“I’M SORRY. Hindi talaga kita mapupuntahan diyan, Wendy. Just admit yourself in the hospital, okay? I’m really busy right now. Mamaya na kita kakausapin. Get well soon…”
Napabuntong-hininga na lang si Wendy sa sinabi ni Jeremiah. Tinawagan niya ito at ni-request na baka puwede ay masundo siya nito sa Tuguegarao. Nang matapos kasi nilang pumunta sa Callao Caves ay nanakit ang katawan niya. Nilalamig rin siya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.
Bukas pa ang balik nila sa Manila. Naka-check in sila ngayon ni Peter sa hotel. Pero kung kaya nga lang sana niya, magbabiyahe na siya ngayon. Kaya nga lang, ang bigat-bigat ng katawan niya. Tinawagan na rin niya ang mga magulang pero hindi rin daw siya masusunod nito. Ganoon rin ang mga kapatid.
Pero bukod sa masamang pakiramdam, may isa rin na dahilan kung bakit gusto na niyang umuwi. Hindi na niya makakaya pang matagalan si Peter.
It was so obvious. The guy is flirting with her.
Maling-mali. Oo nga at may pinagsamahan sila dati ni Peter. Pero hindi nila puwedeng ituloy iyon lalo na sa sitwasyon nila ngayon. Ikakasal na siya. Mali na isipin nito na sila ang ikakasal dahil wala naman silang relasyon.
Pero mas mali na naapektuhan si Wendy. Ilang beses na napaisip siya na paano nga kung si Peter ang kasama niyang ikasal sa kakaibang chapel na iyon? It felt nice. She would have a man who would support her for everything.
Ganoon pa man, palagi niyang tinatanggal iyon sa isip. Ikakasal na nga siya sa ibang lalaki. Nawalan na rin siya ng balita kay Peter sa mga nakalipas na taon. Paano kung babaero pa rin ito? Hindi puwedeng maging sila. Hindi ito magseseryoso. He would never settle. He is really such a big flirt. Matatalo siya kapag nahulog siya sa matatamis na dila nito.
Ayaw matalo ni Wendy. Ayaw rin niya na maloko ng isang lalaki. Madalas man na abala si Jeremiah, alam naman niya na kaya siyang panagutan nito. Hindi ito kagaya ni Peter.
Nagpahinga na lang si Wendy. Disappointed ulit siya sa fiancé. Pero inaasahan na rin naman niya iyon. Inisip na lang niya na matulog. Baka mawala rin ang sama ng pakiramdam niya kapag nakatulog na siya.
Kaya lang, ilang sandali pa lang ay nagulo na kaagad si Wendy. May kumatok sa hotel room niya. Mas lalong sumama pa yata ang pakiramdam niya nang makita si Peter.
“B-bakit ka nandito?” Nanghihinang tanong niya sa lalaki.
Hindi siya sinagot ng lalaki. Sa halip hinawakan nito ang leeg niya.
“Nilalagnat ka…” Sa tingin ni Wendy ay mas maputla pa ngayon ang mukha ni Peter kaysa sa kanya.
“Kailangan ko lang magpahinga.”
Tinalikuran na niya si Peter. Pero sa halip na umalis ito, pumasok pa ito sa kuwarto. Pumunta ito ng banyo. Nang lumabas ito ay may hawak na itong tabo. May basang face towel roon na mukhang nakuha rin nito sa banyo ng kuwarto niya.
“Just lay on the bed. Aalagaan kita…”
Bago pa man makaangal si Wendy ay ginawa na nga ni Peter. Pinunasan na nito ang katawan niya.
“H-hindi mo naman kailangang gawin ito…”
“Shut up. Gusto kong alagaan ka…” wika nito at patuloy pa rin sa pagpupunas ng katawan niya.
“Pero—“
“Isipin mo na lang na pagtanaw ko ito ng utang na loob sa `yo noong inalagaan mo ako. Isa pa, responsibilidad kita ngayon bukod sa ayaw ko rin na makitang nasasaktan ka…”
Hindi na nakapagsalita si Wendy. Napaungol na lang siya kasi nagustuhan niya ang pag-aalaga ni Peter. It was what she really needed right now.
Sinuklay-suklay rin ni Peter ang buhok niya pagkatapos. Minasahe pa nito ang ulo niya. Somehow ay gusto niyang maiyak. Bakit ang lalaki na hindi naman talaga siya responsibilidad ay nagawang alagaan siya? Bakit hindi si Jeremiah?
Kung si Peter na lang sana ang minahal niya… Hindi naiwasang maisip ni Wendy. Pero sigurado ba siyang hindi talaga siya masasaktan kung si Peter ang pinili niya noon? He had a reputation. She was scared to take the risk. Dahil sino lang ba naman siya `di ba? She’s just a girl he met on a holiday. Ang tawag sa mga kagaya niya ay holiday fling. Mas delikado iyon.
Naramdaman ni Wendy na espesyal siya. Pero nakita rin naman niya ang katotohanan. Kahit kailan ay hindi magseseryoso si Peter. At sabi nga nila, once a cheater, always a cheater.
Pero kahit bakit natatakot siya, gusto rin naman niyang makasama ito? Nag-iinit pa rin siya kapag hinahawakan nito. Napapalakas pa rin nito ang tibok ng puso niya.
O siguro kaya ganoon ay dahil nasasaktan siya. Binabalewala siya ng fiancé niya. And Peter was there. He was a sweet and charming guy. Kaya siguro nababaling ang loob niya.
Pero teka, bakit parang lalo yatang sumasakit ang ulo niya sa naisip? Parang niloloko lang niya ang sarili niya.
“Thank you so much…” wika niya kay Peter nang matapos ito sa ginagawa. It really bring relief.
“Magpapahanda akong dinner. Kailangan mong kumain para makainom ka na ng gamot.” Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. “You rest for a while, okay?”
“Peter…” Hindi na dahil sa init dala ng lagnat kaya namula si Wendy.
“A kiss can always make someone better, okay? `Wag mong bigyan ng malisya.” Pinindot nito ang ilong niya.
But I want to… Nakagat ni Wendy ang ibabang labi. What the hell she was thinking?
Maya-maya ay tumawa si Peter. “Inunahan na kita. Alam ko na kasi na maasar ka na naman sa akin. Ayoko na. Ayokong may masama tayong relasyon. It’s just that, I want to be honest to you. Totoo ang sinasabi ko sa `yo noong nasa cave tayo. Mas naiisip ko na ikaw at ako ang ikakasal sa chapel na iyon. It made me feel nice and light…”
“B-bakit mo naman naiisip iyon?”
“Dahil gusto pa rin kita kahit alam kong may mahal ka ng iba…”
Ilang beses na napakurap si Wendy. Tinignan niyang mabuti ang mga mata nito. She could read the hurt in it. Malinaw na malinaw. Pero teka, kung nasasaktan ito, hindi ba at seryoso na dapat ito?
MAGAAN na ang pakiramdam ni Wendy kinabukasan. Ganoon pa man, nagpumilit pa rin si Peter na manatili sila sa hotel. Baka raw kasi mabinat siya. Mahaba ang biyahe pabalik ng Maynila. Mapapagod siya at puwedeng makasama iyon sa kanya. They let another day passed just staying in the hotel. Maya’t maya ay chine-check pa rin nito. Inalagaan siya nito. Noong gabing may lagnat siya ay sa kuwarto na niya ito natulog para bantayan siya.
Natatakot man ay hinayaan na lang ni Wendy si Peter sa gusto nito. Mag-iinarte pa ba kasi siya? Ginagawan na siya ng mabuti ni Peter. Ang kailangan at mas mabuting gawin na lang niya ngayon ay ang i-appreciate iyon. Hindi rin naman mahirap. Gusto niya ang ginagawa ni Peter. She was touched. Buti pa ang isang kaibigan, nagagawang alagaan siya. Samantalang si Jeremiah ay hindi. Ni pagtawag nga ulit sa kanya ay hindi nito magawa.
Naiintindihan naman ni Wendy na mali na maging demanding sa fiancé. Pero gusto lang naman niya na maramdaman na pinapahalagahan siya nito. Pagkatapos ng lahat, magiging mag-asawa na sila. Hindi lang dapat nasa trabaho ang buhay nito.
“Sigurado ka bang okay ka na?” Tanong ni Peter ilang oras bago ang nakatakdang alis nila.
“Oo naman. `Wag ka ng mag-alala sa akin. You have done a lot for me already…” Itinuro ni Wendy ang bag niya. “Naihanda ko na nga ang mga bag ko, o.”
“Good.” Wika nito, mukhang tensyonado.
“M-may problema ba?”
“Hmmm… Hindi naman. It’s just that I changed plan. Balak ko sanang pumunta muna ng Ilocos bago bumalik ng Maynila. Sabi ng napagtanungan ko, puwede ka raw mag-commute mula rito papunta ng Ilocos. Hindi rin daw ganoon kahaba ang biyahe. Paikot kasi ito…”
“Oh. That’s nice.”
“Kaya kung balak mo ng umuwi, hindi kita masasamahan pabalik.”
“Yeah…” wika ni Wendy pagkatapos ay napakagat labi. Iyon naman kasi talaga ang gusto niya `di ba? Ang hindi na makasama pa si Peter. Ginugulo siya nito. Pero may isang bahagi niya kasi ang nalulungkot sa isipin na hindi niya makakasama si Peter.
At naiinggit rin siya sa lalaki.
Pagkatapos ng European Tour ni Wendy ay naging boyfriend na niya si Jeremiah. Masasabi niya na hindi ito sweet. Pero may pagka-possessive ito. Hindi man siya nito nabibigyan nang atensyon madalas, ang gusto nito ay naka-report pa rin ang lahat ng kilos niya rito. Kailangan niyang sabihin rito kung saan siya pumupunta at kung sino ang kasama niya.
Hindi niya iyon gusto. Nasasakal siya. Pero ganoon pa man, inintindi niya. Gusto at mahal niya si Jeremiah. Inisip na lang rin niya na karapatan rin naman nito bilang boyfriend ang magtanong ng ganoon.
“Pero kung kaya mo na, you can come with me, too…” Kinindatan siya ni Peter.
“Sa Ilocos?”
Tumango si Peter.
Ilang beses naman na napakurap si Wendy. Nagulo ang utak niya. Pero ano pa ba ang bago? Kapag nasa tabi niya si Peter, pakiramdam niya ay gulong-gulo talaga ang sistema niya. He has a big impact on her.
At naapektuhan rin talaga siya ng suggestion nito.
Dahil sa kahigpitan na rin ni Jeremiah, pinili na lang niyang huwag gumala na. Ayaw kasi niya ng ganoon na kailangan pang mag-report. Ayaw kasi niyang pumunta siya sa isang trip pagkatapos ay iisipin niya pa ang pakiramdam ng isang tao. When she goes on a trip, all she wanted to do was enjoy. Isa pa, naging busy rin siya sa trabaho. Hindi rin mahilig gumala ang mga kaibigan at pamilya niya. Lalo naman si Jeremiah. Ilang beses na niyaya na niya ito. Pero iisa lang ang sagot nito: no. Iisang beses lang niya itong nakasama sa isang out of town. Iyon ay noong mga panahong sinagot niya ito.
Ganoon pa man, may mga plano pa rin na puntahang lugar si Wendy. Isa roon ang Ilocos. She has heard a lot about the place. Maganda raw doon. She wanted to explore, too.
“So…?”
“Baka hindi ako payagan ni Jeremiah,”
Tumawa si Peter. “Really? Bakit naman hindi? Samantalang pinabayaan ka na niya `di ba?”
Bumuntong-hininga si Wendy. “He’s just busy. Intindihin na lang natin siya.”
“Sure, yeah. But come on, Wendy. Malaki ka na. Nakapag-European trip ka na nga `di ba? O baka naman mamaya natatakot ka pa na magalit ang parents mo.”
“No. My family is fine with it,” Simula nang matapos ang European Trip niya, pinagkatiwalaan na siya ng mga ito.
“Then…?”
“Gusto kong sumama.” Sinalubong ni Wendy ang mga mata ni Peter. Pakiramdam niya ay mas lumala ang pagnanasa niya. Gusto niyang pumunta sa Ilocos. Pero mas gusto pa niyang makasama si Peter. Looking in his eyes made her feel nice. And she wanted to feel nice…
Kahit ngayon lang.
Bahala na kung mali. Pagkatapos ng lahat, pakiramdam naman niya ay may mali din sa ginagawa sa kanya ni Jeremiah. For once, gusto naman niyang gumawa ng bagay na mali nga pero sigurado naman siyang makakapagpasaya sa kanya.
Kinuha ni Peter ang kamay ni Wendy. “You will always be welcome on my adventures, Wendy…”
I want to be welcomed on your life. At gusto kong nag-iisa lang ako. Nasa isip ni Wendy. Malaki man rin ang kagustuhan na isinantinig iyon, mas pinanaig pa rin niya ang tama. Mali na ang nararamdaman niya. At kung ilalabas pa rin niya ang lahat ng iyon, lalo ng magiging mali ang lahat.
“NOW you look and feel much better…” Nakangiting wika ni Peter nang ilagay niya sa ulo ni Wendy ang biniling brimmed hat. They were in Ilocos now. Totoo ngang napaka-init sa lugar. Nag-alala siya para kay Wendy. Kakagaling lang nito sa sakit. Kung maiinitan at mapapagod ito ay baka bumalik ang sakit nito. Siyempre, ayaw niya noon. Wala naman siyang makitang payong sa paligid kaya ang nakitang brimmed hat na lang ang binili niya.
“Thank you. Babayaran ko na lang ito mamaya, ha?”
“No need. I want to purchase things for you. Saka napakaliit na bagay lang naman niyan,”
Napakaliit lalo na kung ipagkukumpara sa damdamin na ibinibigay mo sa akin.
Wala na sigurong papantay sa sayang naramdaman ni Peter nang pumayag si Wendy na sumama sa kanya papuntang Ilocos. Ayaw pa niyang matapos ang pagsasama nila na silang dalawa lang. Wala naman siyang maisip na paraan para ma-stranded pa sila sa Tuguegarao. Hanggang sa may makapagkuwento nga sa kanya sa hotel na hindi naman ganoon kalayo ang Ilocos. Maganda raw na puntahan at galaan iyon.
Adventure, iyon kaagad ang naisip ni Peter. Naisip niya si Wendy. Gusto niyang kasama ito roon. Nagbaka-sakali siya, umasa at nagtagumpay. He was with Wendy again with an adventure.
Magiging masama ba kung sumobra pa siya ng hiling? He wanted an adventure of a lifetime with her.
Gusto niya ang presensiya ni Wendy sa tabi niya. An adventure is much more enjoyable whenever she was in his side. Wala rin siyang pakialam kung ginto man ang presyo ng brimmed hat basta alam niya na nasa maayos na lagay ito.
Nag-umpisa silang maglakad na ni Wendy. Inuna nilang puntahan ang Kapurpurawan Rock Formation. Hindi rin kasi iyon kalayuan sa resort kung saan sila nag-check in.
“Wow, so cool!”
Tinignan niya si Wendy at nakitang nakatingin ito sa mga kabayo sa lugar. Sa tingin niya, ginagamit iyon papunta sa mismong Rock Formation na nasa tabi ng dagat. Mukhang may kalayuan pa rin kasi iyon mula sa entrance at kung nasaan na sila ngayon.
“Gusto mo bang sumakay?”
“I would love to…” Nagniningning ang mata ni Wendy.
Pinagbigyan niya ito. Para itong bata habang pumipili sila ng kabayong masasakyan. Kinakausap pa nito ang mga kabayo.
Ngiting-ngiti tuloy siya. “Mukhang excited na excited ka…”
“First time ko, eh.”
“You missed a lot in life…”
“Siguro nga. Alam mo naman ang buhay ko. I’m kind of protected.”
Pinindot niya ang ilong nito. “That’s why you should choose a guy who will give you adventures and protect you at the same time…”
Choose me, Ang totoong ibig sabihin ni Peter.
“Hmmm…”
Namili na si Wendy ng kabayo. Nagdesisyon siyang hindi na lang sumakay. Maglalakad na lang siya sa pathway kung saan dadaan si Wendy at ang kabayo. Hindi niya hilig sumakay sa kabayo. Naaawa kasi siya. Hindi dapat sinasaktan ng ganoon ang mga hayop. Pero naiintindihan naman niya ang ginagawa ng ibang tao at ni Wendy---para sa karanasan lang iyon.
Inalalayan si Wendy ng staff para makasakay sa kabayo. Kaya nga lang, nang makasakay na ito sa kabayo at mabitawan ng staff ay gumalaw ang kabayo. Na-out of balance ito. Nahulog ito sa kabayo.
Parang nahulog rin ang puso ni Peter. Mababa lang naman ang kinabagsakan ni Wendy pero pinagpawisan pa rin siya sa pag-aalala.
Inunahan na ni Peter ang staff na tulungan si Wendy. “Anong masakit sa `yo? Shit! I should have known this would be a bad idea.”
Tinawanan lang siya ni Wendy. “Ano ka ba? Wala namang may gusto nito. Isa pa, hindi naman masakit.”
Tumayo na si Wendy. Sinabihan nito ang staff na sasakay ulit ito.
Pero inunahan na ni Peter si Wendy bago pa man ito makasakay. “Puwede bang dalawa kaming sumakay sa kabayo?”
“Ho? Oho naman, Sir. Puwedeng-puwede,” sagot ng staff.
“Sige. Sasakay ako kasama siya…” wika ni Peter.
Sumampa na si Peter ng kabayo. Kinuha niya ang kamay ni Wendy pagkatapos. “Are you serious? Sasakay tayong dalawa diyan?”
“Oo naman. Sa tingin mo ba, sasampa ako dito kung nagbibiro lang ako?”
“Eh di ba sabi mo, ayaw mo namang sumakay?”
“Masama bang magbago ang isip?”
“Hindi naman. Sige na nga,”
Si Peter na ang nagpaandar ng kabayo. Nasa unahan niya si Wendy kaya parang nakayakap tuloy siya rito. Hmmm, hindi rin pala masamang baliin niya ang paniniwala niya minsan. Masarap pa rin na sumakay sa kabayo lalo na kapag kasama mo ang babaeng palaging nasa isip mo.
Ngiting-ngiti lalo si Peter. Ramdam na ramdam niya ang katawan nito na malapit na malapit sa katawan niya. It was warm just like the feeling inside his heart.
“You smell really nice. Anong pabango mo?” Peter was feeling more enchanted because of her smell. Napakalapit nila sa isa’t isa kaya amoy na amoy niya.
Natawa si Wendy. “Was it addicting?”
“Yeah. But I guess the feeling that you are close to me is more addicting…”
May isang bahagi ni Peter na natakot sa kanyang sinabi. Paano kung masamain na naman ni Wendy ang mga sinasabi niya?
Pero sandali lang ang takot. Napalitan ulit ng saya ang pakiramdam niya nang ilapit pa lalo ni Wendy ang katawan nito sa kanya. Humilig ito sa dibdib niya.
“Very nice…”
Sandaling napapikit pa si Peter para mas maramdaman ang moment. Kung puwede nga lang na tumigil na ang oras. Sana ay ganito na lang sila palagi…
NATAPOS man nang mabilis ang horse back riding ay nagpasalamat pa rin si Peter. He had a magical moment. Nabigyan tuloy niya nang malaking tip ang staff na inalalayan pa rin naman sila nang makarating na sila mismo sa rock formation. Tuwang-tuwa ito.
Pero bukod sa staff, may isa pang taong tuwang-tuwa as of the moment.
“Peter, oh God!”
Nagulat si Peter nang bigla na lang siyang lapitan at yakapin pa ng isang babae. Ilang beses siyang napakurap, lalo na at hindi niya ito kaagad nakilala.
Tinampal ng babae ang braso niya. “Ikaw talaga. Nakalimutan mo na siguro ako sa dami namin sa buhay mo `no?”
Napangiwi si Peter. “I’m sorry.”
“I’m Zara. We met and hook up at the Golden Cash Clubhouse last year. Did it ring a bell now?”
Tatlong beses rin na pinaulit-ulit ni Peter ang pangalan ng babae para maalala niya. Napangiwi siya lalo. “Oh, yeah. The engaged girl…”
Bakit nga ba nakalimutan ni Peter kung sino si Zara? He made a big mistake when he hooked up with her. Malaro siya pero maingat siya. Hindi siya naninira ng relasyon. Iyon nga lang, pinaniwala siya ni Zara na single ito. Pagkatapos na may mangyari sa kanila, saka lang nito inamin na engaged na ito. Bored lang daw ito kaya ito nakipag-hook up sa kanya.
Wala naman sa kanya ang lahat. Sa una pa lang, alam na niyang isa lang si Zara sa mga girls that come and go. Hindi seryoso ang lahat. Ang hindi nga lang niya nagustuhan na nagsinungaling ito sa kanya. Nahihiya siya sa nangyari.
“Yeah,” Natawa lang si Zara. “But don’t worry, the engagement is off now. Kung gusto mo ulit ng good time, you can freely call me. Same pa rin ang number ko. I’m not also with someone today. Gusto mo bang malaman ang hotel room ko?”
Umiling si Peter. “I am with someone…”
“So what? For sure naman, hindi magtatagal ang babae mong `yan `di ba?” Tumingin si Zara kay Wendy. “After all, hindi siya kasing sexy ng mga babaeng kilalang dine-date mo…”
Umiling si Peter. “I really shouldn’t let myself involved with someone like you…”
Hinila na ni Peter si Wendy palayo kay Zara. Nang makalayo sila ay itinaas niya ang ulo nito. Nakayuko kasi ito. Mukhang ito pa ang napahiya sa ginawa ni Zara.
Napabuntong-hininga si Peter. Mukhang nasaktan si Wendy. He cupped both of his hands into her cheeks. “Maganda ka, okay? Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko…”
Pagak na tumawa si Wendy. “Marunong akong tumingin sa salamin, Peter. Alam kong mas maganda pa nga sa akin ang babaeng iyon.”
“But she doesn’t have a good heart. Niloko niya ako. Pinaniwala niya akong single siya noon when she was engaged. Hindi ako pumapatol ng mga babaeng may ka-relasyon na…”
“Yeah, pero kung ganoon, bakit mo hinahawakan ang pisngi ko at binobola-bola ako?”
Nakaramdam ng pagkapahiya si Peter. Bakit nga ba? He made rules to himself. But maybe, rule makers are also rule breakers. O siguro ay totoo nga. Kapag talagang tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi ang sundin ito.
Kahit mali. Kahit alam niyang matatalo at masasaktan lang rin ulit siya sa huli.