“I’M SORRY, Wendy. Hindi kita masasamahan sa ngayon. Just send me the details of it and I’ll just see it…”
Nawala lahat ng excitement ni Wendy sa naging sagot ng fiance na si Jeremiah. Tinawagan niya ito at tinanong kung nasaan. Ngayong araw ang appointment nila sa presentation ng event deck ng Happy Thoughts. Ilang beses na niyang ipinaalala rito iyon. Umaasa siya na sisipot ito. Kasal nila ang usapan roon. She wanted him to be a part of the planning of the event. Ganoon rin kasi ang gusto niya.
Kasal nila ang usapan. Isa iyon sa pinakamalaking event ng buhay nilang dalawa. Kaya tama lang na paghandaan at makisali rin sila sa preparation noon. It should be the best.
“Hindi ka ba talaga makakahabol?”
“Hindi, eh. May importanteng meeting ako mamaya. Naiintindihan mo naman `di ba?”
Hindi, nasa isip ni Wendy. Pakiramdam niya, palagi na lang may dahilan si Jeremiah para hindi sila magkita.
Ayaw nitong magkita sila…o ayaw ba nitong maikasal?
Isang businessman ang fiancé niyang si Jeremiah. Naiintindihan niya na busy ito. Pero business man rin ang Daddy at mga kapatid niyang si Michael and John. Ganoon pa man, lagi itong nakakahanap ng oras sa kanya at sa pamilya. Mahalaga siya sa mga ito kaya may oras ang mga ito sa kanya.
Gusto niyang isipin na mahalaga rin siya kay Jeremiah. Tatlong taon rin siyang girlfriend nito. Yeah, their relationship was not the typical Filipino one. Walang ligawan na nangyari dahil matagal na naman niya itong gusto. Gusto rin ito ng pamilya niya at ganoon rin siya sa pamilya nito. Magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Bata pa lamang ay niloloko na sila sa isa’t isa. Naging magkaibigan rin sila.
Hindi mahirap na mahulog ang loob kay Jeremiah. He was very good-looking, intelligent and a successful man. Kaya naman nang yayain siya nitong maging girlfriend three years ago ay pumayag kaagad siya. Nang yayain na rin siya nitong magpakasal two weeks ago ay pumayag rin siya. She was in love with him.
Gusto rin na isipin ni Wendy na mahal siya ni Jeremiah. Bakit naman siya nito yayain na maging girlfriend at magpakasal kung hindi? Oo nga at pabor na pabor ang mga magulang nito sa kanya. Pero kung gugustuhin nito, puwede naman itong tumanggi. Pero pumayag pa rin ito. It has to mean something. She was holding on to that something. Kaya ito siya, iniintindi pa rin ito kahit nagtatampo na siya. After all, she will be his future wife. A good wife should be understanding. Love is also understanding.
“Look, Babe. You know I’m always busy in the business. Mas lumalaki ang business ngayon kaysa sa dati. Isa pa, kailangan ba talagang mag-asikaso tayo pareho? Kaya nga kumuha na tayo ng event coordinator para hindi hassle…”
“Pero mas maganda kung marami pa rin tayong masasabi sa kasal natin…”
“Just trust them, will you? Ikaw na rin naman sa akin na the best ang event planning company na `yan. Isa pa, bakit rin ba kailangan pa ako? Nandiyan ka naman. Babae ka. Mas marami kang alam tungkol sa mga ganyan. Pinagkakatiwalaan rin kita. Alam kong kayang-kaya mo gawing the best at pinakamaganda sa lahat ang kasal natin…”
Sa huli, pinabayaan na lang ni Wendy si Jeremiah. After all, sanay na naman siya. Maraming beses sa relasyon nila na hindi siya nito nasasamahan o nasisipot man lang sa mga date nila. Ang dahilan nito palagi: busy ito. Pero dahil nga mahal niya ito, iniintindi niya ito. May magandang dahilan rin naman ito palagi.
Pumasok na si Wendy ng Happy Thoughts. She tried to put a smile on her face. Disappointed siya pero pinilit niyang maging okay. She was a positive person. Magiging maayos rin ang lahat.
Binati si Wendy ng mga tauhan sa Happy Thoughts. She greeted them with a warm smile, like she always does. Masayang binati rin naman siya ng mga ito. Mababait ang mga staff ng Happy Thoughts. Lahat ng event ng pamilya nila ay doon niya pinapagawa kaya masasabi niyang suki na siya. Hindi rin naman kasi siya binigo ng event planning company. Successful lahat iyon.
Nilapitan si Wendy ng isang staff. “Wait lang po, Ma’am, ha. May kausap pa kasi si Sir Peter. Pero pagkatapos noon ay susunod na po kayo…”
“It’s all right. Maaga pa naman ako,” Alas dos pa ang appointment niya. One thirty lang ngayon.
Naghintay si Wendy. Pagkatapos ng sampung minuto, lumabas si Peter sa cubicle nito. He was with a girl…and flirting with her.
Napakurap si Wendy nang maramdamang parang may tumusok yata sa puso niya sa nakitang eksena. Malagkit ang tinginan ng isa’t isa. Burado rin ang lipstick ng babae. Mukhang napunta na sa halikan ang pakikipaglandian na iyon.
Pero bakit masasaktan si Wendy? Kilala na niya si Peter. They have met three years ago. Noon pa man, malaro na ito sa mga babae. Hindi na bago ang ganitong eksena. Isa pa, may fiancé na siya. Hindi na dapat siya maapektuhan pa kung ano man ang nararamdaman niya pa para kay Peter. After all, naggawa niya sa nakalipas na taon.
Hindi dahil sa nakita lang niya ngayon si Peter ay magugulo na uli ang buhay niya. Pagkatapos ng lahat, ngayon niya napatunayan na tama ang desisyon niya noon.
Si Peter ay kagaya lang ni Peter Pan sa kuwento nito. Hindi ito tumatanda, hindi ito nagbabago. He was always looking for fun. Hindi ito magseseryoso. Sasaktan lang siya nito.
Pero bakit ngayong may nagmamay-ari na sa kanya at kumbinsado na siyang naka-move on na siya ay nasasaktan pa rin siya?
Three Years Ago…
HALO-halo ang nararamdaman ni Wendy. Excited siya pero natatakot. Ito ang pinaka-unang beses na magtatravel siya ng mag-isa. Well, may mga kasama naman siya. Pero estranghero lahat ng iyon sa kanya.
Wendy arranged a trip with a European travel agency for a month. She will be touring Europe for a month. Bagong lugar iyon sa kanya. Pero dahil gustong-gusto niya talagang makapunta sa mga magagandang lugar roon, nag-take risk siya. Pangarap niyang makagala sa Europe.
Dalawang taon ng nagtatrabaho si Wendy bilang manager sa kompanya ng pamilya niya. Sa nakalipas na buwan ay na-stress siya. Nagkaroon kasi ng problema at nahirapan siyang gawan iyon ng solusyon. Kaya naman nang maayos niya iyon, nagdesisyon siyang magbakasyon. May ipon na naman siya kaya sa tingin niya ay kaya na niya. Iisa lang ang kinakatakot niya at iyon nga ay ang pagiging mag-isa niya.
Pero walang dapat ikatakot si Wendy. Ginusto niya ito. Ilang beses siyang kinulit ng Daddy niya at sinabing sasamahan siya. Siya ang makulit at sinabing kaya niya na mag-isa. Gusto rin niya. Gusto kasi niyang subukan kung paano mag-travel na mag-isa. Gusto niyang maranasan kung paano.
Masyadong family oriented si Wendy. Protective rin kasi ang parents niya. Panganay siya pero nag-iisang babae. Ganoon pa man, masaya naman siya. Mabait ang mga magulang niya. Makulit pero mabait at magalang naman ang mga kapatid niyang lalaki. Naiintindihan rin naman niya ang mga ito. Mahal na mahal lang siya ng mga ito. Ayaw lang naman siyang masaktan ng mga ito.
Pero malaki na ngayon si Wendy. Gusto naman niyang magkaroon ng bagong experience.
Kaya ko ito! Kumbinsi ni Wendy sa sarili. Nag-inhale at exhale siya bago pumasok sa area kung saan sila magkikita ng makakasama niya para sa one month Euro trip nila.
Pero ang sabihin na nagulat si Wendy nang makapasok ay kulang. Paano ba naman kasi, pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng isang babae at isang lalaki. They were kissing in front of her: torrid kiss. With tongue! Pinagpapawisan na nga pareho ang mga ito.
Pinagpawisan rin siya sa nakita. Kinabahan siya. Pulang-pula siya. Ganitong mga tao ba ang makakasama niya?
Well, dapat ay napaghandaan na iyon ni Wendy. Nasa Europe siya ngayon. Liberated ang mga taong makakasama niya kaysa sa mga tao sa Pilipinas kung saan siya tumira sa buong buhay niya.
“Hey,”
Mukhang napahiya naman ang dalawa nang makita siya. Tumigil ang mga ito. Napangiwi ang lalaki samantalang ang babae naman ang napasimangot. Mukhang mali pa siya. Ang lalaki lang ang napahiya pero hindi ang babae.
Siguro ay sanay na ang babae na makipag-make out. Sa dalawa, ito kasi ang mukhang European. Blonde ang buhok ng babae at napaka-mestiza ng kutis. Sa tingin niya ay Spanish ito. Samantalang maputi rin naman ang lalaki pero itim ang buhok nito. Mukhang may pagka-asian rin ang itsura nito. Singkit, hindi ganoon katangusan ang ilong at may makapal na labi. Hindi rin ito ganoon katangkad kagaya ng mga nauna niyang nakitang European. Sa tingin niya ay nasa 5’6 lang ang height nito.
“Hey, I’m sorry…” Tumingin sa kanya ang lalaki. Kakamot-kamot pa ito ng ulo. Mukhang sincere ito.
“We don’t have something to say sorry for…” Mukhang naasar naman rito ang babaeng kasama. Inirapan rin siya nito.
Nakayukong sumagot si Wendy. “I-Its okay…”
“Yeah, but it’s embarrassing---“
Itinulak ang lalaki ng babae. “Fuck you! So kissing me is embarrassing?!”
“Babe, it’s not that---“ Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nang sampalin ito ng babae. Umalis ang babae. Napabuntong-hininga na lang ang lalaki.
“Really, you don’t have anything to be sorry for. Have a good day.” Wika ni Wendy saka naglakad na at hinanap ang agent na mag-aasikaso sa kanya para sa tour.
Ganoon pa man, naging makulit ang lalaki. Sinundan siya nito kaysa sundan ang babaeng kahalikan. Kinuha nito ang maletang hila-hila niya.
“Let me help you.”
“No need---“
Natigilan si Wendy nang makitang namilog ang mata ng lalaki. Hawak-hawak nito ang tag ng maleta niya.
“Pilipina ka?”
Napakunot naman si Wendy. “Bakit?”
“Pilipino rin ako. I’m Peter.”
Inilahad ni Peter ang kamay. Sandaling nag-alinlangan si Wendy kung tatanggapin iyon. Peter made a bad impression. Tama bang magpakilala siya rito?
Pero Pilipino ito. Estranghero siya sa bansang ito at mabuti nga siguro na may kakilala siya. Tinanggap niya ang kamay ni Peter sa huli.
Para lang makaramdam ng pagsisisi.
Wendy felt a weird warm on her hand when Peter pressed her hands. Napakurap siya.
“It’s nice meeting you, Wendy…” Mukhang pati ang pangalan niya ay binasa nito sa tag.
Tumango lang si Wendy. Nagpaalam na siya kay Peter. May pakiramdam kasi siya na may panganib kapag nasa tabi ito dahil sa weird na naramdaman. At siguro ay dala na nga rin iyon ng bad impression niya rito.
Pero ayaw niyang isipin. She was on this tour to enjoy. Hindi niya feel si Peter at ayaw na rin niyang ma-feel ang naramdaman niya rito sa unang pagkikita pa lang nila. She was not good in handling awkward feelings.
FOUR days later at masasabi ni Wendy na nag-e-enjoy naman siya sa trip. Maganda ang accommodation ng tour agency at the best rin ang itineraries ng mga ito. Nagkaroon rin siya ng kaibigan---si Angela. Kagaya kasi niya, mag-isa lang ito na sumama sa joiner’s tour na iyon. Puro magkakarelasyon kasi ang mga kasamahan niya sa tour.
Kasama rin nila si Peter at ang kahalikan nila sa tour. Okay na ulit ito at ang babaeng nakahalikan nito. Pero kahit ilang beses siyang niyaya nito na maki-join rin dito at sa Spanish na girlfriend nito, hindi siya pumayag. Paano kasi kung makatingin ang Espanyola ay parang kakainin na siya. Kapag din kinakausap siya ni Peter ay parang magkaka-world war three sa pagkapula ng mukha nito.
Possessive ang babae. Ayaw niya ng gulo kaya pinili na lang niyang layuan si Peter. Isa pa, nag-e-enjoy rin naman siya sa company ni Angela. Halos magka-edad lang rin sila at magkasundo sa lahat ng mga bagay.
“Are you happy?” tanong ni Angela habang nasa Trevi Fountain sila. Magkahawak ang kamay nila. Affectionate masyado si Angela. Pero okay lang naman sa kanya dahil babae naman ito. Tinuturing na rin niya itong malapit na kaibigan. Kahit kasi sandali pa lang silang nagkakilala ay parang kilalang-kilala na niya ito. Palakuwento kasi ito.
“Yes…” sagot niya. Naghulog siya ng coin sa sikat na fountain sa Rome, Italy. Nag-wish rin siya pagkatapos.
Ginaya rin siya ni Angela. Nang matapos ito ay humarap ito sa kanya. Hinawakan pa nito ang pisngi niya. Titig na titig ito sa mata niya.
“Can you make my wish?”
“Ha?”
“You are my wish,” wika ng babae saka inilapit ang mukha sa mukha niya. Hinalikan siya nito.
Gulat na gulat si Wendy. Itinulak niya si Angela. “What the hell do you think you are doing?!”
“You like me. I made you happy,” Kinuha ni Angela ang kamay niya. Pinisil nito iyon. “And I like you, too. I’m a lesbian. Let’s be together, Wendy.”
Nawindang si Wendy. So binigyan pala ni Angela ng kahulugan ang pagiging malapit nila. Mali rin siya ng akala rito. Hindi pala ito sweet na tao. Sweet siguro ito sa kanya dahil may pakay ito.
Tumingin si Wendy sa paligid. Pakiramdam niya ay nasa panganib siya. Pero nang magkatinginan sila ni Peter na nakakunot-noo ay lalo siyang nakaramdam ng panganib.
Hindi malapit si Wendy sa iba nilang kasamahan sa tour. Nahihiya kasi siya. Isa pa, mga mukhang ayaw rin naman na maging malapit ng mga ito. Hindi friendly. Si Peter lang ang kasama niyang kinakausap-kausap siya bukod kay Angela.
Pero ayaw niya kay Peter. Natatakot siya. Naalala pa rin niya ang weird na pakiramdam ng kamay nito noong hawakan siya nito. Ayaw niyang maramdaman iyon. It doesn’t feel right.
Nilapitan siya ni Peter. Mukhang na-sense nito na may problema. O siguro ay nakita nito ang nangyari. Ayaw lang nitong kumilos kaagad.
“You did take it bad…”
Nagyuko ng ulo si Wendy. “A-ano ba itong napasukan ko?”
Gustong maiyak ni Wendy. Nandito siya para mag-enjoy. Pero paano siya mag-e-enjoy kung ganito ang sitwasyon?
Importante sa isang tour ang makakasama. Ni wala pa nga silang isang linggo. Sa ginawa sa kanya ni Angela, magiging awkward na ang lahat. Sa tingin niya, hindi na niya kaya pang kaharapin ang babae sa ginawa nito.
Sinubukan siyang yakapin ni Peter. “Be with me…”
Itinulak niya ito. “Isa ka pa!”
Naglakad na palayo si Wendy. As much as possible, she wanted to get out of this situation. Nasira na ang araw niya.
Sinundan siya ni Peter. Kinalabit siya nito.
Ngumisi si Peter. “At least, I’m a guy.”
Namula si Wendy. “Nakakainis ka.”
Tumawa si Peter. “Pero seryoso, Wendy. Sumama ka na lang sa akin. Napapansin ko kasi na parang natatakot ka. Mukhang hindi ka sanay na makihalubilo sa iba. First time mo ito na bumiyahe mag-isa ano?”
“Tama ka. Pero ano ang gagawin ko? Puwede ko bang ireklamo si Angela? Oo, alam kong puwede ko naman siyang pagsabihan. Pero sa ginawa niya sa akin, I don’t think I can look at her again…”
“Kaya nga sumama ka na sa akin. Trust me. Hindi kita gagawan ng masama,” Kinuha nito ang kamay niya. Pinisil pa nito iyon.
Napatingin si Wendy sa kamay na hawak ni Peter. Bigla-bigla, parang lumakas ang tibok ng puso niya. Weird ulit. Pero gusto niyang isipin na dahil iyon sa takot.
Kaya lang, bakit naman magiging takot ang lahat? Walang ginagawang masama sa kanya si Peter. Yeah, nakita niyang gumagawa ito ng makamundong bagay sa isang babae. Pero ano ba ang masama roon? Gusto naman ito ng babae.
Binitawan ni Peter ang kamay niya nang makita ang pagtataka sa mukha niya. Napakamot ito ng ulo. “Sorry na. Nakalimutan kong conservative ka nga pala,”
Lalo lang lumala ang pagtataka ni Wendy. Sa pagbitaw ni Peter ng kamay niya, pakiramdam naman niya ay nalungkot siya. Teka, ano nga ba talaga itong nararamdaman niya?
NAPABALIKWAS ng bangon si Wendy. Pawis na pawis siya. Napaginipan niya si Angela. She was kissing her again and it was rough this time. Pinipilit rin siya nito. Windang na windang at nandidiri siya kahit ngayong nagising na.
Nakausap na niya si Angela. Humingi na ito ng patawad sa kanya. Ipinangako nito na hindi na uulit. Nakikipagkaibigan ito ulit. Pero nag-aalinlangan siya kung tatanggapin. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang ginawa nito. Natatakot siya. Na-trauma na nga rin yata siya kaya napaginipan niya.
“Takot ka pa rin?”
Napakurap si Wendy nang makita si Peter sa tabi niya. Bukas ang lampshade. Nakaupo ito sa libreng upuan sa tabi niya.
“A-anong ginagawa mo rito?”
“Gusto kong bantayan ka…” Pinunasan nito ang pawis niya. Hinagod rin nito ang kanyang likod. “Mukhang masama ang panaginip mo, ah.”
Nagyuko ng ulo si Wendy. “Sa tingin ko ay aalis na ako sa tour.”
“Ha? Bakit?”
“Alam mo na kung bakit,” Napabuntong-hininga si Wendy. Siya ang may mali sa lahat ng ito. Nag-sorry na si Angela. Pero nanatili pa rin ang takot niya. Sa tingin niya, hindi siya magiging okay habang nakikita niya si Angela. Hindi naman niya ito puwedeng paalisin sa trip. Nagkamali ito, oo. Pero hindi iyon sapat para tanggalin ito.
“Sinabihan na kita na sumama ka na lang sa akin.”
Umiling si Wendy. “I prefer to be alone than to be with you.”
Iiling-iling si Peter. “Bakit ka ba nagagalit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa `yo, ah. In fact, binabantayan pa nga kita ngayon…”
Bakit nga ba? Tanong rin ni Wendy. Dahil sa awkward na pakiramdam. Dahil nakakatakot…
Tumingin si Wendy sa paligid. “Nasaan ang girlfriend mo?”
“Break na kami,”
“Ano? Bakit?”
“Dahil ayaw niyang bantayan kita. Anyway, don’t make it a big deal. There’s a lot of fishes on the sea. Hindi siya kawalan…”
“Peter…”
Tumayo si Peter. Humiga rin ito sa kama niya. “Sleep again, Wendy…”
Nagulat si Wendy sa ginawa ni Peter. Pero hindi siya makapagsalita. Dapat ay nagrereklamo siya o nagagalit man lang. Oo, Pilipino si Peter kagaya niya. At ang mga Pilipino sa iba’t ibang bansa ay dapat nagtutulungan. Binabantayan siya ni Peter ngayon kasi gusto siya nitong tulungan.
Kaya nga lang, iyon na naman ang malakas na tibok ng puso niya. Nakakatakot. Pero masarap…
Kinapa ni Wendy ang nararamdaman niya. Masaya siya kapag nasa piling ng pamilya. Masaya siya kapag nakikita o nabibigyan siya ng pagkakataon na makasama si Jeremiah---ang crush niya simula bata pa lang siya. Pero iba ang saya na naramdaman niya nang tabihan siya ni Peter. His body was close to her. Nagbibigay iyon ng init na nakakatakot dahil parang nakakapaso. Pero may kasamang kiliti kaya naman masaya.
“Hmmm… gusto mo bang kantahan pa kita?”
Umiling si Wendy.
“Anong gusto mo?”
Ang pakiramdam na nakikita ka… Napaamin si Wendy sa sarili. Iyon nga siguro ang totoong dahilan kung bakit natatakot siya. Mali kasi iyon. Bakit naman niya gustong makita si Peter? Well, siguro ay guwapo ito. Pero sa tingin niya, mas guwapo pa rin si Jeremiah. Mas kilala rin niya ito. Isa pa, hindi ito kagaya ni Peter. Gentleman ang lalaki. Hindi kagaya ni Peter na hindi man lang iniisip ang pakiramdam ng girlfriend nito ngayong basta iniwan na lang para sa kanya.
But maybe, life is crazy. Or feelings are.
Hindi sinagot ni Wendy si Peter. Pumikit na siya. Hinayaan niyang ang pagtulog ang maging sagot sa tanong nito. After all, gusto rin naman talaga niya. Madalas na kapag natutulog ay nagiging payapa ang isang tao. Hindi nga lang applicable sa nangayari sa kanya kanina. But normally, peace is what you get whenever you sleep.
She wanted peace. Kahit may pakiramdam siya na kapag hinayaan niyang pumasok si Peter sa sistema niya ay hindi niya iyon makukuha.
MAGAAN ang pakiramdam ni Wendy nang magising siya. Nanaginip ulit siya. Sa pagkakataong iyon ay maganda na iyon. Yakap-yakap raw kasi siya ni Peter sa buong pagtulog niya. Mali, pero nagustuhan niya iyon. His body gave wonderful warm on hers. It made her calm and feels nice. Nagsunod-sunod rin ang panaginip niya. Sumama na raw siya kay Peter. Nagquit naman ang girlfriend, well, ex-girlfriend nito sa tour nila. Ganoon rin si Angela. They travelled together. Napakaganda raw noon.
Pero panaginip nga lang iyon dahil nang magising siya ay walang Peter sa tabi niya. Medyo nakaramdam tuloy siya ng lungkot. Pero hindi niya akalain na mas masama pa pala ang mararamdaman niya sa nakitang itsura ng lugar kung nasaan siya.
Maliwanag na ang paligid. May araw na. Hindi puwede! Dapat ay kanina pa siya gising. Nasa itinerary nila na alas singko ng madaling araw sila aalis sa transient nila.
Bumangon si Wendy. Lumabas siya ng kuwarto at nakita roon si Peter. Bahagyang nakahinga siya nang maluwag. Naisip niyang baka naman nagkaproblema kaya hindi nakaalis. Wala man ang iba pa niyang kasama sa kuwarto ay inisip niyang baka nasa labas lang ang mga ito. Madalas na sinusulit ng mga ito ang pagpunta sa mga bansa na pinupuntahan nila. Kaya kahit oras ng pahinga, madalas na hindi nakikita ang mga ito sa transient.
Nang makita siya ni Peter ay ngumiti ito. Napakurap pa si Wendy dahil parang tumalon yata ang puso niya.
“Good morning...”
“Good morning rin,” Tumingin si Wendy sa paligid. Kahit isa, wala ang mga kasamahan nila. Napansin niyang wala rin doon ang iba pa nilang gamit. “Nasaan na ang mga kasama natin?”
“Nakaalis na.” Simpleng sagot lang ni Peter. Mukhang cool na cool pa ito. Niyaya pa siya nitong kumain ng breakfast. Nakabalot pa ang mga iyon. Halatang binili. Inihain nito ang mga iyon at kahit nakita na masarap, hindi niya doon itinuon ang atensyon.
“N-naiwan tayo?”
Tumango si Peter. “`Wag kang mag-alala, naiwan rin naman ang mga dokumento mo.”
“P-pero kahit na. Kailan daw sila babalik?”
“Hindi na sila babalik. We were got to go on our own…”
“Our?”
Gulong-gulo na si Wendy pero nanatili pa na kalmado si Peter. Ngumiti pa ito. “Sinabi mo sa akin na parang ayaw mo ng ituloy ang trip. Ayoko naman ng ganoon. I see how you are excited yet scared while we are visiting these new places. Kaya nagdesisyon ako. Kinausap ko ang tour head at sinabing hihiwalay na lang tayo…”
“Ano?!”
Ngumisi si Peter. “`Wag kang mag-alala, makakuha naman daw ng refund.”
“Pero hindi ka dapat magdesisyon para sa akin…”
“I know. It’s my bad. Pero nag-alala lang talaga ako sa `yo. Ayokong magquit ka at masayang lang ang tour. Puwede naman kitang samahan…”
“At naisip mong gusto talaga kitang kasama?”
Nilapitan siya ni Peter. “Sabihin mo ng mayabang ako o ano, pero oo. O siguro ay dahil gusto ko rin na maniwala na ganoon nga ang sitwasyon. Gusto ko rin na makasama ka, eh…”
Kinagat ni Wendy ang ibabang labi. Pinigilan niyang mamula sa sinabi ni Peter. Naguguluhan siya, oo. Pero ang isipin na gusto siya nitong makasama ay kinikilig siya.
Uggh, bakit nga ba? Ang daming tanong sa isip ni Wendy. Pero iisa lang ang pinaka-naloloka siya sa ngayon. It is really true: dreams do come true…