Panay ang hikbi ni Allyson habang nakatutok ang mga mata niya sa malaking flatscreen TV. Kahit ilang beses na niyang pinanood ang pelikulang ‘Dahil Mahal Na Mahal Kita’ na pinagbidahan nila Claudine Barretto at Rico Yan ay hindi pa rin nagbabago ang epekto niyon sa kaniya. Umiiyak pa rin siya kapag naroon na sa parte na nag aaway ang mga bida.
Tinuyo niya ng mga palad niya ang mga luha niya na walang tigil sa pagbuhos. Habang nalulunod na siya sa sariling emosyon ay napilitan siyang lumingon sa bandang kaliwa niya nang makarinig siya ng magkakasunod na pagbuntong hininga.
Natigilan siya nang matuklasan na si Jaime na pala ang katabi niya sa kama at hindi si Kean. Kung papaano nito nailipat ang anak nito sa kabilang side ng kama ay hindi niya alam. Kanina kasi ay gising pa naman ang mga bata at masayang nanonood ng cartoon. Kaya lang nakatulog ang mga ito kaya inilipat niya ang channel sa Cinema One. Nagkataon naman na ang palabas pala ay ang paborito niyang pelikula kaya inabala na lang niya ang sarili sa panonood.
“Bakit nandito ka?” humihikbing tanong niya kay Jaime.
Kanina ay ang mga bata ang katabi niya habang silang dalawa naman ay nakapwesto ng higa sa magkabilang dulo ng kama. Linggo ngayon kaya dapat sana ay buong araw silang mamamasyal. Kaya lang ay umulan ng malakas pagkatapos nilang magsimba kaya umuwi na lang sila sa mansiyon at nagpasiyang huwag na munang ipasyal ang mga bata.
Alas kuwatro na mahigit ng hapon pero hindi pa rin tumitigil sa malakas na pagbuhos ang ulan. Tiyak na mamaya ay mahihirapan siyang umuwi dahil maputik na naman ang daan patungo sa Barangay Polancio. Habang umiiyak ay napamulagat siya nang maramdaman ang pagkiskisan ng mga balat nila ni Jaime. Kahit malamig ang hangin na ibinubuga ng aircon ay biglang nag init ang pakiramdam niya.
“Whoa, honey, ikaw lang ang kilala kong babae na umiiyak kapag nanonood ng movie,” bumaling ito sa kaniya at saka nito ipinaloob ang mga pisngi niya sa mga palad nito para marahil punasan ang mga luha niya.
Napasimangot siya at tiningnan ito ng masama. Ngumiti naman ito at animo ay batang nagpapacute na iginalaw galaw pa ang mga kilay. Parang kinikiliti ng sampung kuting ang puso niya dahil ramdam niya ang biglang pagkislot niyon. Ngiti pa lang ni Jaime ay natutunaw na ang puso niya.
“Tigilan mo nga ako, Mr. Mondemar. Anong klase ba ang mga babae sa past mo ha? baka mga tuod kaya hindi affected sa movie nila Mela at Miguel?” aniya na ang tinutukoy ay ang mga karakter nila Rico at Claudine sa pelikula. “Iniyakan ko kaya sila ng lampas sampung beses,”
“Aw, mas nakakaiyak pa ba iyan kaysa sa isang gwapong lalaki na may tatlong anak at nagkakandakumahog na sa paghahanap ng asawa?” napahalakhak ito nang tapikin niya ito ng malakas sa dibdib.
“Ang dami mong alam,” sabi na lang niya.
Kapag ganoon na ang usapan ay alam niya kung saan na iyon papunta. Alam niyang kahit hindi nagsasalita si Jaime at matiyaga itong naghihintay sa matamis niyang ‘Oo’ ay umaasa ito na isang araw ay sasagutin na niya ito.
Kung sana nga lang ay ganoon na lang kadali iyon. Kaya lang ay may problema pa sila sa ngayon. Hindi pa alam ng kaniyang ina ang buong katotohanan kung papaano sila nagkakilala ni Jaime. Ang sabi lang niya noong una ay minsan silang nagkita ni Jaime sa Maynila at hindi na siya nakatanggi pa nang ligawan siya nito. Hindi niya naman kayang ilihim habambuhay sa ina ang totoo dahil hindi din naman siya patatahimikin ng konsensiya niya. Kaya lang ay hindi siya makakuha ng tiyempo para ipagtapat dito ang lahat.
Ilang beses na siyang kinumbinsi ni Jaime na tutulungan siya nitong ipaliwanag sa mommy niya ang nangyari pero naging mariin ang pagtanggi niya. Natatakot siya na baka pati ang binata ay madamay sa galit ng kaniyang ina.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Jaime kaya agad na nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin dito. Pinaglalaruan pala nito ang mga pisngi niya kaya ito tumatawa. Nanlaki ang mga mata niya ng maingat na pisilin nito ang mga pisngi.
“Kainis ka!” asar na tinampal niya ito sa braso.
“What?” natatawang umilag naman ito. “Natutuwa lang ako sa mga pisngi mo kasi napapansin ko na tumatambok.”
Mariing naitikom niya ang mga labi. Alam na niya ang gusto nitong sabihin. Dahil nga kinalimutan na muna niya ang pangarap na pag aartista ay nakalimot na rin siya sa pagbabantay niya sa figure niya. Kapag kasama niya si Auntie Winna ay nakakalimutan niya ang pagdidiyeta dahil masarap itong magluto.
Kaya lang ay napapansin niya nitong mga nakaraang linggo na lumalapad ang baywang niya. Hindi naman siya makapagjogging dahil ilang araw nang umuulan tuwing madaling araw kaya maputik ang daan sa kanila. Kapag nagpatuloy ang paglobo ng katawan niya ay baka wala nang magkasyang damit sa kaniya. Hindi na rin matutuloy ang pangarap niyang pagrampa sa Boracay kapag nakaipon na siya dahil nakakahiya naman magsuot ng bikini kung nakausli ang mga bilbil niya.
Napahinga siya ng malalim at laglag ang mga balikat na pinalis niya ang mga palad ni Jaime. Sumungaw ang pagtataka sa mga mata nito nang mapansin ang naging reaksiyon niya.
“Uuwi na ako,” matamlay na sabi niya at tumayo na.
“Maulan pa sa labas, hon,”
Honey ka diyan! matapos mong ipamukha sa akin na tumataba ako!
“Hindi, okay lang,”
“Okay lang na mabasa ka ng ulan?”
“Oo,” tugon niya habang inuunat ang nagusot na damit. Naupo ito sa kama at masusing pinagmasdan siya. “Masama ba ang pakiramdam mo?”
“Hindi, gusto ko na lang talagang umuwi,”
“Bakit nga?”
“Basta nga,”
Napapalatak ito at tila sumusuko na tumango na lang. “Sige, ihahatid na lang kita,”
“Huwag na,” maagap na pigil niya dito. Napalunok siya nang salubungin siya nito nang nagtatakang tingin. “Huwag na kasi baka maflat pa ang gulong ng kotse mo,” mangiyak ngiyak na sabi na lang niya.
Hindi pa siguro siya makapagmove on sa pinanood niyang pelikula kaya hanggang ngayon ay madrama pa rin siya.
“What?” napaawang ang mga labi nito.
“Totoo naman 'eh, tumataba na ako. Tuwang tuwa ka pa sa mga pisngi ko, bwisit ka. Huwag mo na akong ihatid at nakakahiya naman baka maflat pa ang gulong ng kotse mo dahil sa laki ko. Who you ka sa akin sa summer akala mo. Magpapapayat ako ng bongga at rarampa ng nakabikini sa Boracay.”
“At sa tingin mo papayag ako?” anito at mabilis na hinila ang isang kamay niya. Impit na napatili siya nang hilahin siya nito. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa malambot na kama habang nasa ilalim siya ni Jaime.
“J-jaime ano ka ba, ang mga bata baka magising,” kumakabog ng malakas ang dibdib na saway niya sa lalaki. Parang ginigiling ng todo ang sikmura niya dahil sa paglalapit ng mga mukha nila. “Jaime…” napalunok siya ng hindi ito magsalita. Sinapo lang nito ang mga pisngi niya at masuyong pinagmasdan siya. “Ano ka ba, kung makatitig ka naman parang….”
“Parang?”
Diyos ko! ang mga mata niya... halos malunod na siya sa matiim na mga titig ng binata. Pakiramdam niya ay hanggang sa talampakan niya ang malakas na boltahe ng kuryente na dumadaloy sa buong himaymay niya.
“P-parang ako na ang pinakamagandang babae na nakita mo,” pigil ang paghingang sabi niya.
“Well, that’s true honey,”
“True ka diyan,” napaingos siya at tinangka niyang umalis sa ibabaw nito pero hindi ito pumayag na makawala siya.
Bumaba sa baywang niya ang mga kamay nito at kontentong nanatili doon. Napangiwi siya at mabilis na pinigilan ang kamay nito.
“Huwag,”
“Bakit?” sinalubong siya nito nang nagtatakang tingin. Umiling naman siya at muling nagsalita.
“Ilang araw na akong walang jogging, ang laki ng bilbil ko ngayon,” nahihiyang sabi niya. Namula ang buong mukha niya nang marinig ang paghalakhak nito.
“Oh, honey, ano ba ang gagawin ko sa'yo? hindi naman big deal sa akin kahit magkaroon ka pa ng bilbil at tumaba ka pa.”
“Echosero, kapag nagkakamot ako baka kahit sulyap hindi mo na gawin sa akin,” kontra niya. “Jaime!” napahinga siya ng malalim ng yumuko ito at itinaas ang laylayan ng damit niya.
Ang mga kamot ko! nahihindik na sigaw niya sa isip.
Aminado naman siya na may mga kaunting kamot talaga siya sa tiyan. Ang sabi ng mommy niya ay dahil daw iyon noong dalagita pa siya ay mahilig siyang magkakamot sa tiyan sa tuwing may buwanang dalaw siya. Bumabakat daw kasi ang mga daliri niya sa balat niya. Hanggang ngayon ay problema niya iyon dahil hindi pa naman niya afford pa na ipatingin iyon sa espesyalista.
“What? They’re beautiful! Hindi mo naman sila kailangang itago sa akin,”
Animo ay may pumisil sa puso niya nang magsimula itong haplusin ang impis na tiyan niya. Maingat ang bawat paggalaw ng mga daliri nito na animo ay kinakabisa niyon ang bawat parte ng tiyan niya na madadaanan nito.
Muling sumulyap sa kaniya si Jaime. Tila may sariling isip naman ang mga braso niya na kusang pumulupot sa batok nito.
“Kiss me,” nagsusumamo ang mga mata na anas nito sa kaniya. Tumango naman siya mabilis na hinalikan ang tungki ng ilong. Napahagikhik siya nang marinig ang ungol nito tanda ng pagrereklamo nito sa ginawa niya.
Ngunit ang pagtawa niya ay nauwi sa mahinang ungol nang bumaba ang mga labi nito at sabik na sinakop ang mga labi niya. Naipaloob niya ang mga daliri sa ilalim ng malambot na mga hibla buhok nito habang patuloy naman sa paghaplos ang mga palad nito sa tiyan niya.
Napaliyad siya nang magsimulang lumalim ang mga halik ng binata sa kaniya. Buong puso naman na tinugon niya ang paglalambing nito. Nang pakawalan nito saglit ang mga labi niya ay huminga siya para makasagap ng hangin. Tumatahip ang dibdib niya dahil sa napakabilis na tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon.
“Can I…can I touch them?” hinihingal na anas nito at bumaba ang tingin sa malusog na dibdib niya.
Dahan dahan ang ginawa niyang pagtango. Hinalikan siya nito sa ibabaw ng noo habang ang isang kamay nito ay gumapang paakyat sa ilalim ng suot niyang t-shirt.
Awtomatikong nakagat niya ang mga labi ng ikulob nito ang isang dibdib niya sa palad nito. Humahagod ang isang daliri nito sa itaas ng dibdib niya na animo ay humihingi pa ito ng permiso sa kaniya kung itutuloy pa nito ang ginagawa. Tumango naman siya at hinaplos ang mainit na pisngi ni Jaime para udyukan ito na ituloy ang kung ano man na iniisip nito.
Hinawi nito ang suot niya bra at kahit natatakpan pa rin ng damit ang dibdib niya ay hindi nakaligtas sa kaniya ang pagkislap ng pagnanasa sa mga mata nito. Muli nitong inapuhap ang mga labi niya habang patuloy sa paglulumikot ang palad nito.
Ngunit ang mga ungol niya ay nauwi sa malakas na pagsinghap nang marinig niya ang malakas na pagring ng cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Ang malakas na pagbuntong hininga ni Jaime ang nagpangiti sa kaniya at natatawang umalis na sa ilalim nito. Nagmamadaling sinagot niya ang tawag nang mabasa sa screen ng cellphone ang pangalan ng kapatid niyang si Yara.
“Ateng, umuwi na ka daw sabi ni mudra at baka mahirapan ka nang bumiyahe kapag nagpagabi ka pa.”
“Sige, uuwi na ako,” sabi niya at agad na pinutol na ang tawag. “Oh, kailangan ko na daw umuwi,”
Bumaha ang matinding pagtutol sa gwapong mukha ni Jaime. Hinapit siya nito sa baywang at niyakap ng mahigpit.
“Five minutes ah no, make it fifteen minutes. Jesus! kung ako lang ang masusunod ay hindi na talaga kita pauuwiin pa.” anito at tila masama ang loob na ibinaon ang mukha sa leeg niya. Natatawang hinagod niya ito sa likod.
Ayaw din naman niyang umuwi agad. Mas masarap kasing magsumiksik sa mga bisig ni Jaime kapag ganoon na maulan at malamig ang panahon.
Hay! next time na nga lang!