22: Alliance
-
"Paano mo nasabi na hindi suicide yung nangyari?" Tanong ni Axel habang naglalakad kami papunta sa likod girl's dormitory. Agad ko namang inabot sa kanya ang telang hawak ko.
"Napulot ko 'yan kanina malapit sa kama ko. Hindi ka ba nagtataka? Malapit sa balkonahe ng kwarto namin nakalagay yung lubid. Alangan naman gumapang pa sa sanga si Devon papunta doon. Eh di sana sa mismong balkonahe na lang niya sinandal yung hagdan," paliwanag ko at mukhang nagegets naman ni Axel ang sinasabi ko.
Pagdating namin sa likod, nasa ibaba na yung katawan ni Devon. Sinusuri na ring maigi ang katawan niya.
"Bawal kayo rito" sabi ng isang pulis nang harangan niya ang daan namin.
"Kailangan kong makita yung katawan. Baka may maitulong ako," sabi ko pero hindi pa rin ako pinadaan noong pulis.
"Sinabing hindi pwede." balak pa sana akong hawakan ng lalaking iyon ngunit mabilis akong nahatak ni Axel palayo.
"Don't touch her." Madiin nitong saad. Hinawakan ni Axel ang balikat ko at inilayo doon sa pulis.
"Kaya mo bang humanap ng clue ng hindi lumalapit?" Tanong niya at nagkibit balikat lamang ako. Sa pwesto namin ngayon ay mahihirapan akong gawin iyon. Masiyadong malayo ang katawan ni Devon mula sa kinatatayuan namin.
"Hayaan niyo siyang lumapit," boses ng lalaki. Sabay naman kaming napalingon ni Axel at laking gulat ko naman nang yumuko siya doon sa harap ng lalaking dumating.
"Sino yan?" Bulong ko.
"Leader ng Insolent." mahinang sagot niya. Lumapit sa amin iyong leader at nakipagkamay sa akin.
"I'm willing to help." sabi nito at saka ibinaling ang atensyon sa pulis. "Hayaan niyo siyang makalapit. Hindi naman niya hahawakan yung bangkay, responsibilidad ko pag may ginawa siyang mali."
Insolent na insolent ang aura niya. Mukha namang nakaintindi na yung pulis dahil umalis na siya sa pagkakaharang.
Pinagmasdan kong maigi ang katawan ni Devon at mabilis akong nakakuha ng sagot.
"Tara," aya ko kay Axel at bumalik kami sa hideout kasama iyong leader. Agad nagbigay galang yung apat pero napansin ko na wala si Tymee dito.
"Nasaan si Tymee?"
"May kakausapin daw siyang pwedeng makatulong sa problema natin." Si Matthew ang sumagot.
"May nakuha ka bang sagot?" Tanong ni Jiro at tumango lang ako. Sabay naman kaming naupo ni Axel habang nasa harapan namin yung leader ng Insolent.
"Masiyadong obvious ang pagkakapatay kay Devon. Masiyadong mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa leeg niya kaya mukhang pinulupot na 'yon sa leeg niya hanggang sa mawalan na ito ng hininga at noong masigurado na ng killer na wala na siyang buhay, at saka nila tinali yung kabilang dulo ng lubid sa sanga ng puno at hinulog yung katawan ni Devon para masabing nagsuicide siya." paliwanag ko.
"How sure are you? Sabihin na natin 'to sa detective." Sabi ni Jasper.
"Itong asul na tela na 'to ang nagpapatunay na sa kwarto namin ni Ayesha dinaan si Devon, mukhang nagpumiglas siya kaya naman sumabit sa matulis na bagay yung lab gown na suot ng killer..."
"...Hindi rin natin pwedeng sabihin 'to sa mga pulis dahil may inenject na gamot kay Devon noong nasa keen's lab siya, kaya ang lalabas ay nag t-take siya ng drugs na naging dahilan para magsuicide siya. Nabanggit din ni Tymee na balisa at hindi makausap si Devon kaya sure akong suicide ang magiging conclusion nila."
"So what are we going to do now? Paano natin mapagbabayad yung keen's org sa mga pinaggagawa nila?" Tanong ni Matthew.
"Alliance." Lahat kami ay napalingon doon sa lalaking nagsalita. Matangkad ito ay kulay blonde ang buhok.
"Humingi ako ng tulong sa leader ng mga Robust. We need an alliance para mapatalsik yung leader ng keen's org. Or maybe lahat sila." sabi ni Tymee. Kumaway naman ang leader ng robust at saka lumapit sa leader ng Insolent.
Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Para kaming sasabak sa gyera. "It's nice to be with you again. Gd."
"Not so nice, Top." nakangising sabi noong leader na nag ngangalang Gd? O baka code name niya lang iyon?
"Mag-uusap muna kaming dalawa. Let's meet again tomorrow." sabi ni Leader Gd. Tumango naman kami at nagpasalamat sa ginawa niyang tulong sa amin kanina.
"Tymee. Magpahinga ka na rin. Ituloy na lang natin ito bukas." sabi ko at sinamahan naman siya ni Matthew pabalik sa girl's dorm para makasiguradong okay si Tymee.
Maya-maya lang ay tumayo na rin ako ngunit agad ding natigilan sa paghakbang nang tawagin ni Thunder ang pangalan ko.
"Wala ako sa mood makipagsabayan sa'yo ngayon." sabi ko at saka naglakad palabas pero hinabol niya ako at hinarangan ang daanan ko.
"Tell me. May relasyon ba kayo ni Jiro?"
"Pwede ba? Kung ano man yung nakita mo kanina, hindi ko 'yon ginusto. Nabigla rin ako sa nangyari kaya kung sa tingin mo na nilalandㅡ"
"Naniniwala ako sa'yo." pagputol niya sa sinasabi ko. Napatingin na lang ako sa kanya. May sanib na talaga ang lalaking ito. Hindi ko siya maintindihan, alien ba siya? "Nagselos lang ako. Sorry sa sinabi ko,"
"S-sige na. Babalik na ko sa dorm, baka nag aalala na si Ayesha." sabi ko pero hindi ako nakaalis sa pwesto ko nang makita kong papalapit sa direksyon namin si Zea.
"Zea? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Thunder ng bumeso siya doon sa Zea.
"Where's Jiro?"
"Nasa loob." tipid na sagot ni Thunder. Huminga ako ng malalim at saka sinubukang ipaliwanag ang sarili ko.
"Ah Z-zea. Yung nangyari kanina sa rooftopㅡ"
"She didn't want that to happen. I think, ginamit ni Jiro yung girlfriend ko to make you hate him," napanganga na lang ako dahil sa narinig kong iyon. Ano na naman ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?
"So, she's your girlfriend. Then it's okay, no worries. Sige pasok na ko sa loob." Sabi ni Zea at nginitian niya ko ng bahagya bago pumasok sa loob.
"Thundeㅡ"
"Tara na, ihahatid na kita sa dorm." Hindi na ako kumibo at naglakad na pero napahinto ako nang makita ko si Liam na papasok sa lumang function hall. "What? Tara na."
Hindi ko pinansin si Thunder at piniling maglakad papunta sa function hall.
"Rain, don't even go there! May gang fight sa loob." Hinatak ako ni Thunder kaya hindi ko na nagawang tignan kung si Liam ba iyon o namalik mata lang ako.
"Puro insolent lang ba ang nakikipag gang fight sa loob niyan?" Tanong ko.
"Hindi. Kahit sino pwedeng makapasok diyan sa loob, as long as they have a gang fight." Tumango lang ako at hindi na ulit kumibo.
ㅡ
Kinabukasan.. Tahimik pa rin sa buong campus, may iilang estudyante ang patuloy pa rin pinaguusapan ang nangyari kahapon.
Kasalukuyan akong nasa classroom at di maiwasang mapatingin sa bakanting upuan ni Tymee. Sana maging maayos na ang lahat.
"Rain." tawag ni Jiro na agad ko namang nilingon.
"B-bakit?" Tanong ko nang maalala ang nangyari sa rooftop.
"Yung nangyari kahapon. Sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi pag ginawa ko 'yon, magagalit si Zea pero hindi pala." natatawang sabi niya at ngumiti naman ako.
"Okay lang. Naiintindihan ko." ngumiti siya ng bahagya pero biglang nagbago ang mood niya nang dumating si Thunder. Nagtinginan sila ng masama pero agad din iyong naputol nang may pumasok sa classroom.
"Goodmorning class." Bati ni Ms. De Vera. Substitute prof namin siya ngayong week.
Magsasalita pa siya ulit nang bigla na lang pumasok si Leader GD. Hindi man lang ito nag-abalang kumatok kaya mukhang gulat na gulat si Ms. De Vera.
"Pwede ko bang mahiram yung mga estudyante mo? Si Rain at yung Dark." walang emosyong sabi nito. Hindi nakakibo si ma'am kaya naman lumabas na kami ng classroom at dumiretso sa hideout ng dark kung saan naghihintay si Leader Top at Tymee.
Napagdesisyunan namin na hindi na kami mangingialam sa imbestigasyon tungkol sa nangyari kay Devon. Payag naman si Tymee doon. Ang plano namin ngayon ay yung makakuha ng sapat na ebidensya para mapatunayan na may maling ginagawa yung Keen's org...
At kung sakaling magtagumpay kami sa plano. Mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Devon at hindi na rin nila ako makukuha bilang human subject.
"We need your cooperation, Rain." sabi ni Leader Gd at tumango naman ako bilang pag-oo. "Can you sacrifice yourself?"
Balak ko na sanang tumango pero hindi ko pa man din iyon nagagawa ay nagsalita na si Thunder.
"No. Not again. Kung nung una nagawa mong makatakas sa keen's org. Ngayon, hindi na 'yon magiging madali."
Ngumisi si Leader Gd nang i-cross niya ang legs at braso niya habang nakatingin kay Thunder.
"Do you really want this to end? Kaano ano mo ba si Rain? Are you even her boyㅡ"
"I love her at hindi ako papayag na basta-basta na lang siyangㅡ"
"Sorry, pero pwede bang kausapin ko muna siya?" Tanong ko at saka dali daling hinatak si Thunder papunta sa itaas ng hideout.
"Nagawa na natin 'to, Thunder at wala akong ibang naiisip na paraan kung hindi ang isacrifice ulit ang sarili ko. Sa ating lahat na nandito ngayon, ako yung pinaka kailangan ng Keen's org." Paliwanag ko. Actually hindi ko naman talaga dapat ginagawa ito dahil may sarili akong desisyon, pero ipinapaliwanag ko pa rin sa kanya dahil ayoko siyang mag-alala.
"Ilang beses mo na kong naligtas at malaki yung tiwala ko na magagawa mo ulit 'yon..."
"...Ayokong sayangin yung opportunity na meron tayo ngayon. Nasa side na natin yung leader ng Robust at Insolent. Kaya kung gusto mong matapos na 'to, wag mong kontrahin yung desisyon ko."
Napangiti ako ng makita siyang tumango pero laking gulat ko na lang nang yakapin niya ako ng walang sabi.
To be honest, hindi maganda ang pakiramdam about sa pagsasacrifice sa sarili ko. Alam kong hindi na ito magiging madali gaya noong una pero gagawin ko lahat para matapos na 'to. I want this to end.
At para masabi ko na rin kay Thunder kung ano ba talaga iyong nararamdaman ko.