Moonlight Bride (Tagalog) Chapter 8

Pero mas doble pa pala ang karisma nito sa liwanag ng araw. He could visibly see his handsome face. Guwapo ito sa picture na ipinadala ng lolo niya. The pictures didn’t do him justice. Mas guwapo ito sa personal. At doble ang kakisigan sa umaga kapag nasisikatan ng araw. Hindi ba pwedeng pangit na lang ito?

“Good morning!” bati niya.

Namutla ito at mabilis na napaurong. “S-Sino ka? Anong ginagawa mo dito?”

Na-trauma ito sa nangyari nang nagdaang gabi. Mukha pa rin ba siyang multo kahit na maayos na ang itsura niya? Di niya alam kung maiinsulto o matutuwa na mukha pa rin siyang nakakatakot kahit di siya naka-costume.

“I am Callea,” pagpapakilala niya at inabot ang kamay dito. “Hindi pa tayo nagkakakilala ng pormal.”

Hinawakan nito ang kamay niya pero mabilis ding binawi. Saka lang ulit nito hinawakan ang kamay niya. Parang tinitingnan kung tatagos ang kamay niya nito.

Bigla niyang inangat ang tingin dito nang gagapin nito ang dalawang kamay niya. “Nice! Your hand is warm. That feels good,” he said with an appreciative smile. “Mabuti na lang umaga na ngayon.”

Parang wala iyong koneksiyon sa pormal nilang pagpapakilala sa isa’t isa. Pero naiintindihan niya ito. Umaga na kaya natitiyak nitong hindi siya multo. Tuluyan nang napalis ang takot sa mukha nito.

“Ipinagdala kita ng pagkain. Para makainom ka na ng gamot,” wika niya at dali-daling binawi ang kamay mula dito.

“Pababa na rin ako. Hindi mo na sana ako dinalhan ng pagkain.” Bigla itong tumalikod nang bumahing. “Damn!”

“Natuluyan ang sakit mo. You don’t have to hide it. Napansin ni Marina na masama ang pakiramdam mo.”

“Masyado kayong nag-aalala sa akin. Mamaya wala na ito!” anito at itinaas ang dalawang kamay. Pilit itong ngumiti. He didn’t look any better. Bukod sa sipon nito,

palagay niya ay masakit ang ulo nito.

“Sabi mo magaling ka na pagdating ng umaga. Umaga na!”

“Ang umaga hanggang…” Tiningnan nito ang relo. “Eleven fifty-nine.”

Pumalatak siya. “Basta kumain ka na. Huwag mong sabihin na wala ka na namang planong kainin ang iniluto ko para sa iyo.”

Umupo ito sa kama at inilagay sa kandungan ang tray. “Kakain na.” Marahil ay napahiya ito dahil di niya itinago ang pagkadismaya sa di nito pagsipot sa hapunan nang nakaraang araw. “Nasaan ang pagkain mo?”

Tumango siya. “Sabay na kami ni Marina pagkatapos. Gusto ko magpahinga ka muna buong maghapon hanggang natitiyak ko na gagaling ka.”

Sumubo ito at ngumiti agad. “For now, I won’t argue with that.” Pumikit ito. “Hmmm… ganito ka pala kasarap magluto.” Sunud-sunod ang subo nito. Sa palagay niya ay mabilis itong gagaling dahil di naman ito maselan sa pagkain. “Matagal na akong hindi nakakatikim ng lutong bahay. Madalas kasi sa labas ako kumakain.”

“Kailangan kong matuto.” Sa klase ng pamumuhay niya na laging nag-iisa, kailangan niyang pag-aralan ang lahat ng bagay. Sa pagdating ni Marina, natutulungan siya nito na magluto. Pagdating naman sa paglilinis ng bahay ay ang mag-asawang Poling at Lito ang nakakatulong niya.

Bumubuka ang robe nito sa bawat paggalaw nito. She could get a glimpse of his sexy body. Umagang-umaga pero pakiramdam niya ay sinisilaban siya. Having a sexy, raw male inside the house was more nerve wrecking than any horror she had written. Parang nag-aanyaya kasi na tanggalin niya ang robe nito at paglakbayin ang kamay niya sa katawan nito. Bad! Magkakasala siya.

Iniwas niya ang mga mata nang may mahagip ang paningin niya. May mga marka ito sa dibdib. Nang pakatitigan niya ay maroon din sa braso nito.

“Tapos na ako!” deklara nito at tangkang aabutin ang baso ng juice.

Sinambilat niya ang braso nito at pinakatitigang mabuti ang mga marka. Mga kalmot iyon ni Luna. “Anong nangyari dito?”

“Di ko alam saan ko nakuha,” inosente nitong sabi.

“Teka, kukuha ako ng gamot sa medicine cabinet.” Dali-dali siyang pumunta sa bathroom at kumuha ng panggamot sa sugat sa first aid kit.

Di man nito aminin kung saan nito nakuha, alam naman niya. It was Luna’s fault. Pero dahil siya ang may-ari, responsibilidad niya iyon. Padami nang padami ang kasalanan na pagbabayaran niya. Kung pwede nga lang sana na si Luna na lang ang gumamot sa mga kalmot nito pero di naman pwede.

Bitbit na niya ang povidone iodine at bulak paglabas ng banyo. “Gamutin na natin at baka maimpeksiyon pa iyan.”

Ayon sa kilala niyang doktor, may rabies din ang mga pusa. Minsan ay nakukuha iyon kahit sa kalmot lang dahil may saliva o laway din ang kuko ng mga ito. Mabuti nang sigurado.

“Hindi na! Ako na ang gagamot sa sarili ko.” At tinangkang agawin ang mga panggamot sa kanya. Ayaw nitong magpagamot sa kanya.

Maagap niya itong itinulak sa balikat pasandal sa headdress ng kama. “Huwag ka ngang malikot!”

Natigilan siya nang makita ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. saka lang niya nakita kung ano ang itsura nila. Nakasandal ito sa kama habang sobrang lapit ng katawan niya dito. Kahit ang mukha nila ay halos magdikit na. His robe was agape. At sa isang anggulo, parang ginagahasa niya ito.

Sumipol ito. “Aren’t we a bit aggressive here?”

Biglang binitiwan ni Callea si Deive na parang napaso at dali-daling bumaba ng kama upang makalayo dito. Nag-init ang pisngi niya Hindi siya makapaniwala na magagawa niyang maging agresibo dahil lang gusto niya itong gamutin agad.

Yumuko siya at di ito magawang salubungin nang direkta. “I am sorry.”

Nang sulyapan niya ay nananatili pa rin ang mapaglarong ngiti sa labi nito. Na parang ine-enjoy nito ang “pangha-harass” niya dito.

Nakakahiya! Ano na lang ang iniisip nito sa kanya? Na sabik siya sa lalaki? Baka magsibangon mula sa libingan ang mga ninuno niya at sabunutan siya. Saan na ba napunta ang isip niya? May mukha pa ba siyang ihaharap dito?

Napasinghap siya nang ibuka nito ang harap ng roba na parang si Superman. Nakabilad na sa mga mata niya ang matipuno nitong dibdib. “Go ahead! Gamutin mo na ako.”

Napanganga siya. “Ha?”

Gamitin. Kung pagbabasehan ang mga napapanood niya sa TV, ibig sabihin ay pumapayag itong gawin niya ang kahit na ano dito. Pwede niya itong pagsamantalahan. Sinasabi din iyon ng mga gigolo sa customer nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.