Moonlight Bride (Tagalog) Chapter 20

“Now look who has a wild imagination.” Pinitik niya ang noo nito. “Nauna pa silang dumating sa iyo dito. Anong karapatan mong galawin sila?”

“Kung dito ako titira sa Villa Celesta, may karapatan ako sa dapat mangyari sa bahay na ito. Kahit ako matatakot na tumira dito.”

“May pakialam ka sa akin tulad ng pinapakialaman mo pati ang mga damit na isusuot ko?” naniningkit ang mata niyang tanong.

“Oh, that!” At mahina itong tumawa. His face twitched with guilt. “Wala namang bago sa mga damit na idadala niya sa iyo. Nakita ko na rin iyon. They are all dark and gloomy. So boring.”

“Hindi naman ikaw ang magsusuot kundi ako. Ang mga paniki na iyan, ang nakakatakot na haunted house na ito at pati ang mga boring na damit na isinusuot ko ang dahilan kung bakit ako kumikita ng pera. Hindi pa nga tayo kasal, pinangungunahan mo na ang buhay ko.”

“I am just helping you out. Kailangan bang puro madidilim na damit ang isuot mo bawat minuto ng buhay mo? May oras para sa trabaho at sa mga eccentricities mo. Kapag nagpakasal tayo, ganyan ka din haharap sa mga kaibigan ko? Ni hindi nga alam ng lolo ko na katulad mo ang babaeng pakakasalan ko.”

Taas-noo niya itong tiningnan. “Ikaw ang may idea na magpakasal tayo. I am thankful for that. Pero di kasama sa utang na loob ko sa iyo na baguhin mo ako. After all, di naman kita gustong pakialaman sa buhay mo.”

“Gusto mong maging ganyan na lang habambuhay?”

Tumango siya. “Yes.”

“Mas pipiliin mo ang mga pangit na paniki na iyan kaysa sa akin?”

Matiim niya itong tiningnan sa mga mata. “I think you can co-exist. Don’t get in my way, Deive. Huwag mong pakikialaman ang mga kaibigan ko. Huwag mong babaguhin ang buhay ko.”

“And if I insist?”

Umangat ang gilid ng labi niya. “Magkakasubukan tayong dalawa.”

Saka taas-noo siyang lumabas ng attic. Kung akala ni Deive ay katulad siya ng ibang tao na madali nitong naaakit at napapasunod, ibahin siya nito. Siya ang reyna ng Villa Celesta. Teritoryo niya iyon kaya siya ang masusunod. Dapat na ilagay ni Deive ang sarili nito sa lugar.

Akala naman niya ay solve na ang problema niya oras na magkasundo sila ni Deive. Hindi pala. Parang isang malaking bato pa ang ipinukpok niya sa ulo niya.

NANLALAMBOT na si Callea sa gutom. Ayaw niyang lumabas ng kuwarto. Natatakot siyang makita o makasalubong si Deive. Naiinis siya. Kahit nang hapunan ay di niya ito sinabayan. Sa kuwarto lang niya siya kumain. Para sa brunch ay gusto sana niyang sa baba mag-agahan. Kaso ay naririnig pa rin niya ang boses ni Deive.

Nang may kumatok sa pinto niya ay nakaamoy agad siya ng pagkin. Tiyak na si Marina iyon at dadalhan na siya ng pagkain. Siguro ay naintindihan nito ang kalagayan niya na ayaw niyang makita si Deive.

Nawala ang ngiti niya nang mapagbuksan si Deive. “Hi! Ipinagdala na kita ng breakfast. Naisip ko kasi na gusto mo ng breakfast in bed.”

“Gusto kong kumain kung saan wala ka,”aniya at kinuha ang tray ng pagkain.

Itinaas nito ang tray para di niya maabot. “Unfortunately, kailangan mong tiisin ang kaguwapuhan ko. Gusto kong bantayan ka habang kumakain.”

“Hindi na kailangan.” Subalit di pa rin ito umalis at naka-guwardiya sa bawat subo niya. Lumihis tuloy siya ng bahagya at halos magka-stiff neck huwag lang itong malingunan. Nakakailang kasi ang titig nito. “Baka may iba ka pang gagawin. Baka may daga dito sa bahay o ahas. Hindi kami close ng mga ito.”

“Tiniyak nila Mang Lito na walang ahas at daga dito. Sa bukid lang meron.”

“Sa bukid ka na lang maglinis kung ganoon.”

“Nagtatampo ka pa rin sa akin hanggang ngayon?”

Inirapan niya ito at saka sumubo. “Sino ba ang matutuwa sa ginawa mo?”

“Sorry na nga, eh!” anito at ipinagbalat siya ng mandarin orange. “Matitiis ba naman kita? Hindi ko na nga bubulabugin ang mga paniki mo.”

“Talaga?” tanong niya at nabawasan ang inis niya dito.

Tumango ito at iniumang sa labi niya ang slice ng orange. “Oo. Kita mo naman bumabawi ako sa iyo. At nag-sorry ako sa mga paniki mo.”

Akala niya ay sa kanya lang ito nakipagbati. Pati pala mga paniki ay humingi din ito ng tawad. Sumubo siya ng orange pero di pa rin ito basta-basta makakabawi sa kanya.

“May isa ka pang kasalanan sa akin. Iyong mga damit ko…”

“Oo. Papalitan ko ang mga iyon.” Tumayo ito at hinalungkat sa closet ang mga damit niya. “Nasaan ang mga bigay ko sa iyong damit?”

Inginuso niya ang baul. “Andoon. Di ko naman magagamit mga iyan. Ido-donate mo ba iyan sa mga nangangailangan?”

“No!” Binuksan nito ang baul at may inilabas na floral dress. “Here. Isuot mo. May pupuntahan tayo.”

Humalukipkip siya. “Hindi ko isusuot iyan at hindi ako aalis dito sa mansion.”

“Sige na. Sumama ka na sa akin. Please?” anito at pinagsalikop ang palad.

“Kung gusto mong sumama ako sa iyo, isasama mo akong ganito,” aniya at lalo pang ginulo ang buhok niya. Tingnan lang niya kung mailabas siya nito ng bahay nang ganoon ang itsura niya. May smudge pa ng eyeliner at mascara ang mga mata niya. Namumutla siya at nakasuot siya ng dugu-duguang white dress.

“Fine! Bibitbitin kitang ganyan!”

Napahiyaw siya nang bitbitin siya nito na parang sako ng bigas sa balikat nito. Nagwala siya at hinampas ang likod ni Deive pero di naman ito natinag man lang. The beast! Talagang di ito nahihiyang ilabas siya ng bahay.

“Magwala ka pa at gugulong tayong dalawa pababa ng hagdan,” banta nito.

Natigilan siya sa pagwawala. Ayaw naman niyang parehong mabali ang mga buto nila. Pero nang makababa sila ay nagkakawag ulit siya. “Ibaba mo na ako!”

“Hindi kita pakakawalan hangga’t wala tayo sa kotse.”

Nadaanan niya sina Mang Lito, Aling Poling at si Marina na nakahilera sa tabi ng pinto. “ Tulungan ninyo ako!”

“Mag-ingat po kayo sa pagbiyahe, Señorita,” wika ni Mang Lito.

Sina Aling Poling at Marina naman ay kumaway lang. “Mag-ingat po kayo.”

Kahit si Luna ay tahimik lang habang nakahiga sa paanan ni Luna. Ni hindi man ito nagtangkang sugurin si Deive. Wala na ba siyang kakampi?

“Taksil! Mga taksil kayo!”

Nang ipasok siya ni Deive sa front seat ng sasakyan tinangka niyang lumabas pero hinawakan agad nito ang balikat niya at isinandal. “Stay put!”

“Saan mo ba ako dadalhin?”

“Sa mall. Kailangan mo ng total make over.”

“No way! Subukan mo lang, lagot ka sa akin!” At kinuyom niya ang palad. Bakit ba niya naisip na magkakasundo silang dalawa? That he was really apologetic a while ago and he really wanted to respect her individuality. She was wrong. “You are a monster! Katulad ka rin ng ibang tao na tinitingnan ang panlabas na kagandahan ng isang tao. Iyan lang ang alam ninyo!”

Umikot ito at umupo sa driver’s seat. Pabagsak nitong isinara ang pinto ng sasakyan at ginamit ang power lock. “I am trying to make things work here. Marriage is not as simple as you think. Di dahil marriage of convenience ito, pwede na nating gawin ang lahat ng gusto natin para makuha ang goal natin.”

“Akala ko tanggap mo kung sino ako.”

“For example we’ll do things your way. Haharap ka sa lolo ko na ganyan na kahit ang mga lunatic katatakutan ka. Tiyak na iuurong niya ang kasal. Mawawala lalo sa iyo ang Villa Celesta.”

“There must be some other way.”

“There is no other way, Callea. So we will do it my way.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.