Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 23

23: VIP

-

Ayesha’s POV

Breaktime na, wala na naman si Rain. Pakiramdam ko talaga ay nalalayo na ako sa kanya. Madalas siyang busy nitong mga nakaraang araw. Hindi rin niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta. Ano na bang nangyayari?

“Alone?” Tanong ni Jin nang maupo ito sa harapan ko. Kapansin-pansin naman ang pasa sa mata niya kaya hindi maiwasang magsalubong ang pareho kong kilay.

“Anong nangyari? Bakit may black eye ka?” Balik tanong ko habang pilit niyang itinatago ang mukha niya. Seriously? I already saw it.

“Napaaway lang ako,” tipid na sagot niya kaya tumango na lamang ako ngunit laking gulat ko nang biglang dumating si Liam na may sugat sa gilid ng labi.

Gusto ko sana siyang tanungin ngunit hindi ko nagawa dahil tumayo si Jin at nagharapan silang dalawa na tila magsusuntukan.

“Yesha. Una na ko,” biglang paalam ni Jin at saka naglakad palayo matapos bungguin ang balikat ni Liam.

“Anong nangyari sa labi mo?” Tanong ko pero hindi niya sinagot ang tanong kong iyon.

“Si Rain nasaan? Bakit wala na naman siya? Nag-aaalala na ko, baka kung napano na ‘yon. Madalas siyang wala, delikado sa campus ngayon,” naiyukom ko ang kamao ko matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon.

“Liaㅡ”

"Hahanapin ko si Rain," again, he ignored me. Balak na sana niyang umalis pero hinatak ko ang braso niya pabalik at saka siya sinampal. Napupuno na ako. Puro na lang si RainㅡOo tanggap ko na hindi niya ako gusto pero sana kahit papaano wag niya akong binabalewala. I’m still his bestfriend!

“Anong problema mo?” Tanong niya at hindi ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak noon sa pisngi ko. Damnit.

“I’m your bestfriend Liam! Magsabi ka naman sa akin kung may problema ka. Anong nangyari diyan sa labi mo?" Tanong ko habang pilit kong pinupunasan ang luha ko.

“Wala ka nang pakialaam doon, Ayesha.” and just like that, he left me dumbfounded. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa narinig kong iyon mula sa kanya.

Rain’s POV

My decision is final.. Willing akong i-sacrifice ulit ang sarili ko para matapos na ‘to. Sa ngayon, kasalukuyan pa rin kaming nasa hideout, paniguradong kumakain na rin si Ayesha ngayon.

“Pwede bang magbreak muna? Kailangan ko lang puntahan yung kaibigan ko," paalam ko. Sumangayon naman silang lahat kaya tumayo na ako at dali-daling lumabas ng hell’s gate pero hindi ko inaasahan na susundan ako ni Jiro at Thunder.

“Bakit kayo sumusunod?”

“We need to make sure you’re safe. Alam mo naman yung sitwasyon mo ‘di ba?" Sabi ni Thunder at tumango na lang ako kahit alam kong pag-uusapan na naman ako once na makita kami ng mga estudyante.

Pagpasok namin sa loob ay agad kong nilapitan ko ang usual place namin ni Ayesha.

“Beb..” tawag ko nang maupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang niya akong niyakap. “May problema ba? Anong nangyari? Nasaan si Liam?”

Wala akong nakuhang sagot kaya tinignan ko si Thunder at Jiro na nakaupo ngayon sa harapan namin ni Ayesha.

“Pwede bang doon muna kayo maupo sa usual place niyo? I mean, we need a privacy. Girl’s talk.” ngumiti ako ng pilit sa kanila dahil mukhang ayaw nila iyong ideya na kailangan nilang maupo sa iisang lamesa na silang dalawa lang ang magkasama. Yeah I know it’s awkward.

Pag-alis nila ay agad akong kumalas sa pagyakap ni Ayesha. Halatang umiyak siya dahil namamaga iyong mga mata niya.

“I have something to tell you. Nakita ko si Liam kahapon sa loob ng hell’s gate. May alam ka ba roon?" Tanong ko at nanlaki ang mata niya, ibig sabihin ay wala siyang alam. Ilang segundo rin bago siya makapagsalita.

“Kanina nakita kong may sugat siya sa labi. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa lalaking ‘yon.” Inayos niya ang kanyang buhok at saka hinawakan ang kamay ko. “Alam mo bang balak ka niyang ligawan?”

Hindi ako nabigla sa tanong niyang iyon, ayaw ko lang sabihin sa kanya pero alam kong hindi talaga sincere si LiamㅡKahit hindi niya sabihin sa akin, alam ko kung anong binabalak niya. I’m keen and he can’t underestimate my intuition.

“Beb. Alam kong may gusto ka kay Liam,” sabi ko at halatang nabigla siya kaya ginulo ko ang kanyang buhok habang nakangiti. “Hindi ako sigurado sa totoong nararamdaman ni Liam para sa akin pero isa lang ang sigurado sa akin. Hindi pwedeng maging kami,”

“Bakit nga pala kasama mo yung dalawang ‘yon?” Tanong ni Ayesha nang bigla niyang maalala na kasama ko sila Thunder. Sumulyap naman ako sa pwesto noong dalawa. Hindi sila nag-uusap o nagtitinginan man lang.

“Tsaka ko na ik-kwento sa’yo lahat. Sige beb kailangan ko ng umalis.. Pinuntahan lang kita para makita kung okay ka.” Tumango si Ayesha kaya naman lumabas na ako kasama sila Thunder pero napahinto ako nang makita si Ms. De Vera sa hindi kalayuan. Naka-lab gown ba siya? Or am I just seeing things?

“Rain, tara na.” aya ni Jiro at tumango lang ako. Strange.

Bumalik na kami sa klase, hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin iyong nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali, si Ms. De Vera yung nakita ko at nakasuot siya ng Keen’s lab gown.

“Ms. Celvero, are you with us?” Tanong ni Sir at tumango lang ako bago mapatingin sa upuan ni Tymee. Hindi na siya pumasok dahil kailangan niyang umuwi sa kanila para ayusin ang libing ni Devon.

“After class, magkita-kita tayo sa tapat ng hell’s gate, may pupuntahan tayo." Bulong ni Thunder. Hindi na ako nagtanong kung saan dahil nabanggit ng dalawang leader kanina na sa ibang lugar namin ipagpapatuloy ang pagpaplano dahil baka marami ng makahalata na madalas kaming nasa loob hell’s gate.

“Matthew, pahiram ng phone. May i-tetext lang ako,” Bulong ko.

“Ayaw, baka may makita ka rito eh,” Binelatan niya pa ako at saka humarap sa white board.

“Axel, pahiram phone,”

“Naiwan ko sa locker, eh.” napanguso na lang ako, lumingon ako sa likod at balak na sanang manghiram kay Jasper pero bigla na lang inilapag ni Jiro at Thunder ang cellphone nila sa lamesa ko. Nagpalingon-lingon pa ako sa kanilang dalawa pero nakaharap lang sila sa white board na parang walang nangyari.

Napailing ako at kinuha ang cellphone nila para ibinalik sa kanila. Tumalikod ulit ako para harapin si Jasper, alam ko namang ayaw niya sa akin pero wala na akong choice. Kailangan kong kapalan ang mukha ko.

“C-can I borrow your phone? Makikitext lang...Please?” Ngumiti ako nang makita kong may kinuha siya sa bulsa niya pero napanganga na lang ako nang ipatong niya sa kamay ko ang kamay niyang naka-middle finger. I gave him my deadliest glare pero tinawanan niya lang ako.

“Oh!” Inabot niya ang cellphone niya sa akin habang nagpipigil ng tawa, ngumiti na lamang ako ng pilit dahil hindi ko inaasahan na mapapatawa ko siya.

“Beb, si Rain ‘to. Hindi agad ako makakabalik ng dorm. Mag-stay ka lang sa kwarto ha? Wag ka masiyadong mag-alala sa akin. Pahinga ka,"

Ibabalik ko na sana iyong cellphone ni Jasper kaso may nakita akong picture ng aksidente kong makita ang mga recent app niya. Pipindutin ko na sana iyon kaso nagsalita si Jasper.

“Done?” Tanong niya.

“Tapos na. Salamat,” Ngumiti ako ng pilit nang ibalik ko ang phone niya. Picture ko ba iyong nakita ko? Umiling ako sa sariling tanong, ang weird ng mga nakikita ko ngayong araw. Dala ba ito ng stress?

Ilang oras ang lumipas at kasama ko na ang Dark at dahil sa impluwensya ng dalawang leader na kasama namin ay nakalabas kami ng academy. Wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta pero nabanggit ni Axel na hideout din iyong pupuntahan namin.

Nasa iisang sasakyan kami ngayon at hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa isang abandonadong warehouse.

“This is our hideout. It feels so nice to be back here after 5 years, huh.” sabi ni Leader Gd.

“Our?” Tanong ko at ngumisi lang siya. Pumasok kami sa loob at hindi ko maiwasang mamangha. Ang creepy niya tignan sa labas pero ang ganda rito sa loob kahit na medyo maraming alikabok at telang puti na nakabalot sa mga upuan. Naglakad-lakad ako sa loob hanggang sa makita ko ang picture frame na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko iyon at hinipan para mas makita kong maigi.

Kinuha ko iyon at hinipan para mas makita kong maigi

“That’s the answer to your question earlier. This place used to be our hideout. My gang mates.”

“Top, leader ng robust, Yb leader ng Keen, Ri leader ng amiable, Dae leader ng probity at ako.” paliwanag niya. So meaning magkakagangmate sila dati? Lahat ng leaders? Wow.

“Bakit kasama niyo si Ms. De Vera? Gangster din ba siya dati?” Natawa siya sa tanong kong iyon.

“No. She’s my ex. Ang kaisa-isang babaeng naglakas loob na kalabanin ang grupo ko na mas kilala bilang VIP. She’s a Keen like you,” agad naman akong napalingon sa kanya.

“Kasama po ba si Ms. De Vera sa Keen’s org?” Tanong ko at umiling siya.

“No. Mas gusto niyang magturo kaya wala siyang kinalaman sa Keen’s org,” Muli kong tinignan iyong picture at tumango. Pero bakit siya naka-lab gown kanina?

“Anong pong nangyari sa grupo niyo? Bakit kayo naghiwa-hiwalay?”

“Lahat kami ay Insolent but for some reasons, isa-isa silang lumipat sa gusto nilang Kind, isa na rin siguro si Janna sa dahilan kung bakit kami nagkawatak-watak. Ako at si Yb, we both love Janna...”

“I changed for her, I gave up everything, huminto ako sa gang fight. Sa isang taon na relasyon namin, sobrang saya ko pero hindi ‘yon nagtagal dahil kay Yb,” kwento ni Leader Gd. Halatang malungkot siya pagbinabanggit ang pangalan ni Ms. De Vera. Iyon siguro ang dahilan kung bakit niya kami tinutulungan ngayon.

Bigla ko tuloy naalala iyong sinabi sa akin ni Matthew noon na gusto niyang maging Amiable. Posible kaya na mangyari sa Dark yung nangyari sa Vip? I hope not.

“Okay enough with this drama. Let’s talk about the plan,” tumango ako at naupo sa couch na nakapabilog sa isang lamesa.

Tinabihan naman ako ni Thunder habang nasa kabilang side ko si Axel. Pinag-usapan namin bawat detalye ng plano. Mula sa kung papaano ko i-aapproach ang Keen’s leader hanggang sa makakuha kami ng video o makakuha ng anumang sapat na ebidensya para mapatalsik ang Keen’s org sa Monstrous Academy.

Ilang oras pa ang lumipas ng mapagdesisyunan naming bumalik na sa Academy. Bago kami tuluyang makaalis ay hinawakan ni Thunder ang pulsuhan ko.

“Pasensya na, may pupuntahan lang kami. Mauna na kayong bumalik,” sabi ni Thunder at walang sabi-sabi bigla na lang niya akong hinatak, tumakbo siya kaya naman napapatakbo na rin ako.

“Saan mo ko dadalhin?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot hanggang sa sumakay kami sa taxi. Patuloy ko siyang kinukulit pero imbis na sagutin ako ay nabigla na lang ako nang hubarin niya ang blazer niya at ipatong iyon sa hita ko para matakpan ang palda ko.

“Hoy manong, kanina pa kita napapansin na tumitingin sa rear mirror, ah” nagpipigil galit na sabi ni Thunder sa driver. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pagsasalita, sakto naman dahil huminto na iyong taxi.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko pero hindi na naman niya ako sinagot. Nag-abot siya ng buong 200 sa driver at saka ako hinatak pababa.

“Mag subway na lang tayo,” sabi niya nang hawakan niya ang kamay ko. Magrereklamo sana ako ngunit naunahan niya akong magsalita. “Hayaan mo kong hawakan ka. I really want to hold your hand, gusto kong maramdaman mo na safe ka pag kasama mo ako.”

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa narinig. Masiyado na siyang open sa nararamdaman niya. Ibang-iba na talaga siya sa Thunder na kilala ko noon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.