28: Birthday camp (part 2)
-
“Erin, wake up. We’re already here.” Napahawak na lang ako sa leeg ko at saka nag-unat. Nakatulog pala ako sa balikat ni Xian, pagtingin ko sa paligid wala na ‘yong iba.
“Nasaan sila?”
“Nakababa na. Tara na?” Aya niya at tumango lang ako. Mahaba-haba rin pala ang naging byahe namin. Inabot na kami ng 7:00. Pagbaba namin sa mini bus ay isang malamig na hangin ang humampas sa mukha ko. The hell! Ang lamig dito. Tumingin ako sa paligid, gubat at nag-iisang bahay lang ang nandito. Wow, in all fairness, rich kid ‘tong si Kevin.
“Pumasok muna tayo sa villa para malapag ‘yong gamit natin tapos ayusin natin ‘yong tent. Mas masarap sa labas, mag-barbecue tayo tapos maglagay ng bonfire habang nagk-kwentuhan, o kaya naman ilagay natin sa stick ‘yong marshmallow. Gusto mo ‘yon ‘di ba, sweetie?”
“Hey sweetie, guys pakinggan niyo ako!” Sabi ni Kevin pero walang nakinig sa kanya kasi naglakad na kami lahat papasok sa villa. Mukha namang kami lang ang nandito kaya agad akong tumalon sa couch at naupo.
“Waaaah ang sarap dito. Hey, Kevin. Tutal may nagawa ka namang maganda sa buong buhay mo. Anong gusto mong regalo?” Tanong ko. Sobrang nakaka-relax dito sa villa nila. Ang tahimik, tanging pagwasiwas lang ng puno ang maririnig sa labas.
“Talaga, sweetie? Reregaluhan mo ko? Uhm. Tabi tayo matulog.” Sabi niya at sabay-sabay nagpunta sa harap ko si Tyler, Alex, Xian at Jester habang nakatutok ang kamao nila sa mukha ni Kevin.
“Ito gusto mo?” Sabay-sabay nilang tanong at wagas na umiling si Kevin.
“Ito naman, joke lang eh. Tawagin mo na lang akong sweetieㅡ”
“Ayoko.”
“Ha? Oh sige, sabihin mo na lang na mahal mo koㅡ”
“Asa.”
“Hmm, kiss mo na lang ako kahit sa cheeks lang. ‘Yon na lang, please?” Sinamaan ko siya ng tingin pero tumayo pa rin ako at binigay ang hiling niya. Sa pisngi lang naman ‘yon, no big deal.
“Happy birthday.” Nakangiti kong bati pagtapos kong halikan ang pisngi niya. Hindi siya kumibo at nakatayo lang habang nakatulala sa kawalan.
“Tara Xi, Chloe. Doon tayo sa labas.” Aya ko at sabay-sabay kaming lumabas kasama sila Alex, sumama rin ‘yong grupo ni Josh pati na rin sila Akira at Zero. Sa madaling salita, lahat kami ay lumabas at iniwan mag-isa ‘yong baliw na si Kevin.
“Lamig dito, okay ka lang ba? Babalik ko na ‘tong jacket.” Sabi ko kay Xi pero umiling lang siya at inakbayan ako. Nakatingala lang kami sa langit, ang ganda ng mga star.
Chloe’s POV
Nasa labas lang kaming lahat at may kanya kanyang mundo. Magkasama si Xian at Erin habang nakatingin sa mga stars.
Si Akira at Zero naman ay nasa isang sulok habang magkahawak ang kamay. Parang ang bilis ng pangyayari, sila na ba talaga? Hindi kasi halata. Parang iisang tao lang ang masaya sa relasyon nila.
‘Yong grupo ni Josh ay nakaupo sa batong upuan habang nagk-kwentuhan. Busy naman si Kevin sa pagtatayo ng tent kasama si Tyler, Alex at Jester. Ako lang yata ‘yong mag-isa kaya lumapit na ako sa kanila para tumulong.
“Ako na.” Sabi ko kay Alex nang kukunin niya na sana ‘yong tent pole. Mabilis ko namang naabot ‘yon sa kanya at saka niya ikinabit.
“Chloe, tara rito.” Tawag ni Jester sa kabilang side. Nabigla na lang ako nang bigla niyang ipatong sa ulo ko ‘yong jacket na nakapulupot sa baywang niya kanina.
“A-anong gagawin ko rito?”
“Suotin mo, malamig.” Natulala na lang ako sa kanya. Oh my God! Gusto kong tumakbo kay Erin para magsumbong este magkwento pero tinawag ako ni Alex.
“Chloe, paabot naman no’ng iba pang tent poles.” Lumingon ako sa kanya at saka hinarap si Jester bago umalis.
“Salamat dito.” Tumango lang siya kaya tumakbo na ako pabalik kay Alex. Nagmadali na rin akong suotin ‘yong jacket ni Jester dahil sobrang lamig talaga rito.
Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya nagustuhan. Mukha lang siyang bad boy pero mabait naman talaga si Jester. Sayang lang at may iba siyang nililigawan but hell! Ang sweet niya. Paano ako makaka-move on aber?!
“Do you like Jester?” Namutla na lang ako sa biglang tanong ni Alex. Hindi siya nakatingin sa akin at busy lang sa pagkabit no’ng mga tent poles.
“Hindi mo kailangan sumagot. Keen ako, remember? I know what is obvious.” Dagdag niya at napatingin na lang ako sa sahig. Nakakahiya.
“Pwede mo ba ko tulungan pa sa ibang tent?” Tanong niya at tumango naman ako. Maya-maya ay tumulong na rin ‘yong iba. May isang tent kasi na medyo malaki, roon ang magiging pwesto naming tatlong babae. Pang dalawahan lang kasi ‘yong ibang tent.
Ilang minuto ang lumipas nang matapos kami sa pag-set up ng tent. Nagtayo na rin kami ng bonfire, tuwang-tuwa si Erin kasi may marshmallow na naman siyang makakain.
“May binili akong alak, gusto niyo na bang uminom?” Tanong ni Kevin at lahat ay sumangayon.
“Hindi pa tayo kumakain.” Paalala ko, hindi kasi talaga ako umiinom. Ayoko naman maging kj pero wala pang laman ang mga tiyan namin.
“Oo nga pala, sige. Iluto na muna natin ‘yong barbecue tapos ilalabas ko ‘yong sinaing ko sa loob.” Sabi ni Kevin nang tumayo siya. Sinamahan naman siya ni Akira sa loob at nagkaroon ng katahimikan. Si Kevin lang naman kasi ‘yong maingay rito sa amin.
Erin’s POV
Nakakabingi. Iyon lang ang tanging masasabi ko dahil sa atmosphere, nakakabingi ‘yong katahimikan.
“Boring. Let’s play!” Suhestiyon ko. Nakapalibot kaming lahat ngayon sa bonfire habang nakaupo sa mga sirang trunks ng puno. Napapagitnaan ako ni Chloe at Xian.
“Gusto ko ‘yan. What kind of game do you want to play?” Tanong ni Josh, tila nabuhayan ang dugo.
“Basagan ng mukha.” Seryoso kong sabi at saka siya tumawa.
“Ganyan na ganyan din itsura mo no’ng nag-sparring tayo sa back building.” Aniya at nagkaroon ulit ng katahimikan.
“Nag-sparring kayo?” Tanong ni Xian at marahan lang akong tumango and to our surprise, biglang tumayo si Zero at hinatak ‘yong damit ni Josh patayo.
“Don’t you ever lay a finger on her. I’m warning you, Josh.” Sa sobrang lalim ng boses niya ay maging ako ay kinilabutan and waitㅡIs he reffering to me?
“Hey. Teka, chill lang.” Sabi ni Jun nang pilit niyang ilayo si Zero sa kaibigan.
“What happened?” Napalingon ako sa likuran kung nasaan si Akira. Mabilis bumitaw si Zero at saka lumapit sa kanya para kunin ang mga dala niya.
“Wala misunderstanding lang.” Dumiretso silang dalawa sa may ihawan para iluto ‘yong barbecue. Nag-usap silang dalawa habang si Tyler ay humingi ng tawad kay Josh.
“Ano bang problema no’ng lalaking ‘yon? Kung makaasta siya parang mas ikaw pa ‘yong girlfriend niya kaysa kay Akira.” Sabi ni Josh.
“He’s just being protective. Kung hindi lang ako inunahan ni Zero ako mismo susugod sa ‘yo kapag nalaman kong sinaktan mo si Erin.” Seryosong sabi ni Tyler.
“Okay guys, seriously stop. Walang kasalanan si Josh. Ako ang nag-aya sa kanya mag-sparring pero tinakbuhan niya ako. Stop fighting, for once. Pagbigyan natin si Kevin na maging masaya ‘tong birthday camp niya.” Paliwanag ko at nagsitanguan naman sila. Good.
“Aw! Ang sweet talaga ng sweetie ko.” Bago pa ako mayakap ni Kevin mula sa likuran ay naharang ko na ang kamay ko sa mukha niya.
“Lubusin mo na ‘tong kabaitan ko dahil bukas na bukas din bubullyhin kita.”
“Kanina mo pa nga ako binubully, eh.” Ngumuso siya at nag kibit balikat lang ako habang nakangiti.
Ilang oras pa ang lumipas at lumalalim na rin ang gabi. Kalmado at nagsasaya lang ang lahat, busog na sila kakakain at may kanya kanya nang hawak na red cup. Habang ako ay marshmallow ang hawak.
“Hindi ka ba umiinom?” Tanong sa akin ni Chloe. Namumula na siya kahit isang baso pa lang ang nauubos niya.
“Umiinom. Nakalimang baso na kaya ako, pahinga lang.” Sagot ko sabay ngiti. Nahagip naman ng tingin ko si Zero na kasalukuyang nakikipag-usap kay Akira.
“Kev, saan ‘yong cr?” Tanong ko nang tumayo ako, nawalan ako ng balanse pero mabuti na lang ay nasalo ako ni Xian. Mukhang nasa sistema ko na ‘yong alak.
“Alam ko, sasamahan na kita.” Sabi niya at tumango lang ako kaya naglakad na kami papasok sa villa.
“Marami ka na yatang nainom.”
“Hindi, na-out of balance lang ako.” Sabi ko at saka siya nginitian. Hindi pa naman talaga ako nahihilo pero aaminin kong umeepekto na ang alak sa sistema ko.
“Nasa kaliwa ‘yong cr. Hihintayin kita rito.” Sabi niya at tumango naman ako. Pagpasok ko sa cr ay tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin habang nakapatong ang kamay ko sa lababo.
“What’s wrong with you?” Tanong ko sa sarili ko. Bino-bother ko na naman ang sarili ko dahil sa pinapakita ni Zero. Alam ko pinoprotektahan niya ako pero iba ang dating sa akin ng kilos niya. Napabuntong hininga na lamang ako at saka naghilamos.
Paglabas ko ng cr ay bumungad sa kin si Xian kaya medyo napaatras ako.
“What’s wrong?” Tanong ko.
“Nothing.” Sagot niya kaya naglakad na kami sa hallway, he’s acting weird. Sinisilip niya muna ang dulo ng hallway bago ako palakarin.
“Ano ba ‘yan? Nababaliw ka na?” Tanong ko at saka nagmadaling maglakad pero pagtungtong namin sa sala ay roon tumambad sa akin sila Akira at Zeroㅡthey’re kissing.
Nanigas ang buong katawan ko dahil sa mga natutunghayan ko ngunit biglang hinawakan ni Xian ang balikat ko at saka hinarap sa kanya.
“Eyes on me, Erin.” Aniya nang hawakan niya ang gilid ng leeg ko. Na-confuse ako sa ginawa niya ngunit bigla niya akong hinatak... His lips touches mine, napapikit lang ako at napahawak sa damit niya. I don’t know what’s going on.
“E-Erin? Xian?” Kumalas kaming pareho ni Xian nang marinig namin si Akira. Nagkatinginan muna kaming pareho bago lumingon pero kay Zero unang napunta ang tingin ko.
Ang sama ng tingin niya kay Xian, as if gusto niyang sumugod at suntukin ito. What’s his deal? He’s pissing me off big time!
“Babe, hindi mo dapat sila inistorbo.” Ani Zero sabay hila kay Aki palabas ng villa. Mabilis naman akong hinawakan ni Xian, dahilan para maibaling ko ang tingin sa kanya.
“I’m sorry.”
“No, you don’t need to apologize. It’s okay.” Ngumiti ako at nanatili siyang nakahawak sa akin, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
“Erin, ako na lang. Choose me.”