klase ng maingat na paghaplos ni Fabio sa balat niya ay daig pa niya ang isang inosenteng babae na kailangan nitong ingatan.

Pareho nilang habol ang paghinga ng pakawalan nito saglit ang mga labi niya. Napalunok siya nang salubungin siya nito ng mainit na tingin. Damn! Unang encounter palang nila ni Fabio at hindi dapat siya makaramdam ng matinding atraksiyon dito. Kung hindi niya mapipigilan ang emosyon ay baka pumalpak lang siya sa plano niya na gantihan ito.

“Oh my god!” napasinghap siya nang bumaba ang mga kamay ng binata sa palda niya at itinaas iyon. Hinubad nito ang suot niyang panty bago muling yumuko at kinagat ang ibabang labi niya. Pakiramdam niya ay tuluyan nang naubos ang lakas niya sa ginawa nito. Awtomatikong pumulupot ang mga braso niya sa batok ni Fabio nang iangat siya nito. Iniyakap nito ang mga braso sa baywang niya habang ang mga binti naman niya ay nakapaikot sa katawan nito.

Nagpaubaya siya ng dalhin siya nito sa isang kwarto. Maingat na inihiga siya nito sa kama at saka ito umibabaw sa kaniya. Binigyan niya ito ng nang aakit na tingin. Iniangat niya ang mga kamay at hinawakan ang laylayan ng polo shirt ni Fabio. Siya na ang mismong naghubad ng damit nito. Isinunod niya ang pants at boxers nito.

Napalunok siya nang tumambad sa kaniya ang perpektong hugis ng mga muscles at abs ng lalaki. Hindi siya nagkamali ng isipin niya na para ngang sa isang modelo ang katawan nito. Dumausdos pababa ang mga palad niya sa malapad na dibdib at matigas na tiyan nito hanggang sa tuluyan na niyang mahawakan ang pagkalalaki nito.

Parehong bumilis ang paghinga nila ni Fabio. Nakita niya ang mga mata nito na parang apoy na nagliliyab habang hinihintay ang sunod niyang gagawin. Ipinaloob niya ang mga palad sa mainit na pagkalalaki nito at sinalubong ito ng tingin.

Damn! Nakakapanginig ng laman ang mga titig ni Fabio. Sa buong buhay niya ay ngayon lang rin siya nakakita ng ganoon kalaking….. jusko! Ganoon na ba siya kasabik sa sex mula nang makipaghiwalay siya sa dating boyfriend kung kaya kung anu-anong kalokohan na ang pumapasok sa isip niya?

Napaigtad siya nang yumukod si Fabio at ibaon ang mukha sa leeg niya. Napaungol siya nang balutin siya ng hindi maipaliwanag na init nang bumaba ang mga labi nito sa dibdib niya. Naramdaman niya ang paghawak nito sa laylayan ng dress niya at ang paghila nito pataas sa tela para mahubad na niya iyon.

Oh my god! Geraldine! Tawagan mo na ako bago pa ako tuluyang bumigay!

Mariing ipinikit niya ang mga mata nang maitaas na ng lalaki ang dress niya hanggang sa bandang tiyan niya. Sakto naman na tumunog ang cellphone niya. Parang warning bell iyon na gumising sa kahibangan niya. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig at malakas na itinulak si Fabio palayo sa kaniya.

“Fuck!” malakas na pagmumura nito nang bumalikwas siya ng bangon. Inayos niya ang suot na dress at dinampot ang pouch na nalaglag kanina sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na binasa niya ang text sa cellphone niya.

Kailangan mo nang umarte Vanessa! gumising ka nga! Daig mo pa ang ngayon lang nakakita ng gwapong lalaki. Saway niya sa sarili.

“I have to go.” Hinihingal na paalam niya kay Fabio.

“What?” bumaha ang matinding frustration sa mukha nito at kahit na wala itong kahit na anong saplot sa katawan ay walang pakialam na tumayo ito at hinarap siya.

“Princess—”

“Naaksidente ang friend ko, kailangan ko siyang puntahan ngayon. And no, huwag mo akong ihahatid.” Pigil niya sa binata ng aktong magsasalita ulit ito. “Hayaan na lang natin na ang tadhana ang magdesisyon kung magkikita pa tayo ulit.”

No. Ako ang mismong magdedesisyon at hindi ko papayagan ang tadhana na makialam sa gagawin ko sa`yo.

Natigilan si Fabio. Wala na itong nagawa pa nang nagmamadaling lumabas na siya ng kwarto at ng mismong hotel suite. Nang makalabas ay isinara niya ang pinto at hinihingal na isinandal ang likod sa dahon niyon. Para siyang sumakay sa isang ferris wheel at sa sobrang bilis nang pag andar niyon ay nahilo siya. Natutop niya ang kaliwang dibdib at ipinikit ang mga mata. Nagawa naman niyang pakalmahin kahit paano ang puso niya at balak na sanang umalis ng bigla siyang may maalala. Naiinis na nasabunutan niya ang sarili nang maalala kung anong gamit ang naiwan niya sa loob.

Nakalimutan niya ang panty niya na hinubad sa kaniya kanina ni Fabio!

Oh shit!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.