More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 10

“THIS is bullshit!”

Ibinato ni Wulfric Rodriguez ang hawak na diyaryo. Naasar at pinagpapawisan siya. Pinaghahanap na siya ng mga pulis ngayon dahil sa pandudukot niya kay Red Sandoval.

Hindi alam ni Wulfric kung paano nalaman ng pamilya ni Red at ng mga pulis na siya ang may kasalanan ng lahat. Pero iisa lang ang sigurado niya: he was in deep trouble.

Sabi nila, wala raw magagawang mabuti ang paghihiganti. Hindi naniniwala si Wulfric roon. Pero totoo nga siguro pala.

Pinaghigantihan niya si Red Sandoval. Hindi niya matanggap na hindi na nga ito nakulong, natalo pa ang kaso nila laban rito. At ngayon ay malaya na ang babae. Hindi nito deserved ang isang maayos na buhay pagkatapos nitong patayin ang Lola niya at ang nag-iisang kapatid niya.

Hindi close si Wulfric sa kapatid at Lola. Parehong pinili kasi na manirahan ng dalawa sa Pilipinas. Samantalang siya ay sumama sa Mama at Papa niya sa America. Doon siya naninirahan at nagtatrabaho.

Ganoon pa man, mahal ni Wulfric ang kapatid at ang Lola. Paminsan-minsan ay binibisita rin niya ang mga ito sa Pilipinas. Halos araw-araw rin niyang kinakausap ang mga ito. Pero hindi lang ang pagkawala ng kapatid at Lola ang ikinagalit ni Wulfric. Ganoon rin ang mga naging consequence noon sa pamilya, partikular na sa magulang niya.

Napapikit si Wulfric. Ayaw na niyang alalahanin ang nakaraan. Pero hindi niya siguro talaga iyon matatakasan. Ikulong man niya si Red, hindi pa rin iyon sapat. At ang masakit, kailangan niya pang magdusa.

Napakamot sa ulo ang kaibigan ni Wulfric na si Andy. Isa ito sa mga tumulong sa kanya para maisagawa ang planong paghihiganti kay Red. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng diyaryo. “Hinahanap ka na ng mga pulis ngayon. Hindi ka na rin makakaalis ng Pilipinas.”

Lalong naasar si Wulfric. Tumiim ang bagang niya. “I’ve clearly read the news. Hindi mo na kailangang ulitin.”

“I just feel worried, Wulfric. Nasabi ko na naman kasi sa `yo na bad idea ito. Kapag nalaman pa nila Mama at Papa na sangkot ang isla namin sa paghihiganti mo kay Red, lalo akong malalagot.”

Ang pamilya ni Andy ang may-ari ng isla kung saan niya ikinulong si Red.

“Oo nga.” Segunda ni Peter, isa rin sa mga kaibigan niya.

“Pero hindi naman natin masisisi si Wulfric. Masakit talaga ang ginawa sa kanya ni Red.” Pagsang-ayon naman sa kanya ni Warren.

Kaibigan ni Wulfric sina Peter, Andy at Warren. Mga kapitbahay niya sina Peter at Andy sa America. Dahil pare-parehong may dugong Filipino kaya magkakasundo sila. They were the best of friends. Samantalang si Warren naman ay naging kaibigan ni Andy sa graduate school nito. Naging close ang dalawa kaya pinakilala na rin sa kanilang magkakaibigan. Naging kasundo rin naman nila ito dahil maayos rin naman itong kasama.

Business partners rin ni Wulfric ang tatlo. Three years ago ay pare-pareho nilang itinayo ang Charm Tech---isang IT company sa America. Hindi pa iyon ganoon kaganda at ka-establish pero maganda na rin ang kita. May isa pa silang business partner---si Rumple. Ito ang pinaka-hands on sa business at workaholic rin ito kaya sa halip na umuwi sa America para suportahan siya sa plano niyang paghihiganti, nagpa-iwan na lang ito roon.

Pinaka-close ni Wulfric si Andy at Peter kaya umuwi pa ang mga ito para sa kanya. Samantalang si Warren naman ay ilang buwan na rin sa Pilipinas. Namatay kasi ang Kuya nito at ito ang naging guardian ng pitong pamangkin nito. Pinamamahalaan rin nito sa ngayon ang business na naiwan ng Kuya nito.

“Think happy thoughts na lang kasi. Don’t let your past ruin you.” Wika ulit ni Peter.

“Gayahin niyo si Warren. Intindihin niyo ako.” Tinignan niya si Warren. Mabait naman ito. Kaya nga lang, nang mamatay ang Kuya nito ay napuno ng galit ang puso nito. Napag-alaman kasi nito na inahas ito ng kapatid nito. Naging bitter ito sa buhay kagaya niya. Nakasama rin rito ang pag-aalaga sa pitong pamangkin na siyang pamilya na lang nito.

“Ayoko. Pareho kasi kayong bitter. Masama `yun,” wika ni Andy.

“Hindi niyo ako naiintindihan dahil hindi niyo naman naranasan ang pinagdaanan ko.”

Bumuntong-hininga si Peter. “Naroroon kami sa mga panahong nasasaktan ka. Alam namin ang pinagdaanan mo. Pero matindi rin ang pinagdaanan ni Red. Intindihin mo iyon. Nabaliw siya.”

Umiling si Wulfric. “Kung nakaalis lang talaga tayo kaagad ng Pilipinas, hindi mangyayari ang lahat ng ito.”

Na-rebook ang flight nila pabalik ng America. Ngayong kalat na ang balita, mahihirapan silang makaalis ng bansa.

“Blessing in disguise na siguro. Siguro ay sunduin mo daw kasi muna---“

Pinutol ni Wulfric ang sasabihin ni Andy. “Hindi! Kulang pa ang pinagdaanan ng babaeng iyon. Kailangan niyang magbayad sa lahat ng naggawa niya sa pamilya ko!”

“I think it’s enough. I wonder nga kung buhay pa siya sa ilang araw niya na pamamalagi sa isla.” Iiling iling na wika ni Andy. “Paano kapag nalaman ni Red na ako ang may-ari ng isla na iyon? Nakakahiya! I won’t treat a girl that bad. Jeez!”

“Such a prince charming. Nakakasuka!” Parang nandidiri na wika ni Peter.

“What’s wrong with that? Tama lang naman iyon. Dapat ang mga babae, nirerespeto. And I’m proud to be called a prince charming. I deserved it. Hindi kagaya mo na playboy…”

Nagkibit-balikat si Peter. “Because girls are fun. Isa pa, collect and collect, then select. Hindi kagaya mo na malapit ng tubuan ng puting buhok ay hindi pa rin nagkaka-girlfriend!”

“Hindi mo lang ako kasing baby face pero bata pa naman ako. Hindi ako dapat na matakot. Someday, my princess will come.”

“Ang lakas maka-Snow White. Nakakadiri ka talaga,” Tinampal pa ni Peter ang braso ni Andy. Mukhang nandiri rin naman si Warren sa dalawa.

“Tumigil na nga kayo. Tulungan niyo na lang ako sa problema ko.” Sabat ni Wulfric sa usapan ng dalawa.

“Pumunta ka sa isla at ibalik si Red sa pamilya niya. Gawin mo na ngayon habang maaga pa. Baka kapag pinatagal mo pa ang lahat ay mas lalo lang silang magalit sa `yo at ipakulong ka pa. This is a serious case, Wulfric. It’s clear that you kidnapped Red.”

“No way! Magtatago na lang ako.” Iiling-iling na wika ni Wulfric.

“Ayoko ng gulo, Wulfric...” Bumuntong-hininga si Andy. “Nakokonsensya rin ako sa ginagawa mo. Naawa ako kay Red. Pero dahil kaibigan kita, pinagbigyan kita kahit hindi ako payag sa plano mo.”

Sumang-ayon rin si Peter sa gusto ni Andy. Hindi naman nakapagsalita si Warren.

Natahimik rin si Wulfric. Napakabait ng mga kaibigan niya sa kanya. Kahit ayaw ng mga ito sa plano niya ay pumayag pa rin ang mga ito. Sinuportahan siya ng mga ito.

May punto sina Peter at Andy. Pero hindi niya susundin ang mga ito. Hindi niya hahayaan na maging maayos si Red. She deserved to pay for everything she had done to him and his family.

Magugulo ang mundo ni Wulfric dahil sa ginagawa. Pero sanay na rin naman siya roon. Naging magulo ang pamilya niya dahil sa babae. Hindi niya matanggap na hindi man lang ito nagdusa dahil roon.

Kahit kailan ay hindi matatanggap ni Wulfric ang ginawa ni Red. To hell with the police. He had to take his revenge on that bitch.

HINDI pa rin pinakinggan ni Wulfric ang mga kaibigan. Nagpatuloy pa rin siya sa paghihiganti. Pero itinuloy niya ang kailangan: ang magtago.

And the perfect place was Andy’s private and looks abandoned island.

Pinaghahanap na si Wulfric. Kailangan niya ng lugar na alam niyang mahirap siyang mahanap. May isang bahagi rin niya ang nakokonsensya. Pinabayaan niya si Red sa isla.

May mga pagkain at damit naman sa maliit na kubo roon. Iyon ang nag-iisang shelter sa isla. Pero paano kung may mababangis na hayop na sumugod sa babae? Mamamatay ito.

Sa ginawa ni Wulfric, parang ginaya na rin niya si Red. Naging mamatay tao rin siya. Siya ang naglagay sa buhay ni Red sa kamatayan.

Pero deserved naman talaga ng babaeng iyon na mamatay `di ba? Gaano ba kaimportante ang buhay nito para maka-survive kaysa sa kapatid at Lola niya?

Maraming buhay ang nasira dahil kay Red. Hindi deserved ng isang kagaya nito na mabuhay.

Ganoon ang paniniwala ni Wulfric. Pero bakit nang pagdating niya sa isla at hindi niya mahanap si Red ay pinagpapawisan siya? Nabalot ng nakakatakot na kilabot ang buong katawan niya.

May isang bahagi ni Wulfric ang nagsasabi na hindi naman talaga siya nakokonsensya. Responsibilidad niya kasi si Red. Kung mamamatay ito, patay rin siya. Makukulong siya. Sira ang buhay niya.

Mag-isa lang si Wulfric. Nagpa-iwan rin siya sa isla. Wala siyang katulong sa paghahanap kay Red. May kalakihan pa naman ang isla na iyon.

“Ang dami ko ng pagod. Kailan ka ba magpapakita, Red? Saan ka ba nagpupunta?” Nagtatagis na ang bagang na pagkausap ni Wulfric sa sarili.

Kinakabahan si Wulfric. Pero duda siya kung may nangyari talagang masama kay Red. Sa tingin naman niya ay buhay pa ito. Malayo kasi kaysa sa huling nadatnan niya ang isla. Wala ng lumot sa dalampasigan. Maayos ang paligid.

Iisa lang ang ibig sabihin noon: may naglinis. At iisa lang ang puwedeng maging salarin: si Red.

Napagod na si Wulfric. Umupo na lang muna siya sa tabi ng puno ng buko. Nakakita siya ng buko na pinitas roon at isang itak. Mukhang pati ang buko ay pina-kinabangan ni Red. Mukhang nanungkit ito at kinain rin iyon.

Napailing-iling si Wulfric. Survivor talaga ang babae. Parang nagkamali pa pala siya. Mukhang maayos ang kalagayan ng babae kaysa sa inakala niya. She made the island a paradise. She was now living in a paradise.

But Wulfric might just as well live with it, too. Kinuha ni Wulfric ang isang buko at biniyak iyon. Ininom niya ang sabaw. Gumawa rin siya ng kutsara gamit ang bao ng buko. It taste so good. Gumaan ang pakiramdam niya.

Pero mas gagaan pa pala ang pakiramdam niya pagkatapos kumain.

Ilang beses na napakurap si Wulfric nang makita niya ulit si Red Sandoval. Galing ito sa dagat. Mukhang naglangoy ito. Dahan-dahan itong umaahon sa dagat. She also looks unaware that he was also there. Kung maglakad kasi ito ay para itong diyosa.

Mukha talaga itong diyosa.

Tuluyan ng natulala si Wulfric nang tuluyang makaahon si Red sa dagat. Maliit lang ang katawan ng babae pero napakaganda ng kutis nito. Namumula ito dala na rin siguro ng sikat ng araw pero nanatili pa rin na napakakinis. And God forbid, ganoon ang mga type niyang babae---iyong malabanos sa ganda ang kutis. Basa pa man rin ito. May isang bahagi niya ang nag-wish na sana ay tubig na lang siya para libreng nakakapaglakbay siya sa katawan nito.

Maganda rin naman ang katawan ni Red. May hugis ito kahit maliit. Bumabakat rin sa suot nitong over-size T-shirt ang dibdib nito. It was not that huge but it looks perky. It also looks perfectly fit to squeeze by his bare hands.

Nauhaw yata si Wulfric sa isipin. But he can’t be blamed. Kahit sino yata ang makakita ngayon sa lagay ni Red ay maakit rito. He was also a hot-blooded man. Sex is a usual thing for him, lalo na at sa America siya lumaki. Hindi siya santo. At wala rin naman yatang magiging santo kapag nakita ang hindi lang magandang katawan ni Red, ganoon rin ang mukha nito.

Red also made an impact on that brown hair. It looks natural wavy. Maganda rin ang mata nito---makinang at mukhang inosente. Maliit ang ilong nito at ganoon rin ang labi.

I want her.

Mukhang hindi pa rin nakikita ni Red si Wulfric. Pero unti-unti na itong lumalapit sa kanya. Sa bawat hakbang nito ay para itong lumulutang. He can even describe a beauty as an angel.

Napatiim bagang si Wulfric nang matauhan. Angel? She was an angel of death then! Maganda nga ito. But she was also an angel in disguise. She was a devil. Pinatay nito ang kapatid at Lola niya. Sinira nito ang buhay ng pamilya niya at pati na rin siya.

She doesn’t deserve an attraction from him.

Kaya naman sa wakas nang makita siya ni Red ay madilim ang mukha niya. Lumapit ito sa kanya pero insimidan niya ito.

Balewala lang naman iyon sa babae. Ngumiti ito. Lumabas ang dimple sa magkabilang pisngi nito. She looked prettier. Parang mas lalong nagliwanag rin ang paligid dahil roon. Pero pinili ni Wulfric na mas maramdaman ang galit. Mas mabuti rin iyon. Ayaw niyang mahalata ng babae na naapektuhan siya sa kagandahan nito.

“Hey, missed me?”

“Wow, ha.” Sarkastikong tinawanan niya ito.

Tinabihan siya nito. Balewalang kinuha nito ang isa sa mga nasungkit na buko. Hinati rin nito iyon sa harap niya. He was amused. She did it without effort. Parang hindi ito babae.

Ininom ni Red ang sabaw ng buko sa harap niya. Ang ganda-ganda ng ngiti nito pagkatapos.

“Ang sarap talaga ng buko juice…”

Kagaya ng ganda mo.

“Gusto mo?” Inalok sa kanya ni Red ang buko.

Sa halip na sa buko tumingin ay sa mukha siya ni Red napatingin. Kailangan nga niya siguro ulit ng sabaw ng buko. Kahit kakainom lang ay bigla siyang nauhaw.

Sa labi nito. Sa halik. Sa isang mainit na gabi.

Gusto ni Wulfric si Red.

But it was trouble. Wala talagang magandang dadalhin si Red Sandoval sa buhay niya.

Dapat talaga ay nakinig na lang si Wulfric sa mga kaibigan. Mas dinagdagan niya pa ng gulo ang buhay niya sa planong paghihiganti sa hindi lang makamandag ang ugali kundi pati na rin sa pisikal na kagandahan ng babaeng ito.

NAHAHALATA ni Red na iniiwasan siya ni Wulfric. Kahit bumalik ito sa isla ay hindi naman siya nito kinakausap. Ni hindi niya nga alam kung bakit ito bumalik.

Pero malinaw naman kay Red kung bakit siya nito iniiwasan. Galit ito sa kanya. Nalulungkot siya. Pero nakakasawa na rin na malungkot. Ilang araw rin siyang mag-isa sa isla.

Kaya gagawin ni Red ang lahat para magkaroon man lang ng kausap.

Sa pangalawang araw ni Wulfric sa isla ay sinaluhan niya ito sa hapunan. Nasa loob lang naman ito ng kubo. Mas pinili nito na maghapunan sa kubo kahit mas masarap sa labas. Pansin niyang hindi rin ito ganoon na nag-e-explore, unlike her.

Sa loob ng ilang araw na pananatili ni Red sa isla ay nilibot niya iyon. Wala naman siyang dapat ikatakot. Kahit mukhang nakakatakot ay fully-equipped ang kubo. Marami iyong stock ng pagkain at kagamitan para maka-survive sa isla. May dining room, kuwarto at maayos na paliguan rin doon. Wala lang kuryente sa isla pero marami naman na kandila at lampara. Iyon ang nagsisilbing ilaw niya kapag gabi.

Hindi rin naman talaga nakakatakot kapag gabi. Palaging maaliwalas ang panahon. Maraming bituin sa langit at maliwanag rin ang buwan sa gabi. May isang beses nga na pinili niyang matulog sa labas. Mas masarap kasi ang hangin roon at nakaka-relax rin ang tunog ng alon.

Walang problema si Red. Nakakalungkot pero kaya niyang mabuhay sa isla. Hindi naman kasi talaga siya maarte. Kaya bukod sa pag-discover sa isla, nilinis rin niya iyon. Ano ba naman kasi ang gagawin niya samantalang mag-isa lang siya doon? Natuto rin siya na mamingwit ng isda. Nakakita kasi siya ng malaking bato sa may timog na bahagi ng isla. Napansin niyang maraming isda roon. Binalikan niya ang bato at natutong manghuli ng isda.

At isa sa mga nahuli ni Red ang kakainin niya ngayong hapunan. Inihaw niya iyon. Marami iyon kaya plano niyang bigyan si Wulfric. Napapansin kasi niyang puro ang mga pagkain sa kubo ang kinakain nito. Karamihan pa naman sa mga iyon ay mga de lata at instant noodles. Masama rin iyon.

“Kain ka. Masarap itong isda na ito.” Umupo siya na katabi ito sa dining room.

Tinaasan lang siya nito ng isang kilay.

Binigyan niya ito ng matamis na ngiti. “Don’t worry. Wala `yang lason. Promise,”

“And why would I believe a murderer like you?”

Nabawasan ang ngiti sa labi ni Red. “Saan naman ako makakuha ng lason dito `di ba?”

Hindi nakapagsalita si Wulfric. Bumuntong-hininga si Red.

“I’m sorry about the past. Alam kong kulang pa ang salita na `yan sa mga naggawa ko sa pamilya mo. Pero hindi ko intensyon ang lahat. Wala rin akong intensyon na patayin ka. Ikaw lang ang kasama ko sa isla. Ikaw lang ang means ko para makalabas. Hindi ko alam kung saang lulalop naman kasi ito. Bakit naman kita papatayin `di ba?”

Tumango si Wulfric. “May point. Pero kung tatanggapin ko ba `yan, wala kang hihingiin na kapalit?”

“Kapag naman nag-wish ako sa `yo na ibalik ako sa pamilya ko, hindi mo naman ako pagbibigyan `di ba?”

“Good you know.” Ngumisi si Wulfric. Kinuha na nito ang binigay niyang isda at kinain.

Hindi naman kaagad nakakilos si Red. Bahagyang natulala siya kay Wulfric. He looked cute when he grins like that.

Cute? Ano bang klaseng adjective `yan?

Hmmm… Mali nga siguro na i-describe si Wulfric na cute. Hindi naman kasi ang mukha nito ang tipo ng nakakatuwa. In fact, nakakatakot ang presensiya ni Wulfric.

Sa mga ipinakita rin nito sa kanyang ugali, nakakatakot talaga ito. May hawig ito sa dati niyang boyfriend na si Wilfred. Parehong matangkad, moreno at maitim ang mga mata ng magkapatid. Matangos rin ang ilong nito at may kakapalan ang labi. Ang distinct na pagkakaiba lang ng dalawa ay ang buhok, kilos at ugali ng mga ito.

Malinis si Wilfred sa sarili. Palagi nitong gustong nakaayos ang buhok---palaging sinusuklay at naka-gel. Madalas rin na nag-aahit ito. Pino rin itong kumilos. Kapag ngumingiti ito ay parang napakabait rin. Malayo roon ang nakikita at narinig rin naman niya na kuwento kay Wulfric.

Wulfric was the rugged type of man. Parang hindi ito nagsusuklay at matagal na simula nang nag-ahit. Makikita ang stubbles sa mukha nito. Parang ang yabang-yabang rin nito kung kumilos. Hindi ito ngumingiti. Kahit ang ngisi nito ay nakakatakot.

Na-sobrahan yata sa gamot si Red sa psychological ward dahil pumasok sa isip niya na cute ang lalaki.

Hindi type ni Red si Wulfric kaya hindi rin siya dapat natulala sa lalaki. Kaaway ang turing nito sa kanya. Inilagay na lang niya ang tingin sa pagkain. Kaya lang, nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagkain nang makaramdam siya ng pagkahilo.

Napatayo si Red.

“Hmmm…?”

Napahawak si Red sa ulo. Unti-unti iyong sumasakit. Pumikit siya para bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. Nag-inhale-exhale rin siya. Nakatulong naman iyon kahit papaano.

“Okay ka lang?”

Nagmulat ng mata si Red. Ilang beses pa siyang napakurap nang makitang may pag-aalala sa mata ni Wulfric. Hindi naman pala yata ito ganoon kasama. Somehow, it touched her heart.

Pero ayaw magpaapekto ni Red. Tumingin na lang siya sa isda na ibinigay niya rito. Halos maubos na nito iyon.

“Gusto kong humingi ng kapalit sa isdang ibinigay ko sa `yo.”

“Ha? Ano?” Tumiim ang bagang ni Wulfric. “So ano ito? Aartehan mo ako para pagbigyan kita sa gusto mo? No, Red. Maghihiganti ako sa `yo hangga’t kaya ko.”

“No. Hindi naman iyon ang hihingin kong pabor sa `yo. Ang kailangan ko ay maibili ako ng gamot. For sure mayroon ka naman na means para ma-contact ang pamilya mo `di ba? O `di kaya ay bangkero na puwedeng sumundo sa `yo dito.”

Kumunot ang noo ni Wulfric. “Pero nakalaya ka na sa psychological ward. Hindi mo na kailangan ng gamot. Magaling ka na.”

Ipinaliwanag ni Red ang sitwasyon niya.

“Gusto kong mabuhay, Wulfric. Oo, tinatanggap ko ang ibinigay mong parusa sa akin. Pero kahit naman sa mga kulungan ay inaalagaan ang preso `di ba? Kapag may sakit, binibigyan ng gamot. At kailangan ko noon dahil may sakit pa ako.”

Matagal pa rin na nakakunot-noo si Wulfric. Pero sa huli ay tumango rin ito. “I’ll see what I can do.”

Nakahinga nang maluwag si Red. Sana nga ay totoo ang sinabi ni Wulfric. Sana rin ay maging mabait na ito at maging malaya na siya. Kahit naman kasi sabihin niya na tinatanggap niya ang mga nangyari sa kanya, nami-miss pa rin niya ang pamilya. Hindi siya nakapagpaalam nang ayos. Siguradong mag-aalala sa kanya ang Kuya Blue niya.

Hindi man deserved ni Red na magkaroon ng isang maayos na buhay, sa loob-loob niya ay gusto pa rin talaga niyang umasa. May dahilan kung bakit siya naka-survive sa trahedyang nangyari ilang taon na ang nakalilipas.

“WULFRIC, nandiyan ka ba?”

Nanigas si Wulfric nang tawagin siya ni Red. Alam niyang kasalukuyan itong nasa banyo. Kanina pa kasi siya nakakarinig ng lagaslas ng tubig roon. Mukhang naliligo ito. Nakita rin niya kaninang marami itong iniigib sa poso sa labas.

Katabi lang ng banyo ang kusina kung nasaan siya. Nagugutom kasi siya kaya nagluluto siya. Mukhang naramdaman naman iyon ni Red dahil maingay talaga siyang gumalaw kapag nasa kusina.

“Wulfric?” tawag ulit ni Red nang hindi niya sinagot. Ayaw niyang maistorbo. Ayaw rin niyang tulungan ito. Sino ba ito? Galit siya rito.

Pero higit sa lahat, mas ayaw niyang marinig ang boses nito, lalo na sa sitwasyon ngayon. He hated the situation where she is. Ginugulo siya sa isipin na naliligo ito at may possibility na hubad pa ito.

Shit.

“Bakit ba?” inis na sabi niya. Minabuti na lang niyang i-entertain ito para matapos na. He hated it when he called him, especially with the situation she was in.

“Sorry, may hihingin lang sana akong favour. Puwede bang pakikuha ako ng towel?”

“Ano?”

“N-nakalimutan ko kasi `yung towel sa kuwarto. Nandoon rin ang damit ko…”

Trouble with the capital “T” talaga ang babaeng ito!

“Ang arte mo! Edi suotin mo `yang marumi mong damit!” Gigil na gigil si Wulfric. Mas malala pa kaysa sa naiisip niya ang sitwasyon.

“Oo nga. Nabasa ko rin kasi, eh. Wala akong magagamit na pantakip sa sarili ko. Alangan naman na lumabas ako na nakahubad? Nakakahiya sa `yo…”

Napamura si Wulfric. Naiinis siya pero at the same time ay gusto rin naman niya ang sinasabi ni Red. Lumabas ito na nakahubad? Hindi siya santo para hindi magustuhan iyon.

Pero kaaway niya si Red. Bakit naman niya ito magugustuhan?

The more you hate, the more you love kasi… sutsot ng isang bahagi ni Wulfric.

No way! Papayag pa si Wulfric na the more you hate, the more you want. Pero hindi ang love.

Matagal ng hindi naniniwala si Wulfric sa pag-ibig. Lalo pa iyong tumindi dahil sa nangyari sa kapatid. Pinatay ito ng babaeng mahal nito.

Kahit ang mga babaeng mukhang inosente ay may sungay rin. Sasaktan lang siya ng mga ito.

Sa huli, sinunod na lang ni Wulfric ang gusto ni Red. Kinuha niya ang towel nito, kinatok ang pinto nito at mabilis rin na umalis nang makuha ang tuwalya.

Wulfric reminded himself not to look at her while walking to the room.

But still, he did.

Lumabas si Red ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Mukhang nagmamadali rin ito. Hindi na nito napunasan nang maayos ang katawan nito. Basang-basa ang buhok nito at ganoon rin ang katawan nito. Maraming tubig ang naglalaglagan sa sahig.

Ano kayang pag-iisip mayroon ang mga tubig na ito? Nakakapit na sa Diyosa, mas ginusto pang mahulog sa lupa?

Gustong batukan ni Wulfric ang sarili. Mas lalong anong klaseng pag-iisip ba ang mayroon siya at naiisip niya ang mga bagay na iyon?

Pakiramdam ni Wulfric ay ang tanga niya sa naiisip niya. Pero mukhang ganoon rin si Red. Dahil sa pagmamadali nitong makapunta sa kuwarto ay nadapa ito.

At nalaglag ang towel sa katawan nito.

“Ouch…”

At gusto rin na mapa-ouch ni Wulfric nang maramdaman niya ang epekto sa pagkalalaki niya nang makita ang magandang katawan ni Red. She was really a goddess. Sumikip yata ang shorts niya.

Pumikit si Wulfric. Kinalma niya ang sarili. Pero wala yata talagang taong naghihiganti na kalmado. Hindi siya nagtagumpay.

Natagpuan na lang ni Wulfric ang sarili na nilalapitan si Red…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.