Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 25

25: Gunshot

-

Rain’s POV

Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit.

“Beb, kanina ka pa paikot-ikot, nahihilo ako sa’yo. What’s going on?” Tanong ni Ayesha at ngumiti lang ako ng pilit. Thursday na ngayon at bukas na namin isasagawa iyong oplan: patalsikin ang keen’s org.

“Hindi ka pa ba papasok? Mauuna na ako.” hinawakan ni Ayesha ang balikat ko at dahil doon ay naalala ko ang pinag-usapan namin ni Liam.

“Ah beb. Galit ka ba kay Liam? Gusto mo bang i-set up ko kayong dalawa para magkausap kayo?” Tanong ko pero mabilis siyang umiling. Mukhang nasaktan talaga siya dahil doon sa sinabi sa kanya ni Liam.

“Ayoko muna siyang kausapin,” tumango na lang ako at sabay kaming lumabas ng dorm. Nakabalik na rin pala si Tymee. Medyo okay na siya, I almost forgot na robust nga pala siya kaya malakas siya at hindi basta-basta napanghihinaan.

“Tymee. Sabay na tayong pumasok.” aya ko at agad naman niya kaming sinabayan sa paglalakad ni Ayesha.

“Ah beb...Si Tymee classmate ko. Tymee, si Ayesha roommate ko.” pakilala ko at nagkamayan naman silang dalawa. Maya-maya lang din ay nasa classroom na kami.

Wala doon si Thunder. Hindi na rin ako nag abalang magtanong sa ibang miyembro ng dark kung saan siya nagpunta. Ang sabi naman niya sa akin ay babalik siya.

“Hindi ba nasabi ni Thunder sa’yo kung saan siya pupunta?” Tanong ni Jiro kaya naman napalingon ako sa kanya.

“Hindi. Bakit? Hindi niyo ba alam kung nasaan siya?” Tanong ko na sinagot niya lang ng pag-iling. Dahil doon ay mabilis kong tinext si Thunder.

“Nasaan ka?” Ilang minuto ang lumipas ngunit wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Saan ba nagpunta yung kulog na ‘yon? Kinakabahan na ako pero sure naman akong tutuparin niya yung pangako niyang babalik siya.

Kinabukasan. Mas maaga pa ko sa alarm clock magising, kinakabahan talaga ako. Wala pa rin kasi akong natatanggap na text mula kay Thunder. Paano namin maisasagawa ng maayos ang plano kung wala siya?

“Beb, aga mo naman yata magising?” tanong ni Ayesha na kakabangon lang.

“Maaga lang siguro ako nakatulog kahapon kaya maaga akong nagising ngayon,” tumango lang siya sa sinabi ko at muling nahiga, habang ako naman ay nakatitig lang sa cellphone, nagbabakasali na lalabas ang pangalan ni Thunder pero ilang minuto ang lumipas, wala pa rin talaga kaya nag-asikaso na ako.

Maya-maya lang ay naririnig ko na ang boses ni Axel. Mabuti na lang at nauna nang umalis si Ayesha kaya hindi ako mahihirapang magsinungalig sa kanya.

“Aantayin kita sa tapat. Sabay tayong papasok.” Sabi ni Axel nang dumungaw ako sa balkonahe kung saan siya naroon. Tumango lang ako at lumabas na rin.

Akala ko ay may shooting sa labas dahil nagsisigawan ang mga babae doon pero paglabas ko ay bigla silang huminto lalo pa’t nilapitan ako noong lalaking pinagkakaguluhan nila.

“Ano bang meron ‘yang babaeng ‘yan?”

“Dati si Jiro and now si Axel naman.”

Hindi ko na lang pinansin ang pinagsasabi nila at nagpatuloy sa paglakad. Mukhang nahalata naman ni Axel na kinakabahan ako kaya tinapik-tapik niya ng marahan ang ulo ko.

“Magiging maayos din lahat, nakapwesto na rin yung iba base sa napagusapang plano kaya wala kang dapat ikatakot.” ngumiti ako ng tipid at saka bumuntong hininga.

Nasa kalagitnaan na kami ng daan nang biglang sumulpot si Jiro. Nilapitan niya ako at laking gulat ko na lang ng yakapin niya ako habang may kinakabit sa akin.

“J-jiro.” tawag ko sa kanya dahil hindi ako makahinga. Mukha namang narealize niya iyon kaya kumalas din siya at tinignan ako ang leeg ko.

“May hidden camera ‘yang necklace. Wag kang kabahan. Hindi kita pababayaan.” sabi niya nang ibalik niya sa akin ang mga tingin niya.

“S-salamat.” ngumiti ako at ganun din siya, matapos noon ay mabilis siyang tumakbo palayo.

Kinakabahan talaga ako, walang naging aksyon ang keen’s org matapos nang ginawa namin noon kaya sure akong may pinaplano rin sila ngayong araw.

Mabilis akong tinago ni Axel sa likuran niya nang mapansin naming walang katao-tao rito sa loob. I knew it.

“I know what you’re planning.” sabi ng pamilyar na boses at doon naman tumambad sa harap namin ang leader ng Keen. Hindi ko pa man naibubuka ang bibig ko ay napalibutan na kami ng keen’s org. Mabilis nila akong kinuha at ipinasok sa kwarto na pinasukan ko noon.

“Rain!” sigaw ni Axel pero wala siyang nagawa.

“Sino sa tingin mo ang kinakalaban mo?” Tanong ng leader habang pilit akong inihihiga sa kama ng ibang tauhan niya. Shit. Masisira ba ang plano namin?

“Bitawan niyo ko!” Sigaw ko ngunit bigla ko na lang naramdaman na may tumusok sa leeg ko na naging dahilan para manghina ang buong katawan ko.

3rd person’s POV

Hinang-hina na si Rain dahil sa gamot na itinurok sa kanyang leeg. Unti-unti na ring naglalabo ang paningin niya hanggang sa pumasok ang isang lalake sa loob ng kwarto. Nakasuot ito ng asul na lab gown ngunit hindi mawari ni Rain kung sino ang taong iyon.

“Mabuti naman at kumampi ka sa tama.” sabi ng keen’s leader sa lalaking pumasok. Isang tipid na pagngiti lang ang isinagot ng lalake at saka lumapit sa nanghihinang si Rain.

Malabo man ay hindi iyon naging hadlang para hindi ito mamukhaan ni Rain.

“Axel.” halos pabulong na tawag ni Rain at doon na siya tuluyang nawalan ng malay.

“Simulan na natin ang pag-eeksperimento.” utos ng leader at nag umpisa nang kumilos ang kanyang mga tauhan. Kung ano-anong wire ang kinakabit sa katawan ni Rain at mayroon ding inihahandang kulay asul na gamot si Axel.

Inilagay niya iyon sa jet injector at saka inabot sa leader.

“Akala siguro ng babaeng ‘to, maiisahan niya ako. I’m sure that this experiment will be a success.” halos walang paglagyan ang sayang nararamdaman ng keen’s leader dahil sa nangyayari.

Itutusok na sana nito ang jet injector kay Rain ngunit hindi iyon natuloy ng may biglang pumasok sa kwarto. Mabilis naman itong nilapitan ng leader at hinalikan sa pisngi.

“Kailangan nating bilisan. Ano mang oras, kikilos na sila Gd at Top.”

“Janna, relax..” sabi ng keen’s leader at ipinagpatuloy na niya ang naudlot na pagturok ng gamot sa katawan ni Rain.

Ilang minuto ang lumipas nang maramdaman ni Rain ang pagsakit ng kanyang ulo, para itong mahahati sa gitna. Ang bigat rin ng pakiramdam nito ngunit kahit ganoon ay dahan- dahan niyang minulat ang mga mata.

Masiyadong maliwanag. Naitanong din niya sa sarili niya kung nasaan siya sa mga oras na ito.

May mga taong nakatingin sa kanya at habang tumatagal ay lumilinaw ang lahat ng imahe hanggang sa makilala na niya kung sino ang mga iyon.

Keen’s leader, Ms. De Vera at si Axel. Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng kanyang luha dahil hindi siya makapaniwalang nagawang magtraydor ng kaibigang si Axel.

“Ano ng nangyayari? Anong nangyari sa plano namin?” Ayun lang ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito.

“Anong nararamdaman mo?” Tanong ng leader pero walang naisagot si Rain, tulala lamang ito at tila wala sa sarili. “Let’s do it again.”

Rain’s POV

“Let’s do it again.” utos ng keen’s leader. Nag-umpisa silang magpaikot ikot sa buong kwarto na para bang may inaayos. Wala akong ideya kung anong nangyari sa akin. Basta nakita ko na lang si Axel, hindi ko matanggap.

“She will die pag itinurok pa natin ‘yang gamot na yan.” boses ni Ms. De Vera. Hindi ko alam ang gagawin. Mamamatay na ba ako?

Napapikit na lamang ako nang makitang ituturok na sa akin ang kulay asul na gamot ngunit ilang segundo ang lumipas at wala akong naramdamang tumusok sa balat ko.

Nakarinig na lamang ako ng ingay at tumingin sa pintuan. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

“J-jiro.” tawag ko sa pangalan niya pero halos pabulong na iyon dahil hinang-hina ang buo kong katawan. Nakita ko na ring pumasok si Matthew, Jasper at dalawang leader, maging si Tymee.

Nasaan si Thunder?

Halos magkagulo na rito sa loob, si leader Gd na nakikipaglaban ngayon sa leader ng Keen. Si Matthew at Jasper na pilit hinahawakan si Axel. Si Leader Top naman ang umaasikaso kay Ms. De Vera habang si Tymee ay pilit pinapatumba ang ilang tauhan ng keen’s org.

“Rain. I’m here. Ilalayo kita rito.” sabi ni Jiro nang tanggalin niya ang mga wire na nakakabit sa akin. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko habang tumutulo ang luha ko.

Hindi siya bumalik, hindi niya tinupad ang pangako niya.

Sinimulan akong buhatin ni Jiro na parang bagong kasal. Hinang-hina talaga ang buong katawan ko.

Tumingin ako sa paligid, nakita ko kung paano tumumba ang Keen’s leader nang suntukin siya ni Leader Gd. Punong-puno ng galit ang mga mata niya habang si Ms. De Vera ay patuloy sa pag-iyak dahil sa mga nakikita... At si Axel. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tignan.

“Let’s go. May mga pulis na sa labas.” aya ni leader Gd. Nauna nang lumabas sila Jasper na sinundan naman nila Leader Top.

Nag-umpisa na ring maglakad si Jiro habang buhat pa rin ako pero napahinto siya at bigla na lang kaming natumba. Nagsimula akong magpanic nang makitang may nakatusok na injection sa kanyang braso.

“Jiro..” tawag ko nang makita kong papikit na ang mga mata niya. Tumingin ako sa paligid, hindi kami nakita ni Tymee at leader Gd dahil busy ang mga ito sa pagsira ng mga gamit dito sa loob.

“Akala mo ba makakatakas ka?.” Sigaw ng keen’s leader nang makita ko siyang tumayo. Napapikit na lamang ako nang makita kong tinutukan niya ako ng baril.

Isang malakas na putok ang pumaalinlang sa loob ng kwarto, pero wala akong naramdamang kahit anong tama ng bala dahil sa taong yumakap sa akin.

Isa pang putok ng baril ang narinig ko. Sobrang natatakot ako ngunit idinilat ko pa rin ang mga mata ko. Nakangiti siya sa akin.

“S-sorry late ako.” at bigla siyang nawalan ng malay.

“T-thunder!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.