“KAILAN ba siya magigising? Ilang oras na siyang walang malay!”
Ubos na ang pasensya ni Warren. Natapos na ang mga tests at nailagay na rin sa private room si Snow pero hindi pa rin ito nagigising.
Sinugod ni Warren sa ospital si Snow pagkatapos nitong mabangga sa pagligtas kay Daisy. Sa paghabol nito sa pamangkin niya ay mas lalo pang naging masama ang sitwasyon.
Nakaligtas si Daisy. Naiwasan nito ang kotse. Pero hindi si Snow. Ito ang nabangga.
Hindi naman ganoon kalakas ang impact ng pagkakabangga ni Snow. Nakapagpreno kaagad ang kotse na nakabangga rito. Kakaunti lang rin ang sugat na natamo nito. Hindi na rin iyon nagdudugo. Ang masama nga lang, nawalan ito ng malay at kahit sabi ng Doctor ay mukhang maayos naman ang result ng mga test nito ay hindi pa rin ito nagigising.
Alalang-alala si Warren.
Nagsikuhan ang dalawang kaibigan ni Warren na sina Andy at Wulfric. Ngiting-ngiti naman ang fiancé ni Wulfric na si Red. Hindi inaasahang nagkita silang tatlo sa ospital dahil coincidence rin naman na isinugod ni Wulfric si Red doon. Nag-panic ang lalaki nang malaman na nagkaroon ng bleeding ang buntis nitong fiancé. Nakasama naman si Andy dahil kasalukuyang magkakasama ang mga ito nang mangyari ang bleeding. Nasa emergency room rin ang mga ito nang dalhin niya si Snow.
Pero masuwerte si Wulfric. Wala naman daw dapat ikabahala sa nangyari kay Red. Normal lang raw na magkaroon ng blood discharge paminsan-minsan ang mga buntis. Nahiling niya na sana nga ay ganoon rin si Snow. Sana ay makalabas na rin sila at maging maayos na ito. Kaya nga lang, malabo iyon sa lagay nito ngayon.
“What?” Angil niya sa mga kaibigan. Kahit na okay na si Red ay pinili na manatili ng mga ito para samahan siya.
Tumawa si Andy. “Kung ako nga kay Snow, mas okay na nga na matulog na lang ako kaysa ang makita ang mukha at reaksyon ngayon ni Warren.”
“What’s wrong with that? Siyempre, nag-aalala ako sa kanya. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?”
“Nag-deny ka kahapon na hindi mo siya gusto. Tapos ngayon ay alalang-alala ka…” Nakangising wika ni Wulfric. Napatingin ito kay Red. “Teka, parang kagaya ko rin pala sa `yo, Babe. Nag-deny pa ako na hindi kita gusto pero sa huli, I still fall for you.”
Ngumiti si Red. “Baka in love na si Warren, Love…”
“Hindi ito love,” Nakatiim ang bagang na wika ni Warren.
Kahapon ay nakipag-inuman si Warren sa mga kaibigang si Andy, Peter at Wulfric. Hindi na niya naitago ang dahilan kung bakit niyaya niya ang mga ito---naguguluhan siya.
Ginugulo ni Snow ang isip ni Warren. Sandali pa lang sila na magkakilala pero malaki na ang impact nito sa kanya.
Galit si Warren sa mga babae. Naalala rin niya ang pagtataksil sa kanya ni Tricia. Kung itong matagal nga niyang kilala ay pinagtaksilan siya, paano pa ang kagaya ni Snow na kakilala lang niya?
Hindi dapat siya magkagusto rito kahit napakaganda nito.
Dine-deny ni Warren ang nararamdaman sa babae. Pero sa puso niya, ramdam niyang niloloko lang niya ang sarili. Gusto niya si Snow. Maganda ito at mabait. Gusto rin ito ng mga pamangkin niya.
Pero ang pinaka-gusto ni Warren sa lahat, pakiramdam niya ay inaalagaan rin siya nito.
Napaginipan ni Warren si Snow kagabi. Magkatabi daw sila. Inalagaan daw siya nito pagkatapos niyang malasing mula sa inuman nila ng mga magkakaibigan. Niyakap rin daw niya ito.
And it felt good. Gusto niya iyon.
“Pero gusto mo siya.”
“Oo na. Gusto ko na siya. Pero hindi love, okay?” Napaamin na si Warren para tigilan ng mga kaibigan.
Pumalakpak si Andy. “Malapit ka ng maka-move on.”
Madalas siyang inaasar ng mga kaibigan na bitter. Hindi rin naman niya gusto iyon. Kaya gusto niya ang ideya na makaka-move on na nga talaga siya.
Tumingin si Andy kay Snow. “Ang ganda pala niya `no? No wonder she is worth drinking for…”
Napaangil na naman si Warren. “She’s off-limits,”
Natawa si Andy. “I know. `Wag kang mag-alala. She’s all yours. Hindi ko siya aagawin sa `yo.”
“Dapat lang.”
“Buti na lang pala at wala dito si Peter `no? Baka mamaya nasapak na `yun ni Warren. For sure, type niya si Snow…” wika ni Wulfric.
“Oo nga.” Wika ni Andy. “Pero teka, `di ba siya ang naghatid sa `yo pauwi? Nakapunta siya sa bahay niyo. Baka---“
Natigilan silang lahat nang may marinig na umungol. Nang tignan nila si Snow ay nagmulat na rin ito ng mga mata. Tumingin ito sa kanya.
“Hi…”
Lumapit si Warren sa babae. Hinaplos niya ang mukha nito. “Kumusta ang pakiramdam mo?”
“I-I’m good. Si Daisy?”
Nakahinga nang maluwag si Warren sa naging sagot ni Snow. Natuwa rin siya na maayos ang pag-iisip nito. Naalala nito si Daisy. Ibig sabihin ay naalala nito ang pangyayari.
Mukhang wala naman dapat talagang ipag-alala.
“Okay naman si Daisy. Iniwan ko na siya kay Manang Celia kasama ang mga bata nang dalhin kita sa ospital.”
“Mabuti naman…” Napangiti si Snow. Tumingin ito sa mga kasama niya. “Hi. Sino kayo?”
Tumikhim si Andy. Inilahad nito ang kamay kay Snow at nagpakilala. “I’m Andy. Mga kaibigan kami ni Warren.”
Nagpakilala rin sina Red at Wulfric.
Nagpakilala rin si Snow. “It was nice to meet you all. Kaibigan niyo rin ba si Peter?”
“Lagot na! Nagkakilala kayo ni Peter?” Nanlaki ang mata ni Andy.
Napatiim-bagang si Warren. Kung nagkakilala nga si Snow at Peter, it’s a big trouble.
Babaero ang kaibigan niya. Paano kung nagustuhan rin ito ni Peter?
“Oo. Ma-drama pala siya `no?” Sinabi nito ang napag-usapan nito at ni Peter kagabi. Totoo nga ang sinabi ni Andy na si Peter ang naghatid sa kanya. Sa sobrang dami ng nainom ni Warren, hindi na niya alam kung paano nakauwi.
“Ha?” Lahat sila ay nagulat.
“Bakit?”
“Hindi ma-drama `yun. Maloko `yun.” Pagtatama ni Warren. “Sigurado ka ba na si Peter ang naghatid sa akin?”
Nilarawan ni Snow ang lalaki. Tumutugma iyon sa itsura ni Peter kaya siguro nga ay totoo iyon.
“Weird,” komento ni Andy. “Pero baka nakainom lang rin siguro kaya naging ganoon ang ugali. Medyo nawala rin sa sarili.”
Napatango si Warren. Baka tama nga si Andy.
Maya-maya ay nagpaalam na ang mga kaibigan niya. Pinagpahinga na rin niya si Snow.
Umiling si Snow. “Ayoko ng magpahinga. Gusto ko ng umuwi.”
Pumunta na ang Doctor sa kuwarto. Na-examine na ito at sinabing mukhang wala talagang dapat ikabahala. Pero kailangan pa rin daw manatili ni Snow sa ospital para ma-obserbahan. Kapag walang kakaibang nangyari daw rito after twenty four hours, puwede na daw itong makalabas.
Umiling rin si Warren. “Magpahinga ka na. I’m just here. Hindi ako aalis.”
Kinagat ni Snow ang ibabang labi. “Mahirap magpahinga kapag alam kong nakakaistorbo ako…”
Tinaasan ni Warren ng isang kilay ang babae.
“Busy kang tao. Wala ka ngang time sa mga pamangkin mo. Tapos babantayan mo ako ngayon? Nakakahiya.”
Natigilan si Warren. May point si Snow. Pero kung hindi siya, sino ang magbabantay rito?
Busy si Manang Celia sa mga bata. Kung papalitan naman niya ito sa pag-aalaga, mas mahihirapan siya. Hindi siya ganoon kagaling sa pag-aalaga.
Pero higit sa lahat, gusto rin na personal na alagaan ni Warren si Snow. Naalala niya ang panaginip kagabi. Inalagaan daw siya nito. Gusto niyang ibalik rito ang lahat ng iyon.
Tumikhim si Warren. “Magbabago na ako…”
“Bakit?”
“Para sa `yo.”
“Ha?”
Hinaplos ni Warren ang pisngi ni Snow. “Para hindi ka na magduda at kung ano-ano pang sinasabi mong ito na nahihiya ka…”
Namula si Snow. “I-I feel special. To think na bago lang ako at kasambahay---“
“Don’t think of that. You are special on your own way.”
Masuyong tinignan rin ni Warren si Snow. Sinalubong nito ang tingin niya. His heartbeat felt eratic. But it feels nice.
Looking at Snow feels nice.
Mukhang hindi lang si Snow ang kayang i-describe ni Warren na special. Mukhang pati yata ang nararamdaman niya rito ay ganoon na.
PULANG-pula ang mukha ni Snow nang itaas ni Warren ang kutsara sa bibig niya. Kahit palabas na siya sa ospital mamaya ay kung ituring pa rin siya nito ay parang may malubhang sakit siya.
“Bakit? May sakit ka pa rin ba?” Hinawakan ng isang kamay nito ang pisngi at leeg niya.
“Sira. Nahihiya lang ako. `Wag mo na akong subuan. Kayang-kaya ko naman ang sarili ko.”
Hindi pa rin nagpapigil si Warren. Inilagay pa rin nito sa bibig niya ang kutsara. Wala na rin naman siyang naggawa. Tinanggap niya iyon.
“I want to take care of you.”
Ngumiti si Warren. Sa ginagawa nito, siguro ay doon lalong magkakasakit si Snow. Sa tuwing nakikita niyang ngumingiti si Warren ay parang may mga daga na naglalaro sa dibdib niya.
Pinagpahinga ulit siya ni Warren pagkatapos kumain. Pero hindi rin naman niya maggawa. Kapag nasa tabi niya si Warren ay parang lalo pa siyang napapagod. Takbo nang takbo ang lalaki sa isip niya. Nakakaloko naman ang tibok ng puso niya.
Bakit ba gusto siya nitong alagaan? At sabi nito, gusto na nitong magbago. Dahil sa kanya? How could it be so?
Dahil ba sa tingin nito ay espesyal siya? O espesyal siya para rito?
“You are special on your own way…”
Ilang beses na pumasok sa isip ni Snow ang binitawang salita ni Warren sa kanya. Sa tuwina, gusto niyang maiyak. Nang mamatay kasi ang Papa niya, pakiramdam niya ay hindi na siya espesyal.
Wala na ang lalaking alam at sigurado siya na mahal siya.
Maraming beses na natakot si Snow noon. Paano na siya kapag nawala ang Papa niya? Ito ang pinakamalapit na tao sa kanya. Ito ang sandalan niya. Natakot rin siya na kapag nagkasakit siya ay walang mag-aalaga sa kanya.
Pero wala rin naman pala ang takot ni Snow. Inamin na sa kanya ni Hunter na mahal na siya nito. Ang masama nga lang, hindi pa nito napapatunayan na puwede niya itong maging sandalan at aalagaan siya. Pero hindi pa rin naman pala pinabayaan si Snow. Nandiyan si Warren. At sa tingin niya ay nagugustuhan na rin talaga niya ang lalaki.
Gustong umasa ni Snow na kaya siya inaalagaan ni Warren ay dahil espesyal rin siya rito.
Tumingin si Snow sa bulaklak na nasa beside table ng hospital room niya. Nang bisitahin siya ng mga bata kahapon ay dala-dala ito ng mga iyon. Pero ibinuking rin naman ng mga ito na pinabili ito ni Warren para sa kanya.
Okay na si Snow. Siguro ay dahil lang rin sa takot kaya nawalan siya ng malay. Okay na rin naman si Daisy. Hindi siya nito binisita kahapon pero hindi na iyon ang mahalaga. Masaya na siya na ligtas ang bata.
Hindi na kailangang mag-abala pa ni Warren para sa kanya. Pero um-effort ang lalaki. Kaya kahit nakakapagod ang reaksyon ng katawan niya sa presensiya ni Warren, maayos pa rin ang pakiramdam niya. She felt touched by Warren’s gestures. He made her feel that she was special.
That she was like a princess---kagaya nang turing sa kanya ng Papa niya.
Pumikit sandali si Snow. Pero nang maramdaman niyang umalis sa tabi niya si Warren ay napamulat siya.
“Saan ka pupunta?”
“Missing me already? Nagiging clingy ka na, ha.” Ngumisi ang lalaki.
Kinagat ni Snow ang ibabang labi para pigilan ang pamumula ng pisngi. “Puwede naman siguro na maging curious?”
Bumalik si Warren sa tabi ni Snow. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. “Sorry na. Akala ko kasi tulog ka. Iche-check ko lang sana kung anong oras ka puwedeng makalabas.”
“S-sige…”
Ngumiti si Warren. “All right. Just relax there. Don’t miss me too much…”
Lumabas na nga ang lalaki. Pero ang presensiya nito ay hindi niya pa rin maalis-alis sa katawan niya.
Inilagay ni Snow ang kamay sa noo niya. Mainit iyon. Inilagay rin niya iyon sa kamay niya at hinalikan. God, kung ang maliit na gesture na iyon ni Warren ay nagugustuhan na niya, paano pa kapag mas matindi pa?
Paano kung sa labi pa mismo siya hinalikan ni Warren?
Napapikit ulit si Snow. Kahit mali, kinikilig siya. Hindi niya mapigilan ang damdamin niya. Gusto na nga siguro niya si Warren.
Bahala na.
May dahilan kung bakit nararamdaman ni Snow ang magagandang damdamin na ito. At kung ano man ang dahilan na iyon, ang tanging magagawa na lang ni Snow ay ang umasa na para sa ikabubuti iyon.
“THANK you so much, Daisy…” wika ni Snow kay Daisy pagkatapos abutin ang bigay nitong flower. Apat na araw na simula nang makalabas siya ng ospital. At so far, maayos ang lahat. Well, naging mas maayos ang lahat sa paglipas ng mga araw.
Blessing in disguise na maituturing ni Snow ang aksidente. Naging mabait na sa kanya si Daisy. Nang makalabas siya ng ospital ay nag-sorry ito sa kanya. Na-realize nito ang mga pagkakamali nito. Bilang sign of apology, binigyan rin siya nito ng flowers. Araw-araw nitong ginagawa iyon dahil nagi-guilty pa rin ito.
Snow felt special and amazed at the same time.
“You deserved it, Ate.” Niyakap siya ni Daisy. Niyakap rin niya ito.
Masayang-masaya si Snow. Lumalambot na ang loob sa kanya ng mga bata. She was not at home but she felt home with these kids.
Pakiramdam ni Snow ay nagkaroon siya ng bagong pamilya. And she likes it. She adored the kids.
And so their uncle.
Kinilig si Snow nang maalala si Warren. Naging maayos na rin ang pakitungo sa kanya ni Warren sa mga nakalipas na araw. Naging mabait rin ito sa mga bata.
Maya-maya ay sumunod na lumapit kay Snow si Dennis. Inalalayan ito ni Drake para makapunta sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makitang pati ito ay may dalang flowers---mas maganda pa kaysa sa bigay ni Daisy. Kinuha lang kasi ni Daisy ang bigay na flowers sa kanya sa garden. Samantalang ang dala ngayon ni Dennis ay isang malaking tangkay ng yellow tulip. Favorite niya iyon.
Hinalikan niya ang bata. “Oh, thank you! What was this for?”
Lumingon ang dalawang bata sa likuran. Namula siya nang makitang kasunod ng mga ito si Warren.
“G-galing sa `yo?” Snow’s heart skipped a beat. Nag-presume siya.
Tumango si Warren. “I hope you liked it.”
“Para saan?” Naguguluhan si Snow.
Humagikgik si Dixie na ngayon lang niya napansin na kasunod ni Warren. “Ate, bakit ba binibigyan ng isang lalaki ang isang babae ng flowers?”
Dahil gusto siya nito…
Gusto yatang mapatili ni Snow sa naisip na sagot.
“Errr… binibigyan ka rin ni Julian nang bulaklak kapag dumadalaw siya rito o gusto ka niyang i-date.”
“Exactly!” Parang kinikilig si Dixie. Itinulak pa nito ang Tito papunta sa kanya. “Tell her, Tito!”
Ngumiti si Warren. “I’d like to ask you out for a date, Snow.”
Snow was speechless for a while.
Nakagat ni Warren ang ibabang labi. Napakamot ito ng ulo at pagkatapos ay pinamulsa ang dalawang kamay. “Kasal nina Wulfric at Red sa linggo. I’m invited. It’s a private ceremony but they asked me to bring a date.”
“And you thought of me…”
So ano si Tricia? Sino si Tricia? Bakit hindi siya ang niyaya ni Warren?
Baka wala lang si Tricia. Parang nabunutan ng malaking tinik ang puso ni Snow sa isipin na iyon.
Hindi niya pa naitatanong kay Warren kung sino si Tricia. Ayaw rin naman kasi niyang alamin. Natatakot siya sa magiging sagot nito. Isa pa, may karapatan ba siyang magtanong at mag-demand?
Ayaw na niyang ma-disappoint. Kaya mas mabuti nga na ipagsawalang-bahala na niya si Tricia.
“Yes. So will you come?”
Yes, yes, yes!
Sinubukan muna ni Snow na magpakipot. Inalala niya ang role niya sa bahay.
Tumingin si Snow sa mga bata. “Paano ang mga bata? Sasama rin ba sila?”
Umiling si Dixie. “We hate wedding ceremonies. It’s boring. Dito na lang kami sa house. Bibisita rin si Julian dito. Kami at si Manang Celia na lang ang mag-aalaga sa mga kapatid ko.”
“Well…?”
“All right.”
Pumalakpak ang mga bata. Masaya ang mukha ng mga ito. Pero mukhang pinakamasaya si Warren. Kinuha rin nito ang kamay niya at pinisil. It sends electric current through her veins. She loves it.
“So it’s a date…”
Tumango si Snow. It’s a date. It’s a start of something new.
Sana ay walang pagsisihan si Snow sa huli…