More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 16

NAGHUHUGAS kamay. Iyon ang pakiramdam ni Red nang kinabukasan ay dumalaw siya sa puntod ni Wilfred at ng Lola nito. Hindi siya pumasok sa university. Sa tingin rin kasi niya ay hindi niya kaya. Masyado pang masakit ang mga nangyari kahapon. Hindi niya pa kayang makapag-concentrate sa klase. Iisa lang rin naman ang klase niya ngayong araw at minor lang naman iyon.

Nagdala si Red ng bulaklak sa mag-Lola. Nag-offer rin siya ng dasal. Nahiling niya na sana ay tahimik na ang dalawa at mapatawad rin siya ng mga ito.

Kahit imposible.

May kapayapaan pa ba para sa isang babaeng kagaya niya? Kumbinsihin niya ang sarili niya na ginawa niya lang lahat iyon para sa sarili ay mali pa rin. It’s two lives versus one.

“Bakit nga ba ako pa ang kailangan na mabuhay? Bakit pa ako nabuhay? Dahil kailangan ako ni Kuya Blue?” Umiling si Red habang kinakausap ang sarili sa harap ng puntod. Naiiyak na siya. “Hindi. Mali nga na nabuhay pa ako. Pinahirapan ko lang lalo siya. Nagsakripisyo siya nang malaki para sa akin. Samantalang hindi ko deserved ang buhay na ito…”

“Nabuhay ka dahil kailangan kita, Red.”

Tuluyan ng naiyak si Red nang marinig na may nagsalita sa likod niya. Sobrang na-engross na naman siya sa pagda-drama kaya hindi niya naramdaman na may nakalapit na pala sa kanya.

Matagal-tagal bago nilingon ni Red ang pamilyar na boses. Hindi nga siya nagkamali nang makita si Wulfric.

“N-nandito ka na naman. Balak mo ba akong dukutin ulit?”

Umupo ito sa tabi niya. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Papayag ka bang magpadukot habang buhay sa akin?”

“B-basta ulitin mo ulit iyong sinabi mo kanina. Masyado na yatang maraming sakit ang naipon sa dibdib ko at nagdedeliryo na yata ako. Mukhang nagkamali ako ng rinig, eh.”

Inilapit ni Wulfric ang mukha nito sa kanya. Hinalikan siya nito. “Kailangan kita, Red. Ayokong mawala ka sa buhay ko.”

“P-pero nag-usap na tayo kahapon `di ba? Ayokong magpakasal sa `yo dahil lang sa anak natin…”

“At sino ba ang nagsabi na gusto pa rin kitang pakasalan ngayon dahil sa anak natin?” Nakangiti si Wulfric. Parang gusto na rin niyang mapangiti. Lumobo ang puso niya sa sinabi nito.

Ibig sabihin ba noon ay may pag-asa na mahalin siya nito?

Ganoon pa man, inalala ni Red ang lugar kung nasaan sila. Nasa harap pa sila mismo ng taong napatay niya---mga taong importante kay Wulfric. Bakit ba siya mag-iisip ng ganoong klaseng katangahan? Hindi puwedeng mahalin ang isang kaaway.

“Y-you don’t deserved a girl like me. Sinira ko ang pamilya mo.”

“Batas na ang nagsabi na hindi totoo iyon. I’m sorry that I’ve hold on a grudge on you, Red. Pero naiintindihan mo naman ako `di ba? Nasaktan ako.”

“Kaya hindi mo na dapat ako nilalapitan. Sinaktan kita.”

“Maybe. But it’s past. I’m healed now. Gusto kong makasama ka. Kayong dalawa ng anak natin. Habang buhay.”

“Kahit masamang tao ako? Kung buhay ang pamilya mo ngayon, siguradong matagal ka ng nailayo sa akin. Baka dalhin ka na rin sa psychological ward. Baliw ka para gustuhin na makasama ang isang kagaya ko. Napakabigat ng kasalanang naggawa ko sa pamilya niyo. Pati ang magulang mo ay nadamay sa gulo.”

“Oo na. Inaamin ko na. Baliw nga talaga ako. Baliw na baliw ako sa `yo…”

Pumikit si Red. “Please Wulfric, `wag ka nang magbiro…”

Wulfric wrapped his arms around her. “`Wag mo nang isipin ang trahedya at ang pamilya ko. They love me. And they will also love whom I love. Papatawarin nila ang lahat ng mahal ko…”

Ilang beses na napakurap si Red. “So totoo ngang mahal mo ako?”

“So much…” Hinalikan ulit siya nito.

Mas lalong dumami ang luhang lumabas sa mata ni Red. She was speechless.

“At mukhang ayaw mo yata, ah.” Pinahid ni Wulfric ang luha niya. “Para saan ang mga luha na ito?”

“Masaya lang ako. Masayang-masaya...” Tinitigan niya ang lalaki. “I’m living a dream now.”

“No. You are living in a reality. Mahal na mahal kita, Red. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko…”

“You are so stupid…”

“Ouch! Hindi ganoon ang gusto kong sagot, ha.”

“Eh kasi naman, eh! Kaya mo ba talaga akong mahalin sa kabila ng galit mo sa akin?”

“Because the love I feel for you is more than powerful than any hate I could ever feel.” Kinuha ni Wulfric ang kamay niya. Pinisil nito iyon. “Mahal na mahal kita. Oo na, tanga at baliw na ako para magmahal ng isang kagaya mo. Pero mas tanga ako kung hindi kita mamahalin. Mas mababaliw ako kapag tuluyan kang nawala sa buhay ko.

“Stop saying bad things about you. Hindi ko na nakikita ang mga masasama sa `yo. All I could see is the Sweet, Little Red that made me learn how to love and feel alive again. Kaya please, sabihin mo na rin na mahal mo ako…”

Hindi nagsalita si Red. Pinanood niya ang reaksyon ni Wulfric. Nakakatawa ito, lalo na nang ngumiwi.

“Bakit ka ba ganyan? Hindi mo ba ako kayang mahalin? Hindi ba ako kamahal-mahal? Sa pagkakaalam ko, guwapo naman ako.”

“Arrogant…” Natawa si Red.

“Hmmm…” Tumingin si Wulfric sa puntod. “W-wag mong sabihin na mahal mo pa rin si Wilfred ngayon?”

Umiling si Red. “Simula nang nangyari, nawala na ang lahat. Masyado akong nasaktan sa ginawa niya sa akin kahit na nagkaroon rin naman ako ng kasalanan sa kanya.”

“Nawala ang pagmamahal mo sa kanya noon dahil sinaktan ka niya?” Nalungkot ang mukha ni Wulfric. “So paano na lang pala ako? Sinaktan rin kita. Kaya pala hindi mo ako minahal.”

“I endure all what you’ve done because I love you, too, Wulfric…”

Nakahinga nang maluwag ang lalaki. “Pinakaba pa ako.”

“So may feeling ka na nga na mahal rin talaga kita `no? Arogante ka talaga.”

Mahigpit na niyakap siya ni Wulfric. “I’m just so in love with you. Gusto kong mag-isip nang positibo. Pagod na pagod na kasi akong masaktan.”

“I promise you I will never hurt you again.”

“I’m sorry for what I’ve done in the past, my Little Red. Mali ako na tinawag kitang “wolf” dahil mas ganoon ako sa `yo. I’ve been bad to you. I hurt you.”

“Naiintindihan ko naman lahat ng iyon. Nasaktan ka. You are a lonely wolf that’s why you did that…”

“But I’m happy now because you are back into my life again.” Hinalikan ulit siya ni Wulfric. “Wala ng bawian, ha? Mahal mo ako. Pakakasalan mo ako.”

Kinuha ni Wulfric ang singsing sa bulsa nito. Natawa ulit si Red. “At ready ka talaga, ha.”

“Mas maganda ng laging handa. After all, hindi rin naman ako papayag na hindi mo rin ako mahalin. I’m crazy about you. Simula kagabi ay hindi ko inalis ang singsing sa bulsa na ito. Kung hindi ko nga lang naisip na makakasama kung iistorbohin ko ang pahinga mo, baka pinuntahan na kita kagabi pa. Kaya naghintay na lang ako nang maaga para makita ka at nakita nga kita na pumunta dito. Sinundan kita.”

“Mali ka rin. Halos hindi na nga ako nakapagpahinga. Takbo ka kasi nang takbo sa isip ko.”

“Banat ba `yan?” Ngumiwi si Wulfric. “Ang corny, ha.”

“Pero mahal mo pa rin naman ako `di ba?”

Ngumiti ito. “Always.”

Humilig siya sa dibdib ni Wulfric. “Thank you for everything. Thank you for forgiving me.”

“To love is to forgive…” wika ni Wulfric at hinalikan ang ulo ni Red.

THE END OF LITTLE RED AND THE LONE WOLF

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.