MAY bad instinct si Red. Kanina pa siya kinakabahan. Hindi kasi siya kinakausap ng boyfriend na si Wilfred. Nagkaroon sila ng pagkakatampuhan nang tanggihan niya ito na mag-sex sila.
Si Wilfred ang first boyfriend ni Red. Para sa kanya, perfect guy ito. Guwapo, mabait, matalino at gentleman rin ito. O iyon ang akala niya.
Kung gentleman ito, hindi dapat ito magagalit ngayong tinanggihan niya ang gusto nito. Dapat ay nirespeto siya nito. Gusto man niyang ibigay ang lahat rito, nasa tama pa rin ang pag-iisip niya.
Mali ang pre-marital sex. Napakabata pa rin nila. Ni hindi pa nga graduate si Wilfred. Paano kung mabuntis siya? Alam niyang uso na naman ngayon ang protection. Pero hindi lahat ng mga iyon ay one hundred percent success rate.
Well, hindi naman sa nagalit si Wilfred. Hindi siya nito sinisigawan. Pero nalungkot ito. She could see it on the way he treats her and also in his actions.
Ganoon pa man, hindi magsasawa si Red na ipaintindi rito ang tama. Kaya lang, hindi pala ngayon ang tamang oras. Tinawagan siya ng Lola ni Wilfred at sinabing may sakit raw ito.
Gustong isipin ni Red na ang bad instinct niya ay dahil may sakit nga si Wilfred. Hindi sinabi ng Lola nito kung malala ba iyon. Basta ang sabi lang nito ay pumunta na lang raw siya sa bahay ng mga ito.
Hindi na naman kailang i-force si Red para pumunta sa bahay. Responsibilidad niya na alagaan ang boyfriend niya. But then, ayaw niyang mag-isip ng masama. Kung masamang-masama ang lagay ng boyfriend, dapat ay nasa ospital na ito `di ba? Mahal na mahal pa naman ito ng Lola nito. She cares too much for her favorite grandson. Kaunting sakit lang dapat ay alalang-alala na ito.
Nang makarating ay iba palang bad instinct ang naramdaman niya. Nagkamali siya. Walang Wilfred na may sakit. Sa halip, ang Lola lang nito ang nasa bahay. Sinalubong rin siya nito na may hawak-hawak na panyo. Inilagay nito iyon sa bibig niya.
Nawalan ng malay si Red.
Nang magising si Red ay nasa isang hindi pamilyar na lugar siya. Nakita niya ang Lola ni Wilfred. Ngiti pa lang nito ay natakot na siya. It felt wicked.
Kinilabutan rin si Red nang makitang nakatali rin pala siya sa kama. Hindi siya makakilos nang maayos.
“A-ano po ang nangyari? Nasaan si Wilfred? Ang akala ko ba ay may sakit siya?”
Hindi siya sinagot nang matanda. Sa halip, naglabas ito ng malaking sintron. Napasinghap siya.
“A-ano po ang gagaawin niyo sa akin?”
Sinagot siya nang matanda sa pamamagitan ng kilos. Ipinalo nito sa kanya ang sintron. Namula kaagad ang balat ni Red. Umiyak at sumigaw siya pero hindi siya pinalaya ng matanda. Mukhang gustong-gusto rin nito ang ginagawa. Tawa ito nang tawa.
Para itong baliw.
Takot na takot si Red. Ilang beses niyang tinanong ang matanda kung bakit nito ginagawa iyon.
Iisa lang ang naging sagot nito.
“Sinaktan mo ang apo ko! Dapat lang rin na saktan kita.”
How could Red pay for a little misunderstanding like that? Napakasakit. Napakasama ng ginagawa sa kanya.
Hindi maubos-ubos ang luha ni Red. Ilang beses siyang nagmakaawa pero naging bingi ang matanda. Unti-unti ng naubos ang lakas niya, lalo na nang simulan nang matanda na paglaruan ang likod niya. Nagsindi ito ng mga sigarilyo at paulit-ulit na idinikit iyon sa likod niya.
“`Wag po. Parang awa niyo na….ouch!”
Tumatagos ang init sa buong katawan ni Red. Malapit na siyang maubusan ng lakas. She was being tortured. Nanlalabo na rin ang paningin niya nang ang isunod naman na gawin sa kanya ng matanda ay ang sabunutan nito ang buhok niya. Ilang beses rin nitong iniuntog ang ulo niya sa pader.
Naramdaman ni Red na may tumulong dugo na rin mula roon.
Malapit ng sumuko si Red. Hindi siya makalaban dahil nakatali ang dalawang kamay niya. Pero nang makita niyang may hawak na kutsilyo ang matanda ay parang nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan niya.
Hindi lang siya balak saktan. Papatayin rin siya. Ayaw niya pang mamatay…
Ginawa ni Red ang lahat ng makakaya niya. Nagpumilit siyang kumawala sa tali niya. Nang itutok rin ng matanda ang kutsilyo sa kanya ay ginamit rin niya iyong paraan para makawala. Inilagay niya ang kamay sa tapat ng kutsilyo para matanggal ang tali. Nagulat ang matanda sa ginawa niya. Mukhang hindi nito inaasahan ang gagawin niya. Pumatak ang kutsilyo.
Kinuha ni Red ang kutsilyo. Mabilis na pinutol naman niya ang tali sa mga paa niya. Tatakbo na sana siya kaya lang ay nakarinig naman siya ng putok ng baril.
May baril ang Lola ni Wilfred.
“Papatayin kitang babae ka! Papatayin kita! Walang kahit sinong puwedeng manakit sa apo ko!”
Itinutok ng matanda ang baril sa kanya. Takot na takot si Red pero nilakasan niya ang loob. Hindi siya puwedeng mamatay.
Lumaban si Red. Ibinato niya sa matanda ang kutsilyo bago pa man siya nito barilin. And luck was on her side.
Or so she thought.
Sapol sa dibdib ng matanda ang kutsilyo. Natumba ito.
Nang tignan ni Red ang matanda ay hindi na ito humihinga.
Napatay ni Red ang Lola ng boyfriend niya.
Nasa ganoong kalagayan si Red nang bumukas ang pinto. It was Wilfred. Kaagad na niyakap niya ito.
“Buti dumating ka!” Nanginginig na wika niya sa boyfriend.
Hindi siya niyakap ni Wilfred. Sa halip, tinulak siya nito. “A-anong nangyari kay Lola?”
Umiyak ulit si Red. “Patay na siya. Napatay ko siya.”
“Ano?!”
“Sinaktan niya ako. She’s crazy. She tried to kill me and---“ Natigil si Red nang makitang dinampot ni Wilfred ang kutsilyo. Itinutok nito iyon sa kanya.
“A-anong gagawin mo?”
“Puta kang babae ka! Bakit mo pinatay ang Lola ko? Mahal na mahal ko ang Lola ko! Mas mahal ko siya kaysa sa `yo!” Madilim na madilim ang mukha nito.
“Pero sinaktan niya ako…” Ipinakita ni Red ang mga sugat niya. “Muntik na rin niya akong patayin!”
“No. Hindi iyon magagawa ng Lola ko. Mabait ang Lola ko. Alam rin niyang mahal kita. Mahalaga sa kanya ang mga taong mahal ko. Hindi niya sasaktan ang mga taong mahal ko.
Sinubukang ikuwento ni Red ang mga ginawa sa kanya ng matanda. “Baliw ang Lola mo.”
“Mas baliw ka! Napakatanga ko para mahalin ka. Ikaw rin pala ang papatay sa taong pinakamamahal ko. Tama lang rin na mamatay ka…”
“Hindi…”
Wilfred stabs her in the arm. Natumba siya sa sahig. Nanlalaki ang mata niya.
Mukhang mali si Red ng pagkakilala kay Wilfred. Hindi ito mabait. Mukhang kagaya rin ito ng Lola nito: baliw.
Nilapitan ulit siya ni Wilfred. Naging alerto siya. Hindi siya puwedeng magpaapi. Ayaw niya pang mamatay. Mahal niya ito pero mahal rin niya ang sarili niya.
Inabot ni Red ang baril na nasa sahig. Itinutok naman niya sa boyfriend ang baril. Mukhang hindi ito natakot. Nang itaas nito ang kutsilyo, pinaputok na niya iyon.
Nabaril ni Red ang boyfriend niya. Napatay rin niya ito.
Inubos ni Red ang lahat ng natitirang lakas sa katawan niya sa pagsigaw…
“AHHHH!”
Sigaw nang sigaw si Red nang magising siya. Napabalikwas rin siya mula sa pagkakahiga. Pawis na pawis siya kahit mahangin naman sa labas. Napagdesisyunan niyang matulog ulit sa labas ng kubo.
Malayo sa kubo at malakas ang alon sa dagat kaya hindi natatakot si Red na baka maistorbo niya si Wulfric. Ayaw rin muna niyang isipin ang lalaki. Masama ang loob niya. Iyon rin ang dahilan kung bakit pinili niyang matulog sa labas kaysa sa kubo. Natatakot siya sa puwedeng gawin sa kanya ni Wulfric pagkatapos nang naging pag-uusap nila kahapon.
Pumikit si Red. Kahit pala lumayo siya kay Wulfric ay hindi pa rin pala ito mawawala sa sistema niya. Matagal rin siyang nakatulog dahil sa pag-iisip sa gusto nitong mangyari sa kanilang dalawa sa isla…
“A-anong ginagawa mo?” Nanlaki ang mata ni Red nang lapitan siya ni Wulfric. Halos hubad na siya dahil nadapa siya sa sobrang pagmamadali para makapasok ng kuwarto.
“It’s hard to control myself…”
Tumatagos sa buong katawan ni Red ang titig ni Wulfric. Lumakas ang tibok ng puso niya. Nabasa niya ang pagnanasa sa mata nito.
Lumunok si Red. “Control for what?”
“My hunger for you…”
Nanlaki ang mata ni Red. Nanginginig rin siya nang dahan-dahan ay inilagay ni Wulfric ang kamay nito sa pisngi. Nag-init iyon.
Kinakabahan si Red. Pero bakit parang hindi lang rin takot iyon? Bakit pakiramdam niya ay may kasama rin na excitement ang nararamdaman niya?
“I want you. I feel crazy for you…”
Napalunok si Red. Nakipagtitigan siya sa mata ni Wulfric. Pero kahit nakaupo na ay parang kailangan pa rin niya ng suporta. Nanghihina siya.
At mukhang pati ang puso niya ay bibigay. Sa lakas ng tibok niya, nakakatakot siya na baka iyon ay malaglag rin.
Mas pinagana ni Red ang utak. “H-hindi puwede.”
“How so? Tayong dalawa lang sa isla na ito.”
“Pero galit ka sa akin `di ba?”
“Maybe this is one of the prizes I want you to pay…”
Red was speechless. Binigyan pa lalo siya nang dahilan ni Wulfric nang dahan-dahan rin na ibinaba nito ang mukha sa kanya.
Hinalikan siya ng lalaki.
Nagulo si Red sa ginawa ni Wulfric. A big part of her wanted the kiss. Parang gusto rin niya ang lalaki. Well, guwapo naman kasi talaga ito. Nakakaloko rin kasi ang tibok ng puso niya nang halikan siya nito.
Ilang beses rin na hinalikan ni Wilfred si Red noon. Magkaiba ang epekto sa kanya noon. Wilfred’s kiss was sweet and gentle. While Wulfric’s kiss was passionate and harsh. Sa babaeng may masakit na pinagdaanan niya, hindi na dapat niya gusto ng sakit. But with Wulfric’s painful and revengeful kiss, she felt like she could live with it.
How could it be? Hindi niya mahal ang lalaki. Lalong alam niyang hindi rin siya mamahalin nito. Bakit may kakaibang epekto ito sa kanya?
Iyon ba ay dahil sa nakokonsensya si Red?
Prize to pay. Iyon lang ang dahilan kung bakit gusto siya ni Wulfric. Masamang bagay lang ang gusto nito sa kanya.
Gusto siya nitong saktan. Gusto siya nitong paghigantihan.
And with Red’s dream, she really felt she deserved the devil’s kiss. She deserved to be punished.
Naging malaki ang kasalanan niya kay Wulfric. Sinira niya ang pamilya nito. Hindi niya deserved na mabuhay `di ba? Hindi niya deserved ang magagandang bagay sa mundo.
Pinaalala lang ng panaginip niya na masama siya.
Siguro nga ay tama lang na magpagamit siya kay Wulfric. Tama lang na masaktan siya at masira rin ang sarili.
Kung masasaktan nga talaga siya.
With Wulfric’s touch, she felt alive. She felt heat. Masasaktan rin nga ba siya samantalang parang gusto rin niya si Wulfric?
Puwede. Dahil alam niyang hindi siya kayang saluhin ni Wulfric kapag nahulog talaga siya rito…
MAAGANG bumalik si Red sa kubo. Nagluto siya ng almusal para sa kanilang dalawa ni Wulfric. Medyo late na naman itong nagising---alas otso y medya na ng umaga.
“So the wolf has finally come back…” may ngisi sa labi nito nang makita siya. “Hindi ka na ba natatakot?”
Lumabi si Red. “I am not a wolf…”
“You killed my family. My grandmother and his favorite grandson.” Napailing-iling si Wulfric. “Bakit ka ba pinangalan na Red? It just reminds me of the fairy tale Little Red Riding Hood. Pero mali pa rin. Little Red is a sweet, obedient girl. Mahal niya ang pamilya niya. May pagmamahal siya sa kapwa niya. Unlike you…
“Sa sitwasyon natin, walang-wala ka kay Red Riding Hood. It was Wilfred who represents the little girl. He was the favorite grandson. Ang Lola ko naman ang mapagmahal na Lola sa kuwento. And you are the wolf. Pinatay mo silang dalawa...”
Gustong mapaiyak ni Red sa akusasyon ni Wulfric. Pero sino siya para magalit at mainis? May point ang lalaki.
Hindi siya si Red Riding Hood. Siya ang wolf. Ginawan niya ng masama ang mag-Lola. Mas matindi pa nga ang ginawa niya kaysa sa wolf sa kuwento. Pinatay niya ang mga ito.
“Tama na. Tapos na ang lahat `di ba? At pumayag na naman ako na ikulong mo `di ba? Nagbabayad na ako sa kasalanang naggawa ko sa pamilya mo…”
“Pero hindi sa lahat ng gusto ko…”
“Bumalik na ako. Pinagluto pa kita ng breakfast. Kung ayaw ko pa rin sa gusto mo, hindi naman ako babalik `di ba?”
Lumapit sa kanya si Wulfric. Itinaas nito ang baba niya. Hinalikan siya nito.
Nagulat si Red. Namula siya. At the same time, parang may kabayong nagliligalig sa puso niya. Nangangatog rin ang tuhod niya.
Matagal ang halik. Halos pareho na silang hinihingal nang matapos iyon. Malagkit ang tingin na ibinigay sa kanya ni Wulfric pagkatapos. Naglihis tuloy siya ng tingin. Parang hindi niya yata makakaya na salubungin iyon. Matutunaw siya.
“Look at me…”
Red felt excited but awkward at the same time. “T-tama ba na gawin na natin kaagad ito? Hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ka pa nag-aalmusal…”
“I’m hungry but not for food…” Inilapit sa kanya ni Wulfric ang katawan nito. Napasinghap siya nang maramdaman na may naninigas na bahagi ng katawan nito. Pulang-pula rin siya. “Gutom ang katawan ko para sa `yo…”
Wulfric claim her lips again. It was wild and intense. Parang nahihilo yata si Red sa sarap. Parang nawawala rin siya sa sarili. He touched her boldly and she didn’t even finch. Sa halip, napapaungol siya.
She loved the feel of Wulfric. Kahit paghihiganti lang ang dahilan kung bakit siya aangkinin nito, iba ang nararamdaman niya. It wasn’t mad and bad. It was exciting and she was enjoying every minute of it.
Red was lost in his kisses and touch. Ilang sandali pa ay nakita na lang niya ang sarili niya na nadala na pala ni Wulfric sa kama. Naririnig niya rin ang mga ungol nito, lalo na nang simulang paglaruan ang dibdib niya.
When Wulfric settled on top of Red, she didn’t even feel a slice of anticipation. Malinaw na gusto siya ni Wulfric. At gustong-gusto rin naman niya ito. Hindi na niya ito pinigilan.
Kung may isa lang sigurong ikakatakot si Red, iyon siguro ay ang lakas ng tibok ng puso niya. Mukhang anumang oras ay lalabas na iyon sa dibdib niya.
“You are so tight…” Namuo ang pawis sa gilid ng mukha ni Wulfric nang pumasok ito sa loob niya.
“J-just kiss me…”
Masakit ang pagpasok ni Wulfric sa katawan niya. Pero nang sundin nito ang gusto niya ay nawala rin ang sakit. Tanging ang nakakabaliw na sarap lang ang nangibabaw.
Pumikit si Red nang maramdaman niyang malapit nang matapos si Wulfric. Pero sa ginawa niya, hindi niya inasahang tuluyan rin siyang lalamunin ng kadiliman…