More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 22

NAPABUNTONG-hininga na lang si Peter nang makita ang tulog na tulog ng si Wendy. Alas nuwebe pa lang ng gabi. Pero dahil nalasing ang babae sa ilang oras nilang pagtambay sa bar ay bagsak na ito. Hindi niya sigurado kung saan ang bahay nito kaya dinala na lang niya ito sa condo unit niya.

Alam na ni Wendy ang tungkol sa pagtataksil ni Jeremiah rito. Nagyaya ito sa isang twenty-four hour bar dahil roon. Nagyaya itong mag-inom. Inintindi niya ito dahil alam niyang nasasaktan ito. Ganoon pa man, naging positibo siya.

Ngayong alam na ni Wendy ang lahat, mas magkakaroon na siya ng chance para sa buhay nito. And he promised that he will grab that chance no matter what.

Walang pakialam si Peter kung broken hearted si Wendy at kailangan pa nitong mag-heal. Ipapakita niya rito na handa siyang ipaglaban at tulungan ito para magmahal ulit. Mamahalin siya nito. Tutulungan niya itong makabangon.

Ngayon ay gagawin na ni Peter na tama ang lahat. Na-realize na niya. Wendy will be worth the fight. Isa pa, pakiramdam rin naman niya ay hindi na siya bumabata. Gusto na rin niyang magseryoso sa buhay kagaya ng mga kaibigan niyang sina Warren at Wulfric.

Aminadong playboy si Peter. Pero gusto niyang magbago kay Wendy. Ito lang ang tanging babae na nagbibigay sa kanya ng matinding damdamin. He was always in his mind…and his heart.

Tatlong taon na ang nakalilipas pero nanatili pa rin ang nararamdaman niya rito. Yeah, he admits he still dated girls after her. Pero lahat ng iyon ay parang pampalipas oras lang kagaya ng dati. Bukod roon ay para rin na makalimot.

Peter wanted to be with Wendy. For the first time in his life, he wanted to be serious for a girl. At sa tingin niya, gusto niyang umpisahan ng tama ang lahat sa ngayon.

Tumunog ang cell phone ni Wendy. “Daddy” ang pangalan ng caller. Lumunok muna si Peter at kinalma ang sarili. Nasabi na niya na gagawin niyang tama ang lahat `di ba? Tamang gawin ang pagsagot ng cell phone ni Wendy. Kakausapin niya ang ama nito.

At magpaalam na rin siguro rito.

Sinagot ni Peter ang tawag. Napansin naman ng ama nito na iba ang boses.

“Sino ka?”

“I’m Peter Panfilo. Kaibigan po ako ni Wendy…”

“Hindi kita kilala. Anong ginawa mo sa anak ko? Anong nangyari sa kanya?”

Pinaliwanag ni Peter ang sitwasyon.

“Ano? Hindi magagawa `yan ng anak ko!”

Tumikhim si Peter. “She was broken hearted…”

“Broken heart---“ Natigilan ang matanda. “Sinaktan siya ni Jeremiah.”

“Opo. Pero `wag po kayong mag-alala sa lagay niya. I will take care of her. Hindi ko po siya magagawang saktan at pabayaan…”

“At paano ko masisigurado `yan? Ni hindi kita kilala ng personal!”

“Alam ko po. Pero siguro naman po ay may naikuwento sa inyo si Wendy noong nag-European Trip siya `di ba? I’m with her…”

Natigilan ang matanda sa kabilang linya.

“I assure you, I won’t harm your daughter, Sir. Gusto ko po si Wendy at mahal ko po siya. At kung papayagan niyo po ako, gusto ko po sana siyang ligawan…”

Ang tawag na sigurong iyon ang pinakamahabang naging tawag ni Peter sa buong buhay niya.

PARANG pinupukpok ang ulo ni Wendy nang magising siya kinabukasan. Naalala naman niya kaagad ang dahilan kung bakit. Niyaya niyang mag-inom si Peter. Masyado na kasi siyang naguluhan sa mga nangyari sa buhay niya at gusto niyang makalimot muna.

Lumabas si Wendy ng kuwarto. Nagpunta siya sa kusina. Sa tingin niya ay kailangan niyang uminom ngayon ng gamot. First time niyang magkaganito. Hindi naman kasi talaga siya umiinom ng alak.

Pero nang makarating sa kusina ay lalo pang sumakit ang ulo niya. Nakita kasi niya ang Daddy niya. Sa timpla ng mukha nito, mukhang alam na nito ang ginawa niya. Siguro kaya hindi rin ito pumasok sa trabaho ay para pagalitan siya.

Lagot na!

Ano ba naman nga kasi ang pumasok sa isip niya at gusto niyang mag-inom? She could handle the situation better. After all, tanggap naman niya ang panloloko ni Jeremiah. Ang medyo nainis nga lang siya ay itinago ni Peter sa kanya ang lahat.

Ganoon pa man, isa talaga sa dahilan kung bakit niyaya niyang magpunta sa bar si Peter ay para mag-celebrate. Wrong timing nga lang kasi tuwing gabi pa pala ang sayawan. Kaya iyon, napa-inom na lang siya.

At nalasing. Ang hirap pala! `Di na ako uulit!

“Daddy…” Pinilit ni Wendy na kalmahin ang sarili at `wag ipahalata sa ama ang nararamdaman. Ngumiti pa siya kahit napakahirap. Ang sama-sama ng pakiramdam niya.

Pero maya-maya pa, hindi na naitago ni Wendy ang totoo niyang sitwasyon. Nagpunta siya sa lababo. Nasuka siya kahit wala pa siyang kinakain.

Hinagod ng Daddy niya ang likod niya. “You should have learned your lessons now…”

Bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Wendy nang makapagsuka. Nakagat niya ang ibabang labi. “So alam niyo ang nangyari kagabi?”

Ngumisi ang Daddy niya. “How can I not? Sa tingin mo, paano ka makakauwi kung hindi ko alam?”

“Paano nga ba ako nakauwi, Daddy?”

Alam ni Wendy na kasama niya si Peter. Nagtitiwala naman siya na hindi siya papabayaan nito. Pero hindi alam ni Peter ang bahay nila.

Hindi siya kaagad sinagot ng ama. Tumingin ito sa lamesa. “Kumain at uminom ka muna ng gamot. Magpahinga ka rin ulit. Mamaya na tayo mag-usap kapag ayos na ayos ka na…”

“Pero, Daddy...”

“I mean it, Wendy. Mahaba ang kailangan nating pag-usapan.” Mukhang seryosong-seryoso ang Daddy niya.

Nakagat ulit ni Wendy ang ibabang labi. Pagagalitan ba siya ng ama? Malaki na siya para matakot. Pero dahil ama niya ito, mahalaga pa rin sa kanya ang mga salita nito.

Sinunod niya ang ama. Nang makakain at maka-inom ng gamot ay natulog ulit siya. Mag-aalas singko na nang hapon nang magising siya. Naligo na rin siya. Naging maayos na ang pakiramdam niya.

Nakangiti na siya nang lumabas ng kuwarto niya. Pero kaagad na nawala iyon nang makita si Peter sa living room ng sala nila.

Lumakas ang kabog ng puso ni Wendy. Masaya naman siya na makita si Peter roon. Pero hindi lang si Peter ang nasa sala. May kasama rin itong tatlo pang lalaki na hindi niya kilala.

What the hell is he doing here?

Mas naunang nakapansin si Wendy sa kakaibang sitwasyon sa sala pero naunang bumati ang mga ito sa kanya. Kumaway ang tatlong lalaki na kasama ni Peter samantalang ito naman ay tumayo. Lumapit ito sa kanya at may iniabot na bulaklak.

“Hey…”

Ang ganda ng ngiti ni Peter pati na rin ang porma nito. He looks dashing and mature with that long sleeve polo and slacks. Ito ang unang beses na nakita niyang nakasuot ito ng ganoong kapormal. Nalaman rin kasi niya na hindi talaga mahilig magsuot ng pormal si Peter. Kapareho kasi talaga ito ni Peter Pan. Gusto nito ang pagiging “bata” nito at kapag nakasuot ito ng T-shirt at jeans lang ay nakukuha nito ang gustong characteristic. Even at his thirties, Peter still looks young. Dala na rin siguro iyon ng lifestyle na gusto nito.

May inabot na flowers si Peter kay Wendy. Awtomatikong nagblush siya dahil kinilig at na-conscious. Naka-pang bahay lang siya dahil wala naman siyang balak na lumabas.

“B-bakit hindi mo man lang sinabi na pupunta ka pala?”

Ngumisi si Peter. “Bakit pa? `Di ba favorite niyo namang mga babae ang masorpresa?”

“Pero nakakahiya. Tignan mo naman ang suot ko,” Lumabi si Wendy.

Hinawakan ni Peter ang pisngi niya. Kumindat pa ito. “Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa buhay ko kahit suotan ka pa ng sako.”

Tumikhim ang Daddy niya. Napangiwi naman ang dalawang lalaking kasama ni Peter. Mukhang isa lang roon ang naging masaya sa ka-cornyhan ng lalaki. Maganda ang ngiti nito.

“Mamaya na `yang lokohan niyo. Ako muna ang nililigawan mo, remember?” wika ng Daddy niya. Tumingin ito kay Peter.

Tumango si Peter. Pero hinawakan pa rin nito ang kamay niya. Inalalayan siya nito sa isa sa mga upuan sa sala nila.

“Wendy, meet my friends. This is Andy, Warren and Wulfric…” Itinuro nito isa-isa ang mga lalaking kasama. Kagaya ni Peter ay mga pormal na pormal rin ang mga ito. Naka-long sleeves at polo. Kaya talagang nakakahiya ang suot niya.

Sabay-sabay na nag-hi ang tatlo. They look all charming, lalo na si Andy. Napakaganda kasi ng ngiti nito. Mukhang napakabait. Binati rin niya ang mga ito.

Maya-maya ay tumingin si Wendy sa Daddy niya. “So Daddy…”

“Nandito raw sila para manligaw sa `yo…”

“Ay ang dami naman!” Humagikgik si Wendy.

“Ako lang, siyempre!” Kaagad naman na protesta ni Peter.

Tumawa si Wendy. “Just kidding…”

“There’s nothing to be kidding in here, Wendy.” Bumalik na naman ang pagiging seryoso ng ama.

Doon ulit nawala ang magaan na aura ni Wendy. Napayuko siya. “I’m sorry, Daddy…”

“I’ve already talked to Peter. Inamin na niya sa akin ang lahat.” Tumingin sa kanya ang Daddy niya. “Ikaw ngayon ang gusto kong magsalita. Anong nangyari sa inyo ni Jeremiah?”

“The engagement is off, Daddy.”

“And?”

“That’s it…”

“Nasaktan ka kaya ka nag-inom?”

Umiling si Wendy. “I don’t think I’ve loved, Jeremiah. Sa tingin ko, ang relasyon namin ay nangyari lang dahil sa inyong mga magulang namin. You both wanted us to be together so we indulged in it…”

“Alam naman namin na gusto mo siya noon pa…”

“Pero hindi naman ako mahuhulog sa iba kung talagang minahal ko siya `di ba?” Tumingin siya kay Peter.

“So gusto mo si Peter…” Mukhang hindi naman galit ang Daddy niya.

Umiling si Wendy. Sinalubong niya ang mga mata ni Peter. “Hindi ko lang siya gusto. I loved him already…”

Nagliwanag ang mukha ni Peter. Tumayo ito at tumabi sa kanya. Niyakap siya nito. “And I love you more…”

“Shit, this is so cheesy!” wika ni Wulfric. Napatayo na ito, mukhang hindi kinaya ang sitwasyon. Sinundan rin ito ni Wulfric. Lumabas ang dalawa.

“Go on!” mukhang tuwang-tuwa pa si Andy.

“Wait!” Ang Daddy naman niya iyon.

“M-may problema ba, Daddy?”

Tinitigan siya ng ama. “Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? At teka, gaano mo ba kakilala ang lalaki na ito?”

Napakamot si Peter. “Ang akala ko po pinagkakatiwalaan niyo na ako…”

“Kailangan kong malaman ang point ng anak ko. Hindi mo ako masisisi. I’ve only known you since yesterday. Kahit na magdamag pa rin tayong magkausap kahapon, kulang pa rin iyon. Wendy is my only daughter. And I intend to protect her from pain…”

“Wait,” Naguluhan si Wendy. “Nag-usap kayo kahapon?”

Tumango si Peter. “Pinaliwanag ko ang lahat sa kanya. Pati na ang European Trip natin…”

“At magdamag iyon?”

“Yup. He called you and I answered it. I took you home and we talked. Kailangan kong makuha ang tiwala niya. Alam mong gusto kita. Lihim rin na minahal kita. It’s scary at first but I realize, being and loving with you is worth the fight…”

“Oh, Peter…” Kung hindi lang nakakahiya dahil may audience pa rin sila, nahalikan na niya ang lalaki. Tumingin siya sa Daddy niya. “Daddy, ipaglalaban ko rin sa inyo si Peter. Payagan niyo na kami, ha?”

Seryoso pa rin ang mukha ng ama pero mukhang hindi naman mahirap kumbinsihin ang Daddy ni Wendy.

“Papayagan ko ang relasyon niyo…sa isang kondisyon. Liligawan mo pa rin ako at ang anak ko araw-araw.”

ALINLANGAN ang reaksyon ni Wendy nang makita niya si Peter sa kitchen nila. Hindi na naman bago sa kanya na makita ito sa bahay nila, lalo na kapag umaga. Tinupad ni Peter ang gusto ng Daddy niya. Nililigawan siya nito araw-araw. Bonus pa na hindi lang ang Daddy niya. Ganoon rin ang buong pamilya niya.

Maaga pa lang ay pumupunta na si Peter sa bahay. Araw-araw ay nagluluto ito ng almusal sa pamilya niya. Araw-araw rin ay may bulaklak siya.

It was a very nice and sweet gesture. Na-appreciate niya iyon. Kaya nga lang, naawa siya sa lalaki. Hindi naman na nito kailangang gawin iyon. Okay na sa kanya na malaman na mahal rin siya ni Peter. She was secured already. Hindi na nito kailangang patunayan ang sarili nito sa kanya at sa pamilya.

“Ang aga mo, ah.” Puna ni Peter nang makita siya. Kumunot ang noo nito. “At teka, bakit parang masama yata ang gising mo?”

Lumapit si Wendy kay Peter. Niyakap niya ito. Maiyak-iyak siya. “Bakit ba ang bait-bait mo?”

“What?” Tatawa-tawang wika ni Peter.

“Halos isang buwan mo na akong nililigawan at ang pamilya mo. I already love you. Hindi mo na kailangang gawin ang lahat ng ito.”

“Because you are always worth it…” hinaplos ni Peter ang mukha niya.

Hinalikan naman niya ito. Namula ito pagkatapos.

“What?” Siya naman ngayon ang natawa. Ito yata ang unang beses na nakita niyang namula si Peter.

Nagkamot ito ng ulo. “Baka may CCTV dito ang Daddy mo. Lagot ako.”

Lalo siyang natawa. “`Wag ka ngang conservative. As if naman na bago sa `yo ang gumawa ng kasalanan.”

Umungol si Peter. “I’m changed now…”

“And I’m glad that you are. Ang nalulungkot lang ako ay ang hindi lang kita napagkatiwalaan dati…”

Napag-usapan na nila ni Peter ang tungkol sa insidente kung saan niya ito nakitang may kahalikan sa Paris. Ayon rito, dating naging babae lang nito iyon…

“She’s an ex-playmate. She knew that I’m not available. Napaka-affectionate lang talaga noon. Kaya you see? Hinatid pa niya ako sa hotel natin. Sa halip na kiss lang sa cheeks para magpaalam, sa lips pa. But I can’t blame her. She’s a French girl after all…” Tumawa pa si Peter.

“At mukhang natuwa ka pa ngayon habang naalala siya, ha?” Nalukot ang mukha ni Wendy. Pinag-uusapan nila ang nakaraan habang kumakain sa isang restaurant. Niyaya siya nitong mag-dinner sa labas.

“Of course not! Natuwa lang ako sa joke ko. She’s a French girl so she is used to French kisses. But anyway, bakit naman ako matutuwa kapag naalala siya? Siya ang dahilan kung bakit nilihim mo na lang ang pagsinta sa akin at sinagot si Jeremiah.”

Tumikhim si Wendy. “I’m sorry about that…”

“I can’t blame you, Babe. Mahirap naman na pagkatiwalaan ang isang kagaya kong playboy. Isa pa, hindi ko rin naamin sa `yo ang nararamdaman ko noon. Nagulat na lang kasi ako nang bigla ka na lang na manlamig sa akin…”

“Dahil nasaktan ako.”

“Pero hindi mo pinaliwanag kung bakit. Naguluhan ako. Nawalan ako ng pagkakataon, lalo na at sinabi mo sa akin na may darating sa `yo sa Paris. You said, it was the man you have feelings for years. Nasaktan ako…”

“Yeah. And I’m really sorry for it…” Bumuntong-hininga si Wendy. “Natakot ako. Pero na-realized ko na ang pagkakamali ko. In love, you just have to trust. In love, there is no fear. Yes, may mga risk. Pero lahat naman ng bagay ay may risk `di ba? Ang kailangan mo lang talaga ay ang magtiwala at maniwala. And loving you is risky but it’s worth it…”

“You’ve realized and that was the most important thing of all…” Ngiting-ngiti naman na sagot ni Peter sa kanya.

Consistent si Peter. Kagaya nang naging sagot nito dati ay halos kapareho rin iyon ng ngayon.

“Ang mahalaga ngayon, hindi mo na uulitin naman `di ba?” Pinindot nito ang ilong niya.

“I trust you. I’m all and only yours…” Niyakap ni Wendy si Peter. Humilig rin siya sa dibdib ng lalaki.

“I love you…” Hinalikan ni Peter ang ulo niya.

“And I love you, too, so I will help you…” Ngiting-ngiti naman na wika niya pagkatapos ay tinulungan si Peter sa pagluluto.

Pumayag naman ito. Ipinagluto nila ang buong pamilya. Sila rin ang nag-abala sa pag-aayos ng lamesa. May mga kasambahay sila pero mas ginusto pa rin nilang gawin iyon.

Natuwa naman ang pamilya, lalo na ang dalawang kapatid niyang sina John at Michael sa nakita.

“Seryoso talagang nagluto si Ate? Grabe talaga ang ginagawa ng pag-ibig…” Iiling-iling na wika ni John.

“Nagpa-practice ng mag-asawa…” sabat naman ni Michael.

Tumikhim naman ang Daddy niya. Ngingiti-ngiti lang ang Mommy niya. Alam niyang okay dito ang relasyon nila ni Peter.

“Si Daddy talaga, ang conservative…” Nakalabing wika ni Wendy. Though alam niyang malambot na naman ang puso nito kay Peter. Ganoon pa man, minsan ay pakiramdam niya ay may kailangan pa rin na patunayan rito ang lalaki. Wala namang angal si Peter. Masaya rin naman daw kasi itong ligawan siya kahit alam na nito ang totoo niyang nararamdaman.

“Payag naman ako sa relasyon niyo. Basta `wag muna ang pag-aasawa. Medyo nabibigla pa ako sa lahat. Bigyan niyo naman ako ng time para maka-recover…”

“Don’t worry, Tito. I respect you as much as I respect, Wendy. Basta kapag handa na kayo, sabihan niyo lang ako, ha? I’m always ready…” kinindatan pa ni Peter ang ama.

Humilig naman si Wendy sa dibdib ni Peter. Sa sinabing iyon ni Peter ay lalo lang niyang naramdaman na mahal at seryoso siya nito. He was ready to tie the knot. For her.

Nakapagpatino si Wendy ng isang playboy. The feeling was overwhelming. Pero ang pinakamasarap sa lahat? Iyon ay ang maayos ang lahat.

Sana ay ganito na lang palagi…

“WELCOME back…” bati ni Wendy kay Tink---ang nag-iisang kapatid ni Peter. Pagkatapos nang ilang linggo rin na pagkawala nito ay bumalik na rin ito. Sa pagbabalik ng babae ay nagpahanda ng espesyal na dinner si Peter at ang pamilya nito para dito.

“Thank you. Welcome to the family, too…” Nakangiting bati rin ni Tink sa kanya. Mukhang masaya rin ito sa nalamang balita sa kanila ng kapatid nito.

Masaya rin si Wendy. So far, maayos ang relasyon nila ni Peter. Okay na ito sa pamilya niya. Okay rin ang pamilya nito sa kanya. Few days ago ay na-meet niya ang parents ni Peter. Sa America naka-base ang mga ito pero umuwi ngayon at nagbakasyon. Masayang-masaya ang mga ito na makilala siya. Natakot kasi ang mga ito na hindi na daw magseseryoso si Peter sa mga babae. Pero siya lang pala ang magpapatino sa anak ng mga ito.

Secure pa rin si Wendy sa pagmamahal ni Peter. Halos araw-araw silang magkasama. Kahit sinabi ng Daddy niya na okay na ang panliligaw nito, madalas pa rin na pumupunta si Peter sa bahay. Kahit official na ang relasyon nila ay nanliligaw pa rin ito.

Hindi na naramdaman ni Wendy na balewala siya sa piling ni Peter. Napakalayo noon sa relasyon na mayroon sila ni Jeremiah. But she was glad about it. Dahil ayaw niyang magaya ang relasyon niya kay Jeremiah kay Peter. She intends to keep Peter forever…

Wala rin naman na problema. Hindi na siya ginulo ni Jeremiah. Ang huling balita niya ay pinakilala na rin nito si Rachel sa pamilya. Ang hindi nga lang niya alam ay kung tinanggap ba ito ng mga magulang ni Jeremiah. Ganoon pa man, nahiling na lang niya na sana ay maayos na rin ang buhay nito kagaya ng sa kanya.

Naging masaya naman ang dinner. Inudyukan nila si Tink na magkuwento tungkol sa nangyari sa ilang linggong pagkawala nito. Nagkuwento ito pero parang may kulang. Ilang beses rin nitong iniiba ang usapan at natatahimik. Hindi ganoon ang Tink na kilala niya. Masiyahin at palakuwento ito. Naging kaibigan na rin niya ito dahil kapag may okasyon sa pamilya, siya palagi ang pumupunta sa Happy Thoughts---ang event planning company na pagmamay-ari nito. Siya ang madalas na umaasikaso. Naging suki rin siya ng Happy Thoughts.

Nagtataka man ay hindi na rin masyadong inusisa ni Wendy ang lagay ni Tink. After all, mas bothered siya dahil mukhang bothered rin si Peter. Napansin niyang tahimik ito sa dinner. Naninibago siya. Pakiramdam niya ay hindi pa masaya si Peter na umuwi na ang kapatid nito.

Mabilis na lang na nagyaya si Wendy na umuwi para mapag-isa sila. Alam naman kasi niyang ihahatid siya ni Peter pauwi.

“What is it? Medyo wala ka ring sinasabi kanina sa dinner…” tanong ni Wendy nang nasa kotse na sila.

Bumuntong-hininga si Peter. “Masaya naman ako na dumating si Tink. Pero medyo malungkot rin…”

“Ha? Bakit ka naman malulungkot?”

Tumigil si Peter sa pagda-drive. Umungol ito. “Because I’m going to miss you so much…”

Napakunot-noo si Wendy. “Hindi ko maintindihan…”

“Wala na akong excuse na manatili dito sa Pilipinas ngayong bumalik na si Tink. Siyempre, siya na ang bahala sa business niya.”

Napakurap si Wendy. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Alam naman niyang noon pa lang ay nasa America na ito naka-base. He couldn’t stay here forever.

Nagpatuloy si Peter. “Okay pa rin naman sana na manatili ako rito. Charm Tech can function without me. Pero ngayong may problema si Rumple ay kailangan kong mag-turn over…”

“Anong nangyari kay Rumple?”

Ilang beses na niyang nakasama ang mga kaibigan ni Peter. Gusto niya ang mga ito, lalo na si Andy. Ito rin kasi ang madalas na nakakasama nila dahil madalas na busy sina Warren at Wulfric. May asawa at anak na si Wulfric samantalang may girlfriend at may inaalagaang mga pamangkin naman si Warren. Bukod pa roon ay may family business rin itong inaasikaso. Single pa si Andy dahil ayon rito, naghihintay pa raw ito ng the one. Sa magkakaibigan, ito ang pinaka-romantic.

Si Rumple lang ang hindi pa nakikilala ni Wendy sa mga magkakaibigan. Ito kasi ang umaasikaso ng business ng magkakaibigan. Nasa America ito ngayon. Matalino raw ito. Kayang-kaya raw nito ang mga responsibilidad.

“May problema siya sa isang babae. From what I’ve heard, may naanakan pala siya dati at ngayon niya lang nalaman. Now he is fighting for custody. He asks for a break. ” kuwento ni Peter. “Anyway, he really needs a break. He already had work so hard. Kailangan ko rin naman na maging responsible sa business. After all, kami lang ni Andy ang dalawa na puwede. Malapit nang manganak si Red at hindi siya puwedeng iwanan ni Wulfric sa panahon ngayon. Medyo may problema rin yata sa business nito si Warren sa Pilipinas kaya hindi rin siya puwede.”

Tumango si Wendy. “Naiintindihan ko.”

“Same to me. Nalulungkot lang talaga ako kasi masyado na akong nasanay na nakikita ka araw-araw…” Hinalikan siya ni Peter pagkatapos ay umungol ito. “I will miss you so much…”

“Ako rin. Pero kaya naman nating i-work out ito `di ba?”

Ngumiti si Peter. “If there’s a will, there is a way.”

Ngumiti rin si Wendy. Tama naman si Peter. They love each other so they will find a way to be happy and still be together. After all, uso na rin naman ang ganitong relasyon sa ngayon. Hindi na rin mahirap i-work out dahil sa makabagong teknolohiya.

Mahal ni Wendy si Peter. Nagtitiwala siya rito kaya mag-uumpisa man na magbago ang buhay nila ngayon, ipapangako pa rin niya na hindi naman magbabago ang nararamdaman niya rito.

MALI si Wendy nang sabihin niya kay Peter na naiintindihan niya ang pag-alis nito. Dahil kung naiintindihan niya talaga, bakit para siyang batang hindi nabili ng laruan sa airport? Halos humagulgol na siya.

Napailing-iling si Peter. “Sana ay hindi na lang pala kita pinasama sa paghatid sa akin…”

Humigpit lalo ang yakap ni Wendy sa boyfriend. “And let me missed seeing you for one last time? No way…”

Tumawa si Peter. Bahagyang kumalas ito sa yakap at hinaplos ang mukha niya. Pinahid nito ang mga luha niya. “Tumigil ka na sa pag-iyak.”

“Ang hirap pigilan, eh.”

“Ano ka ba? This is not last time. Kapag kaya ko, magbabakasyon ulit ako dito next month. Kahit three days lang, basta makita ulit kita. I’m going to missed you so much…”

Lumabi si Wendy. “Ang unfair. Why the hell, I’m missing you already?”

“You are being clingy. Pero hindi kita masisisi. Bago pa lang ang relasyon natin. Pero ito at sinubok na tayo.” Hinalikan ni Peter ang ulo niya. “Pero mahal natin ang isa’t isa. We can pass this through…”

Kinagat ni Wendy ang ibabang labi niya. May point si Peter. Mahal nila ang isa’t isa kaya hindi dapat siya nalulungkot. Aalis man si Peter pero hindi naman iyon pang-habang buhay. Magkikita pa rin sila. Magkakausap pa rin sila. Maghihiwalay sila physically pero hindi naman iyon permanente.

Pero siguro nga ay tama si Peter. Baka kaya siya naiiyak ay dahil nga bago pa lang sila. Sabik pa siya sa quality time kasama ito. Pagkatapos ngayon ay magkakahiwalay na kaagad sila.

“Mag-iingat ka palagi.”

“Mas mag-iingat ka roon…”

Ngumisi ito. “You don’t have to say that. Naitatak ko na `yan sa utak ko. Mas natatakot yata ako sa magiging reaksyon mo kapag may nangyaring masama sa akin…”

Tumango si Wendy. Kapag may nangyari sigurong masama kay Peter ay baka magkaroon ng baha dahil sa luha niya. “Hmmm…and Babe?”

“Ano `yun?”

“No funny business, okay?”

“You mean girls?” Tumawa si Peter. Umiling iling muna ito pagkatapos ay hinalikan siya. It was deep and passionate. He also wrapped her very tightly on his arms. “I’m all yours…”

Pinindot niya ang ilong nito. “All and only yours…”

Pinindot rin ni Peter ang sa kanya. “That’s not what you called being clingy. It’s being silly.”

Umungol si Wendy. “Sabihin mo pa rin, please?”

Ngumiwi pero sa huli ay ngumiti rin si Peter. “I’m all and only yours, Wendy. I’m forever yours. Kaya `wag ka nang malungkot at matakot, ha? And if you feel like, just think of our happy memories. Think happy thoughts. Dahil ganoon rin ang gagawin ko. You are my love and my happy thought. Just with the memory of you, I’m already contented and complete…”

Humilig si Wendy sa dibdib ni Peter. Kay sarap isipin na sa kanya nga lang si Peter. Sa dami ng babaeng naghahabol rito, siya lang ang nakapagpatino rito.

Siya lang ang totoong minahal nito.

Sandali pa lang ang relasyon nila, sigurado na si Wendy na mahal na mahal siya ni Peter. He had done a lot for her. Kahit alam nitong ginagawa nito ang mali noon ay hindi pa rin ito nagpaawat para mahalin siya. Pero ang pinakagustuhan niya, natuto rin naman itong gumawa ng tama.

Mahal siya ni Peter kaya dapat na magtiwala siya na sa kanya lang talaga ang loyalty nito. Kaya mali siya para pagsabihan pa ang boyfriend na dapat siya lang ang babae sa buhay nito. But it really feels nice to be secured.

Peter was hers. All and only hers…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.