PARANG may pumiga sa puso ni Peter nang makita ang itsura ng kapatid na si Tink. Nasa airport na siya at pabalik na sana nang America nang tawagan siya nito. Nag-alala siya nang marinig ang iyak nito kaya mas pinili niyang bumalik at puntahan ito. Fuck his flight and job. Nag-iisang kapatid niya si Tink. Bunso ito ng pamilya. Mahalaga at mahal na mahal niya ito.
Niyakap niya ang kapatid. Mapula ang mga mata at magulo ang mukha nito. She looks like a mess.
Napatiim-bagang si Peter. Ang kapatid niya ang pinaka-positibong tao na nakilala niya. Masiyahin ito at palakaibigan. Ni hindi na nga niya maalala ang huling araw na nakita niyang umiiyak ito.
Niyakap rin siya ng kapatid. Lalo yatang nasaktan si Peter nang maramdaman na nanginginig ito. “Anong nangyari?”
“Ayoko ng magmahal, Kuya…”
Kumunot ang noo ni Peter. “M-may ginawa bang masama sa `yo si Carson?”
Bata pa lang sila ay matagal ng alam ni Peter na in love ang kapatid sa best friend nitong si Carson. Kagaya nila, may lahing Pilipino rin ang lalaki. Sa America rin ito lumaki at naging kaklase ni Tink simula pre-school hanggang college. Pareho kasi ng kursong kinuha ang dalawa---business administration. Napakalapit ng mga ito sa isa’t isa kaya hindi niya masisisi ang kapatid na nahulog nga sa lalaki. Guwapo, may kaya sa buhay at mabait rin kasi si Carson.
“Girlfriend na niya si Sally. Wala na akong pag-asa sa kanya…”
Naikuwento na nga sa kanya ni Tink na may nililigawan si Carson ilang buwan na ang nakalilipas. Pinayuhan na niya ang kapatid: umamin na ito sa lalaki. Paano kasi, conservative pa rin si Tink. Ang gusto nito ay si Carson muna ang magparamdam na gusto rin ito ng lalaki.
Hindi nangyari ang gusto ng kapatid. Kahit maganda, matalino at mabait ito, naging bulag pa rin si Carson. Naghanap pa ito ng iba samantalang naroroon si Tink na mahal na mahal ito. Wala na itong mahihiling pa kay Tink. Oo, kapatid niya si Tink. Pero hindi sa pagbubuhat ng bangko pero alam niyang perfect girlfriend material ito.
“There are so many fishes in the sea. Gayahin mo ako…” Nakangising wika ni Peter sa kapatid. Hinagod niya ang likod nito. Sinubukan rin niyang mag-joke para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ng kapatid.
Lumabi lang si Tink. “Ayoko. Masama ka.”
“Grabe ka naman. Playboy lang, masama na?”
“Siyempre. Pinaglalaruan mo ang damdamin naming mga babae.”
“Hindi mo naman ako naiintindihan, sis.” Napailing-iling si Peter. “I have rules with my women. Sa una pa lang, alam na nilang hindi ako nagseseryoso. I don’t do love. I don’t commit myself to other girls. Hindi ako nagsisinungaling.”
“Pero may mga babaeng nahulog sa `yo at hindi mo kinayang panagutan ang feelings nila.”
Nagkibit-balikat si Peter. “Sa tingin ko ay hindi ko na problema iyon. Alam nila ang rules. I’m only good for fun…”
“Sa akin yata napupunta ang karma mo, Kuya.” Lalong napaiyak si Tink.
Napailing-iling ulit si Peter. “`Wag kang maniwala sa karma. Isa pa, hindi tayo pareho. Siguro ay may iba lang talagang lalaki ang para sa `yo.”
“Si Carson lang ang mahal ko---“
Pinindot niya ang ilong ng kapatid. “Kung mahal mo talaga siya, hindi ka dapat natakot na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.”
Yumuko ang kapatid. Patuloy na umiyak pa rin ito.
Bumuntong-hininga si Peter. “`Wag mo na siyang isipin. Naiintindihan ko na masakit. Pero kailangan mong maging maayos. Find another man who you will love and love you back. I’m sure, makakakita ka rin. May dahilan kung bakit hindi naging kayo ni Carson. And who knows? Baka iyon ay dahil hindi naman talaga siya ang para sa `yo…”
Tumango si Tink. Tumingala na ito. “K-Kuya, mahal mo naman ako `di ba?”
“Siyempre naman.” Sinuklay-suklay ni Peter ang buhok ng kapatid. “Pero ano ang hihilingin mo?”
Hindi na bago kay Peter ang linya ng kapatid. Kapag may hihingiin itong pabor, iyon palagi ang simula nito.
“Ikaw na muna ang bahala sa business ko. Hindi ko yata kayang hawakan ang Happy Thoughts sa ngayon. Parang ayoko munang maging parte ng happy celebrations dahil hindi naman ako happy.”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Bakit ako? Alam mo na may trabaho rin ako sa America. Isa pa, may mga business partner ka.”
“Alam ko. Pero hindi sila puwede. Isabelle is having some personal problems right now, too. Naka-file na rin ang leave niya. Si Goldilocks naman ay hindi sociable. Hindi niya makakayang humarap sa tao at gumawa ng deck para sa events. Wala iyong creative streak sa katawan. Sapat na sa kanya na maging financial partner lang.” Paliwanag ni Tink.
Three years ago ay tinayo ni Tink, Isabelle at Goldilocks ang Happy Thoughts. It was an event planning company. Kilala rin niya sina Isabelle at Goldilocks dahil mga kamag-anak nila ang mga ito. Pinsan nila ang dalawa. Well, kahit si Isabelle ay inampon lang ng Tito Igor niya ay tanggap nila ito. Walang problema dahil mabait naman ang babae. Pamilya na rin nila ito at tinuturing na totoong pinsan nga.
“Wala ka na bang puwedeng pagkatiwalaan na ibang staff?”
“Wala. Ang hirap magtiwala ngayon pagkatapos ng ginawa ni Kristel sa kompanya two months ago…”
Madalas na nagko-confide si Tink kay Peter kaya kahit ang panloloko ng event planner nito sa kompanya ay alam niya. Apparently, ibinibigay ng event planner ang mga confidential event deck ng kompanya sa kalabang event planning company. Pinatalsik ito ni Tink pagkatapos noon. Hanggang ngayon ay wala pa pala itong nahahanap na kapalit.
“I’m also stressed, Kuya. Dahil nga sa pagpapatalsik ko kay Kristel, short ako sa tauhan. Sa tingin ko ay kailangan ko rin muna na magbakasyon…”
Napakamot ng ulo si Peter. “Pero may trabaho rin ako, Tink…”
“Marami ka namang kasosyo sa business niyo. Isa pa, kayang-kayang mag-function ni Kuya Rumple ng wala kayo.”
May point ang kapatid. Kagaya ni Tink, may sariling business rin si Peter. He was one of the partners of Charm Tech. It was an IT company based in America. Lima silang may-ari noon. Siya, si Andy, Warren, Wulfric at Rumple. Magkakaibigan sila. Pare-pareho rin kasi silang mga Pilipino na naka-base sa America.
Sa ngayon ay busy sa kanya-kanyang buhay sina Warren at Wulfric. Ilang buwan na rin na hindi nakakapasok ang dalawa personally sa trabaho. Si Andy ay madalas rin na nagbabakasyon kagaya niya. Simula kasi ng samahan niya ang kaibigang si Wulfric nang gustuhin nitong paghigantihan ang babaeng naging asawa na naman nito ngayon ay tinamad na siyang magtrabaho. Ilang buwan rin siyang nasa Pilipinas. He relaxed and partied a lot. Na-miss niya ang Pilipinas.
Pero walang kaso kung gustuhin pa ni Peter na manatili sa Pilipinas. Kayang-kaya ni Rumple ang trabaho kahit wala sila. He’s workaholic. He’s a genius. Pinagkakatiwalaan rin nila ang lalaki. Kapag naman may mga kailangang pag-usapan, madalas ay virtual meeting sila.
“All right. Pero i-train mo muna ako bago ka umalis…”
Tumango si Tink. Nagpasalamat ito sa kanya. Nginitian rin siya nito. Hindi man ganoon kaganda kagaya ng ngiti na madalas na binibigay nito sa lahat, bahagyang gumaan na rin ang pakiramdam ni Peter. At least, she was starting. His little sister will be okay. Gusto niyang magtiwala.
Ayaw niyang makitang nasasaktan si Tink. Mahal niya ito. Iyon nga lang, hindi talaga maiiwasan na mangyari ang ganito. Mahina ang kapatid. Hindi nito kayang kontrolin ang puso.
Hindi kagaya ni Peter si Tink. Pero inintindi na lang rin niya. Babae ito. Isa pa, bata pa lang kasi sila ay pinalaki na itong sweet ng mga magulang niya. Paborito rin itong basahan ng Mommy niya ng fairy tales. Well, silang dalawa. Naniniwala sa pag-ibig ang kapatid dahil sa mga fairy tales.
Mahilig sa fairy tales ang Mommy niya. Paborito nito ang kuwentong Peter Pan. Sa katunayan, doon nga nito nakuha ang pangalan niya at ng kapatid na si Tinkerbelle o Tink kung tawagin ng nakakarami. It was kind of amusing story. Pero ang mas nakaka-amuse sa lahat ay parang nagaya yata ang characteristics talaga niya sa fairy tale character.
Peter was like Peter Pan. He was fun, happy-go-lucky and looks young. Kahit thirty years old na siya ay marami pa rin ang nag-aakalang nasa early twenties pa lang siya. Para daw hindi siya tumatanda. At gusto naman niya iyon. Mahilig rin siyang maglaro.
Pinalaki naman si Peter ng mga magulang na mabait. Perpekto ang pamilya nila. Mabait ang mga magulang niya at mahal na mahal nito ang isa’t isa. They were also raised with so much love. Pero sa kabila noon, hirap pa rin si Peter sa konsepto ng pag-ibig. Masaya kasi siya sa piling ng iba’t ibang babae. Hindi niya makita ang sarili na natatali sa isang babae.
Hindi na rin gusto ni Peter. Alam na niya ang pag-ibig. Masaya at masakit. Komplikado. And who would love a life like that? Masaya na siya sa buhay niya.
Peter was living a happy, young, alive and contented life. Okay na siya sa mayroon siya ngayon.
ISANG linggo na ang nakalipas simula nang ipa-handle ni Tink kay Peter ang Happy Thoughts. Doon niya napatunayan kung bakit masaya si Tink sa trabaho nito. Totoong masaya nga na maging event organizer. Nakakapagod pero satisfying. Masaya siya na parte siya ng kasiyahan ng ibang tao.
Hindi naman gaanong nahirapan si Peter sa dalawang events na nahawakan niya---isang seventh birthday at christening. Maliit na event lang iyon at halos handa na rin ang lahat. Ang kailangan lang ay i-finalize ang mga suppliers ng services na kailangan para sa event. Trusted naman ang mga suppliers na iyon kaya walang dapat ipangamba. Isa pa, may event deck na rin iyon. Kailangan lang niyang sundin ang nakalagay na timeline sa deck. Pumunta rin siya sa event para tignan at kumustahin ang team na naka-assign roon.
Sa isang linggo, tatlo ang naging customer nila. Hindi ganoon kalalaki ang event kaya hindi mahirap. Isa pa, may creative team ang Happy Thoughts. Ang mga ito ang pinaggawa niya ng deck. Ang kailangan lang ay ang consultation niya. Maganda at napahanga siya sa ginawa ng mga ito. Nang i-present din nila sa customer ang deck kanina ay nagustuhan iyon ng customers. Everything went well...
For the business.
Walang dapat ipag-alala sa business. Pero si Peter, sa kabila ng saya na nararamdaman sa career na pinahiram ng kapatid ay nag-aalala pa rin rito. Sa ilang araw na pag-alis nito sa Happy Thoughts ay iisang beses pa lang niya ito nakakausap. Paano kasi, mahirap raw ang signal sa kinaroroonan nito. Ang masama pa, ayaw nitong sabihin kung saan. Parang nararamdaman yata ang kapatid na balak niyang sundan ito para i-check.
Naintindihan naman ni Peter na gustong maging mag-isa ni Tink. Pero kapatid niya ito kaya hindi maiiwasan na mag-aalala siya. Ganoon pa man, sinubukang i-focus na lang rin ni Peter ang isip sa business. Ayaw na niyang bigyan ng alalahanin pa si Tink kung sakaling pababayaan niya ang business nito.
Pero hindi akalain ni Peter na kung kailan nasasanay at nagiging gamay na niya ang business ay magiging problema pa iyon sa kanya….
May hindi siya inaasahan pero mukhang inaasahan ng lahat ng staffs na customer na dumating. Binati ito ng mga in house staff ng Happy Thoughts.
“I’m so glad to see you again, Miss Wendy!” Kung makabati ang isa sa mga staff ng creative team ay parang suking-suki ang babae.
“I’m so glad to see you, too.” Nagniningning ang mga mata ng customer. Nakipagbeso-beso pa ito sa staff.
“You look glowing. Ito na ba ang event na hinihintay naming lahat na ipapagawa mo?”
Ngumiti ang babae. “Si Tink?”
“Naku, naka-leave si Ma’am ngayon, eh. Itong si Sir Peter po muna ang nag-aasikaso ng business.”
Doon lang siya tinignan nang dumating. Natulala ito. At siya, kahit na inoobserbahan na ang babae kanina pa ay natulala rin.
Wendy Diaz was prettier than the first time that he met her. Kakaiba pa rin ang tibok ng puso niya kapag nakikita ang bilugan at kulay brown na mga mata nito. His hands still wanted to reach her fair heart-shaped face. He still wished and dreams to brush his lips against her pinkish ones.
Taon na ang lumipas simula nang magkakilala at magkita sila ni Wendy. Pero bakit pakiramdam niya ay malaki pa rin ang impact nito sa kanya?
Naiinis si Peter. Nagulat siya nang makita ito. Gusto rin niyang magalit. Ayaw niyang maramdaman ang masarap na pakiramdam ngayong nakita niya ulit si Tink. Pero mukhang hindi talaga niya kaya. Pagsasalubong pa lang ng mga mata nila, natutunaw na ang lahat ng sakit na ibinigay nito sa kanya.
“Peter?”
Tumango si Peter. Kiming ngumiti siya sa babae.
“Oh, I dn’t expect you to be here. I didn’t even expect to see you again…”
“And so am I…” Naramdaman ni Peter na unti-unti na siyang pinagpapawisan. Bakit nga ba nagkita pa sila ng babae?”
“Bakit ka nandito? Kilala mo si Tink?”
Tumikhim si Peter. “She’s my sister.”
“Really? What a small world…”
“Yeah.” Pinaupo ni Peter si Tink. “Bakit ka nga pala nagpunta rito?”
Peter tried to be straight-forward. Kung puwede nga lang sana, `wag niyang kausapin ito. Pero ang pinaka-responsibilidad ni Tink ay ang humarap sa mga customers. At gawain niya ngayon ang responsibilidad nito. Hindi siya dapat maging rude.
“I’m getting married and I want Happy Thoughts to organized it,” Nagniningning lalo ang mga matang wika ni Wendy.
Kilala ni Peter si Wendy. Galing ito sa makapangyarihang angkan. Mayaman ito. Iisa lang ang ibig sabihin noon: it would be a big event.
A big and crazy event. At siya ang kailangang mag-organize noon!
Okay lang naman sana na mag-organize ng malaking event. Pero sana ay hindi para kay Wendy at sa lalaking mukhang naging kaagaw niya.
Ito ang unang beses na makaka-encounter siya ng wedding event. And what an irony because the customer was the first woman he knew he had love…
Mali si Peter. Naniniwala siya sa pag-ibig. Pero pinili niyang kalimutan na lang iyon. And it was all because of this girl.
Why the hell he has to meet her again? At ngayon pa talagang ikakasal na pala ito…