Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 24

24: Promise

-

Hawak-hawak pa rin ni Thunder ang kamay ko habang nakikipagsiksikan kami sa subway. Nakahawak siya sa bakal habang nakaharap sa akin, halos masubsob na rin ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa sobrang sikip.

“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko nang tumingala ako sa kanya. Kagaya kanina, wala akong nakuhang sagot, nakakainis na.

Binitawan niya ang kamay ko at pinulupot sa baywang ko ang free hand niya. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya nakatitig lang ako sa kanya. Kakaiba rin ang galawan ng lalaking ito.

“Kumapit ka sa damit ko.” Utos niya ngunit hindi ko ginawa....kaso wrong move dahil biglaang huminto yung tren, dahilan para ma-out of balance ako. Mabuti na lang ay nakaalalay ang kamay ni Thunder sa likuran ko.

“Ayaw kasi makinig eh.” iritang reklamo niya, ngumuso lang ako at hindi na kumibo.

Maya-maya lang ay bumaba na kami ng tren. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya wala akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta not until makita ko iyong mall. May oras pa talaga siya para mag shopping?

Hindi na ako nagtanong kung ano ang ginagawa namin dito dahil wala rin naman akong makukuhang sagot mula sa kanya. Sinundan ko na lang siya since hawak niya pa rin ang kamay ko at mukhang wala siyang balak bitawan iyon.

“Ang gwapo naman nung guy.”

“Swerte ni ate girl.”

“Uniform ‘yan ng Monstrous academy ‘di ba?”

Hanggang dito ba naman ay mapag-uusapan pa rin ako? I mean makukuha pa rin namin yung atensyon ng mga tao?

“Pili ka ng gusto mo.” sabi niya nang pumasok kami sa bilihan ng phone. Tinignan ko lang siya dahil nagiging engot na naman ako.

“Kung ayaw mo, ako na lang.” sabi niya nang akma siyang hakakbang pero agad ko siyang pinigilan. “Remember? Nasira ko yung phone mo? Papalitan ko na, para hindi ka na nanghihiram.”

“Pwede pa naman yung phone ko, gagana ‘yon ulit pag pinaayos.”

“Nandito na tayo, Rain. Ako na mamimili. Wag ka nang magreklamo.” napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong wala akong magagawa pag nakapagdesisyon na siya.

Naglakad siya sa store at naghanap ng phone na katulad ng sa kanya.

“Masiyado namang mahal ‘yan, yung pinakamura na lang ang bilhin mo.” sabi ko pero hindi na naman niya ako pinapakinggan. In the end, binili niya pa rin iyon.

“Babayaran na lang kita pag nakaipon ako.” sabi ko pero hindi siya kumibo at dinala lang ako sa ice cream store.

“Wala kang babayaran. Maupo ka lang diyan. Oorder ako,” Iniwan niya ako at napabuntong hininga na lang.

Nakakahiya na ‘to. Hindi naman niya kailangan gumastos ng malaki para lang mapalitan iyong cellphone ko na nasira at isa pa, bakit ba siya na lang ang laging nasusunod?

Maya-maya lang ay dumating na siya na may dalang dalawang baso ng ice cream. Nag umpisa naman kaming kumain pero huminto siya at kinuha ang cellphone na bitbit niya. Binuksan niya iyon at may kung ano siyang pinipindot.

“Oh, itago mo na.” Binigay niya iyon sa akin at nanlaki na lang ang mata ko nang makita ang wallpaper noon.

“Gwapo ba? Baka naman magdamag mong titigan ‘yan.” seryosong sabi niya at napailing na lang ako. Si-net niya talaga iyong selfie niya para maging wallpaper ko. Hindi man lang siya ngumiti at bakit close up?

“Asa ka. Papalitanㅡ”

“Subukan mong palitan, ipagsisigawan ko sa buong Monstrous Academy na gusto kita.” halos maibuga ko ang ice cream na kinakain dahil sa sinabi niyang iyon. Now he’s threatening me.

Hindi kaya pinagtitripan lang ako nito? Napakastraight forward na kasi niya, eh. Baka mamaya ay joke lang pala lahat ng sinasabi niya pero minsan kasi ramdam ko na sincere siya. Sabagay, marami na rin sigurong naging girlfriend itong kulog na ‘to kaya sanay na sanay ng magpakilig.

Ilang oras pa ang lumipas at bumalik na kami sa academy. Pumunta lang talaga kami sa mall para bumili ng Phone at kumain ng ice cream.

“Beb. Bago phone mo? Lumabas ka ng academy?” Tanong ni Ayesha nang mapansin niya iyin. Tumango ako at pag-insert ko ng sim ko ay may iilang text si Jiro at unknown number. Sure akong si Thunder ‘to.

“Wag mong papalitan yung wallpaper 👊”

“Wag mo masiyadong titigan, baka hindi ako makatulog 😅” napailing na lang ako habang nakangiti. Alien talaga, eh. Sinave ko ang number niya at binuksan ang mga text ni Jiro.

“Rain, malapit na yung kasal ko. Pwede mo ba kong tulungan?”

“Rain? Kita tayo. Gusto ko ng makakausap.”

“Galit ka ba? Bakit hindi ka nagrereply?”

“Mas pinipili mo ba si Thunder?”

“Kahit napapalapit ka sa kapatid ko, gusto pa rin kita.”

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga nabasa kong iyon. Mga text nya ito bago yung araw na kinausap niya ako sa rooftop. Hindi niya ba alam na sira yung phone ko?

“Argh!” sigaw ko nang pabagsak akong nahiga sa kama.

“What happened? Okay ka lang beb?” Tanong ni Ayesha na sinagot ko lang ng pagtango. Bakas pa rin sa mukha niya na malungkot siya, hindi ko alam kung paano ko sya ich-cheer up.

Tahimik ang buong klase at talaga namang nakakapanibago iyon.Wala namang kakaibang nangyari pero ang tahimik talaga nila.

“Ms. De Vera. Excuse po.” tumango si ma’am kaya naman kahit nahihiya ay tumayo ako.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Thunder.

“Ccr ako. Bakit? Susunod ka?” Tanong ko at dali-daling lumabas. Okay! nagsinungaling na naman ako.

Nasa kabilang side lang ang classroom ni Liam kaya balak ko siyang kausapin pero pagpunta ko roon ay hindi ko siya makita. Ano bang nangyayari sa lalaking ‘yon? Hindi ba siya pumasok o nagcut siya ng class?

“Oh Rain.” agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Liam mula sa likuran ko. Ngumiti ako at nilapitan siya para kausapin.

Thunder’s POV

Sa susunod na araw na namin gagawin ang plano. Tulad dati, friday pa rin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, pakiramdam ko kasi ay may mangyayaring masama. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko gusto yung ideya na kailangan ulit isacrifice ni Rain ang sarili niya.

Mahalaga na siya para sa akin, oo mabilis ang pangyayari. But damn! She’s the reason why I learned to say the things na never ko pa nasasabi. She’s the reason behind my smile. Tinamaan talaga ako sa kanya and I don’t want to lose her.

“Matthew, sundan mo nga si Rain sa Cr. Ang tagal naman yata niya?”

“Dude, seryoso ka ba? Wala pang isang minuto nung umalis siya.” sabi ni Matt nang lingunin niya ako. Wala pa bang isang minuto? Pakiramdam ko ay five minutes na siyang wala.

Ilang minuto pa ang lumipas. Hindi pa rin talaga siya bumabalik and this time sure na kong matagal na siyang wala kaya tumayo na ako at lumabas pero pagtingin ko sa hallway ay nandoon siya kasama yung lalaking madalas niyang kasabay pag breaktime.

Hindi naman ako nagselos dahil ‘di hamak na mas gwapo at may dating ako kaysa sa lalaking ‘yon.

“Ulan!” Tawag ko kahit malayo pa ako kaya nag-echo iyon dito sa hallway. Sabay naman silang napalingon at halatang bwisit sa akin si Rain dahil magkasalubong ang kilay niya.

“Ah sige Liam. Babalik na ko, usap ulit tayo.” nakangiting sabi ni Rain nang makalapit ako sa kanila. Ginulo naman noong Liam ang buhok ni Rain bago umalis. Sinulyapan niya pa ako bago pumasok sa loob ng classroom. The nerve of that guy! Sino siya para gawin kay Rain ‘yon?

“What?” Tanong ko nang harapin ako ni Rain habang nakapamewang.

“Akala ko kasi nakuha ka na ng Keen’s org. Ang tagal mo bumalik. Masama bang mag alala?” Tanong ko at nakita ko naman kung paanong mamula ang mga pisngi niya.

“Ewan ko sa’yo. Tara na.” aya niya at saka siya naunang maglakad. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang likuran niya.

Hours have passed. Nadismissed na ang klase, agad na umalis si Rain pero hindi ko na siya nasundan dahil tinawag ako ni Matthew.

“Gusto ko kayong makausap.” seryosong sabi niya nang makumpleto kaming lima. Hindi pa ba siya nakakamove on? Sinabi ko nang hindi pwede yung gusto niya. Alam ko namang kakausapin niya yung grupo dahil gusto niyang maging amiable.

“Matthew, tungkol na naman ba ‘toㅡ”

“Hindi. May gang fight sa susunod na buwan. Underground. 7 members kada grupo. Gusto niyo bang sumali?” Tanong niya at nagkatinginan kaming lima. Ground zero siguro yung tinutukoy niya.

“Sige. Matagal tagal na rin nung huli tayong nakipag gang fight, eh.” Si Axel.

“Magrerecruit tayo ng dalawa?” Tanong ni Jasper.

“No. Kahit lima lang tayo, kung ground zero yung tinutukoy ni Matthew. 5-7 members ang kailangan doon. Minimun at maximum na ‘yon.” sabi ni Jiro at tumango lang ako.

“Tsaka na lang natin pag-usapan. May pupuntahan lang ako.” paalam ko.

“Pupuntahan mo na naman ba si Rain? Ano bang relasyon mo sa kanya? Kung makaasta ka akala mo girlfriend mo na yung tao,” sabi ni Jiro, dahilan para mapatigil ako sa paglakad. Talagang nagpintig ay tainga ko kaya kinwelyuhan ko siya nang bumalik ako.

“Hindi ka makamove on? Ikakasal ka na, ah. Ituon mo ‘yang atensyon mo kay Zea. Wag sa amin ni Rain.” pilit akong inilalayo nila Jasper kaya naman bumitaw na ako, tinignan ko siya ng masama bago lumabas ng classroom.

Sumosobra na talaga siya. Kung noon pinalagpas ko ang ginawa niya sa akin pwes ngayon hindi na.

Sa sobrang galit ay hindi ko naiwasang suntukin ang nakitang pader pero hindi pa man tumatama ang kamo ko ay may humarang doon, dahilan para mapahinto ang kamay ko sa hangin.

“Rain.” tawag ko at nakapikit lang siya. “Hoy Rain.”

Ibinaba ko ang kamao ko at dahan-dahan naman siyang dumilat, kasabay noon ay ang bigla niyang pagsuntok sa tiyan ko.

“Aray! Bakit?!”

“Anong nangyari sa’yo? Bakit mo susuntukin yung pader?” kusa akong napangiti nang makita ko kung gaano siya ka-concern sa akin.

“Wala lang. Bakit ka nandito? Akala ko bumalik ka na ng dorm?”

“May naiwan ako sa classroom....Sige una na ko,” paalis na sana siya ngunit hinatak ko siya pabalik.

“Aalis ako ngayon, may pupuntahan ako pero babalik din ako sa friday.” paalam ko.

“Saan ka pupunta?”

“Sa puso mo.” Hindi ko alam kung tatawa ba ako o masusuka sa sinabi kong iyon. Ang corny pero okay lang dahil napangiti naman si Rain dahil doon.

“Medyo korni ha. Pero kung saan ka man pupunta, siguraduhin mong babalik ka.” sabi niya na medyo naiilang pa, ngumiti ako at tinitigan siya ng diretso sa mata.

“Babalik ako. Promise.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.