More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 19

Present

DIRETSONG nilagok ni Peter ang iniinom na alak. Tamang-tama na nagpunta pala siya sa bar ngayon. Mag-isa lang siya. Paano kasi, abala na sa kanya-kanyang buhay ang mga kaibigan niya. Si Wulfric ay magkakaanak na. Si Warren naman ay abala rin sa trabaho, sa pamangkin at sa girlfriend nitong si Snow. Parehong nakabalik na naman sina Andy at Rumple sa America. Abala na ang mga ito sa trabaho.

Pero kahit walang mga kaibigan, hindi napigilan si Peter. After all, medyo sanay na rin naman kasi siya. Malayo ang ugali niya sa mga kaibigan niya. Si Wulfric at Warren ay may pagkaseryoso at suplado. Ganoon rin si Rumple. Ni walang social life nga si Rumple. Napaka-workaholic kasi nito. Bahay at trabaho lang ang buhay nito. Samantalang romantic naman si Andy. Kahit ilang beses na niya itong pinagsasabihan na mag-girlfriend ay matindi pa rin ang paniniwala nito sa pag-ibig. He was waiting for the right one and the girl that God made for him.

As if.

May babae nga ba talaga na ginawa ang Diyos para sa isang tao? Para sa isang playboy na kilala ng nakakarami, napaka-bitter niya para tanungin iyon. But he was a playboy but a heart broken one. Isa sa dahilan kung bakit nagpunta siya sa bar.

Gusto niyang makalimot. Kailangan niya ng alak. Kailangan niya ng babae.

Pero bakit kahit maraming babae sa bar ang kanina pa nagpapansin sa kanya ay wala siyang mayaya sa table niya? Ganoon rin siya kanina. Nakipaglandian siya sa babae sa opisina. Pero kahit naging matindi ang paghahalikan nila, si Wendy pa rin ang nakikita niya.

Now, the girl was still contacting her. Puwede naman siyang may makasama. Pero parang naging choice na niya ngayon ang maging mag-isa. Hindi na niya pinansin ulit ang babae. Paano kasi, palagi niyang nakikita ang mukha ni Wendy sa mukha ng ibang babae. Ayaw naman niyang lokohin ang sarili niya at ang babaeng sasamahan niya ngayon. Hindi ito si Wendy.

Gustong-gusto niyang makita si Wendy. At sa kakaisip, natupad ang pangarap niya.

Nag-send sa kanya ang isang staff ng picture ni Wendy. It was her pre-nup photos. Kaya hindi lang si Wendy ang nakita ni Peter. It was also her future husband---Jeremiah.

Sinunod-sunod ni Peter ang pag-inom. Pero sino ba ang nagsabi na may alcohol content talaga ang alak? Bakit hindi niya maramdaman? Bakit walang talab? Sa dami-dami ng nainom na alak ni Peter sa mga nakalipas, hindi pa rin gumagaling ang mga sugat sa puso niya…

Ang ganda-ganda ni Miss Wendy `no?

Parang si Miss Wendy yata ang pinakamagandang bride na makikita ko.

I think this will be one of the best events of Happy Thoughts…

Hindi sinagot ni Peter ang mga sunod-sunod na message pa ng staff sa kanya. Best event? Paano magiging best iyon kung may masasaktan?

Nang malaman ni Peter na may boyfriend na si Wendy, gumuho ang mundo niya. Paano pa ngayong ikakasal na ito? Sa loob ng tatlong taon, sinubukan niyang kalimutan ang babae. Pero bigo pa rin pala siya.

Tumayo na si Peter. Walang silbi ang alak. Walang silbi ang ibang babae. Lolokohin lang niya ang sarili.

He will always be doomed. Mali siya. Hindi siya kagaya ni Peter Pan na nasa istorya nito. Hindi siya young at palaging masaya. Sa piling ni Wendy, pakiramdam niya ay ang tanda-tanda niya. Hindi kasi siya nito kayang mahalin. Hindi siya magiging masaya palagi kagaya ni Peter Pan.

Life adventures will be nothing without her.

Palabas na si Peter ng bar nang may isang pamilyar na lalaki ang nakita niyang papasok. Lumakas ang tibok ng puso niya nang makilala ang lalaki.

It was Jeremiah---Wendy’s soon to be groom. And the soon-to-be-bride is nowhere to be found. Sa halip, ibang babae ang nakita niyang kasama nito. Close na close ang mga ito at lahat ay maiisip na may relasyon ang mga ito.

Ilang beses na naasar si Peter sa kapatid. Ayaw niyang pamahalaan na ngayon ang business nito dahil kay Wendy. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-contact si Tink. Napilitan siyang maghandle ng mga events, kahit masakit.

Pero masasaktan pa rin nga ba talaga siya samantalang nakakita siya ng dahilan para hindi matuloy ang best event kuno na iyon?

Years Ago…

“THIS is not a good idea.”

Tinaasan ni Peter ng isang kilay si Wendy. “Ikaw lang siguro ang magsasabi na bad idea ang kumain ng ice cream kapag mainit na panahon.”

Lumabi si Wendy. Sandaling dinalaan rin nito ang ice cream na binili niya rito. Inuna na niya itong bigyan kaysa sa kanya. Pinauna rin niya munang makakuha ng ice cream ang mga batang lumapit sa stall kaysa sa kanya kahit gustong-gusto na rin niya. Mainit at nagke-crave na siya sa ice cream.

“Hindi. Ang ibig kong sabihin, itong patuloy pa rin nating paggala sa Europe na tayong dalawa lang…”

“Hmmm… masarap kaya na maging back packer.”

Hindi nagsalita si Wendy. Alinlangan ang reaksyon ng mukha nito. Kinabahan naman si Peter.

Dalawang araw pa lang simula nang mapilit niya si Wendy na umalis sa tour ng agency nila. Mali pero nagdesisyon siya para rito dahil natatakot siya para rito. At dahil gusto niya rin na makasama ito. Sila lang.

Gusto niya si Wendy.

Unang beses pa lang na nakita ni Peter si Wendy ay nagandahan na siya rito. Sa totoo lang, hindi ito ang tipo niyang babae. Maliit lang kasi si Wendy. Maganda ito pero hindi iyong ganda na pang-supermodel---ang mga babaeng madalas na na-attract at dine-date. But there was something about her that made him look at her all the time.

Noong una, gustong isipin ni Peter na dahil lang sa pareho sila ng lahi. Galing siyang America at halos doon na tumira sa buong buhay niya. Pero malakas pa rin ang dugong Pinoy niya. It amazed him that the tour will be joined by another Filipino. Pero habang tumatagal, nakukuha ni Wendy lalo ang interes niya. Mukhang napaka-inosente nito. Damsel in distress. Gusto niyang makita ang excitement na nakikita sa mata. Nalulungkot siya kapag nakikita na may halo rin itong takot.

Gusto niyang protektahan ito. At naisip ni Peter na magagawa lang niya iyon nang mas maayos kapag magkasama sila.

Kaya ikinatuwa niya na hindi naman iyon ganoong ikinagalit ng babae. Pero hindi nga, kung ganito ba naman na nakikita niyang may pag-aalinlangan sa kasama niya ay nakokonsensya talaga siya.

“You’re still scared.”

“You can say that. Pero sino ba naman kasi ang hindi? Hindi ako sanay sa ganitong buhay. Isa pa may bad impression ka sa akin. Playboy ka.”

“Hindi ba puwedeng magbago ang isang playboy?”

“Hmmm…”

“May trust issues ka ba?”

“Hindi naman sa ganoon. Pero paano kung isa rin ako sa mga paglaruan mo? Babae pa man rin ako.”

Hinawakan niya ang isang kamay nito. “Trust me. I won’t harm you. Isa pa, ito ang isipin mo. Kung gusto talaga kitang ipahamak, naggawa ko na dapat `di ba? We’ve been together for days…”

Mukhang nakuha naman ni Wendy ang punto niya. “What’s your plan after this?”

“We will ride a train to Austria later.”

“Hindi ako masyadong familiar sa Austria. Anong gagawin natin doon?”

“How about sky diving? I’ve heard they offered a good service on Salzburg…”

Ilang beses naman na napakurap ang babae. “S-so it’s like flying…”

“Yeah. Ilang beses na akong nakapag-sky diving. I feel good everytime…”

“Hindi pa ako nakakaranas noon…”

“Pero gusto mo?”

“It looks thrilling. At umalis ako ng bahay namin para sa adventure `di ba? Kaya sa tingin ko ay gusto ko…”

“Good girl…” Ngumiti si Peter.

“Pero makakaya ko kaya? I mean, hindi ako adventurist na kagaya mo…”

“Kaya mo. Isipin mo na kaya mo. At sa tuwing natatakot ka, just think of happy thoughts…”

“Like Peter Pan…”

“Yes, Wendy Darling…”

Kumurap si Wendy. Nahawa rin naman siya. Natigilan siya dahil parang may mainit na kamay na humawak sa puso niya. The Darling was supposed to be because of the character in the story. Darling naman kasi ang apelyido talaga ni Wendy sa kuwento. Pero pakiramdam niya ay nagamit niyang endearment iyon ngayon.

It feels nice.

Namula si Wendy. “Si Wendy Darling sa Peter Pan naman ang tinutukoy mo `di ba?”

Lumunok si Peter bago nagsalita. In-analyze rin niya muna kung tama bang hiritan niya si Wendy. Mukhang naguguluhan pa ito.

“Yeah. At parang twist of fate `no? My name was Peter and yours is Wendy.”

“Yeah. Pero ang totoo, nakuha ang pangalan ko sa kuwento na iyon. Even my siblings were named Michael and John.”

Peter was more than amused. “Wow. Destiny! Ako naman ang pangalan ng kapatid ko, Tinkerbelle.”

“Really? Ang cool! Destiny nga.” Ngumiti si Wendy. Iyon yata ang unang beses na nakita niyang ngumiti ito. Mukhang nawala na ang awkwardness na nararamdaman nito sa kanya.

“Hmmm...”

“Peter and Wendy were friends. So siguro nga, dapat na akong maging comfortable sa `yo…”

Friends. Ouch.

Nilapitan niya si Wendy kasi gusto niya ito. Puma-paraan siya. Pero sa una pa lang pala, basted na siya. Kapag ganoon, madalas ay bumibitaw na siya. Hindi siya kailanman namilit ng babae.

Pero nasaktan man, ayaw mawalan ng pag-asa ni Peter. Friends can turn to lovers naman `di ba?

HINDI natuloy ang plano nina Peter at Wendy na mag-sky diving. Sa araw kasi na dumating sila sa Austria ay nagkasakit siya. Nilalagnat siya. Nanatili na lang siya sa hotel.

“Y-you can go out if you want.”

Umiling si Wendy. “Dito lang rin ako…”

Umungol si Peter. “Sayang ang mga araw natin. Sabi naman ay may malapit ditong tourist spot. You can try and go alone. Kaya mo `yun.”

“Hmmm… Bakit ba? Ikaw itong namilit sa akin na magsolo tayong dalawa tapos hindi mo ako sasamahan? Unfair ka,”

Napatitig si Peter kay Wendy. “S-so gusto mo akong kasama…”

“You can say that…”

Kahit mabigat ang pakiramdam ay parang nawala iyon sa sinabi ni Wendy. Napaungol siya.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Wendy. “Hey, masamang-masama ba talaga ang pakiramdam mo? We can always go to the hospital.”

Umiling si Peter. Hinila niya si Wendy sa tabi niya. Magkasama sila sa isang kuwarto sa hotel para tipid. Pero may sari-sarili silang kama.

“Being with you is the only cure to any disease…”

Kinagat ni Wendy ang ibabang labi nito. She felt at ease first. Pero nawala rin maya-maya. Sa mga nakalipas na araw, unti-unti ng nagiging komportable sa kanya si Wendy. “Hmmm… ilang babae na ang nabanatan mo niyan?”

Kinindatan niya ito. “Ikaw pa lang.”

“Really…”

“Yeah, really…” wika niya saka niyakap ito. Noong una ay napapitlag pa ito. Naramdaman niya ang panginginig nito. Sumama ulit ang pakiramdam ni Peter. Natakot kasi siya.

Pero kung hindi gagawa ng paraan si Peter, paano siya makakaporma? “Can you stay? Please?”

“Peter…”

“Alam ko na natatakot ka, Wendy. Pero mas natatakot ako. Natatakot akong mawala ka sa buhay ko…”

Nakita niyang napalunok si Wendy. Siya naman ay gusto rin na mapalunok. Hindi na bago para sa kanya ang bumanat sa isang babae. Pero ewan ba niya at parang apektadong-apektado siya.

Parang totoo.

Well, totoo naman talaga. Gusto niya si Wendy. Gustong-gusto. Hindi siya namimilit ng isang babae. But he did with Wendy.

Peter wanted to be this close to her. Kung puwede nga lang sana palagi. Pero susubukan niyang gumawa ng paraan para maramdaman iyon.

Mananalo si Peter sa pagtatapos ng gala na ito. Mananalo siya sa puso ni Wendy.

“ICE CREAM again,”

Hindi maintindihan ni Peter kung iiling ba siya sa gusto ni Wendy. Magaling na siya ngayon. Nalibot na rin nila ang Austria at ngayon ay nakalipat na ng bansa. They just reached Prague. Sa halip na maghanap ng tutuluyan na hotel, ice cream stall ang hinanap ni Wendy sa Prague.

Humagikgik si Wendy. “Ice cream is life.”

“Yung totoo, ang makatikim lang ba sa bawat bansa na pinupuntahan natin sa Europe ang gusto mo?”

“Kind of. Pero pagbigyan mo na ako. I’m addicted to it,”

Hindi rin nakatanggi si Peter. Hindi siya marunong tumanggi sa babae. Pero mas malala yata ang kay Wendy. Kahit siguro sabihin nitong bumili siya ng ice cream shop sa bansang pinupuntahan nila para dito ay baka gawin niya.

“Bumili ka rin,” ungot nito sa kanya.

Umiling si Peter. “I’m sweet already. Hindi ko na kailangan niyan,”

Sa halip na madilaan ang ice cream, nakagat ni Wendy ang ibabang labi.

“What? Totoo naman `di ba?” Ngingisi-ngising wika ni Peter.

Sa mga nakalipas na araw, masasabi niyang naging close na sila ni Wendy. They’ve been together for weeks now. Sila lang dalawa palagi ang magkasama sa lahat. Kilala na nila ang isa’t isa at alam niyang mas kilala na siya ni Wendy. Ganoon pa man, na-amuse pa rin siya sa babae. She should have been comfortable with him and his thoughts. Yet, she still blushed everytime. Kagaya ngayon.

“Oo na…” Naglihis pa ng tingin si Wendy sa kanya. Pinagpatuloy nito ang pagkain ng ice cream. Nag-umpisa na rin itong maglakad. Matagal-tagal rin itong tumigil para lingunin siya.

“Ayaw mo talaga?” Itinaas pa nito ang ice cream sa pagitan nila.

Matagal na tinitigan ni Peter ang ice cream. Matagal rin namang hinintay ni Wendy ang sagot niya.

Gustong sagutin ni Peter si Wendy. Ang totoo, may gusto siya. Pero hindi ang ice cream. Kaya lang, may lakas na ba siya ng loob? At ano ang mararamdaman ni Wendy? Ilang beses na siyang nagparinig. But still, he felt that she was uncomfortable.

Paano ba magsisimula si Peter? Para sa isang lalaking maraming experience na kagaya niya, madali lang dapat iyon. Pero iba si Wendy. He felt something special for her that’s why he treats her that way, too.

Kaya lang, kailangan muna niyang makontento sa available ngayon.

Inilapit ni Peter ang mukha sa ice cream. Sakto namang ginawa rin iyon ni Wendy. Dahil manipis na ang ice cream, sa halip na mapagsaluhan nila ang pagkain, ang labi nila ang nagsalo.

Lumakas ang tibok ng puso ni Peter. Napatingin siya kay Wendy. Her face was red. Pero sa kabila noon, hindi nito inalis ang labi nitong nakadikit sa kanya.

Kailangan pa bang pigilan ni Peter ang kanyang sarili? Kung gugustuhin ni Wendy, dapat ay lumayo na ito sa kanya. Pero hindi. Hindi nito ginawa.

Gusto rin ni Wendy ang halik.

Peter grabbed the chance. Tuluyan na nga niyang hinalikan si Wendy. Kinagat niya ang labi nito. Napaungol siya nang maramdamang parang may tumalon sa puso niya. Lalo pa niyang inilapit ang sarili kay Wendy. Narinig niya ang malakas rin na tibok ng puso nito. Hindi rin nagtagal ay narinig niya ang ungol nito.

Wendy kissed her back. At walang magkaibigan lang na naghahalikan `di ba?

Present…

ANG SABIHIN na disappointed ay kulang pa para ilarawan ang nararamdaman ni Wendy. Sa araw na bibisitahin sana nila ang event venue ng napagkasunduang location para sa kasal nila ay hindi na naman ito sumipot.

“He’s giving you excuses, I guess.” Wika ni Peter. Dahil ito ang main event coordinator, kasama nila ito sa pagpunta sa event place. May isa pa rin silang dapat na kasama. Pero kagaya ni Jeremiah, nagkaroon rin ng emergency ito kaya hindi makakasama.

“He’s just a busy man…” Bumuntong-hininga si Wendy. Busy. Palagi na lang. Kailan ba matatapos ang pagka-busy ng lalaki?

“Kung palagi siyang ganyan, baka ma-delay ang kasal niyo.”

“Naiintindihan ko. Pero masama ba na gusto ko rin siyang makasama sa bawat parte ng kasal namin? Siya ang magiging asawa ko. He was also a main part of the edding. Gusto kong hintayin siya.”

Napansin ni Wendy na napatiim-bagang si Peter. “He’s not worth it.”

“Hmmm…”

Nagulat si Wendy nang hawakan ni Peter ang kamay niya. “We have to go…”

Napalunok muna si Wendy bago sagutin si Peter. His hands gave warmth to hers. Gusto niyang mapapikit ang mata para mas manamnam pa ang feelings.

“P-pero kung aalis tayo ngayon ay paano?”

Pinili ni Jeremiah na i-reschedule na lang ang pagbisita nila sa event. Ang sasakyan kasi nito ang naka-schedule na sakyan nila sa pagpunta sa Tuguegarao. May driver si Jeremiah kaya hindi sila mahihirapan. Pero dahil kailangan nito ang driver at ang sasakyan, hindi nila iyon magagamit.

May sariling sasakyan si Wendy. Pero hindi rin naman nila iyon magagamit dahil nasa auto shop iyon at kasalukuyang mine-maintenance. Wala rin na maipapahiram ang pamilya niya sa kanya as of the moment. Hindi nga lang niya sigurado kay Peter. Ang alam niya ay sa America ito naka-base kaya malamang ay hindi ito bumibili ng property sa Pilipinas. Hindi naman kasi nito magagamit. Isa pa, nakita niya ito minsan na gumagamit lang ng taxi.

“We will go to Tuguegarao by bus…”

Nanlaki ang mata ni Wendy. “Ano?”

Ngumisi si Peter. “Sa pagkakatanda ko, hindi ka naman maselan…”

He was thinking about our past Euro Trip. Biglang pumasok sa isip ni Wendy. Napalunok ulit siya. Sa pag-alala pa lang ng nakaraan nila, nag-iinit na rin ang buong katawan niya.

Pero hindi dapat. Naging masaya man ang tour nila sa Europe ay may lungkot rin iyon. Masakit.

Masasaktan lang si Wendy kung maapektuhan siya sa reaksyon ng katawan niya sa tabi ni Peter.

Ganoon pa man, inamin na naman niya sa sarili na naka-move on na siya `di ba? Kaya kung hahayaan niya na maapektuhan siya sa lakad nila ngayon ni Peter, maling-mali iyon.

But Wendy knew she has to try. Kailangan rin niyang makasigurado. Ikakasal na siya. Dapat lahat ng parte ng nakaraan niya ay nasa maayos ng lagay.

Hindi na pinahirapan ni Wendy si Peter para sumama siya.

“YOU’RE still so beautiful…”

Hindi pinigilan ni Peter ang sarili na sabihin iyon kay Wendy. Kakagising lang nito mula sa biyahe nila pa-Tuguegarao. Dahil mahaba ang biyahe, nakatulog ito. Sa balikat niya, sa bisig niya. Kaya siguro ganoon na lang kalakas ang loob ni Peter na sabihin ang mga salitang iyon kay Wendy.

Halos hindi nakatulog si Peter sa buong biyahe. Ang gusto lang kasi niya ay ang tignan si Wendy habang nasa biyahe. Naalala niya ang lahat ng alaala ng paglalakbay nila sa Europe. Pakiramdam niya, bumabalik ang mga nangyari noon.

Peter was lucky to have a chance again.

Siguro ay ginusto rin ng tadhana. O siguro ay nakasulat na talaga iyon. Sa tingin niya, hindi lang talaga pagiging abala ang dahilan kung bakit sumira sa usapan si Jeremiah. Pero hindi niya pa gustong sabihin kay Wendy ang lahat ng iyon sa ngayon. May mga plano pa siya. Natatakot siyang kapag nalaman na ni Wendy ang lahat, hindi na niya ito makikita ulit.

Paano pa kasi `di ba? Siguradong makikipaghiwalay ito sa lalaki. Hindi matutuloy ang kasal. Bilang wedding planner, mawawalan rin siya ng trabaho. Mawawala ang connection nila ni Wendy sa isa’t isa. At ayaw niya noon.

Pinili ni Peter na itago na muna kay Wendy ang lahat. Sa tingin rin naman kasi niya ay hindi siya ang dapat na magsabi ng lahat rito. It should be Jeremiah. Hindi ito dapat na magpakasal kay Wendy kung ganoong may ibang babae pa pala na gusto ito kaysa sa fiancée.

Iisa lang ang naiisip na paraan ni Peter na ikabubuti para kay Wendy. Sisiguraduhin niya na nandito lang siya para rito. Puwede siya nitong takbuhan. Puwede niyang palitan sa puso nito si Jeremiah. Puwede niyang mahalin ito.

Gusto niya. Kailangan niya.

At gagawin ni Peter ang lahat para mangyari iyon.

Three years had passed, yet he can’t still move on. Kapag si Wendy ang usapan ay malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin ito nalilimutan ng puso niya.

“G-good morning…”

Mukhang nag-sink in naman sa utak ni Wendy ang sinabi niya kahit bagong gising. Namula ito. Hinaplos naman niya ang pisngi nito.

“It’s always a beautiful morning whenever I see your face…”

Naglihis ng tingin si Wendy. “I-ilang babae na ba ang nasabihan mo niyan?”

Natawa si Peter. “At ilang beses ko bang sasabihin sa `yo na ikaw lang?”

Hindi nga ito ang unang beses na sinabihan ni Peter si Wendy na maganda ito kapag umaga o kaya bagong gising. He means it but she doesn’t believe. Naniniwala kasi itong malaro talagas iya sa babae. Well, hindi rin naman niya ito masisi. Nakita nito ang sitwasyon nila ng Spanish fling niya noon. Aminado rin naman siya na malaro talaga siya.

Pero kaya niyang magbago rito. Kung binigyan lang talaga siya nito ng pagkakataon…

“Hmmm…”

Kinuha niya ang kamay ni Wendy. “Nandito na tayo sa terminal. Magchecheck-in muna tayo sa hotel natin. Magpahinga ka muna ng ilang oras bago natin simulan ang trip papunta ng Callao Caves…”

“Yeah. But it’s okay. Sa tingin ko ay okay na ang tulog ko. Kapag nailagay na natin ang gamit sa hotel, puwede na tayong pumunta sa venue…”

Napili na ang Callao Caves sa Tuguegarao ang venue ng event ng kasal nina Wendy. Nature kasi ang theme na gusto ni Wendy. Nang i-present rin nila rito ang tungkol sa kakaibang venue na iyon ng wedding, nagustuhan nito iyon. Pero gusto muna nitong bisitahin muna ang venue bago tuluyang pumayag. May chapel sa loob ng Callao Caves. It was one of a kind.

“Hmmm, so you had a good sleep?” Nakakaloko ang ngisi ni Peter.

“Oo…”

“Dahil nakatulog ka sa balikat at bisig ko…”

Napakurap muna si Wendy bago sumagot. “Siguro. Pero sa tingin ko ay hindi naman na dapat pinag-uusapan iyon `di ba? We are together because of business…”

“So iyon lang pala ang tingin mo sa akin.” Parang may kumurot sa puso ni Peter.

“We’re friends…then. Pero sa tingin ko, mas okay kung tignan na lang natin ang sarili na nagsasama dahil sa business.”

“Hindi lang tayo friends noon.”

Hindi nagsalita si Wendy. Bumitaw ito sa kamay niya at tumayo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagpapaalala niya sa nakaraan.

Pero sa halip na masamain ang naging reaksyon ng babae, tumingin siya sa bright side.

Naiinis si Wendy dahil naapektuhan ito. At kung naapektuhan ito, may nararamdaman pa rin ito.

Ngumisi si Peter. Minsan na niyang sinukuan ang babae. Pero ngayong nakakita na siya ng dahilan para makuha niya ito, gagawin niya ang lahat para hindi mawala ang pagkakataong mahalin rin siya nito.

YUMUKO si Peter sa harap ni Wendy. Kanina pa niya nararamdaman na hindi pantay ang hininga nito. Nag-aalala na siya. Nahihirapan ito sa ginawa nilang pagpasok sa Callao Caves. Para kasi makapasok ay kailangan muna nilang dumaan sa hagdan na mayroong halos two hundred steps. Nakakalahati pa lang sila ay mukhang pagod na ito.

“Ride in my back…” wika niya sa babae.

Umiling ito. “Kaya ko pa.”

Umiling si Peter. “Namumutla ka na, o.”

“Magpahinga na muna tayo sandali.”

Pumayag si Peter at ang kasama nilang tour guide. Lumipas ang halos twenty minutes ay hindi pa rin nagsasabi si Wendy na kaya nito. Sa halip, nakapikit ito.

“Puwede tayong hindi tumuloy kung hindi mo talaga kaya…”

“Ayoko. Gusto ko pa rin na tumuloy…”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Pero kung dito ka ikakasal, you have to visit this place again. Gusto mo bang maging haggard bride?”

“Naninibago lang siguro ako kaya ganito. It’s been a while since I travel. Isa pa, the first time I saw the place in photos, I’m already curious and dying to see it. The place looks unique and romantic. Feeling ko, ito na ang perfect place para sa kasal namin ni Jeremiah.”

“Mahal mo talaga si Jeremiah para mag-effort ka ng ganito.”

“Hindi ko siya pakakasalan kung hindi…” simpleng sagot lang ni Wendy. Nagyaya na itong maglakad ulit.

Nasaktan si Peter. Pero ibinuhos na lang niya ang sakit na nararamdaman sa paglalakad na iyon. Dapat ay pinaghandaan na niya ito. Pagkatapos ng lahat, matagal na niyang alam ang katotohanan na iyon. Masakit nga lang talaga kasi dahil hindi siya ang pinili. Palagi siyang may kahati.

Parang kanta lang ang nararamdaman ni Peter: binabasura lang ng iba ang babaeng pinapangarap niya.

Nang makapasok sila sa kuweba at nakapunta sa Divine Chamber na parte ng Callao Cave ay malakas na napasinghap si Wendy. Kahit si Peter ay ganoon rin ang reaksyon. The view was breath-taking. Nakikinita na niya na magiging napakaganda ngang kasal ang gaganapin roon.

Wendy maybe look breathless when she will walk into the aisle there but it’s okay. Dahil hindi lang ang mahirap na daan papunta sa kuweba ang dahilan kung bakit ito magmumukhang pagod. She will be married and it will also took her breath away.

Isa siya sa mga dahilan noon. Dapat ay ikasal ito sa kanya.

Pumikit si Peter. Nasa harap siya ng isang simbahan.

“This is literally breath-taking…” Sa wakas ay nakapagsalita na si Wendy. Nang tignan niya ito ay may luhang tumulo sa mga mata nito.

Nilapitan ni Peter si Wendy. Pinahid niya ang luha nito.

Nagpatuloy pa rin si Wendy sa pag-iyak. Humikbi pa ito. “The wedding would be perfect…”

“Yeah. Para sa ating dalawa…” Hindi na napigilang sabihin ni Peter.

Kumunot ang noo ni Wendy. Tinaasan rin siya nito ng isang kilay.

“Magagalit ka ba kung sasabihin ko sa `yo na mas nai-imagine ko na tayong dalawa ang ikakasal kaysa sa napaka-abalang fiancé mo?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.