Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 20

20: Conversation

-

Sabado ngayon, mabuti na lang at naiintindihan ako ni Ayesha. Gustong gusto kong sabihin sa kanya yung mga nangyayari pero sa ngayon, ako at ang dark lang muna ang pwedeng makaalam sa nangyayaring mystery dito sa Monstrous.

“Beb, saan ka tutuloy ngayong weekend? Gusto mo sa bahay ka na lang?” Tanong ni Ayesha habang iniimpake ko ang pang-dalawang araw kong gamit. Hindi ako mag i-stay sa dorm ngayong weekend. Kailangan kong mag ingat.

“Hindi na beb. May kakilala naman akong mapagtutuluyan eh,” sabi ko nang buhatin ko ang bag ko at iiwas ang tingin sa kanya. Nagsinungaling na naman ako. Sa totoo lang ay ayoko siyang madamay dito kaya kailangan kong tanggihan ang offer niya.

“Sige beb. Mauna na kong umalis, ah? Mag ingat ka. Bye.” Hinatak ko siya para yakapin at saka bumeso sa isa't isa. Matapos noon ay nagmadali akong lumabas ng campus kung saan naghihintay si Thunder.

Katulad ko, nagdodoble ingat din ang Keen’s org kaya hindi nila ako pwedeng basta-basta kunin o huntingin dahil masiyado ng obvious iyon.

“What took you so long?!” Iritang tanong ni Thunder habang nakasandal siya sa motor nya at cool na cool na nakabulsa ang mga kamay sa parehong bulsa.

“Baka babae ako. Matagal kumilos.” Rason ko bagi siya irapan. Hindi na siya sumagot pa at inabutan na lang ako helmet. Naalala ko tuloy iyong gabing umiyak siya sa akin tapos iniwan lang ako basta-basta.

“Ngumingiti ka na naman bigla. Alam mo natatakot na ko sayo. Baliw ka ba? O may nakikita kang hindi ko nakikita?” Tanong niya nang sumakay ito sa motor niya, gusto ko sana siyang hampasin kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Napagdesisyunan namin kahapon na kay Thunder ako mag i-stay ngayong weekend. Oo alam kong awkward dahil titira ako kasama niya. Muntik pa silang mag-away ni Jiro, pero mabuti na lang at hindi na nila pinalala. Kailangan din kasi si Jiro ng papa niya dahil nga sa arranged marriage kaya hindi ako pwedeng sumama sa kanya.

Wala naman palag si Matthew kay Thunder dahil nagpresinta rin siya na doon ako mag-stay sa apartment niya.

“Kumapit ka." utos ni Thunder kaya naman hinawakan ko ang damit niya.

“Stupid. Mahuhulog ka niyan eh!” sigaw niya at walang sabi-sabi bigla na lang niyang kinuha ang mga braso ko at ipinulupot iyon sa baywang niya. Gustuhin ko man magreklamo ay hindi ko na rin nagawa dahil sa biglaan niyang pagmamaneho ng sobrang tulin.

“P-pwede ba. Tumingin ka sa daan. Wag sa side mirror!” Sigaw ko dahil nakikita ko ang ginagawa niyang pagsulyap sa side mirror.

“Ganda kaya ng view.” Nahampas ko ang likod niya matapos iyong marinig. Hindi rin naman nagtagal ay huminto kami sa isang building na may limang palapag. Nabanggit niya sa akin kahapon na hindi siya nakatira kila Jiro. Ito siguro yung apartment na pinagtutuluyan niya everytime na hindi siya sa academy umuuwi.

Pumasok kaming pareho sa lobby at sumakay ng elevator. Huminto naman iyon sa fifth floor. Hindi ako kumibo at sinundan lang siya hanggang sa umakyat kami sa hagdan at magpunta sa rooftop.

“Dito ka nakatira? Sa rooftop?” Tanong ko habang tinitignan ang bahay na naroon.

“Pinasadya ko ‘yang bahay na ‘yan,” sabi niya nang pumasok siya sa loob. Insolent na insolent ang dating ng bahay niya dahil nangingibabaw ang kulay itim. Black is everything for him, I guess?

“I-ikaw lang nakatira rito?” Nauutal kong tanong, dahilan para bigla na lang siyang humarap sa akin ng may nakakalokong ngiti sa labi.

“Tayong dalawa lang.” Sagot niya na may pagtaas-taas pa ng parehong kilay. What the hell?

“Isa lang ang kama rito kaya share tayo.” Kaswal na sabi niya habang umaakyat sa itaas. Ako naman ay napairap na lang at nanatili rito sa ibaba.

“Asa ka. Dito ako sa sofa matutulog.” Ipinatong ko roon ang dala kong bag at saka naupo. Dumungaw naman siya sa akin mula sa itaas.

“No. I’ll take the sofa. Dito ka na sa taas. Umakyat ka rito.” Hindi ko siya pinansin, nagpapanggap pa siyang gentleman ngayon. “Aantayin mo pa bang buhatin kita?”

Hindi pa rin ako kumibo ngunit nang makita ko siyang pababa ay tumayo na ako.

“Ito na oh. Aakyat na.” Inirapan ko siya at nang makarating kung saan siya naroon ay bumuntong hininga ako. “Ako na ang matutulog sa sofa. Maliit ang katawan ko kaya kasya ako roon.”

“Tss. Proud ka pang maliit ka. Kumain ka nga ng marami. Parang isang ubo na lang, babawian ka na ng buhay eh.” Tinignan ko siya ng masama matalos niya iyong sabihin. Now he’s body shaming me. Ganoon ba ako kapayat?

“Tara. Kumain tayo.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palabas ng bahay. Kahit gusto kong magreklamo sa mga ginagawa niya sa akin ngayon ay pinili kong manahimik na lang at sundin kung ano man ang trip niya sa buhay.

“Anong bibilin mo rito?” Tanong ko nang makarating kami sa isang market. Hindi niya ako pinansin kaya naman tinignan ko na lang ang mga ipinaglalagay niya sa hawak na green basket. Shampoo, conditioner, papaya soap, mga delata at beer.

Hindi na ako nakapagtanong dahil binayaran na niya iyon lahat na para bang nagmamadali siya. Agad naman kaming bumalik sa bahay niya matapos makapamili. Pinaupo niya ako sa dining chair habang siya ay nagluluto. Infairness, ang cute niyang tignan sa suot niyang benten na apron. Parang hindi si Thunder itong nakikita ko ngayon.

“Marunong ka pala magluto?” Patanong kong sabi habang nakapalumbaba sa lamesa. “Teka. Wala bang magagalit na nakatira ako rito? Si Emerald bakaㅡ”

“Ikaw lang ang babaeng nakakaalam kung saan ako nakatira.” Pag

putol niya sa sasabihin ko sana. “Hindi ko rin girlfriend si Emerald kaya wala kang dapat ikaselos.”

Kusang nalaglag ang panga ko dahil sa narinig, dahil doon ay ibinato ko sa kanya ang plastik na apple na nakapatong sa mesa.

“Kapal ng mukha mo, sino namang nagsabi na nagseselos ako? Tss.” Ngumisi lang siya sa sinabi ko at saka inilapag ang niluto niya sa lamesa. Hinubad na rin niya ang apron at naupo sa harapan ko habang nakangisi pa rin.

“Bakit? Wala ka bang gusto sa’kin?” Bigla na lang naginit ang pisngi ko dahil sa tanong niyang iyon. Anong isasagot ko? Hanggang ngayon kasi ay nacoconfuse pa rin ako.

“Wala. Asa ka naman.” Sabi ko na lamang sabay tusok sa meatloaf na niluto niya. Iniwasan ko rin sya ng tingin para makaiwas sa tingin niyang nakakalusaw.

“Sakit mo naman magsalita.” Napalingon ako sakanya at nakitang nakahawak siya sa kanyang dibdib na para bang umaarte. Natawa ako sa kalokohan niyang iyon.

To be honest, hindi ko alam kung ano talagang nararamdaman ko para sa kanya pero masaya akong nakikita ko siyang nagbabago. Na nakikita ko yung side niya na hindi nakikita ng iba, yung pagiging abnormal.

“Paano mo nga pala nalaman yung ginagawa ng mga Keen’s organization?” Tanong ko, bigla ko kasing naalala. Gusto na niya kong protektahan bago niya pa ipakita sa akin yung nangyayari sa keen’s lab noon, ibig sabihin matagal na niyang alam yung tungkol doon.

“Hmm nung araw na binigyan ko si Amanda ng King of death, maraming estudyante ang nang bully sa kanya, para siyang ikaw. Palaban, pero kinabukasan bigla na lang siyang nawala. Naging usap-usapan ‘yon sa buong campus kaya itinigil ko ang pagbibigay ng card na 'yon until one day, aksidente akong napadpad sa keen's lab..”

“..May narinig akong mga nag-uusap kaya naman nagpunta ako sa likuran para silipin kung sino ang mga ‘yon dahil nabanggit nila yung pangalan ni Amanda..”

“..Doon ko naman siya nakitang nakahiga sa loob ng isang kwarto habang may kung anong ikinakabit na wire sa katawan niya, akala ko wala lang yun kaya umalis ako pero kinabukasan nakita ko na lang sya sa rooftop. Umakyat ako para pigilan siya sa pagtangka niyang pagtalon. Hindi naman kasi ako ganoon kaheartless gaya ng akala ng iba.”

“Takot na takot siya nung araw na ‘yon, halos hindi siya makapagsalita pero nagawa niya parin ikwento sa akin lahat, kaya sinabihan ko sya na lumipat ng school para makaiwas. Hinayaan ko na rin yung rumor na ako ang dahilan kung bakit siya nag-attempt ng suicide. Dahil dun sinimulan ko ng imbestigahan yung Keen’s org.”

Kumuha siya ng meatloaf at sinubo iyon ng buo bago magpatuloy sa pagk-kwento. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nakikinig sa bawat detalye.

“Hanggang sa makilala kita at malamang 100% Keen ka tulad ni Amanda. Alam mo ba na pagtapos ng light’s off inutusan ko si Axel na tignan yung X list na nabanggit sa akin ni Amanda noon? Hindi naman ako nagkamali na nandoon nga ang pangalan mo..”

“..Hindi ko alam kung bakit pero noong nasa Janitor’s room tayo. Totoo yung sinabi ko kaya nga kinagabihan, kinausap ko yung myembro ng Dark na gusto kitang protektahan. Nung gabing din yun gusto kitang sundan nang makita kitang lumabas ng cafeteria pero alam kong galit ka kaya si Jasper na lang yung pinasunod ko.”

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. I’m totally lost for words. Nakatingin lang ako kay Thunder sa mga oras na ito. Yung mga ikinwento niyaㅡang layo noon sa alam ko at pinaniniwalaan ko. Hinawakan niya ang bigla ang kamay ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

“I really like you Rain. At hindi ko hahayaan na maulit sa’yo yung nangyari kay Amanda.” Tumingin siya sa ibaba na parang nahihiya bago ako tignan ulit ng diretso sa mga mata. “I maybe a gangster but I can protect you.”

Hindi ko alam pero kusa na lang akong napangiti dahil sa narinig. Kahit paano ay nacoconvince na niya ako na dapat ko siyang pagkatiwalaan.

“Thunder. Salamat,” hinawakan ko ang kamay niya pabalik at nakita ko siyang ngumiti ng bahagya. “Hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito tayo, na magiging ganyan ka. Na magbabago ka.”

Biglang napalitan ng pagngisi ang ngiti niya kaya naman kinabahan ako. What if nagsisinungaling lang pala siya? Na gawa-gawa niya lang 'yung kwentong iyon?

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo pero laking gulat ko na lang nang maupo siya sa tabi ko habang nakaharap sa akin. Walang akong ideya sa gagawin niya pero nang ilagay niya sa likuran ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko ay namula ako.

“You’re the reason why I changed. Hindi ko alam kung kailan ko pa ‘to naramdaman pero nahulog na talaga ako sa’yo.” Hinawakan niya ang mga pisngi ko kaya pakiramdam ko ay lalong namula iyon.

May balak pa sana siyang sabihin ngunit nagring bigla yung phone niya. Agad siyang tumayo para sagutin iyon. Masaya akong malaman na ako ang dahilan ng pagbabago niya pero bakit parang nararamdaman ko na hindi iyon magtatagal?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.