6: King of Death
-
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. I can’t believe na kasama kong kumain ang isang Jiro Villaruel. The cold but hot guy. Hindi pa breaktime kaya kami lang ang estudyante ngayon dito sa cafeteria. Maaga kami ng 30 minutes.
“Okay lang ba kung kukunin ko yung memory card? Baka kasi makita mo yung picture na kinuha nang lalaking ‘yon.” medyo naiilang na sabi ko. Wala siyang isinagot pero inabot niya sa akin yung memory card. Dead air, ang awkward.
“Salamat nga palaㅡ”
“Don’t need to thank me. Ayoko lang talaga sa mga naturingan na Keen pero hindi marunong mag-isip.” aray. Bakit pakiramdam ko natamaan ako sa sinabi niya? Naturingan akong keen pero hindi ko inisip ang mga pwedeng mangyari bago ko kinalaban si Thunder.
Ayan tuloy, lumalala yung mga pangyayari pero hindi na iyon mahalaga. Nangyari na eh at saka hindi ko palalagpasin yung kademonyohan ng lalaking iyon, hindi ako tutunganga at panunuorin lang siya.
“Hindi ikaw yung tinutukoy ko. That guy earlier, he’s a keen pero hindi niya inisip na para na siyang insolent kung umasta.” cold na sabi ni Jiro sabay inom sa kape na hawak niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kasi ay ako ang tinutukoy niya.
“Uhm, hindi ka ba hahanapin ng mga kagrupo mo? Baka nag-aalala na sila sa’yo.” tumawa siya ng bahagya sa sinabi ko.
“Alala? Hindi ‘yon uso sa grupo namin.” tinignan ko lang siya at nag-antay pa sa susunod niyang sasabihin pero wala na palang kasunod kaya dead air na naman. Ang tipid tipid niyang magsalita.
“Need to go, baka nasa na hideout silaㅡhere!” tumayo na siya at may inabot na papel sa akin. “That’s my phone number. Call me when you need help.”
Naglakad siya palayo kaya napanganga ako. Hindi ako makapaniwala na Insolent siya, mabait naman kasi siya, eh. Hindi nga lang halata.
ㅡ
Nagpunta ako sa mga locker para kuhain ang mga notebook ko para sa next subject pero pagbukas ko ng locker ko ay may nahulog na baraha.
King of spade pero bungo na may korona ang nakalagay imbis na tao. Ang creepy naman ng baraha na 'to. Wala akong natatandaan na may ganito sa gamit ko.
Wala akong natatandaan na may ganito sa gamit ko
“Look, may king of death siya,”
“Akala ko ba itinigil na nila ang pag bibigay ng card na yan?”
“I don’t know. Tara na.”
Napalingon na lang ako sa mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid ko. Anong king of death? Bago pa dumami ang tanong sa isip ko ay may lumipad ng bato sa direksyon ko but due to my reflexes, naiwasan ko iyon agad. What the hell?!
“Bakit mo ginawaㅡ” hindi ko na nagawang ituloy pa ang sasabihin ko dahil sunod-sunod akong binato ng mga estudyanteng nakapaligid sa akin. Mga insolent at robust. Itinakip ko ang mag kabilang braso ko sa mukha ko dahil sa ginagawa nila pero may bigla na lang yumakap sa akin para mag silbing panangga.
“Takbo!” sabi niya at mabilis niya kong hinatak palayo sa lugar na iyon.
“Liam.” ayun lang ang nasabi ko paghinto namin dahil hingal na hingal kaming pareho. Ano bang nangyayari?
“Nasaktan ka ba?” Tanong niya at umiling lang ako kahit sa totoo lang ay nasaktan talaga ako. Ang sakit ng mga ibinato nila sa akin, holen, bato at kung ano pang matigas na bagay pero, mabuti na lang ay dumating si Liam. Kung hindi, baka nasa hospital na ako ngayon at agaw buhay. Ano ba kasing problema ng mga taong iyon? Kaasar!
“May mga saltik ba sila? Bakit bigla-bigla na lang silang nananakit?” Tanong ko at itinuro naman niya yung barahang hawak ko.
“Yung card na ‘yan. Pagmamay-ari ‘yan ng dark, binibigay nila ‘yan sa mga estudyante na gusto nilang ibully. Ang alam ko ay hininto na nila ‘yan dahil doon sa babaeng muntik magsuicide pero bakit binalik nila yung pag bibigay niyan?” Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niya. Halatang naiinis siya. Napapikit ako ng mariin at nilukot ang baraha.
“Saan yung hideout ng dark?” Tanong ko dahil naalala ko yung sinabi ni Jiro kanina, malamang ay nandoon si Thunder ngayon.
“Sa loob ng hell’s gate. Malapit sa lumang function hall. Bakit?” Hindi ko na sinagot ang tanong niya at nagmadali nang tumakbo papunta doon. Hindi na rin niya ako nagawang pigilan pa.
Kahit natatakot ako dahil sa sinabi ni Ayesha na kuta iyon ng mga gangster. Wala na kong pakialam, pumasok ako sa loob ng gate at hinanap yung sinasabi ni Liam na hideout ng dark na katabi ng lumang function hall. Mabilis ko namang nakita iyon at hindi ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. Shit! Bakit may ganitong lugar dito? Napakaunfair nito dahil sobrang ganda ng hideout nila.
“Si Thunder?” Tanong ko kay Matthew na nakaupo sa sofa. Nagulat pa siya kaya napatitig lang siya sa akin at hindi sumagot, napailing ako bago lumapit kay Axel at Jasper na naglalaro ng billiards.
“Oh, tapang mo ah. Ba’t ka nandito?” Tanong ni Jasper nang hindi ako nililingon at patuloy lang sa paglalaro.
“Si Thunder?” Pag-ulit ko sa tanong ko kanina.
“Nasa kwarto, bakit?” Sagot ni Axel at hindi na ako nag-abalang sumagot. Umakyat na lang ako sa hagdan at pumasok sa nag iisang kwarto dito sa itaas pero pag pasok ko ng kwarto ay agad akong napatalikod. Shit, bakit may babae dito? At bakit sila nag hahalikan? Ugh
“Who’s that bitch?” Tanong ng babae. Aba’t! Pasalamat siya at hindi ako makaharap sa kanila.
“Emerald, lumabas ka muna. Tuloy na lang natin ‘to mamaya.” sabi ni Thunder at lumabas naman yung babae, pero bago ‘yon ay tinignan niya muna ako ng masama. Tch, sino kayang bitch sa aming dalawa?!
“Bakit ka nandito? Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo ng makipagㅡ” isinubo ko sa kanya ang baraha kaya napatayo siya. Wala na akong pakialam kung topless pa siya sa mga oras na ‘to. Iiwasan ko na lang tumingin sa katawan niya.
“Woah!” napalingon ako sa likod at nakitang nakasilp si Axel, Matthew at Jasper sa pintuan pero agad din silang nagsipasukan ng sipain sila ni Jiro papasok. Crap!
“Anong nangyari?” Tanong niya pero hindi ko magawang sumagot. Nadidistract ako pero mabuti na lang at nagsuot na ng t-shirt si Thunder kaya sa kanya na lang ako humarap since siya naman talaga ang ipinunta ko rito.
“Hoy ikaw! Hindi ako natatakot sa’yo ah at saka yung card na binigay mo sa’kin, kung may galit ka. Ikaw mismo yung humarap sa’kin, hindi yung gagamitin mo pa yung ibang estudyante para bullyhin ako!” Sigaw ko at lahat sila ay natahimik, maging si Thunder. Ang tagal niya bago magsalita.
“Anong card? Tekaㅡbinigyan mo siya ng card?” Tanong ni Jiro kay Thunder at tumango naman ito.
“Eh ano kung bigyan ko siya ng card? She deserve that.”
“Rain lumabas ka muna.” Biglang sabi ni Jiro at tumingin lang ako sa kanilang lima pero nang marealize ko na kailangan nila ng privacy para mag-usap ay lumabas muna ako at nag stay sa ibaba.
Habang nag-aantay dito ay hindi ko maiwasang hindi mainggit. Napakaunfair ng grupo na ‘to. Bakit ganito kaganda ang hideout nila? Pinayagan pa sila ng school’s management para magkaroon ng ganito? Iba talaga ang nagagawa ng pera. Para ng malaking bahay ang hideout nila considering na meron itong kwarto.
Hindi nagtagal ay nakita kong bumaba si Jiro, nakasuot na rin siya ng uniform.
“Let’s go.” aya niya at mabilis naman akong sumunod sa kanya.
“Anong pinag-usapanㅡ”
“None of your business, Rain. Wag ka na ulit babalik sa lugar na ‘to. Delikado.” Malamig na sabi niya at tumango lamang ako pero bigla siyang huminto sa paglalakad nang may ilang kalalakihan kaming nakasalubong. Mga insolent at mukhang mga 3rd year na sila.
Agad akong itinago ni Jiro sa likuran niya na parang pinoprotektahan niya ako. Gulo na naman ba ito?
“Woah. Bago ‘yan ah. Chicks mo?” Tanong ng nasa gitna.
“Hindi.” hinawakan ako ni Jiro at lalagpasan na sana niya yung mga lalaki pero humarang pa rin sila.
“Jiro,” tawag ko dahil natatakot na talaga ako. Ayoko ng ganitong sitwasyon. May trauma na ako sa ganito. Halos maluha na ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita si Thunder.
“Bumalik ka sa loob ng hideout.” utos niya sa akin pero nandoon ang tingin niya sa mga lalake.
“Dude, bakit mo naman pinapaalis yung chicks? I want to try her. Sharing is caring.” sabi ulit nang nasa gitna, dahilan para ngumisi si Thunder, nakakatakot na pagngisi.
“You really want to try her?” Tanong niya at tumango naman iyong lalaki sa kabilang grupo. Marahas akong hinawakan ni Thunder kaya naman nabitawan ako ni Jiro.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Jiro pero walang isinagot si Thunder. Hindi ko na rin nagawang magsalita dahil sa takot. Obvious naman na ibibigay niya ako sa mga third year dahil malaki ang galit niya sa akin. Of course, what else could it be.
“Oh!” sabi ni Thunder at mabilis niya akong itinulak sa mga lalaking iyon pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Napapikit ako sa takot at naramdaman ko na lang na hinatak niya ako pabalik at hinawakan ang ulo ko. Nasa dibdib niya ang mukha ko ngayon habang nararamdaman ko na nakikipaglaban siya gamit ang free hand niya.
“Tumakbo ka na pabalik sa loob ng hideout.” Bulong niya at mabilis niya kong binitawan. Hindi ko na nagawang lumingon pero ramdam na ramdam ko pa rin ang kalabog ng puso ko. Akala ko ay ibibigay niya ako sa mga lalaking iyon.