HINDI masabi ni Snow na masuwerte pa rin siya sa sitwasyon niya ngayon. Nahuli na siya ng stepmother niya. But instead of killing her, she delayed the process. Biglang nagkaroon ito ng importanteng lakad. Pero may iisang bagay na sinigurado ito sa kanya: papatayin siya nito. She also wanted to do it with her bare hands. Ayaw na daw nito ulit magtiwala.
Ikinulong si Snow sa kuwarto niya. Nakatali ang kamay at paa niya. Ilang oras na siyang nasa ganoong lagay. Pakiramdam niya ay lalo lang siyang mahihirapan.
Bakit pa papatagalin ang proseso kung sa kamatayan rin naman ang diretso niya? Pakiramdam niya ay tino-torture pa siya sa ginagawa niya.
Isang putok lang naman ng baril ang katapat niya. Napakadali lang noon. Hindi na dapat siya pinatagal pa ng ganito.
Unti-unti ng natatanggap ni Snow ang kapalaran niya. Her life only has an ending---not a happy one. Hindi totoo ang fairy tales. She was also not a real princess. Wala siyang happily ever after.
It was sad, yes. Pero mas malulungkot si Snow kung madadamay pa si Warren at ang mga bata. Okay na sa kanya na mamatay ng ganito. At least she knew that someone had loved her. And she felt she will die a hero. Hindi niya isinama ang pamilya sa problema niya. Alam niyang magiging maayos rin ang mga ito dahil maayos na ngayon si Warren. He will take care of the kids.
Halos nakatulala lang si Snow sa loob ng ilang oras. Wala rin naman kasi siyang kasama sa kuwarto. Mataas na ang araw nang may pumasok ulit roon. Umasa siya na ang Tita Evie na niya iyon.
But it was Hunter. May dala itong pagkain.
“Kumain ka muna,” alok ni Hunter sa kanya. Itinaas ni Hunter ang kutsara sa bibig niya.
Hindi ito pinansin ni Snow. Aanhin pa niya ang pagkain kung mamatay rin siya? At bakit ba nagbabait-baitan pa ito sa kanya?
“Hindi kita pababayaan. Sa katunayan, pinilit kong ako talaga ang magpakain sa `yo kahit marami ang duda sa akin. Gusto kong makausap ka...” Bahagyang hinaplos ni Hunter ang buhok niya. “`Wag kang mag-alala. Wala `yang lason.”
Nagkibit-balikat si Snow. “Iyon na nga. Walang lason. Hindi pa ako mamamatay diyan kaya `wag na lang.”
“Nasasaktan ka….” Bumuntong-hininga si Hunter. “I’m sorry, Snow. Pero lahat nang nakita mo---“
“Wala na akong pakialam sa nakita ko, Hunter. Ayoko lang talaga nang may makausap sa ngayon…”
“Kaya kong magpaliwanag sa `yo, Snow…”
“Kung ito ay dahil sa naisip mo na nasasaktan ako sa nakita ko, well, mali ka.”
Kumunot ang noo ni Hunter. “P-pero mahal mo ako `di ba? Mahal natin ang isa’t isa…”
“Yeah. Dati. Siguro. I don’t know…” Walang sakit na naramdaman si Snow sa nakita niyang lagay ng stepmother niya at si Hunter. Ang tanging nararamdaman lang niya ay ang pandidiri.
Alam niyang ayaw ni Hunter sa stepmother niya kaya bakit nito iyon pinatulan? Pero ayaw rin naman na i-judge ni Snow si Hunter. Mali ito pero may pagkakamali rin siya. Sinira na niya ang pangako rito.
“Anong ibig mong sabihin?”
“I’m sorry, too, Hunter. I don’t love you anymore. I fell for someone else. Mahal ko na siya…”
“H-hindi…” Namutla si Hunter.
“Matagal na kitang gustong makausap. Sinubukan ko rin naman na pigilan ang nararamdaman ko kay Warren para sa `yo. But I can’t. I just simply can’t…”
“Snow…”
“Naging mabait ka sa akin, Hunter. Tinatanaw ko rin na malaking utang na loob ang ginawa mo sa akin dati. Kung hindi mo ako pinatakas, hindi ko makikilala si Warren at ang pamilya niya. I wouldn’t enjoy and love life again…”
“Mahal kita, Snow. Hindi kita kayang pabayaan. At mahal pa rin kita hanggang ngayon…” Bumuntong-hininga si Hunter. “Ang nakita mo sa amin ng stepmother mo, wala lang iyon. I was just forced to do it. Dahil kung hindi, papatayin niya ako…
“Galit sa akin ang stepmother mo dahil nalaman niyang hindi kita talaga napatay. Pero nalaman ko rin na may gusto siya sa akin. Para makaligtas sa kasamaan niya, binigyan niya ako ng kondisyon---to be his toy boy. Hindi ko iyon gusto. Nakakasuka. Nakakadiri. Pero ginawa ko lang ang lahat ng iyon ay para iligtas ang buhay ko. Natatakot ako...”
Nagulat si Snow. Pero naintindihan rin naman niya si Hunter. May dahilan ito. “T-tinatanggap ko. Pero sana ay maintindihan mo rin ang naging sitwasyon ko. I fell for someone else…”
“Yeah. At hindi rin naman kita masisisi siguro. Naging matagal akong kumilos. Tinatantiya ko pa si Ma’am Evie. Hindi ako makakuha ng tiyempo…” wika ni Hunter. Malungkot pa rin ang mukha nito. “You are a beautiful lady, Snow. Madali nga lang na may umibig na lalaki sa `yo, lalo na at naging duwag ako…”
“Natatakot ka. Walang mali roon. Kahit naman ako ay natatakot rin kaya hindi kita masisisi. Sinubukan rin namin na maghanap ng communication sa `yo. Pero mahirap. Mahirap kalaban si Tita Evie.
“Pero `wag mong isipin na dahil naduwag ka kaya nawala ang pagmamahal ko sa `yo. I-it’s my fault. Hindi ko napigilan ang sarili ko na ma-in love rin kay Warren. I fell in love with him and the kids despite of the danger and the wrongs. I am wrong in this…”
“O siguro ang pagmamahal natin sa isa’t isa. Siguro ay hindi naman talaga iyon matatag. Dahil kung matatag iyon, wala tayong takot. Hindi tayo susuko sa isa’t isa.
Kumurap-kurap si Snow. “You understand me…”
“Oo naman. May kasalanan rin naman ako. May mali rin ako. Sana ay pinaglaban kita. Hindi dapat ako naduwag. Hindi rin dapat ako nagpagamit. Ginawa ko dapat ang tama…”
“Hunter…”
“I’m sorry, Snow. Pero sabi ko nga sa `yo, mahal pa rin kita kaya iintindihin kita. I will let you go…”
“But not on the hands of my stepmother...”
Ginagap ni Hunter ang kamay ni Snow. “I will try my best.”
“At ano ang mangyayari kapag tinulungan mo naman ako? Puwede ka niyang saktan or worse, ang tuluyan ng patayin. Ayoko ng umasa, Hunter…”
“Bakit? Hindi ba at may mahal ka ng iba? Bakit ngayon ka pa nawawalan ng pag-asa na mabuhay? Ayaw mo bang mabuhay pa para sa lalaking mahal mo? Ayaw mo bang mas makasama pa siya?”
“Ayokong madamay sila sa gulo. Mas mabuti na nga na mamatay ako para matapos na ang lahat. Mahal ko siya at ang pamilya niya. Pero ayokong mas makasama sa kanila.”
“Have faith, Snow. Sinabi ko na naman sa `yo na gagawa ako ng paraan `di ba? And I mean it this time. At kung mahal mo rin ang lalaking ito, magtitiwala ka sa kanya. Gagawin rin niya ang lahat para sa `yo. Hindi ka niya pababayaan. Hindi kagaya ng ginawa ko sa `yo noon…”
Tinitigan ni Snow si Hunter. Ilang beses siyang sinabihan ni Warren na magtiwala lang siya rito. Pero natakot siya. Hindi niya ginawa.
Mali iyon. Mahal niya si Warren. Dapat ay naniwala siya sa mga salita nito.
Ganoon pa man, hindi pa naman huli ang lahat `di ba?
Pinisil ni Hunter ang kamay niya. “Hindi pa kita mailalabas ngayon. Masyadong maraming guard.”
Tumingin si Snow sa secret passage. Kahit iyon rin ay wala na siyang kawala. Nalaman na ng stepmother niya ang tungkol roon. Sigurado siyang may nagbabantay na rin doon para hindi siya makalabas.
Pero hindi lang naman ang secret passage niya ang paraan para makalaya. Kung makikipag-ugnayan si Hunter o kahit sino man na puwedeng tumulong sa kanya, puwede pa rin naman na maging maayos ang lahat.
Dapat ay magtiwala sila na may mabubuting tao pa rin sa mundo. Matatapos na rin ang kasamaan ng stepmother niya.
Magkakaroon pa rin si Snow ng happily ever after. Kailangan lang talaga niyang matuto na magtiwala…
“Hanapin mo si Warren Sevillo. Makipag-ugnayan ka sa kanya. Sigurado ako na hinahanap niya rin ako.” Humugot nang malalim na hininga si Snow. “Hindi na tayo dapat matakot, Hunter. Dahil nakita mo na naman ang ginagawa ng takot sa atin `di ba? Pinaghiwalay tayo. Nasira tayo. At ngayon ay mas lalong masisira rin ang buhay ko. Tuluyan ng masisira ang buhay ko kapag natakot pa tayo…”
Tumango si Hunter. “May point ka…”
May pumasok sa kuwarto at hinahanap ito kaya napilitan na itong umalis. Naiwan ulit siya sa kuwarto.
Pero nawala na ang negatibong pag-iisip ni Snow. Hindi siya mamamatay. Kailangan lang niyang magtiwala. May tutulong sa kanya.
Na-realize ni Snow na walang mangyayaring mabuti sa kanya kung matatakot siya at mag-iisip ng mga masasamang bagay.
Pumikit si Snow. She thinks of happy thoughts. She thought of Warren.
Snow felt that she was in heaven just by thinking of Warren…
“MATAGAL na naming minamanmanan si Mrs. Evie Montereal. Nakarating nga sa amin ang balita na isa nga siya sa may kinalaman ng mga malakihang drug trade dito sa Maynila. Naghahanap lang talaga kami ng tiyempo para mahuli siya.”
“Hindi na natin kailangan ng tiyempo. Nasa kapahamakan ngayon ang girlfriend ko. We really have to do actions right now. This isn’t just a matter of drugs…”
Tumango ang mga pulis. Nang malaman niyang nawawala si Snow ay dumiretso siya kaagad sa police station. Kailangan niya ng tulong ng mga ito.
Alam ni Warren na malaking problema ang kahaharapin niya. Kaya hindi rin siya nagpadalos-dalos. Kahit alam niya kung saan nagpunta si Snow nang mawala ito, kailangan niyang humingi ng tulong.
Hindi naman ito ang unang beses na nakipag-coordinate si Warren sa pulis. Simula nang malaman niya ang kasamaan ng stepmother ni Snow ay kaagad na niya itong pina-imbestigahan. Pero kagaya rin ng sinabi ngayon ng pulis ang nangyari dati---humahanap ng tiyempo.
Sa lagay nila ngayon, hindi na kailangan ng tiyempo. Nanganganib ang buhay ni Snow. Kailangan nila itong mailigtas.
Mahirap kalaban si Evie Montereal. Naiintindihan iyon ni Warren. Pero magiging mas mahirap para kay Warren kung patatagalin pa nila ang sitwasyon. Mabuti na lang at nawala na rin ang pag-aalinlangan ng mga pulis. Sinamahan siya ng mga ito para madakip ang babaeng gustong magpapatay kay Snow.
Natatakot rin si Warren sa puwedeng mangyari. Pero alam naman niya na mas makakasama lang sa sitwasyon kung matatakot siya. Isa pa, pinalinaw rin ni Drake ang isipan niya. Pinisil niya ang pulang heart-shaped stress ball na binigay nito sa kanya nang malaman nito ang gagawin niya…
“Para saan ito?” Tanong ni Warren sa pamangkin nang habulin siya nito.
“Para kumalma ka po. Para hindi ka rin po ma-stress…” pag-imporma ng pamangkin. “Ibinigay po sa akin ni Ate Snow nang makita niyang sinusubsob ko po masyado ang sarili ko sa pag-aaral. Masama raw po iyon. Pero dahil mapilit po ako, ibinigay na lang po niya ito sa akin para iwas stress…”
“Thanks…” Kinuha ni Warren ang stress ball.
“Everything will be all right, Tito. Love tayo ni Papa God. Hindi niya tayo papabayaan. Love rin tayo ni Ate Snow. Hindi siya susuko…”
Nayakap ni Warren ang pamangkin. Pero sa loob-loob niya, sana ay ganoon rin ang paniniwala ni Snow.
Ganoon pa man, inisip niya ang mga sinabi ng pamangkin niya: love and trust.
Mahal ni Warren si Snow kaya nagtitiwala siya na hindi ito susuko. Lalaban ito. Siguro ay natatakot ito at hindi rin naman niya ito masisisi.
Ipinakita lang ni Snow na mahal rin sila nito. Ayaw nitong madamay sila sa gulo ng buhay nito.
Nang makarating si Warren sa bahay nina Snow ay nalula siya. It was really huge. Galing nga talaga ito sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.
“Dito na lang po kayo, Mr. Sevillo. Kami na po ang bahala,” sabi sa kanya ng mga pulis.
Pumayag si Warren. Pero hindi siya mapakali. Gusto rin niyang makasama sa operasyon. Gusto niyang siya mismo ang magligtas kay Snow. Kailangan niyang malaman kaagad na okay pa rin ito.
Nakarinig nang malakas na putok si Warren. Doon siya lalong kinabahan. Napamura siya. May kasama siyang isang pulis sa kotse pero hindi na siya nagpapigil. Ginawa niya ang gusto. Sumunod rin siya sa pagpasok sa mansion.
Nakita ni Warren na may isang lalaki ang nakahiga sa sahig. Sigurado siyang hindi iyon ang mga kasama nilang pulis. Siguro ay isa iyon sa mga bantay sa bahay.
Malaki ang mansion at hindi alam ni Warren kung saan puwedeng sumuot. Wala rin siyang makitang puwedeng pagtanungan. Walang kasambahay.
Hinahalughog na ng mga pulis ang bahay pero hindi siya sumunod ang mga ito. He did his own investigation.
Nakapunta si Warren sa kuwarto sa dulo ng kanluranang pasilyo. Naagaw ng atensyon niya ang isang pink na pinto. It looks childish and sweet. Sa tingin niya ay iyon ang kuwarto ni Snow. Naikuwento na naman nito sa kanya na only child ito.
Nakita nga niya si Snow. Nakaupo ito sa isang sulok ng kuwarto---nakatali ang kamay at paa nito.
Kaagad na nilapitan ni Warren si Snow. Nagliwanag ang mukha nito. “You found me…”
“I love you and I will always find you.” Wika ni Warren at inumpisahang tanggalin ang mga tali ni Snow sa katawan. Niyakap niya ito pagkatapos.
“L-ligtas na ba ako---tayo?”
Tumango si Warren. Hinalikan niya ito. “I told you to just trust me…”
Napaiyak na si Snow. “Yes, and I’m sorry. Natakot ako. Pero umasa pa rin naman ako na darating ka at ililigtas ako…”
“Pasalamat ka at mahal kita. You are forgiven now…”
“You really are a prince charming. You save me.”
“Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa reyna ng buhay ko…”
Pinatayo na ni Warren si Snow. Bahagyang nakahinga siya nang maluwag nang maayos naman itong nakalakad. Ibig sabihin lang noon, hindi naman ito nasaktan.
Pero bumalik ulit ang takot sa puso ni Warren nang makitang may humarang sa pintuan ng kuwarto. It was an old woman. May dala-dala itong baril.
“Tita Evie…” Kumapit si Snow kay Warren.
“Napakawalang-hiya mong babae ka! Nakakagalit ka talaga! Hindi ko na nga nakuha ang kayamanan ng Papa mo, pati ang sarili kong negosyo ay pinahamak mo!” Galit na galit ang babae.
“Naging mabait ako sa inyo. Hindi ko deserved ang galit mo…”
“Maybe. But I don’t care! Hindi kita gusto. Mahal na mahal ka ng ama mo at ayoko noon. Nagseselos ako. At nang mamatay siya, doon ko lalong na-realize na tama lang pala na magalit ako sa `yo. Kinuha mo ang lahat sa akin. Wala ka man lang tinira!”
“Hindi ko desisyon---“
“Wala akong pakialam. I hate you! Magbabayad kang babae ka! Papatayin kita!”
Itinutok ng babae ang baril kay Snow. Nanikip ang dibdib ni Warren. Pero mas pinagana niya ang isip. Kailangan niyang protektahan si Snow mula sa baliw na babaeng ito.
Sinubukan ni Warren na harangan si Snow. Pero matigas talaga ang ulo ng babaeng mahal niya. Bumitaw ito sa kanya at pumunta sa unahan niya.
Bang.
Nanlaki ang mata ni Warren. Hinawakan niya kaagad ang nawalan na malay na si Snow sa harapan niya.
Snow was shot in front of Warren’s eyes.
Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Warren sa bahay.