21: Puzzled
-
Kasalukuyan akong nakatunganga sa classroom. Mabilis lumipas ang araw kaya naman balik pag-aaral na ulit kami.
“Tymee. Okay ka lang?” Tanong ko nang mapansing tahimik ito. Kagrupo ko siya ngayon sa activity kasama si Jasper, Matthew at Axel.
“Ah oo, may iniisip lang ako. Sorry.” paghingi niya ng tawad. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lang siyang tumakbo palabas ng classroom, dahil doon ay nagkatinginan kaming apat nila Matthew.
“Anong nangyari dun?" Tanong niya sa amin. Nagkibit balikat lamang ako at saka ibinaling ang atensyon sa papel na hawak ko.
“Apat na lang tayo ngayon, wag niyong sabihin na sa akin niyo iaasa ‘tong paggawa ng essay?” Tanong ko sa tatlo pero parang nananandya sila dahil bigla bigla na lang silang nag-usap kahit wala naman silang topic. Uh seriously? Kaya ayaw kong makagrupo itong mga lalaki na ‘to eh.
“Akin na. Ako na gagawa,” bored na sabi ni Jasper nang bigla niyang agawin sa akin ang papel na nasulatan ko na. Ngumiti ako sa kanya pero inirapan niya lang ako.
“Matthew, tulungan mo si Jasper.” sabi ko pero inilabas lang niya ang kanyang dila na nagsasabing manigas ako.
“Susundan ko na lang yung kaklase nating rocker. Napansin ko kasi na last week pa siya ganun. Iniisip ko rin na baka may kaugnayan siya kay Devon dahil pareho sila ng apelyido.” binulong ni Matt ang huling sinabi niya at nagulat na lang ako nang mag slow clap si Axel at Jasper habang umiiling ang ulo.
“Genius! Sige, sundan mo na.” sabi ni Axel at napailing lang si Matthew dahil sa ginawa noong dalawa. May meeting yung mga prof kaya malaya kaming gawin kahit anong gusto namin, basta ba matatapos namin itong activity na iniwan sa amin.
“Minsan may utak din yung kumag na yun eh no.” sabi ni Jasper habang busy siya sa pagsusulat ng essay. Napaisip naman ako bigla, may kaugnayan nga kaya si Tymee kay Devon?
Habang tahimik kong kinakalkula ang mga nabubuong tanong sa isip ko ay bigla na lang may bumato sa akin ng kapirasong papel. Binuksan ko iyon at binasa.
“Meet me later after this class. Sa rooftop” - J.
Tinignan ko si Jiro at nginitian niya ako ng bahagya kaya ngumiti ako pabalik. Sa hindi naman malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng itim na presensya. Pamilyar sa akin yung aura na iyon, hindi ako pwedeng magkamali.
“Thunder saan ka pupunta?” Tanong ni Axel nang mapansin niyang tumayo si Thunder. I knew it.
“Papahangin. Hindi ko gusto yung nakikita ko rito sa loob.” sabi niya sabay sulyap sa akin. Napanganga na lang ako dahil sa inasta niyang iyon. Sinasapian na naman ba yung lalaking ‘yon?
Ilang oras pa ang lumipas. Tinatahak ko na ang daan papuntang rooftop. Saktong pag-akyat ko naman sa taas ay naroon na si Jiro. Nakasandal siya sa pader habang nakabulsa ang mga kamay.
“Anong gagawin natin dito?” Tanong ko at nginitian niya ko.
“Alam mo ba na tuloy na tuloy na yung kasal?” Sabi niya nang dumungaw siya sa labas. Tinabihan ko naman siya roon at hindi maiwasang makaramdam ng konsensya. Alam ko naman kasi na ako ang dahilan kung bakit iyon nangyari.
“Wala bang ibang paraan para hindi matuloy?” Tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Is he mad? “Jiroㅡ”
Hindi ko naituloy ang gusto ko pa sanang sabihin nang bigla niya akong yakapin. Gusto ko siyang yakapin pabalik but there's something wrong, hindi ako kinakabahan. Hindi bumibilis ang tibok ng puso ko gaya ng dati. In short, walang epekto sa akin ang yakap niyang iyon.
“Gusto kita Rain, I mean it pero alam kong hindi ka mapapasa’kin.” sabi niya nang kumalas siya sa pagyakap sa akin. Naiilang ako pero sinagot ko pa rin siya ng isang ngiti.
“Hindi man kita kayang protektahan gaya ng ginagawa ni Thunder, susubukan ko pa rin.... Bilang kaibigan mo.” ginulo niya ang buhok ko at saka ngumiti. Yung ngiting nawawala ang mata niya. Masaya akong makita ‘to sa mga oras na ito kaya naman hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya. He’s too precious for me, I don’t deserve him.
“Salamㅡ” naputol ako sa pagsasalita nang maramdaman kong nagdikit ang mga labi namin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya ngunit mabilis din siyang kumalas. W-what did just happened?
“Jiro,” boses ng babae kaya naman agad akong napalingon.
“Zea. Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Jiro na para bang walang nangyari. Na parang hindi niya ako hinalikan.
“Nilipat ako dito ni dad. Gusto niyang nasa iisang school lang ako kasama ang mapapangasawa ko.” cold na sabi nung Zea. Wait, don’t tell me nakita niya yungㅡ
“Mauna na ko.” paalam ko at mabilis silang nilagpasan ngunit laking gulat ko na lang nang makasalubong ko sa pintuan si Thunder. Doom’s day na ba?!
“H-hi.” bati ko at saka siya sinubukang lagpasan ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko para pigilan.
“Sinong mas masarap humalik samin?” Natigil ako matapos iyong marinig sa kanya and as if on cue, kusa ko siyang nasampal. Mabilis naman niya akong nabitawan dahil nabigla siya ginawa kong iyon. Kung makaasta akala mo ay kung sino! Hindi ko naman alam na gagawin ni Jiro iyon. Ano bang tingin niya sa akin?
Ayesha’s POV
“Beb. Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa ganiyan.” tanong ko habang gumagawa ako ng assignment dito sa kwarto. Tinignan ko si Rain at nakita kung paano niyang titigan ang hawak-hawak na tela.
Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko na sya kilala dahil ang dami na niyang hindi sinasabi sa akin.
“Sorry beb, ang dami lang talagang gumugulo sa isip ko ngayon,” sagot niya sabay tayo. Dumungaw siya sa balkonahe pero laking gulat ko na lang nang bigla siyang sumigaw.
“Beb bakiㅡ” napahawak ako sa bibig ko nang makita ang dahilan ng pagsaigaw ni Rain. Paanong, sinong gagawa nito?! Dali-daling lumabas ng kwarto si Rain kaya naman kahit nanghihina ang tuhod ay sumunod ako.
Nagsilabasan din ang ilan sa mga dormmate sa kwarto dahil mukhang narinig nila ang pagsigaw ni Rain.
“Sino ‘yon? Anong nangyari?” Tanong ng babaeng kulay berde ang buhok. Hindi ako nakasagot, sinundan ko lang si Rain hanggang sa mapansin kong marami na rin ang nakasunod sa amin.
Pagdating namin sa likod ng girl’s dormitory ay halos hindi ako makatingin sa nakasabit sa puno na nasa tapat ng balkonahe ng kwarto namin. I can hear the gasps. Mas lalo akong kinikilabutan.
“Ate!” Sigaw ng babaeng kulay berde ang buhok nang hawakan niya iyong paa noong babaeng nakabigti sa puno.
“Beb. Anong nangyayari? S-sinong gagawa niyan?” Tanong ko pero bigla na lang napaluhod si Rain sa damuhan. Putlang-putla siya, marami na ring babae ang nakapaligid dito sa likod ng girl’s dormitory. Hindi ko alam ang gagawin kaya naman tinawagan ko na lang si Liam.
“Hello. Ayesㅡ”
“P-puntahan mo ko dito sa l-likod ng g-girls dorm.”
“Bakit ganyan yung boses mo? May nangyari ba sa’yo? Okay ka lanㅡ”
“Faster Liam! May babaeng nagbigti rito!” Agad kong binaba ang tawag at inalalayan si Rain. Napatingin naman ako sa boy’s dorm na hindi naman kalayuan dito. Maraming lalaki ang nakadungaw sa balkonahe nila. Natatanaw ko na rin si Liam na tumatakbo papunta rito.
Agad niya kaming hinawakan ni Rain habang nakatingin sa puno.
“Anong nangyari?” Tanong niya at maya-maya lang ay may dumating ng mga prof para suriin ang nangyari. Pinabalik na rin sa dorm ang mga nakapaligid dito.
“Beb... tara na.” aya ko pero bigla na lang dumating ang dark. Lahat sila ay nabigla pero agad din nilang inalalayan si Rain at yung babaeng kulay green ang buhok na mukhang kilala rin nila.
Rain’s POV
Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ang buo kong katawan dahil sa nakita. May mga pulis at detective na ang umaasikaso sa nangyari.
Sa ngayon ay nandito ako sa dean’s office kasama si Tymee. Alam kong wala pa siya sa kondisyon ngayon dahil sa nangyari pero kailangan siyang tanungin ng detective.
“May napapasin ka bang mali sa kapatid mo nitong mga nakaraang araw?” Tanong ng lalaki.
“Napansin ko na balisa siya. Madalas ko siyang puntahan sa kwarto niya. Tinatanong ko kung anong problema pero hindi siya nagsasalita.”
“May nakaaway ba siya dito sa loob?” Umiling lang si Tymee. “Nag t-take ba siya ng drugs?”
“Hindi! Anong tingin niyo sa ate ko? Adik?! Mabait na taoㅡ” hinawakan ko si Tymee para kumalma.
“Pasensya na po. Pero pwede bang ako na lang ang kakausap sa kanya?” Tanong ko sa lalaki at pumayag sila dahil naiintindihan nila na mahirap ang kalagayan ni Tymee ngayon.
Tahimik sa buong campus dahil natatakot lumabas ang mga estudyante. Minabuti ko na rin na dalhin si Tymee sa hideout ng Dark.
“Bakit mo ko dinala rito? Delikado dito!” Sabi niya nang makarating kami sa tapat ng hell’s gate.
“May alam ako sa nangyari kay Devon.” agad siyang napalingon sa akin.
“Paano mo nalaman yung pangalan ng kapatid ko?”
“Ipapaliwanag ko pag nakapasok na tayo sa loob. Sa ngayon, magtiwala ka muna sa akin,” kahit hindi alam ang nangyayari ay tumango siya kaya pumasok na kami sa loob, sinalubong naman kami ni Matthew na agad inalalayan si Tymee.
Pagdating namin sa loob ay kinwento ko agad ang kinwento sa akin ni Thunder noong sabado, kinwento ko rin yung nakita ko sa keen’s lab noong water splash festival pero mukhang hindi naniniwala si Tymee kaya pinakita ko sa kanya ang X list.
“Kailangan nating sabihin ‘to sa dean,” sabi ni Tymee nang maniwala na ito sa mga kwento ko.
“Hindi. Wala tayong sapat na ebidensya.” Tutol ni Jasper.
“Hindi kaya suicide lang din yung nangyari? Nakita kong may hagdan na nakasandal sa puno,” Tanong ni Matthew kaya naman napahawak ako baba ko.
“Posible pero bakit malapit sa balkonahe yung lubid? Pwede siyang makaayat sa puno na yun gamit yung hagdan, pwede rin siyang dumaan sa balkonahe ng kwartoㅡ” napahinto ako bigla sa pagsasalita at nagmadaling kunin sa bulsa ko ang kapirasong tela na napulot ko kanina malapit sa kama ko. Hindi ako pwedeng magkamali, tela ito ng lab gown ng Keen.
“Walang ibang mabilis na daan para makaayat sa puno na ‘yon, kung hindi sa kwarto lang namin ni Ayesha. Malaki ang posibilidad na doon siya dinaan habang nasa klase lahat ng estudyante. Posibleng sinadya siyang patayin.” Kalkolasyon ko bago tumayo at maglakad ng marahan.
“..Dahil kung suicide ‘yon bakit malapit sa balkonahe nakapwesto yung lubid imbis na malapit sa hagdan na ginamit?”
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Thunder nang lumapit ako sa pintuan.
“Axel, samahan mo ko. Tignan natin yung katawan ni Devon. Sa tingin ko pinatay na siya bago pa man siya ibigti para magmukhang suicide yung nangyari, mukhang nagkamali rin sila ng lagay sa hagdan dahil sa pagmamadali.” sabi ko at saka lumabas kasama si Axel.
Kung tama ako ng hinala, paniguradong may ibang kasabwat ang Keen’s org para madali nilang mapasok yung kwarto namin ni Ayesha. Hindi ako pwedeng magkamali.