More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 21

MAAGANG nagising si Wendy kaya naisip niyang mag-morning walk. After all, malapit sa beach ang resort nila. It’s always a good idea to walk on the beach. Lalo na at napakaganda ng beach sa Pagudpud. Malinis ang tubig at pinong-pino ang buhangin. Napakaputi rin noon. Sa lahat ng beach na napuntahan niya, iyon na yata ang pinakamaganda.

Sa paglalakad ni Wendy ay nakakita rin siya ng tattoo artist. Bigla siyang na-excite. Matagal na niyang gustong magpa-tattoo. Gusto niyang magkaroon kahit Henna lang. Lumapit siya sa tattoo artist at namili ng design. Hindi ito mahal magpresyo at mukhang maganda rin ang gawa dahil na rin sa mga naka-post na photo ng mga naggawa raw nitong service.

“Saan ba magandang magpalagay?”

“Magsusuot ba kayo ng swim suit, Ma’am? Paborito ng mga turista rito na magpalagay sa lower back. Suggestion lang.”

“Oh, yeah. Mukhang maganda nga. Sige, doon na lang rin ako…”

Nagpalagay si Wendy ng butterflies tattoo sa artist sa lower back niya. Kinunan pa nito ng larawan ang tattoo pagkatapos.

Namangha si Wendy. “Ang ganda. Thank you so much!”

Binayaran niya ang tattoo artist. Nang matapos ay nakita niya si Peter. Mukhang may hinahanap ito. Pawis na pawis ito. Mukhang tensyonado rin ang mukha nito. Pero nang makita siya ay gumaan ang itsura ng mukha nito.

Niyakap siya nito. “Oh God, I thought I lost---“

“Stop!” wika ni Wendy nang maramdaman na malapit ng pumunta sa parte kung nasaan ang tattoo niya ang kamay ni Peter. Hindi pa ganoon katuyo iyon.

“What?”

Ipinaliwanag niya sa lalaki ang tungkol sa tattoo.

Tinignan iyon ni Peter. Kunot na kunot ang noo nito.

“What the hell are you thinking?”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “You sound mad. Wala namang masama sa pagkakaroon ng tattoo, ah.”

Dumilim ang mukha nito. “Is that tattoo artist a male or a female?”

“Male. So?”

“At sa parte pa talagang `yan ka nagpa-tattoo! How could you be so insensitive?”

Napamaywang si Wendy. “Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganito…”

“Ayaw ko lang ng feeling na nababastos ka.”

“Hindi bastos ang artist. At sa tingin ko ay hindi naman maselan na part ng katawan ang lower back.”

“Ayokong hinahawakan ka ng ibang lalaki.”

Mukhang seryosong-seryoso si Peter. Sa boses rin nito ay kayang-kaya niyang akusahan na nagseselos ito. And somehow, parang nagustuhan niya iyon.

Mali na naman.

Haay, Peter. Ilang dasal at kumpisal ba sa simbahan ang kailangan kong gawin dahil sa ginagawa mo sa akin?

Kung nagseselos si Peter, ibig sabihin lang ay may nararamdaman talaga ito.

“I-I am not yours, Peter…”

“But I want you to be mine…” Sinalubong ni Peter ang mga mata niya/ He held her again. He let his body close to her.

Nangatog ang tuhod ni Wendy. Bakit ba siya pinagkakanulo ng sarili niyang katawan?

“Seryoso ako, Wendy.”

“Peter…”

“I want to make a truce with you…”

“Would it be a good idea?”

Hah, Wendy! Ang kapal mong magtanong niyan. Alam mo sa sarili mo na ang pagsama at paglapit mo kay Peter ay bad idea na! Paano pa kaya ang pakikipagpustahan?

Gamble is bad. Lalo na at kapag involved si Peter. Nakikisali kasi palagi ang puso niya kapag ito ang usapan.

It’s so bad to gamble in love. Especially with a man like Peter…

Hindi siya sinagot ni Peter. He let their eye contact went deep that she almost felt dizzy with all the feels.

“Kalimutan mo si Jeremiah. Kalimutan mo na engaged ka. Date me. Be with me. Feel what I feel for you. Kahit ngayon lang. Kahit isang araw lang. Pagbigyan mo ang ilusyon kong magugustuhan at mahuhulog rin ang loob mo sa isang kagaya ko…”

“IBIBILI kita ng maraming ice cream kapag natapos kang mag-zipline.” Pakikipag-bribe ni Peter kay Wendy. Nagdesisyon silang i-try ang zipline na major attractions sa resort kung nasaan sila ngayon.

Noong una ay mukhang excited si Wendy na mag-zipline. Masaya ang timpla ng mukha nito at pumayag rin ito kaya alam niyang gusto nito. Kaya lang, nang makaakyat sila para magsimula ng mag-zipline ay nabahag ang buntot nito. Gusto na daw nitong bumaba.

“K-kaya kong bumili ng maraming ice cream. May trabaho naman ako. May pera ako. Wala akong pakialam sa ice cream. Ang hindi ko kakayanin ay ang mag-zipline…”

Nanginginig si Wendy. Niyakap niya ito. “I’ll be with you.”

Umiling si Wendy. “Ayoko pa rin.”

“Wala kang tiwala sa akin,” Bumuntong-hininga si Peter. Napailing-iling rin siya.

“Hindi naman sa ganoon. It’s just that, nalulula ako! Isa pa, napakahaba ng zipline na `yan…”

“So what? Paano pa kaya kung natuloy tayong mag-sky diving sa Austria noon?”

“Natatakot talaga ako.”

“Walang mangyayaring masama sa `yo. Learn how to trust, okay? At alalahanin mo. Nandito lang ako. Pagkatiwalaan mo ako. I won’t let anything bad happen to you…” wika ni Peter saka hinalikan ang noo ni Wendy.

Sa halip na magreklamo dahil sa “kapangahasan” niya, pumikit si Wendy. Mukhang kinakalma na nito ang sarili. Napangiti nman siya. Nararamdaman niyang mapapayag na niya si Wendy.

Hinawakan niya ang balikat ni Wendy. “Experiencing riding a zip line is like flying, Wendy. Palagi mong isipin ang fairy tale na Peter Pan kapag ginagawa mo ang ganitong bagay. Because Peter Pan once said, you close your eyes and think about something you really want with all your heart and believe... you’ll fly…”

Nagmulat ng mata si Wendy. “S-so ang kailangan ko lang talaga ay magtiwala.”

“Yeah. Masarap ang lumipad, Wendy. I’ve tried a lot of activities that’s like flying. Sky diving, ziplining, building jumping and para-sailing. It’s one of a kind experience…”

“Ang adventurist mo talaga,”

“It’s fun.” Tinitigan niya ang mata ni Wendy. “Pero kapag nakikita kita, gusto ko ng ipagpalit ang flying bilang best experience ko.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“It’s not flying. It’s the opposite of that actually. Masarap pala ang ma-fall. Ang ma-fall in love sa `yo…”

Namula si Wendy. “Peter…”

Hinawakan niya ang kamay nito. “You agree for a day without thinking of your engagement with Jeremiah. Hayaan mo akong lubusin ang araw na puwede kong sabihin na akin ka…”

Nagtaas ng tingin si Wendy. Maya-maya ay ngumiti ito at tumingkayad sa kanya. Hinalikan nito ang labi niya.

Sandaling napakurap si Peter. “What was that?”

“Nothing. Mag-zipline na tayo?” wika nito saka humagikgik.

Napaungol si Peter. “I guess, zipline is not a good idea now…”

Pinindot ni Wendy ang ilong niya. “Oh no. Ikaw ang nagpush sa akin kanina na mag-zipline pa rin kahit natatakot ako tapos ngayon ay aayaw ka? That’s bad. That’s unfair.”

Peter snorted. “Fine. Hindi na lang ice cream ang ibibigay ko sa `yo ngayon pagkatapos ng zipline. It should also be kisses. Thousands of it…”

“Yeah. I think I would love that, too…”

Kinontento na muna ni Peter ang sarili sa pag-iisip na lang ng mga halik na pagsasaluhan nila. But even with just the thought, it made him feel very contented and happy.

Sa piling ni Wendy, pakiramdam nga niya ay totoo ang kuwento ni Peter Pan. May neverland nga. It was a place he could live happy and fun forever. But it was also literally a neverland. Dahil hinding-hindi nga siya palaging naroroon. May nagmamay-ari ng iba si Wendy. Pinagbigyan lang siya.

Isang araw lang ito. Pagkatapos noon ay wala ng magic. Maniniwala pa nga ba siya sa fairy tales? He wanted to. After all, sabi nga nila there is a rainbow after the rain. Lahat naman ng tao ay dumadaan sa pagsubok.

Kaya nga lang, masusuklian ba ang lahat ng paghihirap ni Peter kung makasalanang paraan naman ang ginagawa niya para maging masaya lang?

“MAY BAGO na akong ipagpapalit sa ice cream. Puwede kayang mag-uwi ng isang kahon nitong Ilocos Empanada sa Maynila?”

Nakaka-apat ng kain si Wendy nang Ilocos Empanada ngayong araw pero hindi pa rin siya nagsasawa. Feeling nga niya ay hindi talaga niya pagsasawaaan. Sarap na sarap siya. Hindi na niya inisip ang mga pangakong ice cream ni Peter kanina. Simula bata siya ay hilig na niyang kumain ng ice cream. Pero kaya niyang ipagpalit ang Empanada para dito ngayon.

“Silly. Sa haba ng biyahe natin pabalik ng Maynila, baka masira sila.”

Sumimangot si Wendy. “Sayang naman…”

Niyakap siya ni Peter sa baywang. “Just enjoy it while it’s there. Gayahin mo ako. I just enjoy these moments that I am with you while it lasts…”

While it lasts… Lalong mas gustong mapasimangot ni Wendy. Nalungkot siya, lalo na sa sitwasyon nila ngayon.

Kasalukuyan silang nasa beach area pa rin ni Peter. Pinapanood nila ang sun set. So iisa lang ang ibig sabihin: papatapos na ang araw.

Patapos na ang araw na magkasama sila at walang pakialam sa realidad ng mundo.

Kasalanan ang ginagawa ni Wendy na pagbigyan si Peter sa gusto nito. Hinayaan niyang ang kagustuhan na makasama rin ito. Hindi niya inisip si Jeremiah at ang katayuan nito sa buhay niya. She live like she was single. Pero mas kasalanan na gusto niya pa lalong ipagpatuloy iyon.

Ayaw niya pang matapos ang araw na ito. Gusto niya si Peter. Pero kahit gusto man niyang aminin rito ang lahat ay pinipigilan niya.

She was already engaged with Jeremiah. Masasaktan ang lalaki kapag umatras siya. Pero hindi lang ito. Ganoon rin ang pamilya niya. Dahil nga matagal na silang niloloko sa isa’t isa, alam niyang botong-boto ang mga ito sa lalaki. Kapag umatras siya, baka maging gulo pa iyon.

Alam naman ni Wendy na masama rin na lokohin ang kanyang sarili. Magpapakasal siya sa iba samantalang mas ginugulo ang sistema niya ng ibang lalaki. Ganoon pa man, kinukumbinsi na lang niya ang sarili na ang nararamdaman niya kay Peter ay panandalian lang. Siguro kaya rin niya nararamdaman ito ay dahil nasasaktan siya sa pambabalewala sa kanya ni Jeremiah. Kailangan niyang maramdaman na may lalaki pa rin na nagkakagusto at pinapahalagahan siya.

Humilig si Wendy sa dibdib ni Peter. She heard the fast beat of his heart. Sinabayan naman iyon ng malakas na tibok rin ng puso niya. It felt like their hearts duet. It creates a perfect symphony. Or maybe, perfectly imperfectly symphony. Masarap man sa pakiramdam na makasama si Peter, kailangan niyang ilagay palagi sa isip na matatapos rin iyon.

“Can I kiss you?”

“Hmmm… how very gentleman you are to even ask…” tatawa-tawang wika ni Wendy. Ibinaba niya ang paubos na rin naman na empanada. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito. Siya na mismo ang tumupad sa gusto ni Peter.

Their lips met and butterflies went rage in her stomach. Pagabi na pero ang katawan niya ay parang nasa temperature ng tanghali: ang init-init. Peter was a good kisser. She will really miss the way he kissed her.

Napakaganda ng lahat ngayon at nakakaiyak talaga ang isipin na matatapos na iyon. May tumulong luha sa mata ni Wendy.

“Bakit ka umiiyak? Nalulungkot ka ba?”

Yes. “I-I guess, it’s tears of joy…”

Hawak-hawak ang mukha niya ay tinitigan nito nang mataman ang mata niya. “Say that you love me. If you do, I’m going to fight for you.”

Mukhang seryosong-seryoso si Peter at gustong mapaiyak ni Wendy. “A-am I worth the fight?”

Hinalikan ulit siya ni Peter. “You are worth everything…”

Lumambot ang puso ni Wendy. Napakasarap na maniwala. Kaya nga lang, kagaya pa rin pala siya ng sarili niya three years ago: takot pa rin siyang maniwala at magtiwala kay Peter…

Three Years Ago

DALAWANG araw na lang at babalik na ulit si Wendy at Peter sa Pilipinas. Halo-halo ang emosyon niya. Masaya dahil kahit nagkagulo noong una ay nalibot naman nila ni Peter ang mga gusto nilang puntahan. Gusto rin niya na kasama ito. Pero mas lalong gusto niya ang mga damdamin na ibinigay nito sa kanya.

Gusto na ni Wendy si Peter. Sa tingin rin niya ay mahal na niya ito. Kahit magkasama naman sila palagi, ito pa rin ang laman ng puso niya. She likes the way he touches, holds, hugs and even kissed her. He took care of her, too. So much. Hindi na iyon klase ng pag-aalaga na binibigay lang ng isang kaibigan. Pakiramdam nga niya, hindi na lang sila magkaibigan lang sa ginagawa nila.

Walang confirmation pero para na silang magkarelasyon ni Peter. Ganoon pa man, kung walang balak pang umamin si Peter, mayroon siya. Gusto niyang maging matapang. Hindi niya gustong tignan ang pagiging malaro ni Peter sa mga babae. Hindi naman kasi niya nakikita iyon.

Sa isang buwan na magkasama sila ay nasa kanya lang ang atensyon ni Peter. Kung talagang playboy ito, hindi naman siguro ito makakatagal na siya lang palagi ang kasama `di ba? After, it’s a month. It’s already a long time. Wala rin siyang makitang kahit anong fishy na kilos nito para magduda siya na may iba pa talagang babae bukod sa kanya.

Nakuha na ni Peter hindi lang ang puso niya, ganoon rin ang tiwala niya.

Paris, France ang huling destinasyon nila para sa kanilang European Trip. Naisip ni Wendy na iyon ang pinakamagandang lugar para ipagtapat niya rito ang lahat. After all, sigurado na siya sa nararamdaman niya.

Sa isang hotel na tanaw ang Eiffel Tower sila naka-check in. Sa parehong kuwarto pa rin sila natutulog. Pabor at okay lang naman iyon sa kanya. Mas mahal kasi kapag nag-separate rooms pa sila. Isa pa, mabait naman si Peter. Sa kabila ng bad impression nito sa kanya, gentleman naman pala nito. Nirespeto siya nito bilang babae.

One hour ago ay nagpaalam sa kanya si Peter na pupunta lang daw sa labas. May kailangan lang daw itong bilhin sa convenience store. Pagod siya kaya hindi na niya ito sinamahan. Nagpahinga na lang siya sa hotel. Pero nag-alala siya nang magising at wala pa rin si Peter. Sandali lang dapat ito. What took him so long?

Nasagot naman ang tanong ni Wendy nang makarating siya sa lobby ng hotel. Nakita niya sa may entrance si Peter. She was with a girl…and kissing her.

Nadurog ang puso ni Wendy.

Nagtiwala siya kay Peter. Mabait ito, oo. Pero mali siya. Kulang pa ang isang buwan para talagang makilala niya ito. O siguro ay nakilala na naman niya ito. Alam niya na playboy ito. Pero pinili niyang huwag tignan iyon. Nabulag siya sa pagiging sweet, maalalahanin at maalaga nito.

Pero bakit ba hindi niya naisip? Natural na sa mga kagaya nito ang ganoong katangian. Naging tanga siya. Hindi siya dapat nagpauto basta-basta.

Pinahid ni Wendy ang luhang tumulo sa mata niya. Nagkamali siya. Pero okay lang. Magiging okay rin siya. At least, bago niya gawin ang pinaka-katangahan niya na pag-amin rito ay nakita na niya ang lahat. She was saved from embarrassment.

Kinalma ni Wendy ang sarili. Maya-maya pa ay tumunog ang cell phone niya. Someone was calling.

It was Jeremiah.

It’s a sign.

Matagal na niyang crush si Jeremiah. He was her dream man. Kung may tama lang sigurong pag-alayan niya ng pag-ibig, si Jeremiah na iyon.

“Where are you right now?” Tanong nito pagkatapos ng mga pagbati.

Sinabi ni Wendy rito ang totoo.

“Really? I would love to go there, too. I can book my flight now and join you..”

Ilang beses na napakurap si Wendy. Hindi siya makapaniwala. Matagal na silang niloloko sa isa’t isa pero hindi pa siya kailanman niyaya ni Jeremiah na lumabas. At ngayon, hindi lang iyon bastang date. It was a tour in Paris. It’s the City of love…

Pumayag si Wendy. Sa tingin niya, ang pakikipaglapit kay Jeremiah ang pinakamagandang paraan para makalimutan niya si Peter sa puso niya.

Present,

NAKONSENSYA si Wendy sa ginawa niya sa Ilocos. Kaya naman nang makabalik sa Maynila at makapagpahinga, ang sumunod na ginawa niya ay ang bisitahin si Jeremiah. Pinagluto niya ito ng lunch at balak na sorpresahin sa opisina nito. After all, iyon naman ang mabuting gawain ng isang girlfriend.

Wala rin namang gagawin si Wendy sa buhay ngayon. Nang magpropose sa kanya si Jeremiah ay tumigil na siya sa trabaho. Iyon rin kasi ang gusto ng lalaki. Gusto kasi nitong masanay na siya sa buhay sa bahay. Ang gusto nito ay maging house wife siya kapag naikasal sila. Pumayag siya para mas maasikaso niya ang kasal. Wala rin problema sa kanya ang pagiging house wife. Kung iyon rin kasi ang makakapagpasaya kay Jeremiah ay gagawin niya.

Nagluto si Wendy nang pinaka-best niyang recipe para kay Jeremiah---chicken adobo. Nagbake rin siya ng cookies para sa dessert nito. Nagbihis rin siya ng maganda. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Jeremiah. After all, nandito siya para bumawi sa lalaki `di ba?

Ito lang ang nakikitang paraan ni Wendy para makabawi kahit papaano kay Jeremiah. Naging makasalanan siya sa mga nakalipas na araw. Gusto niyang makalimutan si Peter. Kailangan niyang ibaling ang interes sa iba.

Dumating si Wendy na wala man lang sumalubong sa kanya sa opisina. Samantalang alam niya na dumadaan muna sa sekretarya ng lahat ng bisita. Fiancee siya ni Jeremiah pero biglang paggalang na rin sa lalaki ay gusto muna niyang makipag-usap sa sekretarya. Kaya nga lang, wala ito.

Bakit kaya? Hindi pa naman lunch time. Dapat ay nasa puwesto pa nito ito.

Pero mabilis na nasagot ang tanong ni Wendy nang umarangkada ang curiousity niya. Nakarinig kasi siya nang mga ungol. Galing iyon sa mismong close room office ni Jeremiah. Out of curiousity o siguro ay dahil nakaka-sense siya ng something trouble, naglakas loob na siyang pumasok.

Nahuli ni Wendy si Jeremiah na nasa opisina at kahalikan at halos hinuhubaran na ang sekretarya nito!

“Wendy!” Halos malaglag sa upuan si Jeremiah nang maramdaman ang presensiya niya. Samantalang ang sekretarya

Pumunta si Wendy sa opisina ni Jeremiah para bumawi rito. Pero hindi na pala kailangan. Hindi rin niya kailangang humingi ng tawad…

They were even. Niloloko rin pala siya ni Jeremiah.

“Wendy, puwede akong mag-explain.” Inayos ni Jeremiah ang sarili nito at nilapitan siya.

“Okay lang, Jeremiah.” Hindi naman mahirap para kay Wendy na sabihin ang mga salitang iyon. Okay lang naman talaga. Parang nakahinga siya nang maluwag sa isipin na hindi lang siya ang nagloko.

At may dahilan rin siya para makipaghiwalay.

“Anong sinasabi mo? We’re getting married. This is not okay…”

“Sigurado ka ba talagang gusto mo akong pakasalan samantalang ibang babae ang pinagnanasaan mo?”

Namutla si Jeremiah. “Wendy…”

“It’s okay. Kung nahihiya kang aminin sa pamilya mo o sa akin ang lahat, we can come up with another reason. After all, parang ganoon rin naman ang ginawa ko sa `yo…”

Napakunot noo si Jeremiah. Nagtanong at sa huli ay napaamin rin siya. After all, he deserved it, too. Naintindihan rin naman siya nito.

“I like you, Wendy. I-It’s just that, I like Rachel more…” wika nito, ang tinutukoy ay ang sekretarya. “Kaya nga lang, alam kong hindi siya ang babaeng magugustuhan nina Mommy at Daddy para sa akin. She’s a single mother. Kilala mo naman ang parents ko. Conservative at may pagka-judgmental sila. Natatakot akong hindi siya matanggap ng parents ko sa huli.

“Kung talagang gusto mo siya, maging matapang ka…” payo niya sa lalaki. Napatango-tango ito, mukhang napaisip.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Wendy. Matapos makipag-ayos sa ex-fiance ay umalis na siya sa opisina nito.

Pero kung nagulat siya sa natuklasang panloloko ni Jeremiah, mas nagulat siya na makita sa labas si Peter. Mukhang tensyonado pa ito nang lapitan siya.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Sinusundan ka.”

“Ha? At bakit?”

“Ayokong tigilan ka, Wendy. Kahit hindi mo sabihin na mahal mo ako, gusto kong ipaglaban ka.”

“Peter…”

Hinawakan ni Peter ang pisngi niya. “Dahil alam kong may laban ako. Alam kong niloloko ka lang ng fiancé mo.”

Napakurap si Wendy. Teka, bakit hindi iyon inamin sa kanya ni Peter kung may alam pala ito? Niloloko rin ba siya nito?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.