Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 5

5: One-on-One

-

“Hey, are you okay?” Tanong ng lalaking nasa tabi ko. Dahan-dahan ko namang kinusot ang mga mata ko at bumangon para sumandal sa head board.

Nabigla ako nang mapagtanto ko na si Jiro pala iyon at kasama niya yung isa pang miyembro ng Dark na nakaupo sa likuran ko kanina sa classroom.

“Jasper, ikuha mo siya ng tubig.” utos ni Jiro na agad namang sinunod noong si Jasper. Ngumiti ako pero blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Gusto ko sana sabihin na ngumiti naman kaso napaka-fc ko naman kung gagawin ko iyon kaya wag na lang.

“Anong ginagawa ko ditㅡ” hindi ko na naituloy ang pagtatanong dahil bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina. Yung walang hiyang Thunder na iyon! Sana masagasaan siya ng truck o kaya naman ay tamaan siya ng kidlat dahil sa kademonyohan niya! Dahil sa kanya ay bumalik tuloy ang mga masasamang alaala na gusto ko ng kalimutan.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Jasper ng i-abot niya sa akin yung tubig. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman pala ako.

“Ah wala. Anong oras na?” Tanong ko.

“1:00 na. Dismiss na yung klase.” nanlaki na lang ang mata ko sa isinagot niya. Unang araw ko pa lang sa klase ay nag cut na agad ako sa dalawang subject. Ugh, ang malas ko naman!

“Okay na siya, tara na. May gang fight pa tayo.” aya ni Jasper at umalis na lang sila bigla nang hindi man lang nagpapaalam. Malapit na akong maniwala na hindi lahat ng insolent ay masasama talaga kaso, kahit ilang beses ko isipin na mabait sila. Wala eh, parang napakaimposible.

May mga time lang siguro na hindi sila ganun kasama, pero hindi pa rin nawawala ang pagiging arogante nila. Typical bad boys.

“Oh Rain, bakit hindi ka na bumalik sa cafeteria kanina? Nag-alala kami ni Liam sa’yo.” hinatak ako ni Ayesha pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Mukha talaga siyang nag-aalala, nakonsensya tuloy ako.

“Sorry. May nangyari lang kasi, uhm kanina may nakita akong gate. Hell’s gate?ㅡ”

“Oh my god! Wag na wag kang lalapit sa gate na ‘yon, No. Wag kang papasok sa loob. Mukha lang siyang paradise on the outside pero sa likod ng mga puno doon ay kuta ng mga gangster. Isang suicide iyon pag pumasok ka sa loob...” Sabi niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

“..May isang lumang function hall sa loob noon at doon nagaganap ang mga gang fights ng mga gangster dito sa academy.” dagdag niya pa at napatango na lang ako. Hindi ko akalain na may ganun sa paaralan na ito. Ang creepy. Wala bang gagawing aksyon ang management ng school para sa ganung bagay? Hindi naman at angkop iyon para sa isang eskwelahan.

“Teka. Kiss mark ba ‘yang nasa leeg mo?” Tanong bigla ni Ayesha habang nakatingin sa leeg ko. Nagsalubong naman ang kilay ko at hinawakan iyon bago humarap sa salamin. Wtf?!

“K-kagat ng lamok.” pagsisinungaling ko at dali-daling nagpunta ng banyo para maligo. Napakademonyo ng lalaking iyon! Ngayon pa lang sinasabi ko na sa kanya. Hindi ko siya aatrasan, wala na akong pakialam kung anong gawin niya sa akin, kakalabanin ko siya kahit siya pa ang pinakagwapongㅡeste pinakademonyong leader ng Dark!

P.E ang unang subject namin ngayon, kamusta naman iyon? Umpisa pa lang ng araw ay mahahaggard na agad kami. Nag suot ako ng choker para hindi makita ang kiss mark sa leeg ko, buti na lang ay hindi iyon ganoon kalaki.

“Ayesha, ibabalik ko na lang ‘tong choker mamaya after class ha? Una na ako.” nagmadali na akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa gym. Kulay gray ang P.E uniform namin at gaya doon sa regular uniform ay nakaindicate pa rin kung anong kind ako which is ‘Keen’

“Rain!” May tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako. Lumingon ako at nakitang tumatakbo si Liam palapit sa akin. Nandito na ko sa field ngayon at naka P.E uniform rin siya.

“P.E niyo rin? Saan kayo?” Tanong niya habang nakahawak sa magkabilang tuhod niya.

“Ah sa gym, anong nilalaro niyo? Soccer?”

“Oo, sige balik na ako. Gusto ko lang sabihin na bagay sa’yo yung choker na suot mo.” sabi niya at saka tumakbo pabalik. Napailing na lang ako. Kung alam niya lang kung ano ang sikreto sa likod ng choker na ‘to.

Kakaiba talaga ang isang iyon. Napansin ko na kahapon niya pa ako pinupuri, kahapon sinabihan niya akong cute. Well, ano bang aasahan ko. Honest siya eh.

Nangingiti akong pumasok sa gym kung saan nandoon na ang mga kaklase ko. Agad ko namang napansin na hindi pa kami kumpleto. Wala pa yung dark. Tch, mga pa-VIP talaga sila.

“Anong nangyari sa kamay mo?” Tanong ni Tymee nang maupo siya sa tabi ko.

“Ah nasugatan ako kahaponㅡ” biglang marahas na bumukas ang double door ng gym kaya naman nag echo iyon dito sa loob. Lahat kami ay napatingin, pero agad din akong umiwas nang magtama ang mata namin ni Thunder.

“Okay. Since kumpleto na tayo, please kindly pick your opponents. Maglalaro tayo ng basketball, pero shooting lang. The winner will have 100 points for today’s activity.” sabi ni coach Andrei.

“Pano ‘yon? 25 kami rito?” Tanong ni Tymee.

“Then ako ang magiging opponents ng walang kapartner.” sabi ni sir at nag-umpisa na silang mamili ng mga makakalaban nila. Lalapitan ko sana si Tymee pero hinarangan ako ni Thunder. Tinignan ko siya ng masama at iniwasan.

“Sir, si Celvero yung partner ko.” Biglang sabi niya ng itaas niya ang kaliwang kamay niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko at hindi na nakapagreklamo dahil nagsalita na si Sir.

“Okay. First two. Mr. Villaruel and Mr. Sevilla.” Nag toss coin si Sir at pinili ni Jiro ay heads kaya siya ang mauuna. May one minute lang para makashoot ng ilang points. Ganun ang rules na binigay ni sir, parang unfair naman ata iyon dahil ako lang ang may lalaking kapartner.

Nakatingin lang ako kay Jiro habang nag sh-shoot siya pero bigla akong nakaramdam ng black aura sa paligid. Nakalimutan kong may nakatayo nga palang demonyo sa gilid ko. Lumayo ako ng kaunti kay Thunder kaya naman nasagi ng balikat ko si Matthew.

Tinignan niya ako at kininditan. Eh? Bakit ba ang hilig nilang kumindat? Umabante na lang ako pero may biglang humila ng buhok ko. Sisigaw sana ako pero naramdaman kong may dumaang bola malapit sa tenga ko. Kung hindi hinila ng taong iyon ang buhok ko, malamang ay natamaan na ako ng bola.

“Ano? Mag rereklamo ka? I just saved your life.” bored na sabi ni Thunder. Save my life? Napaka-oa niya. Mamamatay ba ko sa bola na iyon para masabi niya na iniligtas niya yung buhay ko?! At saka pwede naman niyang sabihin na umiwas ako, bakit kailangan niya pang hatakin ang buhok ko?

“Okay ka lang?” Tanong ni Jiro nang lumapit siya sa direksyon ko para kuhain yung bola. Tumango naman ako ng marahan at ngumiti. He’s really concern. Wow, kikiligin ba ako?

“Mr. Cross and Ms. Celvero.” tinawag na ang apelyido namin kaya nagpunta na kami sa harap ng ring. Tails yung pinili ni Thunder kaya siya yung nauna. Bago siya mag-umpisa ay nilingon niya pa ako.

“One-on-One ‘to. Pag natalo ka, magiging slave kita.” sabi niya at hindi ko na iyon pinansin pa. Wala akong pakialam sa sinasabi niya. Bahala siyang mamumiti ang mga mata niya kakaantay na pumayag ako sa gusto niyang mangyari.

25 ang nashoot niya in one minute. Seryoso ba ‘yon?! Eh naka 20 points nga lang si Jiro. Binato niya sa akin yung bola pero nasalo ko naman iyon. Nginisian niya pa ako bago ako pumwesto sa free throw line na 15 feet ang layo sa hoop. Geez! Anong laban ko sa score na 25?

Nag-umpisa na akong magshoot, bato lang ako ng bato sa bola at buti naman ay nakakapasok ang ilan. Unti-unti akong napapangiti dahil nakakarami na ako, pero hindi parin iyon sapat. Sayang! Five points na lang eh, pero okay lang dahil naka-20 points rin ako gaya ni Jiro, masasabi ko na bang soulmate kami?

“You’re my slave now.” sabi ni Thunder pero nilagpasan ko lang siya at dumiretso na sa locker room para magpalit ng regular uniform.

“You’re my slave now. Lul, asa ka!” kinausap ko na ang sarili ko sa sobrang pagkairita. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kamanyakan na ginawa niya sakin kahapon. Karmahin sana siya.

Habang nag bibihis ako ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas, parang bumagsak na ewan.

“May tao ba diyan?” Tanong ko habang nandito sa isang cubicle. Walang sumagot sa tanong ko pero nakakarinig pa rin ako ng kaluskos mula sa labas. Binilisan ko na lang ang pagbibihis pero bigla na lang may nag flash mula sa itaas. Nagmadali akong ibutones ang uniform ko at lumabas ng cubicle.

“S-sorry na.” paglabas ko ng cr ay nakita ko na lang na hawak-hawak ni Jiro sa leeg ang isang lalake na mayroong hawak na camera.

Sinulyapan ako ni Jiro pero ibinalik niya ang atensyon niya sa lalaki at laking gulat ko na lang ng sirain niya yung camera nito at kunin iyong memory card. Halos maiyak yung lalake habang pinagmamasdan ang wasak-wasak niyang camera. Hindi ko na rin magawang kumilos dahil sa mga pangyayari.

“Wala ka na bang naiwan sa loob?” Tanong ni Jiro nang lapitan niya ako. Tumango lang ako ng dahan-dahan at nanlaki na lang ang mata ko nang hawakan niya ako at hatakin palabas.

Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa aming dalawa. Maging ang ibang miyembro ng dark ay gulat na gulat din, si Jiro naman ay patuloy lang sa paghila sa akin na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Na parang kami lang ang tao sa mundo.

Bago kami tuluyang makalabas ng gym ay nahagip ng paningin ko si Thunder. Those death glare, bakit parang mas nakakatakot na siyang tumingin ngayon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.