WALANG ekspresyon ang mukha ni Callea habang pababa ng hagdan. Mag-a-alas siyete na siya ng gabi bumaba nang sabihin ni Marina na nakahanda na ang hapunan. Nakanganga ito nang lagpasan niya ito at pumunta sa dining hall para tingnan kung nakaayos na lahat.
“Ayos ka lang, Señorita?” tanong ni Marina habang ini-inspect niya ang kubyertos at ang pagkaing nakahain.
“Oo naman. I never felt better.”
“Ano bang nangyari sa iyo? Maghapon kang nagkulong sa kuwarto mo tapos bababa ka nang ganyan na lang ang itsura mo.”
She was wearing a bloody red medieval gown. She laid her long hair down. Pero kinulot niya ang dulo ng buhok niya. May black choker siya sa leeg na may ruby flower accent. Makapal din ang itim na mascara at eyeliner sa mata niya. Yet her lovely face held no emotion at all. Ayaw na niyang makaramdam. Kulang na nga lang ay pangil para magmukha siyang bampira.
She loved it. Pakiramdam niya ay nagyeyelo ang puso niya. Buong hapon niyang inaral kung paanong haharapin si Deive. She was shaken to the core the whole day. Ayos lang na maging cordial ito sa kanya o kahit nga sungitan pa siya nito. She could handle all those. Huwag lang siya nitong aakitin.
Nangangalisag ang balahibo niya. Kinikilabutan siya.
“Magaling na ba siya?” tukoy niya kay Deive.
Di siya nagtangkang lapitan man lang ang pinto kanina. Nilunod niya ang sarili sa mga sketches niya at mga bagong idea. Bloody and gross ideas. Iyon lang ang paraan niya para hamigin ang sarili niya at bumalik sa kanormalan.
Nang sa palagay niya ay kaya na niyang kontrolin ang emosyon ay saka siya nag-ayos upang maghanda sa hapunan. But she won’t be the sunny nice girl she portrayed a while ago. She wanted him to get a glimpse of the real her.
“Pababa na siya. Mas maayos na siya kaysa kanina.”
Pinagpag niya ang kamay. “Everything is ready. All I have to do is set the mood for the evening. Magpi-piano muna ako.”
She was not in her elements despite of her gothic look. Kulang pa. Di pa siya sigurado kung kaya niyang pakiharapan si Deive nang di nanginginig ang katawan niya o nanlalambot. Playing the piano could help her relax a bit.
Kusang tumipa ang mga daliri niya sa tiklado ng piano. It was her favorite classical piece. Beethoven’s Pathetique. The notes took over her. Parang nilulukuban siya ng nota at tuluyan nang naglaho sa hangin ang pangamba niya.
Ah! That feels good!
Nang matapos siyang tumugtog ay napansin niya ang pares ng mata na nakatutok sa kanya. Nang tumingin siya sa grand staircase ay nakatayo doon si Deive habang nakatitig sa kanya. Parang naestatwa na ito doon. Ni hindi man lang ito kumukurap kahit nang lapitan niya.
“Hi! Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya.
Napalunok ito at tumango. Terror was written all over his face. As if that lovely song was a terrible ghost. Ni hindi ito makapagsalita.
“Magaling ka na ba?” tanong pa ulit niya.
“Y-Yes. Thank you for taking care of me. Nagpi-piano ka pala?”
“Yes. It helps me relax when I have a lot of things in mind. Do you play?”
Marahan itong umiling. “I am afraid not. Hindi rin ako fan ng classical music. It gives me creeps.”
“Too bad. I love classical music specially the piece I played a while ago.”
“Pathetique,” mahina nitong usal. “The song is too gloomy.”
“Gusto mo bang tumugtog pa ako ng iba?” Marami pa siyang gloomy na classical songs na nakahanda. Iyon ang mga kantang babagay sa personalidad niya.
Hinagip nito ang kamay niya. “Hindi na.”
“Ayaw mo akong marinig na tumugtog?” tanong niya. Paano ba niya matatagalang kasama ang isang lalaki na di ma-appreciate ang musika?
“Hindi sa ayoko.” Hinaplos nito ang likod ng palad niya. “Ayoko nang mapagod ka pa dahil sa akin. Kahapon napagod ka kaluluto. Kaninang umaga inalagaan mo ako. Now you played the piano for me.”
“I should keep you entertained. Bisita kita.”
Pinisil nito ang baba niya. “Bisita lang ba talaga ako dito? I thought I am the man that you are about to marry.”
Kung bilang bisita nga ay di niya alam kung paano ito pakikiharapan, paano pa kaya bilang lalaking pakakasalan niya.
Then the image of his bare gorgeous body flashed inside her head again. Ipinilig niya ang ulo. She didn’t even want to go there.
“Dinner is ready. Kumain na tayo bago lumamig ang pagkain.”
Babawiin sana niya ang kamay dito subalit hinigpitan lang nito ang hawak sa kamay niya at sinabayan siyang maglakad. “You look beautiful tonight. Really beautiful. The gothic look suits you.”
Tipid siyang ngumiti ngunit di na siya nagtangkang salubungin pa ang mga mata nito. Ilang sandali pa lang niya itong nakakasama, tinamaan na siya ng Deive Hontiveros Syndrome – clammy hands, trembling body and she felt as if she was about to have a fever. Nag-iinit ang katawan niya.
Sana ay magawa pa niyang mabuhay matapos ang gabing iyon.
Sunud-sunod ang subo ni Callea ng pagkain. Dahil di siya pwedeng mag-isip ng gross at nakakatakot na bagay habang naghahapunan para kontrahin ang mga mapang-akit na tingin ang ngiti ni Deive sa kanya, itinuon na lang niya sa pagkain ng marami ang matinding frustration niya.
“Hmmm… masisira ang diet ko sa sarap ng pagkain dito. Mapapagalitan ako ng gym instructor ko,” wika ni Deive na sunud-sunod din ang subo.
“Si Marina ang nagluto niyan.”
Nang kupkupin niya si Marina, nakitaan niya ito ng potensiyal na galing sa pagluluto. Kaya nitong pasarapin kahit na simpleng luto lang ng gulay. Kaya naman itinuro niya dito ang lahat ng nalalaman niya sa pagluluto.
“She’s good. Ilang taon mo na dito si Marina?”
“Two years.”
“Bakit siya ang kinuha mong katulong?” kaswal nitong tanong.
“Hindi ko siya katulong. Kaibigan ko siya. Sinasamahan lang niya ako dito.”
“Really?” he asked with disbelief.
Mahigpit niyang hinawakan ang steak knife kasabay ng pagtikom ng mga labi niya. Anong gusto nitong palabasin? Na walang karapatan si Marina na maging kaibigan niya dahil isa itong kuba?
Wala pala itong kaibahan sa mga malulupit na tao sa labas. Hinuhusgahan nito ang tao at inilalagay sa dapat na estado dahil lang sa anyo o kabuhayan nito.