Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 43

43: Ground zero

-

Monday na at laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi gano’n kalala ang nangyari kay Ayesha kaya nakabalik na rin siya agad ng Academy. Hindi muna siya makakapasok kaya pinakiusapan ko si Liam na bantayan muna si Ayesha.

Hindi na rin nagpadala ulit ng sulat ang taong iyon ngunit ito kami ni Thunder at pilit inaalam kung sino ang misteryosong tao na iyon. Hindi rin siya nag-alinlangan na komprontahin si Jiro about doon sa face mask.

“May kinalaman ka ba sa mga sulat na natatanggap ni Rain?” Diretsong tanong ni Thunder. Hindi na siya nagdalawang isip pa kahit na nasa classroom kami at may prof sa harapan.

“Thunder. Wag muna natin ‘tong pag-usapan. Nasa klase tayㅡ”

“Anong pinagsasabi mo?” Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil nagsalita si Jiro, namuo na naman tuloy ang tensyon sa dalawa.

“What’s with the noise there?” Tanong ni Sir nang tumayo siya pero nanatili ang tensyon sa dalawa at hindi iyon pinansin. “By the way. You’ll be having Team building this weekend. That is mandatory so I hope everyone will participate.”

“Ah Jiro, pwede ka ba naming makausap mamaya?” Tanong ko at tumango lang siya kaya naman nawala na rin ang tensyon sa dalawa. Lumingon ako kay Jasper at nginitian niya ako ng tipid.

Lumipas pa ang oras at breaktime. Minabuti ko nang kausapin si Jiro kasama si Thunder. “Sorry sa itatanong ko pero may kinalaman ka ba sa mga sulat na natatanggap ko?”

“What kind of letter? Wala naman akong binibigay na sulat sa’yo.” Sagot niya kaya tumango lamang ako. Mahihirapan akong hanapin kung ganito. This doesn’t really make any sense, sino bang aamin sa isang krimen? Magsasalita pa sana si Thunder ngunit inunahan ko na siya dahil masyadong mainit ang ulo niya sa mga oras na ito.

“Totoo bang binigyan mo ng face mask si Jasper?” Tumango lang siya kaya hindi na ulit ako nagsalita.

“Bakit? Ano bang nangyayari?” Naguguluhang tanong niya at umiling na lang ako.

“Wala naman. Sorry, may gusto lang akong kumpirmahin.” Sabi ko at saka nagmadaling hatakin si Thunder palayo. “Walang mangyayari kung magtatanong tayo dahil hindi rin naman sila aamin. Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay mag-focus sa mga kinikilos ng mga taong malalapit sa akin.”

“Mamaya na yung laban ko sa ground zero. I want you to come with me, hindi para makita mo kong makipagbugbugan. Gusto ko lang masigurado na safe ka. Ayokong iwan ka mag-isa sa Academy.” Tumango lamang ako at saka ngumiti ng tipid. Mukhang hindi na talaga maawat ang laban nila sa ground zero.

Pagdismiss na pagdismiss ng klase ay ipinaalam muna namin sa dean na uuwi si Ayesha sa bahay nila dahil mas safe siya roon. Mabuti naman at pumayag ang dean dahil na rin sa kondisyon ni Ayesha ngayon.

Paghatid namin sa kanya ay dumiretso na kami sa pag gaganapan ng ground zero. Ang sabi ni Thunder ay ang grupo niya raw ang unang sasalang laban sa grupo ni Matthew.

Pagdating namin sa underground ay puno ng tao sa loob. May iilang babae at lalake ang may hawak-hawak na beer. Nakita ko rin ang grupo nila Jasper at Matthew.

“Hindi ko makita si Tymee, kapag nag-umpisa na yung laban ko, wag kang lalayo, ah?” Bilin ni Thunder at tumango lang ako. Lumapit kami sa gitna kung saan nasa likuran ko sila Ramon habang napapagitnaan ako ni Thunder at Liam.

May dalawang grupo ang naglalaban sa harapan namin ngayon. Parang hindi ko yata kayang panuorin si Thunder na nakikipagsuntukan ng ganyan sa harap ko. Hindi naman first time na mapapanuod ko siyang makipag-away pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Maya-maya lang ay natapos na ang naunang pares. Tinawag na rin ang grupo ni Matthew at Thunder.

“Dito ka lang. Wag kang aalis sa pwesto mo.” Bilin ni Thunder at saka niya ako hinalikan sa noo bago magpunta na sa gitna at gano’n din sila Matthew. Napahigpit na lamang ako ng hawak sa kamay ko, kinakabahan talaga ako.

Tymee’s POV

Kanina pa ako nakakatanggap ng text galing kay Matthew. Kasalukayan na akong tumatakbo papasok sa underground. Late na kasi akong nakapag-asikaso kaya late na rin akong makakapunta.

Pagdating ko sa venue, saktong tinawag ang grupo niya at grupo ni Thunder. Malakas na hiyawan ang naririnig dito sa loob, pinilit ko ring sumiksik para makapunta sa harapan. Mabuti na lang talaga at nagagamit ko ang pagiging robust sa ganitong sitwasyon kaya naman mabilis akong nakarating sa harapan.

“Rain?” Tawag ko nang mapansin ko siyang nakapikit. Agad naman siyang lumingon sa akin.

“Tymee. Pwede bang wag na tayo manuod?” Tanong niya at napatingin ako kung nasaan sila Matthew. Kinawayan niya ako at ngumiti lamang ako.

“Sorry Rain. Nangako ako kay Matt na panunuorin ko sila, eh. Pumikit ka na lang kapag hindi mo na sila kayang panuorin.” Sabi ko at tumango lang siya. Maya-maya lang ay binigay na ang hudyat na umpisa na ang laban.

Unang sumugod si Marky kung saan si Liam ang katapat niya. Mabilis nakaiwas si Liam at saka niya binigyan ng isang suntok sa tagiliran si Marky. Samantalang si Matthew naman ay parang uod, ang likot naman nito. Sarap sabunutan.

“Matt. Anong ginagawa mo?!” Sigaw ko ngunit kinindatan niya lamang ako at saka nagpakawala ng suntok. Nabigla ako dahil natamaan niya si Thunder. Napahawak naman si Rain sa bibig niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay makitang nakikipagsuntukan ng ganito si Thunder.

Nagpatuloy ako sa panunuod. Sa tingin pa lang ay halatang nakakalamang ang grupo ni Thunder. Kahit na malalaki pa ang katawan ng kakampi ni Matthew ay hindi pa rin iyon sapat. Mukhang pinaghandaan talaga ni Thunder itong ground zero, gagawin niya talaga lahat para mabuo ulit ang Dark.

Matapos ang limang minuto. Huminto muna sila, ang ground zero ay binubuo lang ng dalawang round. Masasabi lang na panalo ka base sa suntok na tumama at sa depensa mo. Kung baga sa boxing, kung sino yung napuruhan, siya yung talo pero once na may na knock out sa isang grupo. Automatic ng talo sila.

Bumalik ulit ang dalawang grupo sa gitna. Halos nabigla naman lahat dahil biglang nagpakawala ng malakas na suntok si Thunder at tumama iyon sa panga ni Matthew. Napapikit ako dahil doon, habang si Rain naman ay napahawak lang sa braso ko. Puro hiyawan at daing lang ang naririnig rito sa loob.

“Dark demons!”

“D’ Monsters!”

Sabay-sabay na hiyawan ng manunuod. Minulat ko ang mata ko at napuno na lang ng pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon dahil sa lagay ni Matthew. Sineseryoso talaga ‘to ni Thunder at wala siyang balak na maawa.

Lumipas pa ang ilang minuto at itinalaga na dark demons ang nanalo sa laban. Agad akong humiwalay kay Rain para puntahan si Matthew.

“Matt.” Tawag ko nang lapitan ko siya. Saktong paglingon naman niya sa akin ay na out of balance siya kaya napayakap siya sa akin. “Kaya mo pa ba?”

“Mukhang napagbuntungan ako ng galit ni Thunder. Napaka-wrong timing.” Sabi niya at bigla kong naalala na noong sabado pa mainit ang ulo ni Thunder dahil doon sa face mask na iyon. Ano bang meron? Tsk.

Rain’s POV

Hindi ko alam kung tama bang maging masaya ako dahil nanalo sila Thunder at hindi gano’n kalala ang mga natamo niyang sugat. Napatingin ako kay Matthew, inangat niya ang kamay niyang naka ‘okay’ sign. Ngumiti ako ng tipid at saka ibinaling ang atensyon kay Thunder.

“Masyado mo naman yatang sineryoso yung laban.” Sabi ko at napatingin lang siya sa kamao niya na para bang nagsisisi siya sa nagawa. Mukhang nadala siya dahil sa galit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw.

Ilang minuto ang lumipas, lumabas na rin kami sa lugar na iyon, nakapagpalit na rin sila ng damit.

“Bisitahin natin si Ayesha.” Aya ni Liam habang nandito pa rin kami sa labas ng lumang building.

“Nang ganito ang mga mukha natin?” Tanong ni Ramon at natawa naman sila Jimmy. Maya-maya lang ay lumabas na rin sila Matthew, agad naman silang nilapitan ni Thunder.

“Matt. Pasensya.” Paghingi niya ng tawad kaya napangiti ako.

“Okay lang. Mukhang sa’kin mo naibuhos yung galit mo.” Naiiling na sabi ni Matthew. Nagsilapitan naman ang dark demons at nakipagkamay sa ibang miyembro ng D’ monsters.

“Inom nal ang tayo, oh.” Aya ni Jimmy at walang sabi-sabi nagsipayagan sila Marky.

“Pass muna. Bibisita ako kay Ayesha.” Pagtanggi ni Liam at sumakay na siya sa motor niya.

“Pass din kami.” Sabi ni Tymee dahil nga napuruhan si Matthew at kailangan magamot ang mga natamo niyang sugat.

“Kayo Thunder? Sasama ba kayo?” Tanong ni Jin pero ako na ang sumagot.

“Hindi. Uuwi kami ni Thunder.” Sabi ko at tumango lang sila. Maya-maya lang din ay nagkanya-kanya na ang grupo. Kami naman ni Thunder ay nagmadaling umuwi sa apartment niya. Mukhang mas malala pa ang mga mangyayari sa susunod nilang laban. Tch, bakit kasi naimbento pa ‘yang ground zero na yan, eh!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.