“Sandali! Sandali lang! hoy! Ibalik mo sa akin ang kwintas ko walanghiya kang magnanakaw ka!” hingal kabayo na si Suzy pero hindi pa rin niya magawang abutan ang pesteng lalaking humablot ng kwintas niya.
Malayo na siya sa restaurant at ilang building na rin ang nalampasan niya sa kahahabol sa snatcher. Kahit masakit na ang mga paa at katawan niya dahil sa mabigat na custome niya ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo.
Kahit siguro itaya pa niya ang buhay niya ay gagawin niya para lang makuha niya ang kwintas na bigay sa kaniya ng ama. Iyon na lang kasi ang natitirang alaala nito sa kaniya at ayaw niyang mawala iyon.
“Bwisit!” sigaw niya nang muntik na siyang mahagip ng motor sa pagtawid niya.
Hindi niya pinansin ang pagmumura ng motorista at muli siyang tumakbo ng mabilis hanggang sa makarating siya sa labas ng isang palengke.
Maraming tao doon kaya nahirapan siyang hanapin ang snatcher.
Tumigil siya sa pagtakbo at inilibot ang mga mata niya sa paligid. Nang makita niya ang lalaki ay muli niya itong hinabol hanggang sa pareho na silang makarating sa looban ng palengke.
Naagaw na nila ang atensiyon ng mga tao at nagsisigawan na ang mga tindera sa tuwing matatapakan o matatabig niya ang paninda ng mga ito.
Lumusot ang lalaki sa isang shortcut at sinundan niya ito. Daan iyon palabas ng palengke pero hindi niya alam kung ano ang mayroon sa eskinita na iyon.
Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kaniya ang sira-sirang mga bahay.
Nagsisisigaw ang snatcher at parang may tinatawag na kasama. Nagsimulang maglumikot ang mga mata niya para makahanap ng kahoy na maaari niyang maihampas sa mga taong makakalaban niya. Hindi na rin siya bago sa ganoong tagpo dahil nga lumaki siyang kasama ang dalawang barumbado niyang kuya.
Nasanay siya sa pagsusuntukan ng mga ito kapag nagtatalo at kung minsan nga ay napapasali pa siya kapag silang tatlo na ang nag aaway.
Isang beses pa nga ay nasuntok siya sa kaliwang mata ng kuya Jonel niya kaya nagkablackeye siya. Siyempre ay hindi naman siya nagpadehado dahil matapos siya nitong suntukin sa mata ay limang beses niya itong sinikmuraan at tatlong beses na tinadyakan sa mukha.
“Ibalik mo sa akin ang kwintas ko!” Mariing banta niya sa binatilyo.
“Babae ka pala?” gulat na tanong nito.
Siguro ay hindi agad nito napansin na babae siya dahil na rin sa custome at ayos niya.
“Anong akala mo sa akin? Mananakawan mo ba ako ng ganiyang kwintas kong hindi ako babae ha?”
Napakamot ito sa batok. “Akala ko bakla ka.”
“Bakit ba ang ingay mo, Kapo?”
Isang matabang lalaki na walang suot na pang itaas na damit at puno ng mga tattoo ang katawan ang biglang lumabas mula sa isang sirang bahay.
Napaatras siya nang maglakad ito palapit sa snatcher na tinawag nitong Kapo.
“Itong babaeng ito 'eh, hindi na lang ipanakaw itong kwintas niya. Mukha namang mumurahin lang.” Reklamo ni Kapo.
Agad na nag init ang ulo niya.
“Hoy! Alam mo naman palang mumurahin lang 'eh bakit dinekwat mo pa? sana pumasok ka sa loob ng restaurant dahil nandoon ang maraming mamahaling alahas.” Sikmat niya sa mga ito.
“Miss, nagrereklamo ka ba? Alam mo ba na pwede kang hindi makalabas ng buhay dito?” naghahamamon na sabi ni Taba sa kaniya.
“Excuse me?” pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Ako pa ang hinamon mo? Eh mga kuya ko nga hindi ko inuurungan, taba mo pa kaya?”
“Aba’t!” humakbang ito palapit sa kaniya at itinaas ang isang matabang kamay para sana sapukin siya pero agad na sinungalngal niya ito.
Napangiwi siya nang magsimulang dumugo ang nguso ng lalaki.
“Ibalik na lang kasi ninyo sa akin ang kwintas ko para wala ng gulo.”
Mahinahong pakiusap niya. Kahit nasanay siya sa gulo at naturuan siya ng ilan sa mga lalaking tauhan nila ng self defense ay ayaw niyang basta na lang siya makapanakit ng kapwa.
“Baka wala pang one thousand kapag ibinenta ninyo ang kwintas ko. Bibigyan ko na lang kayo ng pang inom.”
“Gaga! Sinaktan mo na ako tapos pang inom lang ang ibibigay mo?” bulyaw ni taba sa kaniya. Dinuro siya nito at sumigaw na naman ito. “Kalog, lumabas kayo diyan.”
Pakshet ka taba! Naghanap ka pa ng kakampi mo!
“Anong problema?”
Shit!
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang tatlong lalaki na lumabas mula sa likuran ng bahay. Sa hitsura ng mga ito ay mukhang walang balak ang mga ito na bumuhay ng kalaban. Ang unang lalaki ay maskulado ang katawan at matangkad. Kirat ang isang mata nito at may malaking tahi ito sa kaliwang dibdib.
Ang pangalawa naman ay mataba rin at mas matangkad pa. Parang wrestler na hindi magpapahuli ng buhay. Medyo nakampante siya sa pangatlo dahil kasing katawan lang ito ng kuya Jonel niy at sa tantiya niya ay makakaya niya itong patumbahin kapag sinugod siya nito.
“May pulutan tayo ngayon.” Nakangising sabi ni taba.
“Mga bastos!” agad na kumulo ang niya sa narinig. Ikinuyom niya ang palad at tiningnan ng matalim ang mga ito.
“Paliguan mo na muna, Kapo. Paano naman tayo gaganahan diyan kung mukhang clown.” Sabi ng lalaking mukhang wrestler.
“Ulol!” nanggigigil na sigaw niya dito.
Nagtawanan ang mga ito at nang
subukan ni Kapo na lapitan siya ay sinipa niya ito sa tuhod. Napaluhod ito kaya agad na nagkaroon siya ng pagkakataon na mahablot ang kwintas na nasa kamay nito.
Sa ginawa niya ay hindi niya namalayan ang paglapit ni taba sa kaniya. Hinila nito ang kwelyo ng damit niya kaya kamuntik na siyang mawalan ng panimbang. Sumigaw siya at nagpumiglas pero masyadong malakas ito.
“Tarantada kang babae ka. Pati tao ko sasaktan mo pa!”
Hinawakan niya ito sa braso at aktong kakagatin ang nagpapawis na balat nito ng bigla na lang itong mamilipit sa sakit. Nanlaki ang mga mata niya at agad na napaawang ang mga labi nang nanginginig ang kamay na binitiwan na siya ni taba. Napaatras ito at patuloy sa paghiyaw habang sapo ang malaki nitong tiyan.
“Hindi dapat kayo nananakit ng babae.”
“I-ikaw?” napasinghap siya ng makilala ang lalaking nagsalita sa tabi niya.
Hinawakan nito ang isang kamay niya at hinila siya patungo sa bandang likuran nito. Ito ang lalaking nakita niya sa coffee shop at kumindat sa kaniya. Ang lalaking marungis at mukhang hindi naliligo!
“Ano bang pakialam mo ha?” galit na sinugod ito ni Kapo pero bumulagta naman ang binatilyo ng tadyakan ito ng lalaki sa dibdib.
Magkakasabay na sumugod ang tatlo pang natitira pero sa ilang siguradong galaw lang ng lalaki ay duguan ang mga labi na bumagsak na rin ang mga ito sa lupa.
Si taba ay sumigaw ng malakas at parang balak na naman magtawag ng kakampi dahil bumagsak na ang grupo nito. Mabilis ang mga kilos na hinawakan siya ng lalaki sa isang kamay at hinila palayo sa lugar na iyon.
Magkasama silang tumakbo at lumiko sa isa pang eskinita na nadaanan nila. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na kalsada na pala iyon at maraming mga tao na pwede nilang mahingian ng tulong kapag hinabol sila ng grupo ni taba. Pero kung tutuusin ay hindi na nila kailangan pa ng backup dahil magaling makipaglaban ang lalaking tumulong sa kaniya.
Nang makarating sila sa pinakadulo kung saan may mga establisyemento na siyang nakikita ay saka lang tumigil sa pagtakbo ang lalaki at binitiwan ang kamay niya. Pareho nilang habol ang paghinga nang lingunin niya ito.
“Salamat kung hindi dahil sa'yo baka napahamak na ako.” Sabi niya.
Maliban sa marunong naman palang magpalit ng damit ang lalaki ay parang wala naman nagbago sa hitsura nito. Ganoon pa rin ito na mukhang marungis pero hindi maikakaila na malakas talaga ang dating nito. Ito ang tipo ng lalaki na hahabulin mo ng tingin dahil agaw pansin ang magandang built ng katawan nito na halatang alaga sa workout.
“Hindi ko maintindihan sa'yo kung bakit kailangan mong ibuwis ang buhay mo ng dahil diyan sa kwintas na iyan.” Magkasalubong ang kilay na sabi nito sa kaniya.
Umawang ang mga labi niya at gulat na tumingin dito. Hindi siya makapaniwala na iyon ang unang sasabihin nito sa kaniya.
“Dahil lang sa kwintas nakahanda ka nang itaya ang sarili mong buhay?
'Yan lang ba ang kapalit ng buhay mo?” nang uuyam na tiningnan siya nito.
Pakiramdam niya ay biglang lumubo ang ulo niya. Nawala na ang tunog ng ugong at busina ng mga sasakyan dahil tanging sa sinabi lang ng lalaki nabuhos ang atensiyon niya.
“Damn! Dahil lang sa pipitsuging kwintas ibubuwis mo na ang buhay mo.” Napapalatak pa ito.
Kumunot ang noo niya at ikinuyom ang isang kamay kung saan nakapaloob ang kwintas niya.
Hindi na isang gwapong nilalang ang tingin niya ngayon sa lalaking nagligtas sa kaniya. Sana pala ay pinabayaan na lang siya nito kanina dahil mukhang mga ‘Ogag’ naman ang mga kalaban niya at makakaya niyang patumbahin ang mga ito sa sarili niyang diskarte.
“Gago ka pala 'eh!” sa inis niya ay sinipa niya sa tuhod ang lalaking mayabang. “Ang yabang mo! Poorito ka rin naman sigurong katulad ko pero kung magsalita ka parang pag aari mo na ang buong Mondemar! Hindi mo siguro alam kung papaano mawalan ng magulang at kung papaano pagkaisahan ng mga kapatid na mas tuso pa sa unggoy. Itong kwintas na ito?” nagsimula nang mag init ang sulok ng mga mata niya at itinaas ang kamay para ipakita ang kwintas sa lalaki.
“Bigay ito sa akin ng papa ko bago siya namatay noon. Iyong taong akala ko na walang pakialam sa akin at iniwan ako noong bata pa ako ay bigla na lang akong binigyan ng kwintas. Sinong hindi matutuwa? Kainis ka!” pinunasan niya ang mga luhang pumatak mula sa mga mata niya at tiningnan ang lalaki.
Napaingos siya ng mapansin na nakaluhod ito at hawak ang nasaktang tuhod. Nang mag angat ito ng tingin sa kaniya ay binelatan niya ito.
“Mabuti iyan sa'yo! Amoy mabaho! Mukha kang hindi naliligo.” Isang belat pa ulit at saka siya mabilis na humakbang palayo sa lalaki.
“Miss! Miss—aw—shit!”
Hindi na niya ito pinansin pa at ipinagpatuloy na lang sa paglalakad.
“Marami na talagang problema ang mundong ito. May gwapo ngang tumulong sa akin na mukhang rockstar, pero walanghiya rin pala ang ugali. Tumulong nga nang insulto naman!”