MONDEMAR CLAN SERIES Chapter 21

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jaime habang hinihintay niya ang desisyon ng taong kausap niya na maaaring maghatid sa kaniya sa isla Camito. Nauna na daw kasing nakaalis ang mga bangka na bumibiyahe araw-araw patungo sa nasabing isla. Ayon kay Mang Ador ay may oras lang daw talaga ang pagbiyahe ng bangka patungo sa isla. At laking malas niya dahil nahuli pala siya ng dating. Malayo kasi ang kabilang bayan na pinuntahan niya kung saan siya naghanap ng bangkang masasakyan para lang makarating sa isla Camito. Kagagaling lang niya sa Maynila para ayusin ang problema sa isang negosyo niya at inabot siya ng ilang oras sa biyahe. Alas tres na ng hapon nang makarating siya sa kabilang bayan ng Mondemar.

“Sir, pasensiya na talaga pero kapag ganitong oras ay wala ng gustong bumiyahe talaga. May oras lang po talaga ang pag alis ng bangka. Bumalik na lang po kayo bukas ng alas kuwatro ng madaling araw.” sabi ni Mang Ador sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo.

“Pero manong ikaw na rin ang mismong nagsabi sa akin na kahit makabalik ako bukas ay walang kasiguruhan na makakasakay ako agad. Maliban sa madaling mapuno ang mga bangka ay ang mga kakilala lang ang unang pinapasakay.” malapit na siyang mawalan ng pag asa.

Kung bakit naman kasi napakahirap bumiyahe kapag isla Camito na ang pinag uusapan. Sa pagkakaalam niya ay talagang mahirap kung minsan bumiyahe patungo doon. May pagkaaloof daw kasi ang mga tao at ayaw na nagpapapasok basta ng mga dayuhan. Ang ilan sa mga kakilala niya ay naglabas pa ng milyones para lang makapagpatayo ng resthouse doon. Ang alam pa nga niya ay ang ilan sa mga artista ay doon nagpupunta para lang makaiwas sa magulong mundo na ginagalawan ng mga ito.

“Manong Ador, payagan mo na kasi si boss. Mukhang malaki naman ang ibibigay na tip niyan,” sabi ng binatilyong kasama ng matanda.

Tumango naman niya at mabilis na nag isip. Magkano ba ang arkila sa isang bangka na may sampung tao ang laman? Minsan na nagbakasyon sila ng mga kapatid niya sa bikol ay natatandaan niya na nagbayad siya ng bente mil para lang arkilahin ang isang bangka at ihatid sila sa isang isla. Iba pa ang bayad nang sumakay na sila pauwi.

“Magkano po ba ang bayad kapag special? Pwede na kaya ang thirty thousand?” desperado na siya kaya mas tinaasan pa niya ang offer. Wala na siyang pakialam kung lugi siya sa ibabayad niya. Ang importante lang naman ay ang makarating siya sa isla Camito at makausap niya si Allyson.

Ilang linggo siyang halos mabaliw baliw sa paghahanap dito. Balak sana niyang ipahanap ito sa private detective pero malaki ang naging pagtutol ni Yara. Sa oras na malaman daw ng ina nito na ginamit na naman niya ang koneksiyon niya para lang makita ang kapatid nito ay tiyak na madadagdagan na naman ang sama ng loob ng huli.

At dahil totoong desperado na siya ay araw-araw niyang pinupuntahan ang pamilya ni Allyson. Kahit puyat siya sa mahabang biyahe o pagod sa trabaho ay wala siyang pinalampas na pagkakataon para humingi ng tawad sa ina nito. Ngunit sadyang matigas ang loob ni mommy Laura. Kahit nga si Allyson ay pinalayas nito nang malaman ang totoong nangyari.

Kahit marami siyang ginagawa sa opisina ay nagdesisyon siyang tumulong sa paggawa ng bahay nila Allyson. Alam niyang mas madali para sa kaniya na magbigay ng pinansiyal na tulong pero hindi naman niya gusto na mainsulto si mommy Allyson.

Tumulong siya sa construction kahit wala naman siyang masyadong alam sa pag aayos ng bahay. Mabuti na lang at tinuruan siya ng mga tauhan niya na hinakot niya para lang sa misyon niya. Nakita marahil ni Yara at ng ina nito ang effort niya kaya kusang lumambot ang puso ng mga ito at kinausap siya. Sinabi na sa kaniya ni Yara kung saan naroon ang ate Allyson nito pero may isang kondisyon na ibinigay ang mag ina sa kaniya.

Kung gusto daw niya na maibalik ang tiwala ng mga ito at muling tanggapin ni mommy Laura si Allyson ay kailangan niyang pakasalan ang dalaga sa oras na ibalik niya ito sa Mondemar. Kahit anong paliwanag niya noon ay hindi naniniwala ang matanda na walang namagitan sa kanila ni Allyson nang magsama sila bilang mag asawa. Kailangan daw niyang ibangon ang puri ng anak nito. Tama na daw na sa pamilya ng mga ito ay si mommy Laura lang ang nagkamali.

“Teka lang, sir, matanong ko lang po bakit po ba parang nagmamadali na kayong makarating sa Isla Camito?” tanong ni mang Ador sa kaniya.

Napangiti siya. “Nandoon po kasi ang babaeng pakakasalan ko. Nagkatampuhan lang po kaya bigla akong pinagtaguan.”

“Hala, ay sige na nga po. Baka mamaya kasalanan ko pa kapag hindi kayo nagkaroon ng poreber,” napapalatak na turan ni mang Ador.

Tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag. Isa na lang ang problema niya ngayon: si Allyson.

Alam niyang hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ito sa kaniya. Kung sana lang ay pakinggan na muna nito ang mga paliwanag niya at huwag na siya nitong ipagtabuyan pa ulit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.