Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 19

19: Run

-

“Thunder,” tawag ko at saka marahang tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito ngunit kahit ganoon ay dahan-dahan ko pa rin siyang hinarap. “Hindi ko alam kung pinagtitripan mo lang ako o ano pero gusto kong magpasalamat. Salamat sa tulong na ginagawa mo. Masaya ako kasi nakikita kong unti-unti kang nagbabago, pero ayoko kasi umasa. I mean ayokong maniwala sa sinabi mo ngayon lang.”

“I understand...but I really mean it,” sabi nito at bahagya lang akong ngumiti atsaka ipinagpatuloy ang pagtawag kay Ayesha. Hindi ko na alam ang gagawin kay Thunder. Hindi ko alam kung paniniwalan ko ba siya o ano.

“Beb, Si Rain ‘to,” sabi ko nang sagutin ni Ayesha ang tawag. Ni-loud speaker ko na rin para naman hindi nakakahiya sa lalaking nasa harapan ko. Para siyang may topak.

“Oh my god! Beb nasaan ka ba? Kanina pa ko nag-aalala sa'yo.”

“I can’t tell you kung nasaan ako pero okay ako. Wag ka na mag alala,”

“Are you sure? Hinahanap ka ng Keen’s leader kanina. Hinalughog nga nila yung kwarto natin kasi ayaw nilang maniwala na wala ka rito. Ano bang nangyayari?” napatingin ako kay Thunder nang sabihin iyon ni Ayesha. Mukhang hina-hunting na nga talaga ako ng Keen’s org.

“Hindi ko din alam pero, maayos lahat. Wag ka na masiyado mag-isip. Matutulog na ako. Mag-ingat ka,” binaba ko ang tawag atsaka inabot kay Thunder ang phone niya.

Napaupo na lamang ako at napahawak sa ulo. Mukhang kailangan namin makuha ang X list as soon as possible. Kailangan kong malaman kung ano at para saan ang ginagawa nilang experiment.

“Friday bukas. Gawin na natin yung plano.” sabi ko at dali-dali namang naupo si Thunder sa tabi ko.

“Sigurado ka bang kaya mo gawin yung plano? What if hindi mag work? Kung sumama na lang kaya ako sa Keen’s laㅡ”

“Bakit ka ba nagpapanic? Parang mas natatakot ka pa kaysa sa’kin. Nasaan ang pagiging Insolent mo?” Natatawa kong tanong pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Ang lamig ng mga kamay niya.

“Okay. Ako naman ang magsasabi nito. I trust you. I trust our plan. Kami nang bahala ni Axel,” sabi ko nang ipatong ko ang isa kong kamay sa magkahawak naming kamay. Nakita ko naman siyang ngumiti kaya ngumiti rin ako. Nag-iba na talaga siya. Ang bilis ng mga pangyayari.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa kakaibang pakiramdam. Ang bango at napaka-komportable pero halos mahulog ako sa kama nang makitang sobrang lapit ng mukha ni Thunder sa akin.

Natutulog ito at ang kamay niya ay nasa bewang ko. Gawa-gawa ko pang unan ang braso niya.

Hindi ako makapagsalita dahil baka bad breath ako. Nakakahiya. Napapikit na lamang ako ng mariin at nagtulug-tulugan. Paano ba ako napunta rito at bakit kami magkatabi?!

Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. Harrasment na yata itong ginagawa niya! Nagpatuloy ako sa pagpapanggap hanggang sa maramdaman kong hinalikan niya ko sa noo and with thatㅡdumilat na ako.

Harrasment na yata itong ginagawa niya! Nagpatuloy ako sa pagpapanggap hanggang sa maramdaman kong hinalikan niya ko sa noo and with thatㅡdumilat na ako

“Goodmorning,” bati niya at dali-dali akong bumangon.

“G-goodmorning,” kinakabahan kong bati. “Babalik na ko sa dorm.”

“Ihahatid na kita,” presinta nito nang lapitan niya ako. Shit! Bakit ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising? Is he for real?

“O-okay,”

Ayesha’s POV

Nag-aalala na ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Rain. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit siya hinahanap ng keen’s leader. What if may nagawa pala siya at kailangan siyang parusahan?

Bago pa man may kung anong pumasok sa isip ko ay nag-asikaso na ko pero biglang may nagbukas ng pintuan.

“Beb!” Agad ko siyang niyakap at kumalas din agad. “Ano bang nangyari sa’yo? Saan ka natulog? Lumabas ka ba ng campus?”

“I can’t tell you right now. Sorry beb. Kailangan ko munang magtago ng sikreto sa’yo pero promise, pag naging maayos ang lahat. Sasabihin ko sa’yo.” sabi niya at naintindihan ko naman iyon. May tiwala ako sa kanya kaya ngumiti ako at hinawakan ang balikat niya.

“Okay. I understand. Mag-asikaso ka na rin,” tumango lang siya at pumasok na ng banyo. Sakto naman dahil nag ring ang phone ko.

“Liam. Bakit?”

“Nakauwi na ba si Rain?”

“Yah. I’ll hang upㅡ”

“Galit ka ba?” Kumunot na lamang ang noo ko dahil sa tanong niyang iyon. Wala naman akong dapat ikagalit.

“No. Ibababa ko naㅡ”

“Wait. Magpapatulong ako sa’yo. Liligawan ko si Rain.” napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla na lang iyong kumirot.

“Seriously? Anong alam mo sa panliligaw, eh hindi ka pa naman nagkakagirlfriend!”

“Kaya nga magpapatulong eh. Sige na, let’s talk later.” Sa sobrang inis ay naibato ko ang phone ko. Manliligaw? Tch sabi na nga ba at may gusto siya kay Rain. Damnit! Ako itong nasa tabi niya palagi pero hindi niya ako napapansin. Bulag ba siya o sadyang tanga lang ako dahil umaasa ako na pwede akong magustuhan ng taong kaibigan lang ang tingin sa akin?

Rain’s POV

This is it. Naglalakad na ako papuntang keen’s lab. Sana lang ay nasa loob na si Axel. Kinakabahan ako, sana lang talaga ay makuha namin ang X list.

Pagpasok ko sa building, sinalubong agad ako noong lalake kahapon. “We’re looking for you. Where have you been?” Tanong nito.

“May emergency po kahapon. Sorry,” isang tipid na tango lamang ang ibinigay niya at saka naglakad habang ako ay nakasunod lang.

Pumasok kami sa isang tagong kwarto dito sa first floor at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Axel sa hindi kalayuan. Kinindatan pa ako nito bago ako tuluyang makapasok sa loob.

Ito iyong kwartong nakita namin ni Thunder. Isang kwarto na may laboratory bed at kung anong chemicals sa paligid. Tumingin ako sa bintana pero nakasara iyon. Mukhang nagdodoble ingat na sila dahil sa nangyari.

“Dito niyo po ako kakausapin tungkol doon sa maling ginawa ko noong water splash festival?” Tanong ko at tumango lamang ang lalake hanggang sa may pumasok na dalawa pang babaeng naka-lab gown.

“Sige na, turukan niyo na siya,” hinawakan ako nang dalawang babae at pinilit kong wag magpanic. Kailangan ay hindi ko ipakita na kinakabahan ako.

“Para saan po ‘yon?” Mahinahon kong tanong.

“We need a volunteer for this experiment and since may nagawa kang mali. This will serve as your punishment,” tumango lamang ako at tinapik niya ko sa ulo na para bang isa akong aso na mabilis sumunod sa kanyang amo. Seriously?!

“Good,” sabi nito at napapikit ako saglit. Sana kumikilos na si Axel. Nagawa na niyang tignan ang X list noon kaya sure akong madadalian lang siyang kunin iyon ngayon. Narito sa loob ang leader kaya sure akong walang tao sa office niya ngayon.

“Mahiga ka,” utos ng lalake at sinunod ko naman iyon. Binitawan ako nang dalawang babae at may inilabas ang isa sa kanila. Isang bagay na matulis at parang baril.

Shit, mukhang hindi gagana yung plano. Ang tagal ni Axel. Napapikit na lamang ako nang makitang ituturok na sa akin ang bagay na iyon ngunit bigla na lang akong napadilat nang may narinig akong ingay.

“What’s that?” Tanong ng leader at nakita ko na lang na basag na ang bintana. Habang busy ang dalawang babae para tignan kung sinong bumato sa direksyon na ito ay sinamantala ko na iyoon para lumabas.

Pagdating ko sa main door naroon si Axel. Dali-dali niyang hinawakan ang kamay ko para mas mapabilis ang pagtakbo ko.

“Rain bilis!” sabi nito at habang tumatakbo kami. Sa hindi kalayuan naman ay nakita ko si Jasper at Thunder na tumatakbo rin. Nagtama pa ang mga mata namin ni Thunder, nag-thumbs siya sa akin habang nakangiti.

“Nakuha mo?” Hingal na tanong ko nang ibaling ko kay Axel ang atensyon ko. Kusa naman akong napangiti nang i-angat niya ang isa niyang kamay habang hawak ang isang kulay blue na tablet.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makapasok kami sa hideout nila. Hingal na hingal ako pero si Axel ay parang wala lang at ganun din si Jasper at Thunder.

“Si Jiro at Matthew nasaan?” Tanong ko.

“Kinakausap yung leader ng Insolent,” sagot ni Jasper at ngumiti ako ng bahagya.

“Salamat sa inyo,” tumango lang sila sa sinabi kong iyon bago i-abot sa akin ni Axel yung tablet.

Pinindot ko ng isang folder doon na may file name na Keen’s X list.

1. Amanda Barrios ✘

2. Devon Andrada ✘

3. Rain Celvero -

Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ang pangalan ko roon. So, totoo nga? Itong mga X sign ang nagpapatunay na hindi sila nagtagumpay sa experiment and now, I’m the next in line to be their target.

“Devon Andrada. Siya yung huling human subject. Kailangan natin siyang hanapin. Gusto ko siyang kausapin. Baka may makuha tayong impormasyon sa kanya,” sabi ko pero umiling si Axel.

“Hindi mo siya makakausap, nakakatrauma ang mga ginawa sa kanya,”

“Ano nang gagawin natin ngayon? Paano kung malaman nilang tayo ang kumuha niyan?” Tanong ni Jasper. Panibagong problema na naman iyon kung nagkataon.

“Kaya nga kinakausap nila Jiro yung leader ng Insolent para humingi ng tulong,” sabi ni Thunder at binalik ko ulit ang atensyon sa tablet para maghanap ng ibang impormasyon tungkol sa experiment.

“Aberrant?” Basa ko sa isa pang folder. Mukhang nagkakaidea na ako sa ginagawa ng Keen’s org.

“Bakit?” Tanong ni Axel.

“Tingin ko sinusubukan nilang gumawa ng drugs na kayang ipagsama ang tatlo o apat na kind sa iisang tao, if possible pwedeng lahat. Hindi ba’t parang abnormality na iyon at kung tama naman ako ng kalkolasyon. Bakit nila ginagawa ‘yon at para saan?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.