4: Hell’s gate
-
Pakiramdam ko ay isa akong kriminal dahil sa pasulyap sulyap na tingin sa akin ng mga kaklase ko. Okay! Nag sisisi na ako sa ginawa ko kanina kaya pwede bang tigilan niyo na ang katitingin sa akin?! Gusto kong isigaw iyon sa mga oras na ‘to dahil hindi na ako makapagfocus sa klase.
“Kung sa tingin mong nakaligtas ka, pwes you’re wrong.” Sabi ni Thunder at hindi ko na iyon pinansin pa, kunwari na lang ay wala akong narinig. Kunwari wala siya sa tabi ko.
“Masiyado mo naman yatang tinatakot si Cutiepie,” sabi noong lalaking nasa harapan ko nang lumingon siya kay Thunder. Eh, cutiepie? Ang pangit naman yata mamili ng nickname ng isang ito.
“Hoy Matthew, itikom mo ‘yang bibig mo.” Sabi nang katabi niya na ang pagkakatanda ko ay Axel ang pangalan. Lumingon siya sa akin at kinindatan pa ako. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong ballpen. Ano ba ‘to, napapaligiran ako ng mga baliw.
Yumuko ako at pupulutin na sana iyong ballpen ko pero sinipa iyon ni Thunder. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. May extra pa naman akong ballpen kaya hahayaan ko na lang iyon, masiyado na kasing malayo.
“Okay, you may take your breaktime.” Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir, sa wakas at makakalabas na ako rito. Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at balak na sanang tumayo subalit may pares ng sapatos ang huminto sa harapan ko.
“Stay here.” Utos ni Thunder na akala mo ay isa akong aso. Bakit naman ako mag i-stay rito? Tumayo na ako pero itinulak niya ang magkabilang balikat ko para bumalik sa pag kakaupo. Tinignan ko siya ng masama at maya-maya lang ay may inalapag siya sa lamesa ko. Cellphone? “Save your number,”
“Ha?”
“You will be my slave from now on kaya i-save mo ang number mo, tatawagan kita pag may iuutos ako.” sabi pa niya kaya natawa na lang ako bigla, sino bang niloloko ng lalaking ito? Nakakatawa siya.
“Sorry pero hindi ako ipinanganak ng nanay ko para maging alila mo lang,”
“What?!”
“Ha? May sinabi ba ako? Sabi ko nga is-save ko eh.” Kinuha ko ang phone niya at sinave ang number ko. Ugh, bahala na. I swear mukha akong siraulo ngayon, para akong isang tuta na bigla na lang naging maamo pagtapos sigawan. “Happy?”
Ibalik ko sa kanya ang phone niya at nagmadaling tumakbo palabas ng classroom. Tingin niya ba sa akin tanga? Bakit naman ako magpapaalila sa kanya? Tch. Bago ako sumakay ng elevator ay narinig ko siyang sumigaw.
8-7000 kasi ang nilagay kong number doon. Try niyang tawagan, tignan ko lang kung ma-contact niya ako.
Natatawa akong mag-isa dahil naiimagime ko ang mukha ni Thunder. Sasara na sana iyong elevator pero biglang pumasok si Liam kaya natigil ako sa pagtawa at ngumiti sa kanya.
“Balita ko nasa worst section ka raw ah, ayan ba ang epekto sa’yo noon?” Natatawang sabi niya kaya pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. Nakakahiya.
“Siguro, napapalibutan kasi ako nung mga gangster.” ngumuso na lang ako at bigla niyang ginulo ang buhok ko.
“Nasa kabilang side lang yung classroom ko. Puntahan mo ako pagkailangan mo ng tulong.” sabi niya kaya ngumiti ako. Sana sila na lang ni Ayesha ang naging kaklase ko, sure akong mas magiging tahimik ang buhay ko pag sila ang kasama ko araw-araw.
Tulad kagabi, sabay pa rin kaming kumaing tatlo. Gusto ko sanang magtago na lang pero wala rin namang maitutulong iyon dahil magkikita at magkikita parin kami ng kupal na si Thunder. And speaking of the devil. Ito na siya at nakatingin sa akin ng masama. Alam kong walang maitutulong pero pilit ko pa rin itinago ang sarili ko sa hawak kong tinapay.
“Uy, anong ginagawa mo?” Tanong ni Ayesha nang tusukin niya ang baywang ko. At dahil malakas ang kiliti ko doon ay tumalsik tuloy ang hawak kong tinapay. Oh yeah, my cover has been blown up.
“Ang cute mo. Ano ba ‘yang ginagawa mo? Sayang yung tinapay.” natatawang sabi ni Liam.
“Chinecheck ko lang yung texture kung maganda ba ang pagkakagawa.” kumamot ako sa ulo at nagtawanan lang sila ni Ayesha. Napaka-lame ng reason ko, buti pa sa sila ay masayang kumakain samantalang ako, hindi makakain ng maayos dahil pilit kong iniiwasan ang masamang tingin ni Thunder.
“Cr lang ako ah,” paalam ko at tumango naman yung dalawa. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng cafeteria, hindi naman talaga ako mag ccr. Gusto ko lang umalis sa lugar kung nasaan si Thunder, pakiramdam ko kasi ay ano mang oras, bubulagta na lang ako bigla sa sahig.
Naglakad lakad na lang ako around the campus since hindi ko pa ito nalilibot. Masiyado naman kasi itong malaki, sana may tour guide ako ngayon para naman malaman ko ang pasikot sikot rito. Kulang ang isang araw para malibot ‘to, ganun siya kalaki. Oa pakinggan pero ganun talaga ang tingin ko.
Habang inililibot ko ang paningin ko ay may isang gate ang nakaagaw ng atensyon ko. Kahit ilang beses ipagsigawan ng utak ko na wag akong lumapit doon ay hindi ko pa rin magawang sumunod dahil parang may sariling buhay ang mga sapatos ko. Ito na naman ako.
“Hell’s gate?” Binasa ko ang maliit na nakasulat sa gate. Ano kayang meron sa loob nito? Malapit ko nang mahawakan yung gate nang may biglang bumato sa kamay ko.
“Aw!” Sigaw ko at nilingon kung sino ang taong iyon. Wala akong naramdamang takot ngayon dahil mas nangingibabaw sa akin ang pagkabwisit. Nakakainis na talaga ang lalaking ito, kung kaya ko lang ay kanina ko pa siya sinapak.
“Bakit mo ginawa ‘yon?! Napakaㅡ” hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin dahil bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinatak palayo sa gate na iyon. “Ano ba?!”
“Itikom mo ‘yang bibig mo kung ayaw mong buhatin pa kita.” Sabi niya habang patuloy niya akong kinakaladkad, pumasok kami sa main building at dinala niya ko sa infirmary. Wala pa ring nurse dito sa loob.
“Hoy Thundㅡ”
“You don’t have the right to call my name.” pagputol niya sa sasabihin ko. Marahas naman niya akong itinulak para maupo sa kama. Binitawan na rin niya ako, sa sobrang higpit ng paghawak niya sa akin ay nagmarka na iyong kamay niya sa balat ko.
“Bakit mo ba ko binato?! Napakasamaㅡ”
“Naiirita ko sa’yo, stop talking.” Tinignan niya ako ng masama at maya-maya lang ay hinawakan niya ang kamay ko kung saan niya ako binato. Nagsalubong na lang bigla yung kilay ko ng pahiran niya iyon ng bulak na may alcohol.
“Aray!” bahagya kong binawi ang kamay ko pero kinuha niya ulit iyon at hinipan. Ano bang ginagawa niya? Binato-bato niya ako tapos ngayon gagamutin niya ako, may saltik ba siya?
“Endure the pain.” mahinahon na sabi niya habang patuloy na ginagamot ang sugat ko. Napalunok naman ako ng mapatingin ako sa kanya. Ang gwapo pala talaga ng lalaking ito.
“I know I’m handsome but staring is rude you know?" Agad akong umiwas ng tingin nang sabihin niya iyon. Paano naman niya nalaman na nakatingin ako sa kanya eh busy siya sa pag gamot ng kamay ko? May third eye ba siya? What kind of sorcery is this? Pareho sila ni Liam.
“Staring is rude, eh ikaw itong halos hindi maialis ang tingin sa akin noong nasa cafeteria tayo.” tumigil siya sa ginagawa niya at naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin ng kaunti kaya napalingon ako.
“Pinag-iisipan ko kasi kung paano makakaganti sa’yo.” Bulong niya at saka ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Napakahusky at manly ng boses niya.
“Tch, kung gusto mo talaga gumanti, bakit ka nandito at ginagamot ako?” tanong ko at bigla na lang siyang ngumisi. Kinilabutan tuloy ako, dapat hindi na lang ako nag tanong. Baka kung ano pa ang gawin niya sakin dito ngayon.
“Hindi ako sanay tumanaw ng utang na loob kaya binabalik ko lang yung ginawa mong pag gamot sa sugat ko at isa pa, dito ko gagawin ang pag ganti sa’yo, since soundproof itong infirmary. Walang makakarinig sa’yo kahit maputol pa ang litid mo sa kasisigaw.” And by that, agad akong napatayo.
Hahawakan ko na sana yung doorknob pero hinatak niya ako at isinandal sa pader. Hinawakan niya rin ang magkabilang kamay ko at idinikit sa pinto.
“B-bitawan mo ko!” Sinubukan kong mag pumilgas pero masiyado siyang malakas. Nanghihina ang tuhod ko. Ang lagkit niyang tumingin sakin. Mas gugustuhin ko pa yung death glare niya kaysa sa ganito. Ang manyak niyang tignan.
“Alam ko naman na gaya ka lang ng ibang babae diyan, I know you like me.” Ngumisi siya ulit at naramdaman ko na lang na dumikit ang labi niya sa leeg ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niyang iyon, para akong paralisado sa mga oras na ito. “See, hindi ka man lang nag pupumiglaㅡ”
Hindi na niya naituloy pa ang dapat niyang sasabihin nang tignan niya ako. Nakita ko na lang rin ang sarili kong umiiyak, naramdaman ko naman na unti-unti na siyang lumalayo sa akin.
“Hey! Stop crying.” Utos niya pero hindi ako kumibo. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Natatakot ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang nawala ako sa sarili dahil sa nangyari, bumalik lahat sa isip ko ang mga masasamang nangyari sakin noon, nung gabing iyon. Yung gabing muntik na akong ma-rape.
“Fuck! Ano ba?!” Sigaw niya na nag patayo sa mga balahibo ko. Itinulak niya ako paalis sa pinto at saka siya lumabas ng infirmary, habang ako naman ay napaupo na lang sa sahig. Damn you Thunder!