Naninibago si Callea. Sobrang init ng sikat ng araw sa balat niya. Nalulunod din siya sa sobrang liwanag. She never had so much sunshine for a long time.
Nakalabas na sila ni Deice ng Nagcarlan. Sanay siyang nakakulong lang sa Villa Celesta. Kahit sa umaga ay mukha pa ring madilim ang loob ng mansion. Nakakalabas lang siya ng mansion kapag hapon na o kapag madaling-araw pa at papasikat ang araw.
Nasanay na ang mga mata niya sa dilim. Nakakapaso ang init ng araw. Nakakasilaw ang liwanag. Hinila niya ang sleeve ng damit niya sa braso niya at hinawi ang buhok niya para di siya tamaan ng liwanag.
“Huwag mo ngang itakip ang buhok sa mukha mo!” utos sa kanya ni Deive.
Umingos siya. “Nasisilaw ako, eh! Sabi mo okay lang sa iyong isama ako ng ganito. Di naman bagay sa costume ko ang shades, di ba?”
“Everytime I look at you, naiisip ko na may kasama akong white lady dito. Dapat talaga pinilit kitang magbihis kanina,” mahina nitong usal.
“Napwersa mo na akong sumama sa iyo, di ba? Malayo na tayo sa Villa Celesta. Magagawa mo na kahit anong gusto mo. Isn’t that enough?”
Di na ito nasiyahan na ilabas siya ng bahay nang labag sa kalooban niya at I-murder ang personality niya. Masaya siyang magmukhang nakakatakot para layuan ng mga tao. Ngayon ay kailangan niyang maging maganda para I-please ang ibang tao. It was not easy. Sanay na siya nang nilalayuan at kinatatakutan. Bakit kailangan pa niyang maging maganda?
Pumikit siya at nagkunwaring natutulog. Ayaw na niyang aksayahin pa ang oras na kausapin ito. Naramdaman niyang hinawi nito ang buhok niya at hinaplos ang pisngi niya. Pinigilan niya ang sarili na dumilat at tingnan ang mukha nito. She would just expect that he would see gentleness in his eyes.
There was nothing gentle about him. Isa itong malupit na berdugo. Akala niya ay kakampi niya ito pero isa pala itong kalaban.
Napilitan siyang dumilat nang magsunud-sunod ang busina ng mga sasakyan. Umayos siya ng upo nang makita papunta na sila sa South Expressway.
“Sa Sta. Rosa lang tayo pupunta,” wika nito.
Bahala ito kung saan siya nito dadalhin. Wala naman siyang magagawa. Itinabing ulit niya ang buhok niya sa mukha niya.
Napalingon siya nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya sa labas ng sasakyan. May isang grupo ng mga kalalakihan sa kabilang sasakyan na halos kasabay nilang tumatakbo. Nanlaki ang mata ng mga nakasakay doon nang makita. Pinaspasan tuloy ng driver ang pagpapatakbo sa sobrang takot.
“Sinabi nang ayusin mo ang mukha mo,” sabi ni Deive na nakita rin pala ang pangyayari. “Kinatatakutan ka tuloy ng mga tao.”
“Problema nila iyon kung naduduwag sila.”
“You scared them. Paano kung madisgrasya sila? Di ka nag-iisip.”
“Sila ang hindi nag-iisip. Ang hirap sa mga tao, kinatatakutan nila ang mga bagay na hindi naman nila alam.”
Bumuntong-hininga ito at di kumibo. She won that round. Pero sa palagay niya ay mahaba pa ang labanang iyon.
Ilang minuto pa ay ipinasok na ni Deive sa parking lot ng SM Sta. Rosa ang kotse nito. Even the personnel at the parking-ticketing booth were aghast when they saw her.
Di na lang niya pinansin ang takot ng mga ito o ang pagsimangot ni Deive.
Nahintatakutan maging ang mga guards nang papasok sila. “S-Sir, hindi po ba delikado si Ma’am? Baka manakit ng customers…”
Tumawa lang si Deive. “May costume party ngayon sa taas? Kasali doon ang girlfriend ko.”
“Costume party?” At nagkatinginan na lang ang dalawang guard.
Hinatak agad siya ni Deive papasok ng mall bago pa sila patuloy na makwestiyon. “Whew! Akala yata nila baliw ka. Mamaya di na dapat ganyan ang itsura mo. Di kita pwedeng ipaliwanag sa lahat ng tao.”
“Kung ayaw mong magka-problema sa akin, di mo na dapat ako inilabas.”
“Here we go again,” usal nito at hinawakan ang braso niya.
Nanlamig ang pakiramdam niya. Bukod sa malamig ang aircon, sa kanya pa nakatutok ang paningin ng mga mamimili. Naiilang siya sa tingin ng mga ito. Pilit na sinisino ang mukha niya. Yumuko siya at lalong itinabing ang buhok sa mukha. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. She felt good because of the collective terror that she saw in their eyes. Tama. Matakot ang mga ito sa kanya.
“Ay! May baliw yatang naligaw dito,” wika ng isang teenager.
“Baka may shooting sila,” anang babaeng kasama. “Horror siguro.”
“Bakit iyong fafa kasama ang babaeng mukhang sumpa?” tanong ng galing sa grupo ng mga bading.
“Mommy, takot ako sa mumu!” palahaw ng batang babae na nasa apat na taon pa lang at nagsusumiksik sa palda ng nanay.
“Costume lang iyan. Costume lang iyan.” Pero alanganin na rin ang ngiti ng nanay lalo na nang ituon niya ang tingin dito. “Malapit na kasi ang Halloween.”
“Marso pa lang, Halloween na?” tanong ng tatay ng bata.
“E di Mahal na Araw!” katwiran ng nanay.
“You are enjoying this, right?” Deive asked through his gritted teeth. “Habang natatakot ang mga tao, tuwang-tuwa ka pa.”
“Natural. Doon ako kumikita. This is a rewarding experience. Pwede na rin siguro akong artista sa horror.” Tuwang-tuwa rin siya na naiinis si Deive sa kanya.
“You wish! Hindi na mangyayari iyon,” anito at hinila siya papasok ng salon.
“Good afternoon, Sir!” bati ng receptionist. Nawala ang ngiti ng babae nang makita. “M… Ma’am?”
“Bring me your best stylist. I want a complete make over for her,” utos ni Deive at itinuro siya.
“Y-Yes, Sir!” wika ng receptionist at tinawag agad ang isang bading na stylist.
“Hi, Sir! I am Jocelyn, ang diyosa. What can I do for you? Kayo po ba ang ime-make over ko?” Hinaplos ng bading ang dulo ng buhok ni Deive. “Perfect na kayo, Sir. Wala nang babaguhin sa inyo. Pero pwede nating I-enhance.”
“No. Hindi ako. Ang girlfriend ko.”
“Girlfriend ninyo? Siya?” Na-distort ang mukha ni Jocelyn nang lapitan siya. “H-Hindi po ba siya nangangagat?”
“Wala pang naiimbentong anti-rabies para sa akin,” sabi naman niya.
Hinawi ni Deive ang buhok niya. “Don’t worry. Tao iyan. Just do something about her hair. Do whatever it takes to make her more beautiful. Okay?”
NAKATIKWAS ang daliri ni Jocelyn habang sinusuklay ang buhok niya. Na-shampoo-han na siya at ihinahanda na lang sa treatment para sa kanya. Parang natatakot kasi ito na mangagat siya kapag iniba na nito ang istilo ng buhok niya.
“Alaga pa naman ang buhok niya, Sir. Di na ito kailangan pang I-rebond. Pwede na ang hair wax o hair spa sa kanya,” sabi ni Jocelyn.
Tumango-tango si Deive. “Ah! Akala ko may iba nang namumugad diyan.”
Akala ba nito ay kinukuto siya? Malinis siya sa katawan. At asset din niya ang maganda niyang buhok noong normal pa siyang tao.