More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 12

“SINAMAHAN ko na rin ng condom `yung mga gamit na hiningi at pinadala mo, ha…” wika ni Andy kay Wulfric. Magkausap sila sa satellite phone niya na siyang tanging communication form sa isla. Kinumusta at in-inform rin siya ng kaibigan na parating na raw lahat ng gamit na hiningi niya rito noong isang araw.

“Ano?” Pinagpawisan si Wulfric. “B-bakit mo ginawa `yun?”

“Just to be safe. May kasama kang magandang babae sa isla. At kayong dalawa lang diyan. Mahirap labanan ang tukso. Mas maigi ng maging maingat. Isang box `yun, ha. Tawag ka lang kung kulang pa,” Tumawa pa ang kaibigan.

Natahimik si Wulfric. Gusto niyang sigawan ang kaibigan. Huli na ito. He had been careless.

Ito ang unang beses na nakalimutan ni Wulfric na gumamit ng proteksyon. Maingat siya. Ganoon na ba talaga siya nahumaling sa ganda ni Red kaya nakalimutan niya ang unang-una dapat na kailangang isipin bago ang sex?

Shit.

Pero pinakalma na lang ni Wulfric ang isip sa pag-iisip na virgin si Red nang una niyang nakuha. Ayon sa nabasa niya, hindi naman daw nakakabuo kapag unang beses ng babae.

“O, bakit natahimik ka?

“Loko ka. Bye na nga. Salamat sa padala!”

Pinatay na ni Wulfric ang tawag. Mabait at gentleman si Andy pero may mapang-asar rin na ugali ito kagaya ni Peter. May pagka-tsismoso rin ito. Natatakot siyang baka mabuko rin siya nito sa huli.

Nakakahiya! He slept with the enemy na nga, careless pa siya. Ano na lang ang iisipin sa kanya ng mga kaibigan niya?

“Mangkukulam kasi yata ang babaeng iyon…” Napailing-iling si Wulfric. Red enchanted her. Kahit kakilala pa lang at kahit kumbinsihin niya ang sarili na mali ang maakit rito, naggawa pa rin niya.

Pero tama naman si Wulfric. One way to punished her is to sleep with her. Nagtagumpay siya. Nakuha niya ang pagkababae nito.

Siya ang nakauna rito. Nasaktan niya ito. Pero bakit pakiramdam niya ay nasaktan rin siya, lalo na nang malaman niyang nawalan ito ng malay nang matapos sila?

Nakokonsensya si Wulfric. Sandali lang naman na nawalan ng malay si Red---mga limang minuto siguro. Pero nag-alala siya nang husto. Ang akala niya ay may matindi ng nangyari rito. Puwede pa siyang masisi. Puwede niyang mapatay ito.

Pero iyon ang gusto niya `di ba? Ikinulong niya ang babae sa isla para maghiganti. Hindi nito deserved na mabuhay at ang mga magagandang bagay sa mundo. Pero bakit natakot siyang may masama ng nangyari rito?

Somehow, he felt that he cared for her. At naiinis siya roon. She should hate that lady---este a woman now because of him!

Naipaliwanag na ni Red na normal na raw rito ang mahimatay. Epekto iyon ng trahedya na nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nagkakaroon ito ng occasional blackouts at matinding pananakit ng ulo. Wala naman daw dapat na ikatakot. May gamot rin na kailangan itong inumin para ma-lessen ang mga blackouts at mawala ang pananakit ng ulo. Eventually rin daw ay mawawala iyon sa tulong ng mga gamot.

Wulfric is also to blame with what happened. Hindi niya kaagad naibili si Red ng request nito. Nakalimutan rin niya dahil wala naman kasi siyang isasabay. But now that he knew about the situation, tinawagan kaagad niya si Andy para bilhin ang mga iyon. Hindi umalis ang kaibigan pabalik ng America.

Another reason kung bakit puwede siyang asarin ni Andy. Inaalala rin niya si Red dahil pinabili niya ang kailangan nito. Ayaw rin niyang masaktan ang babae kung ganoon.

Sana ay nakinig na talaga si Wulfric sa mga kaibigan niya.

Pakiramdam ni Wulfric ay nagiging mahina rin siya kay Red. Oo, maganda ito. Her body shape is the same as a Goddess. She was almost perfect---maliban na mga mumunting peklat sa braso nito at sa likod nito. Ang sabi nito, iyon daw ang bakas ng pagtorture rito nang Lola niya.

Pero hindi naman iyon kapansin-pansin para kay Wulfric. Maganda pa rin si Red. Ganoon pa man, mas marami pang mas magagandang babae rito. Hindi na niya dapat ito pinag-aaksayahan ng panahon. Hindi niya kailangan ng tulong nito para sa sexual needs niya. May kamay naman siya na puwedeng gamitin.

Hindi mahina si Wulfric. Kagaya lang rin niya si Red---he’s a wolf. Matapang siya. Hindi siya basta-basta magpapatalo. Kaya nga siya naririto sa isla `di ba? Dahil hindi siya nagpatalo sa mga kaibigan niya. Mas pinaibabaw niya ang galit niya.

Nagkamali nga lang talaga siya. Hindi niya dapat hinayaan na maging mahina sa tawag ng laman niya kahit may magandang dahilan rin naman siya roon. Paghihiganti. Kaya lang, kung paghihiganti nga iyon, bakit apektadong-apektado siya sa babae?

Huminga nang malalim si Wulfric. Lumabas siya ng kubo. Pero lalo lang siyang nagulo nang makita si Red. Bumangon na naman ang pag-aalala sa puso niya nang makitang iika-ikang naglalakad ito pabalik ng kubo. Umalis ito kanina pa pero hindi niya alam kung saan nagpunta.

Napatiim-bagang si Wulfric. Ayaw niyang tulungan ito. Pero sa huli, nakita na naman niya ang sarili na ginagawa ang mali.

Inalalayan ni Wulfric para makabalik sa kubo si Red. Pinaupo niya ito at kinuha rin ang first aid kit. May kalakihan ang sugat nito sa tuhod.

“Anong nangyari?” tanong niya habang ginagamot ang sugat.

Napangiwi si Red. Halatang nasaktan ito sa pagagamot niya pero hindi rin naman nagreklamo. “N-nadapa ako roon sa burol…”

“Burol?” Hindi pa masyadong nai-explore ni Wulfric ang isla. Madalas na nasa malapit lang siya kaya hindi niya alam ang burol na iyon. Hindi rin niya natatanaw iyon. Paniguradong malayo iyon.

Tumango lang si Red.

“Bakit kasi ang gala-gala mo? Paano kung mahimatay ka na naman?”

Kinagat ni Red ang ibabang labi. “Gusto ko lang naman i-divert sa iba ang atensyon ko. Nalulungkot ako.”

Tinitigan ni Wulfric si Red. Nabasa nga niya ang lungkot sa mata nito.

“Bakit kasi ayaw mo akong pansinin?”

“Kaaway kita, remember?” Diniin ni Wulfric ang bulak na may alcohol sa sugat ni Red.

“Ouch!” Lumayo si Red. “Aray ko naman. `Wag naman ngayon. Maawa ka naman sa akin…”

Hindi na nga inulit ni Wulfric ang pananakit sa babae. Nang matapos siya sa pagagamot sa sugat nito ay bumuntong-hininga si Red.

“Sorry…”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Para saan?”

“Sa lahat.”

Tumiim ang bagang ni Wulfric. “Hindi ganoon kadaling magpatawad.”

“Pero may chance?”

Ngumiti si Red. Sandaling natigilan si Wulfric. She looked very lovely when she smiles. Kapag ngumingiti ito ay parang lumiliwanag ang buong paligid. Parang gusto rin tuloy niyang mapangiti.

Shit. Damn it. Minura ni Wulfric ang sarili. Bakit ba siya nagkakaroon ng magandang pakiramdam sa murderer na ito?

“Dream on, Babe.” Pinanaig ni Wulfric ang sinasabi ng isip niya kaysa sa puso.

Bumuntong-hininga si Red. Nalungkot ang mukha nito. Parang gusto ulit murahin ni Wulfric ang sarili. Ayaw niyang malungkot ito.

God, ano na ba talaga itong nangyayari sa kanya? Bakit parang nagba-backfire sa kanya ang plano niya?

“`Wag kang sumimangot!” Kunwari ay inis na sabi niya.

Nagkamot ito ng ulo. Ngumiti ito pero hindi na iyon kasing ganda ng kanina. Parang may pag-aalinlangan rin ang ngiti nito.

“All right. Sige, sorry na lang kasi nahimatay ako…”

“It’s nature’s fault.”

“Na-turn off ka dahil roon.”

May part na totoo iyon. Pero natakot lang kasi talaga siya. Nag-alala siya rito.

Kahit hindi naman dapat.

“`Wag na nating pag-usapan ang bagay na iyon.”

“Hindi na ba natin uulitin ulit?”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Mukhang nag-enjoy ka, ah.”

Hindi nakapagsalita si Red. Nag-init ang mukha nito.

Nag-init rin naman ang katawan ni Wulfric.

Pero kailangan pang ayusin ni Wulfric ang utak niya. Kailangan niyang ipaintindi na hindi rin siya dapat nag-e-enjoy. He needed self control. Tumayo siya.

“Maghintay ka na lang. Kapag gusto ko na ulit, sasabihin ko sa `yo.”

Iniwan na ni Wulfric si Red. Kailangang iwasan niya muna si Red habang hindi pa nagiging maayos ang isip niya.

Kaaway niya si Red pero nag-aalala siya rito? Si Wulfric na yata ang pinaka-weird na tao sa buong mundo ngayon.

“THIS is not a good idea.” Nakakunot ang noo na wika ni Wulfric. Hinihingal na rin ito nasa paanan pa lang sila ng burol.

“For you...” Napahagikgik si Red. Pagod na kaagad si Wulfric samantalang mga patag pa lang naman ang nilalakad nila.

Itinuro ni Wulfic ang burol. “At hindi burol ang tawag diyan. Mataas na `yan! Bundok na `yan!”

“Hindi. Mga five minutes lang `yan sa akin.”

“No way!” Parang gulat na gulat pa si Wulfric.

Humalukipkip si Red. “Come on, Wulfric. Sa ating dalawa, parang mas mukha ka pang may sakit sa akin. Ang hina mo naman…”

Dumilim ang mukha ni Wulfric. “Anong sinasabi mo, alipin?”

Napailing-iling si Red. “Ang sabi ko, umakyat na lang po tayo, kamahalan. Malapit ng lumubog ang araw. Hindi natin maabutan ang view.”

“May bukas pa naman. Hindi tayo dapat nagmamadali.” Tumalikod na si Wulfric.

Hinawakan niya ang likod nito. Pinabalik niya ito. “Hep, hep! Gusto mong maglakad ulit ng ganito kalayo bukas?”

Naiinip si Red sa kubo kaya nagdesisyon siyang pumunta ulit sa burol. Malayo iyon mula sa kubo---mga isa’t kalahating oras na lakarin sa papunta pa lang. Nang malaman ni Wulfric na pumunta siya ay sumama rin ito. Mga alas dos sila ng hapon umalis ng kubo. Maraming puno kaya hindi naman mainit. Patag rin ang daan kaya chill lang.

Naging mahirap lang dahil maarte si Wulfric. Panay ang reklamo nito. Ilang beses rin itong nagyaya na tumigil sila. Mag-aalas singko na tuloy at wala pa sila sa tuktok ng burol. Sigurado pa siyang mas lalo pang mahihirapan si Wulfric dahil mas mahirap umakyat pataas. Pagod na rin ito.

Lumingon rin si Wulfric. “God damn it! Bakit ba kasi sumama pa ako sa `yo?”

“Kasi concern ka sa akin?” Ngingiti-ngiting wika ni Red. Inilagay niya sa likod ang isang kamay. Ipinag-krus niya ang daliri. Nahiling niya na sana nga ay totoo iyon.

Pero mabilis rin na na nakapag-react si Wulfric. Umismid ito.“Bakit naman ako magiging concern sa `yo?”

Napalabi si Red. “Sabi ko nga. Tara na nga kasi. Basta ako tutuloy. Kung gusto mo na bumalik, bahala kang maligaw.”

Mukhang natakot naman si Wulfric. Sumunod na rin ito. Pero panay pa rin ang reklamo nito.

Mabuti na lang at kahit matagal, naabutan pa rin nila ang araw. Malapit na iyong lumubog.

Matagal na natahimik si Wulfric. Nang tignan niya ang mukha nito ay matindi ang paghanga roon.

Speechless ang loko.

Napangiti si Red. “The view is amazing, right?”

Tumango si Wulfric. “I wish I could have a camera right now and capture this view…”

“Marami pa namang susunod. Saka idi-distract mo lang ang sarili mo sa pag-capture ng view. Just live for a moment. Appreciate the view…”

Tumango si Wulfric. Maya-maya ay sumigaw ito.

“What was that for?” Amused na tanong ni Red.

“Gusto ko lang. Bakit ba? Masaya ako, eh.” Nakangiting wika ni Wulfric.

Parang natunaw naman ang puso ni Red sa ngiti nito. First time niyang makita na ngumiti ang lalaki. He looked nice. Mas gumuwapo pa ito.

Dala ng tuwa, napasigaw rin siya.

“Gaya-gaya…” Natatawang wika ni Wulfric. Pero sumigaw rin naman ito. Panay “ah!” lang naman ang sigaw nito.

Sabay silang sumigaw. Gumaan ang pakiramdam ni Red.

“I’m glad to see you happy like this…” Sinubukan niyang abutin ang mukha nito. Hinaplos niya iyon.

“I like to see you happy, too…” mahinang wika ni Wulfric. Sinalubong nito ang mga mata niya.

“Really?”

“Hmmm…” Umungol si Wulfric at dahan-dahan na inilapit ang labi sa labi niya. Malapit ng dumilim pero sa halik ni Wulfric ay parang nagliwanag iyon.

Gusto niya ang halik ni Wulfric. Gusto niya ito.

Nakakatakot ang pakiramdam na iyon. Puwede siyang masaktan. Pero ayaw na munang isipin ni Red ang takot.

Napakadami na niyang hirap na naranasan sa loob ng ilang taon. Ang gusto niya muna ngayon ay sumaya. Masama nga lang siguro na ang taong nagbibigay sa kanya noon ay ang taong alam niyang gusto rin siyang saktan.

“HINDI pa ba ako puwedeng magsuot ng damit? Ang ginaw!” Yakap-yakap ni Red ang sarili. Kasalukuyan silang nasa tabing dagat. Halos maghahating-gabi na kaya napakalamig roon.

“No. Alipin kita at ako ang boss mo `di ba? Sundin mo ang gusto ko. Be naked. Walang nakakahiya. Nakita ko na naman ang halos lahat ng iyan…”

Wulfric made love to her again. Nilapit nito ang sarili sa kanya pagkatapos nilang umakyat ng burol. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siya nitong inangkin.

Kakaiba nga lang ngayong gabi. Dinala siya nito sa tabing dagat sa halip na sa kubo. He made love to her with the waves and trees as their witnessed. It was wild and exciting. Pero kahit halos isang oras na silang tapos ay hindi pa rin siya pinagbibihis ng lalaki. Hindi pa rin daw nito gustong bumalik sa kubo. Parang gusto pa nga yata nitong sa tabing dagat sila matulog ngayong gabi.

“Hmf…”

Tinaasan siya ng isang kilay ni Wulfric. “Bawal magreklamo ang mga alipin. Saka ano ba ang pinagrereklamo mo? Ang init-init kaya.”

“But not you…”

Hinila ni Wulfric si Red. Hinalikan siya nito. “Tell me, malamig pa rin ba?”

His kiss gives her heat. Umiling siya.

He tapped her head. “Good girl…”

Inihiga siya ng lalaki. Magkatabi sila. He held her close. Inihilig niya ang ulo sa braso nito. Sabay nilang tinignan ang langit.

Masaya ang pakiramdam ni Red na halos magkayakap sila ni Wulfric. Hindi niya maramdaman ang naging malaking kasalanan niya rito sa tuwing inilalapit nito sa kanya ang sarili nito. Parang ang gaan-gaan ng lahat. Kaya nga lang, medyo nabawasan ang pakiramdam niya na iyon dahil hindi nagpakita ang buwan pati na rin ang bituin. Gumamit sila ng lampara para magkaroon ng liwanag sa tabi nila.

“Ang sad. Walang stars,”

“May parating raw na bagyo sabi ni Andy,”

Naikuwento na sa kanya ni Wulfric ang mga kaibigan nito. Si Andy ang may-ari ng isla. Ito rin ang nagpapadala sa kanila ng mga necessities na kailangan nila para maka-survive roon.

“Ay, mas lalong sad. Ayoko ng bagyo. Parang palaging may dalang lungkot ang ulan. Umiiyak kasi ang langit…”

Tinitigan siya ni Wulfric. “Natatakot ka.”

“Hindi naman. Bakit naman ako matatakot `di ba? You’re there for me…”

Tinitigan siya ni Wulfric. “At puwede kitang pabayaan. Puwede kitang saktan…”

“Alam ko. Pero naalala mo ba ang sinabi mo sa akin? Ako ang wolf. Kung tutuusin, sa akin ka dapat matakot.”

Natulala si Wulfric sa sinabi niya. Totoo naman iyon. Natatakot si Red na masaktan siya ni Wulfric. Pero naisip rin naman niya na wala talaga siyang dapat ikatakot.

Matapang siya. Kakayanin niya ang lahat. Nabansagan nga siyang wolf `di ba? Survivor siya.

Masasaktan man siya ngayon sa piling ni Wulfric, alam naman niya na naging masaya siya sa piling nito. Okay na siya roon.

“Pero `wag kang mag-alala, hindi naman kita kayang saktan…”

Inihilig ni Red ang ulo ulit sa braso ni Wulfric. She tried to hug him, too. Pero hindi nito ibinalik ang yakap. Maya-maya rin ay tumayo na ito. Bumalik ito sa kubo---ni hindi man lang siya niyaya.

Napabuntong-hininga si Red. Pinanlamigan siya ni Wulfric. Parang may pumunit sa puso niya. It shattered into pieces.

Kung tutuusin, napakaliit na bagay lang ng ginawa ni Wulfric ngayon. Pero bakit ganoon na kaagad maka-react ang puso niya? Masakit na kaagad. Paano na lang kapag mas malala pa roon ang ginawa sa kanya ni Wulfric?

Makakaya nga ba talaga ni Red? Will she survive this time on the hand of a Rodriguez?

MAGANDA ang mood ni Wulfric. Pakiramdam niya ay masuwerte siya ngayong araw. Nakahuli kasi siya ng limang malalaking isda sa dagat. First time niyang makahuli. Actually, sinubukan lang rin niya. Gusto niya kasing makabawi kay Red.

Nakonsensya si Wulfric kagabi. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya. Galit siya kay Red. May part na natatakot rin siya rito. Pero sa kabila ng pagdududa niya sa babae, mabait pa rin ito sa kanya.

“Pero `wag kang mag-alala, hindi naman kita kayang saktan…”

Marami siyang masasamang naggawa kay Red. Pero kahit kailan ay hindi ito gumanti. Naging mabait at pasensyosa ito sa kanya. Tinanggap nito ang lahat ng parusa niya.

Nagi-guilty si Wulfric sa mga ginagawa niya. Kaya para maalis ang guilt, naisip niyang sorpresahin na lang si Red. Hindi naman masamang maging mabait paminsan-minsan.

Inihaw ni Wulfric ang mga nahuli na isda. Iyon ang breakfast nila ngayong araw. Tulog pa si Red. Masyado yata niya itong pinagod kagabi. Hinayaan na lang rin naman niya ito. Mas maganda nga iyon at masosorpresa niya si Red pagkagising nito. Sigurado siyang matutuwa ito sa ginagawa niya.

Kahit ilang linggo pa lang na nakakasama ay nakilala na niya si Red. Napaka-simpleng babae lang nito. Wala itong kaarte-arte sa katawan. Napapasaya na ito ng maliliit na bagay.

And he wanted to see her happy. Gusto niyang makita ang masayang reaction nito kapag nakita ang ginawa niya. It made him feel excited.

Kaya lang, nang matapos si Wulfric sa pag-iihaw ng isda ay nawala rin ang magandang mood niya. May natanaw siyang Bangka na papunta sa isla.

Wala siyang inaasahan na padala ni Andy ngayon. Ilang araw na rin niyang hindi nakakausap ang kaibigan.

Sino ang papunta sa isla?

Binalot ng takot ang katawan ni Wulfric nang masagot ang tanong niya. May limang sakay ang Bangka---ang bangkero, si Andy, isang lalaking may hawig kay Red at dalawang lalaki na naka-uniporme ng pulis.

Mukhang isinumbong si Wulfric nang kaibigan. Dumilim ang mukha niya.

Nilapitan kaagad siya ng lalaking may hawig kay Red. Kinuha nito ang collar ng suot niyang T-shirt. “Nasaan ang kapatid ko? Anong ginawa mo sa kapatid ko?”

Galit na galit ang lalaki. Pulang-pula ang mukha nito.

“Nasa kubo siya. She’s asleep…” Pag-amin na ni Wulfric. Wala ng silbi kung itatago niya pa si Red. Wala na siyang kawala.

Huli na si Wulfric. Makukulong siya.

Maraming masasamang sitwasyon ang nag-aabang sa kanya. At ngayong araw ay ang unang patikim. Sa kabila ng pagturo niya sa lalaki kung nasaan si Red ay sinuntok nito ang panga niya.

Masakit iyon. Nasapo ni Wulfric ang panga niya.

Tama ang kanyang mga kaibigan. Sinira lang niya lalo ang buhay niya sa paghihiganti. Pero hindi kaagad matanggap ni Wulfric iyon. Nang lapitan siya ni Andy ay galit na galit siya.

“What the hell have you done?!”

Napayuko si Andy. “I’m sorry, Pare. Ginulo na nila kaming dalawa ni Peter at Warren. Nalaman nila na kaibigan ka namin. Binantayan nila kami at pinilit na kumanta. Nakonsensya na rin ako.”

“You’ve put me on a deep shit now.”

“Well, we have already told you so, right?”

Tumiim ang bagang ni Wulfric. Lumabas na ang lalaki at si Red sa kubo. Mukhang masaya na naguguluhan ito sa mga nangyari.

Itinuro si Wulfric ng lalaki sa mga pulis.

“Hulihin na ang lalaking `yan!”

Nilapitan siya ng mga pulis. Pinosasan nito ang mga kamay niya.

“No!” Malakas na sigaw ni Red.

“Anong “no” ka diyan? That guy deserves to be rotten in jail. He kidnapped you…”

Umiling si Red. “No. Okay lang naman ako `di ba? `Wag niyong ikulong si Wulfric. Naging mabait siya sa akin. Hindi niya ako sinaktan.”

Napakurap si Wulfric. Pinagtatanggol ba siya ni Red?

Kunot na kunot naman ang noon g kapatid nito. “Ano bang pinagsasabi mo, Red?”

Nilapitan siya ni Red. Pinilit nito ang mga pulis na tanggalin ang posas. Niyakap rin siya nito.

“Okay ka lang ba?” Napangiwi ito nang makita ang mapulang panga niya. Namutla rin ito. “Sinaktan ka ni Kuya…”

“Okay lang naman. Deserved ko naman ang lahat ng ito `di ba?”

Umiling si Red. Parang paiyak na rin ito. “Mas deserved ko na mas masaktan sa ating dalawa…”

“Red…” Parang natutunaw ang puso niya sa sinasabi nito.

Tumingin si Red sa mga pulis. “Hindi niyo puwedeng saktan at hulihin si Wulfric. Ako ang biktima `di ba? Pero hindi ako magsasampa ng kaso. Hindi ko siya ipapakulong.”

Lahat sila ay nabigla sa pinagsasabi ni Red.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.