More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 6

“OMG! IT’S so hot!” Todo paypay si Dixie ng sarili. Totoong mainit naman talaga sa lugar kung nasaan sila ngayon---isang horse farm sa Tagaytay.

Nanalo ulit sa isang quiz bee si Drake kaya nagyaya ang magkakapatid na gumala bilang reward. Si Drake rin ang namili ng lugar kung saan gustong pumunta. Apparently, mahilig pala sa hayop ang bata. Gusto daw nitong maging Doctor ng mga hayop paglaki nito. Interesado rin ito sa mga kabayo. Noong buhay pa raw ang mga magulang ng mga ito ay madalas na dinadala ang mga bata sa farm na iyon.

“Kapag sumakay ka sa kabayo, lalo kang maiinitan,” paalala ni Snow kay Dixie.

“Yeah. Kaya hindi ako sasakay. Isa pa, I don’t like animals, lalo na `yung malalaki. Natatakot ako.”

Tumango si Snow. Tumingin siya sa mga bata. Mukhang alinlangan rin kung sasakay si Darwin. Si Dennis naman ay masyado pang bata para sumakay. Tanging si Daisy, Dianne at Drake lang ang interesado. Sa katunayan, nakasakay na si Drake sa kabayo. Nakaalis na rin si Dianne kanina.

Naramdaman ni Snow na may isa pang humawak sa balikat niya. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Manang Celia. Nasa isang kamay nito si Dennis. Ayaw rin na sumakay ng matanda dahil takot sa kabayo. Ito ang nagpresinta na mag-alaga kay Dennis.

“Mukhang gusto mo rin na mangabayo, Snow. Go on. Pero dalian mo. Narinig ko na sandali lang daw tayo rito. Mukhang mainit na naman ang ulo ni Warren…”

Napatingin tuloy si Snow kay Warren. Kunot na kunot ang noo nito habang pinapagalitan si Daisy. Hindi ito ganoon kalayo sa kanila kaya naririnig nila ang sinasabi at ang boses nito.

Mali si Warren sa ginagawa nito. Pero nahihirapan naman siyang sitahin ito. Alam kasi niya na may kasalanan rin siya roon.

Nagsimula ang pag-iinit ng ulo ni Warren nang aminin niya rito ang tungkol kay Hunter. Sumama ang loob nito. Pero ginawa lang naman niya ang tama `di ba? Naging matapat lang siya rito habang hindi pa huli ang lahat. Kaya lang, naging mas masama pa pala iyon. At ang masaklap pa, pati ang mga bata ay apektado ng pagbabago ng mood nito.

“`Wag kang magmagaling, Daisy. Napakabata mo pa! Paano kung ilaglag ka ng kabayo na `yan? Magpatulong ka sa staff dito para makaakyat at makagala dito sa farm.”

“Pero naturuan na po ako dati ni Daddy.”

“Wala akong pakialam! It’s better safe than to be sorry,” Sumigaw si Warren dahil wala pang staff na puwedeng umalalay kay Daisy. Mas nauna kasing naalalayan si Dianne at Drake ng iba pang staff.

“Ako na ang magga-guide kay Daisy…” Lumapit si Snow sa dalawa. Akmang bubuhatin na niya si Daisy nang pigilan siya ni Warren.

Nagngitngit lalo ang ngipin ni Warren. “Isa ka pa! `Wag kang magmagaling!”

“Marunong akong mangabayo. We have a horse farm---“ Natigilan si Snow nang mapakunot ang noo ni Daisy. Hindi niya gustong ipaalam sa mga bata ang tungkol sa pagkatao niya. Komplikado iyon. Maguguluhan rin ang mga ito at baka natakot rin. “Well, basta marunong akong mangabayo.”

“So what? We don’t care!”

Nasaktan si Snow sa narinig kay Warren. Pakiramdam niya, mas naging brat pa ito kaysa kay Daisy noon.

Napatingin si Snow sa kabayo. Iniisip ni Warren na nagmamagaling siya, puwes, patutunayan niya rito na mali ito ng iniisip tungkol sa kanya.

Sinakyan ni Snow ang kabayo na kinukuha ni Daisy. Pinatakbo niya iyon ng mabilis. Sino sa kanila ang nagmamagaling ngayon? Wala siyang alam tungkol sa klase ng kabayo na kinuha niya. Pero nagtitiwala naman siya sa sarili niya na kaya niya kahit muntik na siyang mapahamak noon.

Magaling si Snow sa mga kabayo dahil may horse farm rin sila sa Batangas. May sarili rin siyang kabayo at bata pa lang ay naturuan na siya kung paano patakbuhin iyon.

Pinabilis pa lalo ni Snow ang pagpapatakbo sa kabayo sa paglayo niya. For a while, she just wanted to escape. Naiinis na rin kasi talaga siya kay Warren. May kasalanan rin naman siya pero sa mga inaasal ni Warren ay lalo lang siyang nahihirapan. Hindi rin naman niya gustong maipit.

Natagpuan na lang rin ni Snow ang sarili na napapaiyak habang nangangabayo. Masakit rin naman sa kanya ang lahat. Gusto rin naman niya si Warren. Pero paano si Hunter? Nakokonsensya siya.

Gusto niyang ayusin ang lahat pero wala siyang makuha na means. Natatakot rin siya. Paano kapag nalaman ng stepmother niya na buhay pa rin siya?

Puwedeng isumbong ni Snow sa mga pulis ang stepmother. Pero magiging kakampi niya rin ba ang mga ito samantalang makapangyarihang tao nga ang stepmother niya? Puno ng takot ang puso niya.

Pero mas lalo lang napaiyak si Snow nang maramdaman niyang bumabagal ang takbo ng kabayo. May humila sa tali noon. It was the man she wanted to escape from right now.

“Are you crazy?!”

Hindi nagsalita si Snow. Pinababa siya ni Warren sa kabayo. Napilitan rin naman siya. Pero pinagpatuloy pa rin niya ang pag-iyak. Umupo pa siya sa damo.

“Snow, damn it! Stop crying!”

Bumunot si Snow ng damo. Ibinato niya iyon kay Warren. “Ang sama mo! Ang sama-sama mo!”

“At sa tingin mo ay hindi ka ganoon? Pinaasa mo ako!”

Humikbi si Snow. “But at least, I didn’t mean it…”

Matagal na hindi nakasagot si Warren. Tinitigan lang siya nito. “G-gusto mo rin ba ako?”

Tumango si Snow. Ayaw na niyang magsinungaling. “Pero mali ang lahat ng ito…”

“Y-yeah…” Nalungkot ang mukha ni Warren. Dumilim na naman ang mukha nito.

“Alam kong galit ka sa akin, Warren. Pero sana naman ay huwag madamay ang mga pamangkin mo sa mga pangyayari…”

Hindi nagsalita si Warren. Matagal-tagal na tinitigan lang siya nito.

“At sana ay maintindihan mo rin ako. Hindi ko gusto ang lahat ng ito. Pero mas mahirap kung hindi ko ipagtatapat sa `yo ang lahat…”

Bumuka ang bibig ni Warren. Pero bago pa man nito mabitawan ang gustong sabihin ay may lumapit na sa kanila. It was Daisy and an instructor.

Nag-usisa si Daisy pero hindi ito pinansin ni Warren. Pinasakay nito si Daisy sa kabayo nito. Nauna na itong umalis sa kanila. Kinumusta siya ng instructor pero hindi rin siya nakapagsalita.

Napatingin lang siya sa dalawa na palayo. She felt bad.

Kung sana nga lang ay makahanap na si Snow ng paraan para maging maayos ang lahat. Pero magiging maayos nga ba ang lahat kapag nagkita sila ni Hunter?

Masasaktan si Hunter. May risk na mawalan siya ng kaibigan.

Pero higit sa lahat, paano ba magiging maayos ang lahat kung natatakot pa rin siya na harapin ang panganib sa buhay niya?

LUMAKAS ang tibok ng puso ni Snow nang makitang may malaking kahon sa kama niya. Nang buksan niya iyon ay nakakita siya ng napakagandang dress. May mga accessories rin na kasama iyon at sapatos.

“Wear this tonight. – Warren,” basa ni Snow sa note na nakalagay sa loob ng box. Namula siya. Bakit binigyan siya ni Warren ng damit?

“Gusto ni Tito na mag-date kayo!” Kinikilig na wika ni Dixie nang makita nito ang mga damit. Walang pasok ang mga bata ngayon dahil holiday. Pero si Warren ay umalis---pumasok daw ito sa trabaho sabi ni Manang Celia.

“Errr… Pero galit siya sa akin. Bakit naman niya ako yayain na mag-date?”

Nahahalata ng mga bata ang panlalamig sa kanya ni Warren. Nagtatanong ang mga ito sa kanya pero pinili niya na huwag sagutin.

“Paano kung okay na sa kanya? Basta sundin mo na lang ang gusto niya. Just enjoy!” Kinindatan siya ni Dixie. “Ako ulit ang mag-aayos sa `yo, ha?”

Pumayag si Snow. Dumating ang alas sais. Walang Warren na dumating pero tumawag ito. May pinadala itong sasakyan at driver sa kanya. Hindi daw kasi siya masusundo nito.

Sumunod na lang rin si Snow. Dinala siya ng driver sa isang sikat at pang-mayaman na restaurant. Bahagyang kinabahan pa si Snow. Alam na ni Warren ang estado niya sa buhay. Bakit siya nito dadalhin sa isang pang-mayaman na restaurant? Paano kung may makakilala sa kanya roon?

Pero pumasok pa rin si Snow sa restaurant. Doon niya nalaman na kailangan lang talaga niyang magtiwala kay Warren. Hindi siya pababayaan nito.

Ang mga nakita lang ni Snow sa restaurant ay ilang staff at si Warren. Napakaguwapo rin nito sa suot na dark blue na long-sleeves polo. Ngumiti ito nang makita siya.

Nilapitan ni Snow si Warren. Tumingin siya sa paligid at muntik nang maiyak. It was so beautiful. “You reserved this place for me…”

“For us…” Hinalikan siya ni Warren. “God, I missed that.”

Umulit ulit nang halik si Warren. Sa pagkakataong iyon ay hindi rin naman napigilan ni Snow ang sarili na ibalik ang halik.

“I missed you, too…” Inihilig ni Snow ang ulo sa dibdib ni Warren.

Warren held her. He caressed her hair gently. “From this moment, hindi na natin dapat mami-miss ang isa’t isa. We’re gonna be together. Always…”

Itinaas ni Snow ang tingin kay Warren. “But you know my condition…”

“Natanggap ko na iyon. Hindi naman kita ipaghahanda ng ganito ka-bongga kung masama pa rin ang loob ko. I’m okay now that I’ve realized something…”

“Hmmm…”

“Gusto mo rin ako at iyon lang ang mahalaga sa akin. I don’t care about your past! I don’t care about that Hunter, too. I want you to be mine now…”

“Warren, nakokonsensya ako---“

“Aayusin natin ang lahat. I will make ways to contact your family. Not really contact but to have communication with them, o kahit ang Hunter man na iyon. Hindi ka na niya guguluhin. Puwede ng maging tayo…”

Ginagap ni Warren ang kamay niya. Hinalikan at pinisil nito iyon. “Your story is like Snow White. You both have the same name, attributes and you are a princess. You have a stepmother who wanted you to be killed. Pero ano ba ang ginawa ni Snow White?

“Tumakas si Snow White. Napunta sa bahay ng mga duwende, sa bahay na parang kagaya ng bahay namin. May anim na bata sa bahay, well, pito talaga, nasa Seminaryo lang ang isa. At nang magkita sila ng prinsipe niya, wala ng sinabi sa kuwento kung anong ginawa ni Snow White sa nakaraan niya. Pinabayaan na niya. Hindi ba puwedeng gumaya ka na lang rin doon? Ang takasan ang buhay na pinagmulan mo? After all, there is an evil queen that is after you. Nanganganib ang buhay mo roon.”

“I-its true…”

“Pinadala ka sa buhay namin nang may dahilan, Snow. Bakit sa dinami-rami ng mga bahay ay sa mismong lugar ka pa namin napunta? Gusto kong isipin na ang dahilan ay dahil sa akin. Kailangan kita. You changed me. You make a new life for me and the kids. At ayokong umalis ka. Hindi ko kaya…”

Naluluhang tumango si Snow. Maraming beses na niyang kinukumbinsi ang sarili niya na baka nga si Warren at ang mga bata ang dahilan kung bakit siya naririto. Lahat ay may dahilan. Kaya niya naranasan ang sakit ng buhay ay dahil hindi iyon ang para sa kanya.

Snow belong to Warren and his family. At gusto niya iyon.

“Sabi nila, hindi ka magmamahal ng iba kung talagang totoong mahal mo ang una. Na-realize ko iyon kaya naglakas ako ng loob na gawin ang lahat ng ito. I want to pursue you because I’m falling in love with you. Wala na akong pakialam sa conflict, basta makasama lang kita…”

“I think I’m falling for you, too, Warren. Ayoko na rin sana na isipin ang nakaraan…”

“Pero nakokonsensya ka. Naiintindihan ko. Pero gagawa tayo ng paraan. Magiging maayos rin ang lahat. Just trust me.” Hinalikan ni Warren ang noo niya. “Now, let’s just enjoy for a moment…”

Tumango si Snow. “Let’s enjoy each other…”

“Definitely.” Warren said and kissed her again.

Inihilig ulit ni Snow ang mukha sa dibdib ni Warren. Ginawa niya ang sinabi sa lalaki---i-enjoy ang mayroon sa kanila ngayon. Hindi na niya inisip ang nakaraan at ang buhay niya.

Snow wanted to think that Warren is her present and also her future.

Walang pinagsisihan si Snow. The night was so beautiful she will treasure it forever.

CHAPTER SEVEN

“WE MISSED you, Kuya Daniel…” niyakap ni Diane ang panganay na kapatid. Sinundo nila ang binatilyo sa minor seminary school sa may Pangasinan kung saan ito nag-aaral. May isang linggong bakasyon si Daniel sa school. Uuwi ito sa bahay.

“Masaya rin ako na makita kayong lahat…” isa-isang niyakap at hinalikan ni Daniel ang mga kapatid. Niyakap rin nito si Warren. Nang makita siya ay nakipagkamay ito sa kanya.

“Girlfriend ka po ni Tito?” Nakangiti si Daniel.

Namula si Snow. Inakbayan siya nito.

“Yes. What do you think?” Proud na proud pang wika ni Warren.

“She’s so beautiful. Mukhang mabait rin siya.” Tumingin si Daniel sa mga kapatid. Nakangiti rin ang mga ito. “Ibang-iba rin ngayon ang aura ng mga kapatid ko. Mukhang masayang-masaya sila…”

“Oo naman.” Si Snow naman ngayon ang niyakap ni Dianne. “I love Ate Snow. Para ko na siyang Mommy. Tapos girlfriend pa siya ngayon ni Tito Warren. Simula nang mamatay si Daddy, si Tito Warren na rin ang aking daddy. He takes care of us well…”

Natunaw ang puso ni Snow sa sinabi ni Dianne. Pero muntik na siyang mapaiyak nang lahat ng magkakapatid ay sumang-ayon sa sinabi ni Dianne. Niyakap rin siya ng mga ito.

“T-thank you…”

“I love you, Ate. Don’t ever leave us? You made our life beautiful again…” wika ni Daisy.

Tumango si Snow. Masaya siya sa piling ng pamilya. Pero mas masaya siya sa piling ni Warren. Tumataba rin ang puso niya sa isipin na para na silang mag-asawa at ang mga pamangkin nito ang anak niya.

“Mommy…” Ngingiti-ngiting wika ni Warren sa kanya nang sandaling lumayo sa kanila ang mga bata. Niyaya ang mga ito ni Daniel na igala sandali sa minor seminary school. Sinamahan ito ni Manang Celia. Kompleto silang sinundo si Daniel. “I love that.”

Kinuha ni Warren ang kamay niya. Pinisil at hinalikan nito iyon.

Kinilig si Snow. “Ako rin. Gustong-gusto ko ang mga pamangkin mo. At masaya rin ako sa isipin na parang Mommy ang turing nila sa akin. They were great kids…”

“Hmmm… gusto mo na bang ma-promote?”

Napakurap si Snow. “Don’t tell me---“

“I would love that. Pero gusto ko munang malaman ang opinyon mo.”

“I would love that, too. Pero habang hindi pa natin naayos ang problema sa nakaraan ko, I can’t say “yes” to it, Warren…”

Tumango si Warren. Pero napansin niyang malungkot rin ang mukha nito.

Naguguluhan tuloy si Snow sa nararamdaman. Ayaw niyang makita na malungkot ito. But on the other side, ibig sabihin lang ay gusto rin talaga ni Warren na pakasalan siya.

Someday. Soon.

The thought made Snow happy. It was almost a happily ever after. Pero hindi pa rin tapos ang istorya.

Alam niyang gumagawa ng paraan si Warren para magkaroon ulit siya ng contact kay Hunter at matuldukan na ang pangako nila sa isa’t isa. Sigurado na siya. Si Warren ang mahal niya.

Pero naiintindihan rin naman ni Snow na hindi magiging madali ang lahat. Delikado ang kalabanin ang stepmother niya. Hindi madaling proseso ang pag-aayos ng gulo ng nakaraan niya. Hindi lang naman kasi si Hunter ang problema. Ganoon rin ang stepmother niya. Sa ayaw niya at sa gusto, parte pa rin ito ng buhay niya. Magiging payapa lang ang lahat kapag naayos na niya ang gulo kasama ito.

Ganoon pa man, nagtitiwala si Snow kay Warren. Magiging maayos rin ang lahat.

For now, mag-e-enjoy na lang muna si Snow sa bagong buhay niya. Ayaw na muna niyang isipin ang nakaraan.

PAGKATAPOS sunduin si Daniel sa minor seminary school ay gumala rin muna ang pamilya. Nagpunta sila sa isang nature park sa Pangasinan. Malalim na ang gabi nang makauwi sila.

“Ako na po ang magbubukas ng gate.” Pagpresinta ni Dianne. Sa mga magkakapatid, ang bata na lang ang malakas ang energy. Masyadong napagod ang mga ito sa paggala at sa mahabang biyahe rin. Halos tulog na ang mga ito. Si Dianne at si Drake na lang ang gising.

Hinayaan nila ang bata sa gusto nito. Papasok pa lang sana sa maliit na gate si Dianne para buksan ang malaki nang mapatigil ito.

“Yuck! May patay na pusa!”

Napababa si Snow dahil mukhang natakot ang bata. Ganoon rin si Warren Napasinghap si Snow nang makilala ang pusa.

“Kitty…” Nanlalaki ang mata ni Snow. May street light sa tapat ng bahay nila kaya malinaw sa kanya ang itsura ng pusa. Iyon ang pusa niya sa bahay nila.

Patay na ang pusa. Napamahal pa man rin sa kanya si Kitty. Masakit na makitang namatay ito.

“Oh God…” Kahit si Drake ay naiyak nang makita ang patay na pusa.

Kinalma ni Warren ang mga bata. Ito rin ang nag-alis ng pusa sa harap ng gate.

“Everybody come and go,” wika nito sa kanya at sa mga bata. “Oras na ng pusa na `yan.”

“But I know that cat. Healthy ang pusa na `yan. Hindi pa dapat siya mamamatay…”

“Paano mo nakilala ang pusang ito?”

Hindi sinagot ni Snow ang tanong. May na-realize siya.

Kilala niya si Kitty. She was a healthy cat. Kung wala itong sakit, maaaring pinatay ito. At bakit sa lahat ng lugar, dito pa namatay si Kitty?

May nagdala kay Kitty sa lugar.

“Look, may envelope!” sigaw ni Dianne.

Akmang kukuhanin na ni Dianne ang envelope. Pero inunahan ito ni Snow.

Binuksan ni Snow ang envelope at nakitang may sulat sa loob noon. Tahimik na binasa niya iyon.

“Ikaw na ang susunod sa pusa mo, Snow…”

Nabitawan ni Snow ang sulat.

HINALIKAN ni Warren ang noo ni Snow. Mahigpit na niyakap rin siya nito. “Ligtas na tayo…”

Tumango si Snow. Tumingin siya sa bagong bahay na nilapitan nila---ang bahay ng kaibigan ni Warren na si Andy sa Maynila.

Nagdesisyon silang lumipat nang simula nang ilagay ang patay na si Kitty sa harap ng bahay. Nasa panganib ang buhay ni Snow. Alam na ng stepmother niya na buhay siya. Alam nito kung saan siya nagtatago.

Pero dahil na-associate siya sa pamilya, minabuti nila na umalis na muna sa bahay. Delikado ang lugar dahil alam na ng stepmother niya na doon siya nakatira. Natatakot rin sila na madamay ang pamilya.

“Napakabait ni Andy.”

“Yes. He was one of the kindest person I know. Magiging maayos rin ang lagay natin dito at ng mga bata. I also contacted a security agency para mas safe tayo at mga bata.”

“Thank you.”

“I will protect you with all of my power. Just trust me. I love you…”

“I-I love you, too…”

“Now smile…” utos sa kanya ni Warren. “Mukhang hindi ka pa rin mapakali.”

Sinubukang ngumiti ni Snow kahit mahirap. Ang isipin kasi na nasa panganib ang buhay nila ay natatakot na siya.

Nahihiya rin si Snow kay Warren at sa pamilya. Dapat ay siya ang lumayo. Pakiramdam niya ay idinamay niya ang mga ito.

“Hindi ko pa rin gusto ang reaksyon mo, Snow. I’m more worried about your emotions than our safety.”

“Hindi niyo naman kasi deserved na magtago. Mahirap ang lahat ng ito. Dapat talaga ay umalis na ako. You just have to let me deal with everything…”

Dumilim ang mukha ni Warren. “No. Hindi ka puwedeng umalis. Mas delikado. Paano kung mapahamak ka?”

“Pero kapag kasama niyo ako ay puwede rin kayong mapahamak…”

“Sama-sama tayo rito. Maaayos rin ang lahat. `Wag ka ng mag-alala, please? Gagawin ko rin naman ang lahat para hindi mapahamak ang mga bata. Just trust me, okay?”

Ano pa nga ba ang magagawa ni Snow? Ayaw rin naman niya na malayo sa pamilya. Isa pa, kahit nakokonsensya siya ay natatakot rin siya.

Her life is in danger. Ayaw niya pang mamatay. Marami pa siyang gustong maranasan sa buhay. Gusto niya pang makasama ang mga bata, lalong-lalo na si Warren.

Gusto niyang makasama ang pamilya habang buhay. Gusto niyang makasal kay Warren.

Pero mangyayari lang iyon kapag naging maayos ang lahat.

Inakbayan siya ni Warren. “Puntahan na muna natin ang mga bata para ma-distract ka kahit papaano. Huwag mong isipin na masama ang sitwasyon.”

Pumayag si Snow. Sinilip nila ang mga bata na kasama ngayon ni Andy. Pinakita ng lalaki sa mga bata ang magiging bagong kuwarto ng mga ito. May kaliitan iyon kaysa sa dating kuwarto ng mga ito pero mukhang minabuti pa iyon ng mga bata.

“Mas okay `yung ganito. Mas magkakalapit-lapit tayo lalo sa isa’t isa…”

Tumango ang mga bata. Pinagtabi-tabi ng mga bata ang kama ng mga ito.

“Tama `yan. The family that sleeps together, stays together…” mukhang proud na proud pang wika ni Andy.

Ngumiwi si Daniel. Sa isang araw pa ang balik nito sa seminaryo. “Mali naman po, eh. The family that prays together stays together dapat…”

Napakamot ng ulo si Andy. “Ganoon ba? Ay sorry naman.”

“Okay lang po, Tito Andy. Thank you so much sa pagpapatira sa amin rito, ha? Ang bait-bait niyo po.” Wika ni Dianne.

Andy tapped Dianne’s head. “You’re welcome. Basta `wag na kayong mag-alala at matakot. Hindi ko kayo pababayaan. Gusto ko na masaya lang kayo palagi, ha? Smile…”

Ngumiti nga ang mga bata.

“At para hindi rin tayo palaging matakot at mag-alala, kailangan rin natin na magdasal. Everything will be all right.” Wika ni Daniel.

Nagdasal nga ang mga bata. Kahit si Andy ay nakisali rin sa dasal. Napakabait talaga ng lalaki. Mukhang mahilig rin ito sa mga bata.

“Sana po ay maging maayos na po ang buhay namin.” Umpisang dasal ni Drake.

“Sana po ay mamatay na ang stepmother ni Ate Snow!” wika ni Daisy.

Sinaway ito ni Daniel. “Don’t wish for someone to be killed, Daisy. Killing is not a good punishment for those who sinned. Masama iyon.”

“Sorry na po. Gusto ko lang naman kasi na okay rin si Ate Snow. Nalulungkot ako kasi alam kong natatakot rin siya.”

“Well, i-wish na lang rin natin ang peace of mind niya,” wika ni Dixie. Sumunod nga ang mga bata.

Tumalikod na si Snow. Naiiyak na rin siya sa pakikinig pa lang sa mga ito.

“Snow…”

“They were so good to me. I don’t deserve this!”

“You deserved everything beautiful in this world.” Hinaplos ni Warren ang pisngi niya. Bumuntong-hininga ito. “Alam ko na natatakot ka, Snow. Pero ilang beses ko ba na ipapaalala sa `yo na nandito kami para sa `yo? Nandito ako. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa `yo. Hindi ka nag-iisa sa buhay na ito. Ayaw namin na mawala ka kaya poprotektahan ka namin.

“Naging mabait ka sa mga bata. Kahit naging masama sila sa `yo noong una ay tinanggap mo sila. Halos ibinigay mo rin ang buhay mo para kay Daisy. Kaya deserved mo ang lahat ng wishes nila. Deserved mo ang loyalty, respect at love nila sa `yo. And you also deserved my love for you because you changed me. You made my heart beat again…”

Niyakap niya ulit si Warren. Tama ito. Sadya lang talagang kinakain ng takot ang puso at katawan niya.

“Tahan na, okay? Gayahin mo na lang rin ang mga bata. Pray. Have faith. Magiging maayos rin ang lahat.”

Hinalikan ulit ni Warren ang tuktok ng ulo niya. Sa loob-loob niya ay nagdasal rin siya. Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin talaga nawala ang takot at konsensiya niya.

May magagawa ang Diyos, oo. Pero sabi nga nila, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

WALANG nakapigil kay Snow para umalis sa pamilya Sevillo. Tumakas siya ng bahay. Hindi na niya kaya ang lahat.

Mahal ni Snow si Warren at ang pamilya. Gusto niyang makasama ang mga ito. But those are just for good times.

Ayaw ni Snow na madamay pa ang pamilya kaya umalis na siya. Bahala na. Kailangan niyang harapin ang problema niya nang mag-isa. Kailangan niyang ingatan rin ang mga taong mahal niya.

Iisa lang siya. Marami ang mga ito. And knowing now the real attitude of her stepmother, puwedeng madamay ang mga ito.

Drug Lord ito. Ibig sabihin lang noon ay marami na itong sinira na buhay. Wala itong pakialam. Wala itong awa. Kung kaya siya nitong ipapatay, kayang-kaya rin nitong gawin iyon sa iba.

Nilakasan ni Snow ang loob niya. Pumunta siya sa bahay nila. Isa pang dahilan ay natakot rin siya sa kaligtasan ni Hunter. Kahit nawala na ang damdamin, pinapahalagahan pa rin niya ang lalaki. Kaibigan niya ito. Iniligtas rin siya nito. Nag-aalala siya rito.

Paano kung si Hunter ang pinapatay ng stepmother niya? Alam na nito na buhay siya. Ibig sabihin lang noon, alam na ng stepmother niya na pumalpak si Hunter sa gusto nito. Kailangan niyang malaman ang lahat.

Madali lang naman na nakapasok si Snow sa bahay. Hindi rin nahalata ng mga security na nakapasok siya. Dahil madalas na nasa bahay lang naman siya, alam na niya ang lahat-lahat sa bahay. May secret passage roon. Iyon ang ginamit niya para makapasok.

Dumidiretso ang secret passage papunta sa kuwarto ni Snow. Payapang nakarating naman siya. Pero gulo ang naramdaman niya nang makita ang dating kuwarto.

Snow’s room used to be her favorite place. Malaki ang kuwarto niya, makulay at maaliwalas. Noong bata rin siya ay maraming mga laruan roon at pati na rin mga libro. It was a dream room for a girl.

Pero wala na sa dati ang kuwarto. Magulo iyon at may mga agiw---halatang napabayaan. Isang buwan lang siyang nawala ay parang may nangyaring giyera na roon.

At mukhang sa kasalukuyan ay may nangyayari nga rin talaga na “giyera”.

Napako ang tingin ni Snow sa kama niya. Ilang beses pa siyang napakurap. Hindi siya makapaniwala sa nakita sa ibabaw noon.

It was Hunter and her stepmother. They were kissing like maniacs. Hubad rin ang mga ito.

All of the places and people, Hunter…

Napakababoy ng dalawa. Hindi rin siya makapaniwala. Akala niya ay mahal siya ni Hunter? Bakit ganito ito ngayon? Nakikipagtalik ito sa stepmother niya!

Nandidiri si Snow.

Pinagtaksilan ni Hunter si Snow. Pero wala na rin naman doon ang isip niya. They were even. Ang hindi lang niya matanggap ay mukhang kakampi rin pala ito ng stepmother niya. Sino pa ba ang dapat niyang pagkatiwalaan ngayon?

Nasaktan si Snow. Hindi rin niya napigilan na hindi maka-react. Napasinghap siya.

At iyon rin ang dahilan ng pagsisimula ng totoong panganib sa buhay ni Snow.

Napatingin sa kanya ang dalawa. Nawalan ng kulay ang pawisang mukha ni Hunter. Naningkit naman ang mata ng evil stepmother niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.