29: The truth behind everything.
-
Xian’s POV
Simula no’ng gabing ‘yon ay hindi ko na nakita pang nag-usap si Erin at Zero. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ginawa at sinabi ko ang mga bagay na hindi naman dapat.
/Flashback/
“Erin, ako nalang. Choose me.” Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at tila ayaw iyong pakawalan. Hinarap niya ako ng diretso at saka hinawakan ang pisngi ko.
“Xi, mahal kita pero alam nating pareho kung hanggang saan lang ‘yong kaya kong ibigay. Ayaw kitang gawing rebound or what para lang makalimutan ko ‘tong mga nararamdaman ko ngayon. That’s cruel.” Ngumiti siya ng bahagya at saka hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
“You deserve someone better.” Dagdag niya at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya. Gustong-gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ‘to.
“Let’s go?” Aya niya at tumango lang ako. Sabay kaming lumabas at nagpatuloy sa pag-celebrate ng birthday ni Kevin na parang walang nangyari.
/End/
“Ze, papasok ka na ba?” Tanong ko nang makitang nakasuot na siya ng uniform. Kanina lang din kami umuwi galing sa camp at hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiisip na paraan para masabi niya ‘yong bagay na itinatago niya.
“Hindi ko natanong sa ‘yo ‘to noong nasa camp tayo. Kayo na ba ni Erin?” Humarap siya sa akin at tinignan ko lang siya. Alam kong may itinatago siyang sikreto sa akin, he’s acting really weird.
“Yes kami na. I’m actually going to ask her to marry me. Can you helpㅡ” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nabitawan niya ang hawak niyang suklay.
“Marry her? Xian, she’s only 18. Bata pa kayo.” Gusto kong tumawa sa reaksyon niya. Masyadong obvious na kontra siya sa mga sinabi ko, come on konti pa. Kailangan ko pang galingan ang pagsisinungaling.
“She’s of legal age, Zero. Gano’n din naman ako. Can you help me? Magp-proposeㅡ”
“No, I can’t help you. Aalis na ako.” Bakas na bakas sa boses niya ang pagkadismaya. Paalis na sana siya ngunit nagsalita ulit ako.
“Bakit? Dahil mahal mo siya?” Tanong ko at tila natigilan soya. Hindi niya yata inaasahan na sasabihin ko ang bagay na ‘yon. Hinarap niya ako at nanlaki na lang ang mata ko nang makitang may luha ang mga mata niya. He’s crying?!!
Mabilis niya iyong napunasan at saka naupo sa kama habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa ulo niya. Nakayuko lang siya at hindi nagsalita ng ilang minuto. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa pagtitig lang sa kanya ng ganito.
“Sorry, Xian. Ayokong magsinungaling sa ‘yo at ayaw rin kitang saktan pero mahal na mahal ko si Erin. Hindi ko na kayang itago.” That word made me smile. Tumayo ako at saka naupo sa tabi niya.
“Finally.” Inangat niya ang ulo niya nang sabihin ko ‘yon.
“What do you mean?”
“I’m lying. Hindi kami ni Erin and that will never happen because she likes you.” Ngumiti ako at saka siya inakbayan.
“No way! Nagsasabi ka ba ng totoo?” Napatayo na lang siya bigla.
“I’m probity, remember? Now tell me, Zero. What’s going on?” Seryoso kong tanong.
“Wait. Are you serious? Gusto ako ni Erin? But I saw you kissing the other night.” Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang balikat ko. Now he’s in his usual self.
I’m really tired of seeing his cold expression. Sabi na at may dahilan lahat ng mga ginagawa niya. Lahat ng nangyari ay kasinungalingan lang.
“Nakita niya kayong naghahalikan ni Akira, alam kong nasaktan siya kaya hinarap ko siya sa ‘kin and I ended up kissing her...” Paliwanag ko.
“Alam kong hindi ko dapat ‘yon ginawa but Zero, gusto ka ni Erin at hindi man niya sabihin, alam kong nasasaktan siya.” Dagdag ko, dahilan para mapasabunot siya sa buhok niya. Ilang minuto siyang natahimik at saka tumingin sa akin ng diretso.
“Hindi ko gusto si Akira. I know it’s cruel but I’m dating her on purpose.” He blurted. I knew it!
“Gusto kong mapalapit sa kanya dahil may nalaman ako...Remember Sunny?” Tanong niya.
“Sunny? Wait. ‘Yong babaeng malaki ang galit kay Tita Rain? ‘Yong kinuwento sa atin ni Tito Jasper noon?” Tumango lang siya sa tanong ko.
Madalas kasi ikwento ng mga magulang namin ang mga nangyari sa kanila noon, kaya nga idol namin sila, ‘yong friendship nila to be exact. Hindi matatawaranㅡbilib na bilib din ako kay Tita Rain and Tito Thunder..
“Anong meron? What about her? Anong kinalaman niya sa mga pinaggagagawa mo?”
“Sunny is Akira’s Mother?” Aniya at hindi ko nagawang kumibo.
“Nag-confess ako kay Erin at kinabukasan no’n, nakipagkita ako kay Akira just to clear things na hindi ko siya gusto. That time nauna siyang pumunta sa meeting place and she’s talking to someone over the phone..”
“Mom, hindi ko kaya ‘yong pinapagawa niyo, kaibigan ko si Erin. Just stop this nonsense, mabait na tao ‘yong gusto niyong gawan ko ng masama.. Iyon ‘yong narinig kong sinabi ni Akira. Hindi muna ako nagpakita at pinakinggan pa ang mga sasabihin niya sa kausap niya.”
“Kaibigan ko si Erin, she had nothing to do with your past, kahit anong sabihin niyo hindi ko t-traydurin si Erin.. After niyang sabihin ‘yon, she hang up kaya nagpakita na ako sa kanya..”
“..I came up with the idea na kilalanin si Akira at malaman kung ano ang nangyayari. She likes me so I took it for granted, I asked her to be my girlfriend, believe it or not, nakokonsensya ako. Mabait si Akira pero nablangko ako noong mga oras na iyon, before I knew it. I’m already asking her out. Kailangan kong malaman ‘yong bawat kilos niya just to make sure na walang masamang mangyayari kay Erin..”
“Sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama. Sorry, Xian. Alam kong mahal mo rin si Erin pero hindi ko kayang pigilan ‘yong nararamdaman ko para sa kanya. I’m tired of holding back.”
Ngumiti lang ako at hindi nakapagsalita dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa dahilan ng mga ginagawa niya. May kinuha siya sa drawer niya at saka ibinigay sa akin. Isang papel.
“Nag-search ako tungkol kay Aki at ayon nga, nalaman ko na ‘yong Sunny na malaki ang galit kay Tita Rain at ‘yong Sunny na mother niya ay iisa..”
Erin’s POV
“Akira, hindi ako papasok. Inaantok pa ako.” Hinatak ko ‘yon kumot at saka tinalukbong sa buong katawan ko kasama ulo.
“Nakatulog ka naman sa byahe kanina eh.. Bumangon ka na. Late ka na.” Naramdaman ko siyang naupo sa kama. Tanggap ko na ‘yong nangyayari, dahil sa camp na ‘yon ay na-realize ko na hindi pa ako gano’n katatagㅡbut I can finally say that I already moved on from the pain. Imposible man na gano’n na lang ‘yon kabilis pero feel ko ay kaya ko nang harapin si Zero.
“Gusto mo tawagin ko si Xian?” Tinanggal ko ang kumot at nakitang nakangiti siya ng pilya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya ma-kamove on sa nakita niya.
“I told you, we’re just friends. Fine! Papasok na ako. Magbibihis lang ako.” Sabi ko at saka kinuha ang uniform ko. Paalis na sana ako nang bigla na lang mag-ring ang phone ko.
“Hey, Mom! What’s up? Napatawag ka?”
“Can we meet?”
“Mom, kung makapag-aya ka parang nandito ka pa sa Pilipinas.” Medyo natawa ako.
“Yeah, we’re still here. I forgot to tell you na hindi pa kami bumabalik sa America simula no’ng mangyari ‘yong gulo sa party.”
“Say what? Are you kidding? Mom naman bakit ngayon mo lang ‘to sinasabi?”
“I’ll explain to you later. Susunduin kita after class, okay? Bye!” Napanganga na lamang ako habang nakatingin sa phone. The hell? Nandito pa pala sila ni dad.
Ilang oras ang lumipas, tahimik akong nakaupo sa classroom. Ang boring, pansin ko rin ang pag-iiba ng aura ng katabi kong si Zero.
Ayoko mang humikab, napahikab pa rin ako ng malakas at saka nag-unat. Eyes were on me. As if I care.
“If this class is too boring for you, Ms. Cross. Bukas ang pinto, malaya kang makakaalis.” Sabi ng prof kaya naman tumayo ako, last subject naman na, eh.
“Bye guys, magkikita pa kami ni mom.” Sabi ko at saka nagmadaling lumabas. Mabilis ko ring na-contact si mom na maagang na-dismiss ang klase. Oooh Liar!
“How’s school?” Tanong ni mom nang makasakay na kami sa kotse niya. Mukhang mag-stay sila rito ng mahaba-haba dahil bumili sila ng bagong kotse.
“Boring, walang thrill magturo ‘yong prof, eh. By the way, Mom. Bakit hindi pa kayo umuuwi?”
“I’ll tell you later. It’s a surprise.” Sabi niya at napatingin na lang ako sa bintana. Gusto kong i-open up kay mom ‘yong about kay Zero pero nahihiya ako.
Ilang minutong byahe at huminto kami sa isang pastry shop. Sabay kaming bumaba ni mom at saka pumasok sa loob noon.
Malayo pa lang ay naagaw na ng atensyon ko ang babaeng kulay pula ang buhok. Sa tingin niya ba ikinaganda niya ‘yan? Lol.
“I’m sorry.” Bigla na lang sabi ni mom. Mukhang nakabangga niya yata ‘yong kasama noong weirdong babae. Boredom strikes again, nilibot ko ang paningin ko at nag mhanap ng mauupuan.
Luckily, may nakita ako. I was about to pull the chair pero may humawak dito. The weird girl with red hair.
“I found this table first.” Aniya at napangisi na lang ako. She must be blind.
“But I touched it first.” Hindi mawala ang pagngisi sa mukha ko and to my surpriseㅡbigla na lang siyang naupo, nagawa niya pa akong irapan. Uh, maybe she wants to mess up with me? Okay papatulan ko na since bored ako.
Sinipa ko ang upuan na inuupuan niya just to make sure na matibay ‘yong upuan. Mukha namang matibay dahil hindi siya natumba, napatayo nga lang siya sa galit.
“Oh? Galit ka na no’n?” I crossed my arms at saka siya nginisian. If she wants to mess with me, panindigan niya.
“Since ako ang unang nakahawak nitong table. Sa amin na lang ‘to, okay?” Nginitian ko pa siya na may halong pang-aasar at saka naupo pero hindi talaga siya nagpapatinag, hinila niya ‘yong upuan dahilan para mapaharap ako sa kanya.
“You’re bitchier than I thought.” Sabi ko at magsasalita pa sana siya pero narinig ko ‘yong boses ni mom at ‘yong babaeng nakabangga niya kanina.
“Erin!”
“Scarlett!”
“Ano bang nangyari?” Lumapit sila sa amin.
“I found this table first butㅡ”
“I touched it first.” Pagputol ko. Hindi ba siya maka-move on? At hello? Hindi naman ako ang unang makakahawak ng pwesto na ‘to kung hindi ako ang unang nakakita. Ano bang ipinaglalaban niya? It’s just a fucking chair.
“Whatever.” Inirapan niya pa talaga ako. Tch!
“Let’s just share, okay?” Sabi noong babaeng kamukhang kamukha ni Tita Pink. Weird.
“But momㅡ”
“I agree, tutal good for four naman ang table na ‘to.” Napalingon na lang ako kay mom but in the end wala pa rin akong nagawa kung hindi ang makipag-share sa babaeng weirdo na ‘to. Nakakairita na, quality time dapat namin ito ni mom, eh. Hindi niya na na-explain ang dapat i-explain!
“Sakit sa mata ng pulang buhok mo. Bakit kasi pumwesto ka sa harap ko?” Iritang sabi ko pero sinuway ako ni mom.
“Mas masakit sa mata ‘yang mukha mo.” Bulong niya pero sapat na para marinig ko. Kung wala lang talaga si mommy kanina ko pa itinusok ‘tong tinidor sa mukha ng babaeng ‘to, eh. She’s pissing me off big time.
“Bluenica, you really look like my friend.” Ani mom sabay lingon sa akin.
“Right, Erin?”
“Yeah yeah. Tita pink.” Bored na sagot ko at saka sila nagkwentuhan. Kamukha din daw ni mommy ‘yong former gangmate ni Tita Bluenica. Talking about gangster in front of their daughters. Nice!
Lumipas pa ang ilang minuto at sa wakas ay maghihiwalay na rin kami ng landas.
“Let’s hang out if you have free time, okay?” Sabi noong mom ni Scarlett at tumango naman si mom. Bago tuluyang umalis ay tinignan ko muna ang weirdong babae at tinarayan ito.
Pagpunta naman namin sa tapat ng kotse ay napahinto si mom.
“What’s wrong?” Tanong ko, at ilang saglit lang ay may babaeng lumapit sa amin. Nakangiti lang ito sa amin, creepy.
“Long time no see, Rain.” Anito at saka ibinaling sa akin ang tingin. Magsasalita sana ako kaso nagsalita si mom.
“S-Sunny.”