MONDEMAR CLAN SERIES Chapter 46

“What are you doing, kuya?”

“Stalking.”

“Uh, stalking her?”

“Yeah..” matipid na tugon ni Juancho habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng laptop niya.

Hindi na bago sa kaniya ang pagbisita ni Miguel sa opisina niya ng walang paalam at hinahayaan na lang niya itong istorbuhin siya.

“Kailan ka babalik sa isla Camito?”

“Bukas.”

“Wala na bang mas hahaba pa sa sagot mo, kuya Juancho?”

“Bukasssssss.”

“Fuck!” naasar na napabuntong hininga ito at naupo sa isang bakanteng silya.

Itinukod nito ang kaliwang siko sa mesa at nakapangalumbabang pinagmasdan siya. Wala pa man itong ilang minutong nananatili sa opisina niya ay dumating na ang iba pa nilang mga kapatid.

“Seriously, wala bang marunong kumatok sa inyong apat?”

“I did. Hindi mo lang narinig siguro,” mabilis na pagdadahilan ni Fabio.

Ang iba pa niyang mga kapatid ay nagkaniya kaniyang upo na sa long sofa at naghalungkat ng mga magazine sa shelf. Kung kumilos ang mga ito ay parang pag aari ng mga ito ang buong lugar.

“This is my office, gentlemen.”

“Juancho, hindi na namin gusto ang ginagawa mo sa sarili mo.” Sabi ng kuya Jaime niya.

Napailing siya at malungkot na nginitian lang ito.

“Nasasabi mo lang 'yan dahil maganda ang buhay mo, kuya. May asawa ka at may limang mga anak. Hindi mo ako maiintindihan, alam ko iyon.”

“My god!” sumusukong bulalas ni Miguel.

“Alam ba ninyo kung anong ginagawa niya? Panay na lang ang stalk niya sa facebook ni Suzy. Nagpupunta siya ng Manila at sinusundan si Suzy pero hindi naman siya nagpapakita.”

“Kahit si lolo Impeng hindi mo pinapalampas. Palagi mo siyang binibisita para lang makibalita tungkol kay Suzy. Iyong kwarto mo sa isla Camito, malapit nang magmukhang photo gallery ni Suzy.” Dagdag pa ni Gabriel.

Pumalatak si Fabio.

“Alam na ni mommy ang totoo, kuya Juancho. Napatunayan naman na wala talagang alam si Suzy sa nangyari at naipit lang din sa sitwasyon ang mga kuya niya.”

“I know.” Itinaas niya ang mga kamay para pigilan ang panggugulo ng mga ito sa kaniya.

Naiintindihan naman niya ang mga kapatid niya. Simula kasi nang mawala sa kaniya si Suzy ay pinabayaan na naman niya ang sarili niya. Mas matindi pa nga ang nangyari sa kaniya ngayon at palaging sinasabi sa kaniya ng mga kakilala niya na mukha na siyang ermitanyo.

Wala naman siyang pakialam sa sinasabi ng mga ito. Kahit nahihirapan siya sa nangyari ay ginagawa pa rin naman niya ang trabaho niya. Sa isla Camito na siya nakatira ngayon. Nakabili siya ng malaking bahay at nagpasiyang lumayo sa pamilya niya.

Noong una ay pinili niyang lumayo sa mga ito dahil sa malaking tampo niya sa ina. Nalaman kasi niya na kinausap nito si Suzy at kinumbinsi na layuan na siya kapalit ng kalayaan ng mga kapatid nito.

Kilala niya ang mommy niya. Mabait ito at hindi matapobreng tao. Dala ng matinding takot at pagkabigla kung bakit nagawa nitong pagdudahan ang katapatan ni Suzy.

Kahit isang beses ay hindi niya pinagdudahan ang babae. Mahal na mahal niya ito at hinding hindi siya mag aaksaya ng panahon na pagbintangan ito sa isang bagay na alam naman niya na hindi nito kayang gawin.

Humingi naman ng tawag sa kaniya ang ina nang mahuli ang grupo ng taong sumaksak sa kaniya at inamin ng mga ito na nadawit lang ang mga kapatid ni Suzy. Tinanggap man niya ang paghingi ng tawad ng mommy niya ay alam niyang hindi na maibabalik pa sa dati ang buhay niya.

Itinikom niya ang mga labi nang makaramdam ng matinding pananakit ng kaliwang binti niya. Nakalimutan na naman niyang uminom ng gamot kaya kumikirot na naman ng sobra ang binti niya. Pinigilan niya ang mapahingal sa sakit para lang hindi siya mahalata ng mga kapatid niya.

Oo. Siguro nga ay stalker siya ni Suzy. Kapag umaalis siya ng isla Camito ay sumasaglit lang siya sa opisina niya para tingnan ang mga negosyo niya. Madalas na wala siya kaya ang mga kapatid niya ang gumagawa ng ibang trabaho niya.

Kapag nasa Maynila siya ay wala siyang ibang ginawa kundi ang tanawin mula sa malayo si Suzy. Sa eskwelahan man o apartment nito ay palagi lang siyang nakasunod kaya alam niya ang lahat nang nangyayari dito.

Nakiusap na rin siya kay lolo Impeng na huwag nang ipaalam pa sa apo nito ang tungkol sa kaniya. Si Dorothea naman ay madalas na tinatawagan siya para magbigay din ng report nito. Mula nang magdesisyon itong iwan si Miguel ay lumapit ito sa kaniya para humingi ng trabaho.

Ito ang nagbabantay kay Suzy at buwanan siya kung magpadala ng pera dito para sa bayad sa upa at gastusin ng dalawa. Si Dorothea ang nakakaalam ng transaksiyon sa apartment at hindi alam ni Suzy na hindi mura ang monthly fee doon.

Sa loob ng tatlong taon ay nakontento na lang siya sa ganoon. Sapat na sa kaniya na nakita niyang maayos na ang buhay ni Suzy at unti unti na nitong naaabot ang mga pangarap nito. Kontento na siyang makibalita sa mga taong malapit dito at pagmasdan ito sa malayo.

“Sa palagay ba ninyo ay may tatanggap pa sa akin sa ganitong sitwasyon ko?” seryosong tanong niya.

Nang tambangan siya ng grupo ni Tony ay nanlaban siya at nasaksak siya nito ng dalawang beses sa sikmura at tagiliran. Hindi pa nakontento ang mga ito na iwan siyang duguan sa kalsada dahil dalawang beses din na sinasagaan siya ng mga ito.

Dahil sa nangyari ay nadurog ang buto niya sa kaliwang binti at ilang linggong naospital dahil sa mga pinsala na tinamo niya. Nakarecover siya pero hindi na tuluyang naibalik pa sa dati ang kakayahan ng isa niyang binti. Paika ika na siyang maglakad ngayon at sa tulong ng tungkod ay nagagawa niyang makapaglakad ng maayos.

“Bakit hindi? Walang pinipili ang pagmamahal, Juancho.” Sagot ng kuya Jaime niya. Pumalatak siya at kinuha na ang tungkod.

“Sana nga,” sabi na lang niya at paika ikang naglakad para iwanan na ang mga ito.

“Kailangan nating gumawa ng paraan dahil talagang hindi ko na kaya ito. Kinuha sa akin ni kuya ang babaeng mahal ko at ginawa niyang bodyguard ng girlfriend niya!” reklamo ni Miguel sa iba pa nilang mga kapatid.

Narinig pa ni Juancho ang tawanan ng ibang mga kapatid niya bago siya tuluyang lumabas ng opisina niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.