More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 8

SNOW was beaming. Magkikita na daw ulit sila ni Warren at ng mga bata. Nakabalik na siya sa bahay ng mga ito. Maayos na ang buhay nila. Maganda na. At ngayon ang isa siguro sa magiging pinakamagandang araw ni Snow: she will meet Warren at the altar.

There will be a wedding. Silang dalawa ni Warren. They are going to live a happily ever after.

Totoo nga ang fairy tales. Nalagpasan nila Snow at Warren ang lahat ng pagsubok. Wala ng evil queen. Wala ng banta sa buhay ni Snow. Okay na rin sila ni Hunter. He had been a good sport.

Happily ever after do exists. And she was so glad to share it with Warren and his nephews and nieces.

Binuksan na ang pinto ng simbahan. Nakita ni Snow si Warren at ang mga bata. Napakaganda ng bihis ng mga ito. Napakaguwapo rin ng ayos ni Warren. Dumagdag pa sa kaguwapuhan nito ang nakapaskil na ngiti sa labi nito habang nakatingin…sa ibang babae.

Ilang beses pa na napakurap si Snow. Sino ang babaeng ito? Bakit nakasuot rin ito ng napakagandang puting damit? Isang damit na pangkasal. Hindi ba dapat siya ang makakasama ngayon ni Warren sa kasal? At bakit ang mga bata ay pinalilibutan rin ito?

Nakayakap sa paanan ng babae si Dianne at si Dennis. Nakangiti na inaayos ni Dixie ang mukha ng babae. Sina Darwin, Drake at Daisy naman ay nagniningning ang mga mata na nakatingin rito. It looked like they really adore the girl.

Parang may kutsilyong tumarak sa puso ni Snow. Masakit na makitang hindi na lang sa kanya tumitingin ang mga ito ng ganoon. Pero mas masakit ang makita na ganoon rin si Warren.

May iba ng nasa puso ni Warren. Hindi na siya nito mahal. Nasaan na ang sinabi nitong palagi siya nitong mamahalin? Kung totoo nga iyon, hindi dapat ito naghanap ng bagong mamahalin. Hindi siya mapapalitan sa puso nito.

Niloko siya ni Warren.

Napayuko si Snow para maitago ang pag-iyak. Doon niya napansin na may mali nga sa sarili niya.

Naka-puting damit si Snow. It looks like a hospital gown…

Napakurap si Snow. Bakit ganoon ang suot niya? Iniisip niya na ikakasal siya samantalang ganoon ang suot niya? Anong klaseng sitwasyon ba siya naroroon ngayon?

Nanlamig si Snow nang mawala ang background. Naging puti na lang ang lahat. Mayroon rin siyang nakitang liwanag. Napakaliwanag.

Couldn’t it be…?

Masakit ang silaw ng araw. Pero mas masakit ang mga naging realization niya kung bakit ganito ang nangyari sa kanya.

Naalala ni Snow ang mga nangyari noong nakaraan. Dumating ang stepmother niya. Tinutukan siya nito ng baril. Hinarangan siya ni Warren pero naging matigas ang ulo niya. Tinanggap pa rin niya ang bala.

At mukhang namatay siya roon…

“No! Mahal ko si Warren. Hindi ako puwedeng mamatay. Hindi puwede. Gusto ko pa siyang makasama at ang mga pamangkin niya…”

Umiyak nang umiyak si Snow hanggang tuluyan na ulit na magdilim ang paligid.

“JUST kiss her again, Tito. True love’s kiss is powerful and magical…”

“I know. But I’ve kissed her for a hundred times already, right?”

“Teka, `wag mong sabihin na sumusuko ka na, Tito?”

“Of course not. I will kiss her again. I don’t care if it’s a million times. Hindi ako magsasawa hanggang sa magising at makasama ulit natin siya. Kaya lang, baka naman kaya hindi siya nagigising ay dahil napapagod na siya `di ba? Mamaya na ulit.”

Nagising si Snow sa mga matitinis na boses ng mga bata at baritonong tinig ng isang lalaki. Minulat niya ang kanyang mga mata.

“Oh, Tito! Mukha ngang kailangan niya lang ng kaunting pahinga. Ate Snow is awake now!”

Unang bumungad sa mga mata ni Snow ay ang nakatunghay na mukha sa kanya ni Warren. Ilang beses pa itong kumurap---mukhang hindi rin makapaniwala sa nakita. Pero maya-maya ay ngumiti rin ito. Nagliwanag ang mukha nito.

Hinalikan ulit siya ni Warren. “Thank God…”

“Do it again…”

“Do what?”

“Kiss me…”

Hinalikan nga siya ni Warren. Three, four times. Parang nalulunod si Snow sa sobrang saya.

“B-buhay nga ako…” Napaiyak si Snow.

Hinaplos ni Warren ang pisngi ni Snow. Pinahid rin nito ang mga luha niya. “You deserved to live.”

Ikinuwento ni Snow ang panaginip kay Warren. “A-ang akala ko ay patay na ako. Takot na takot ako. Ikakasal ka na daw sa iba at papalitan ako. Ang sakit-sakit…”

“At ang pagseselos mo pala talaga ang dahilan kung bakit ka nagising?” Natawa si Warren. “Don’t be. I need you. I love you. You are the only one for me from now on…”

“And we need and love you, too, Ate Snow…” Isa-isang lumapit ang mga pamangkin ni Warren sa kanya. Present ang lahat, pati na rin si Manang Celia. Niyakap siya ng mga bata.

Pumalakpak si Dianne. “True love’s kiss is the most powerful thing on this world. Maraming beses ka po na hinalikan ni Tito Warren kaya ka nagising…”

“Then it really is a fairy tale…” Lalong naiyak si Snow. Masayang niyakap at hinalikan rin niya isa-isa ang mga ito.

“Pero sigurado ka ba talaga na okay ka na? Walang masakit sa `yo?” Nag-aalalang tanong ni Warren.

Pinakiramdaman ni Snow ang sarili. Napatingin siya sa kanyang kanang braso. Iyon lang ang nararamdam niyang masakit. Nakita niyang may benda iyon.

“Luckily, you were just shot on the arm. Walang major parts na nasira. Natanggal na rin ang bala. Nahimatay ka lang dahil sa sakit at takot. The Doctor assured us that you will also be fine. Medyo natakot lang talaga kami dahil medyo matagal kang nagising. You were asleep for more than twelve hours…”

“Masakit ang braso ko pero sa tingin ko ay normal lang ito. So I’m fine, I guess…” wika ni Snow. “A-ano pala ang nangyari? Were everybody’s safe?”

Tumango si Warren. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. “There’s nothing to worry now.”

“Anong nangyari kay Tita Evie?”

“Nasa kamay na siya ng mga pulis. Ang batas na ang bahala sa kanya. Makukulong siya. Bukod sa pagiging involved niya sa drug trade, nagsampa rin ako ng kaso dahil sa ginawa niya sa `yo…”

“Oh, God…”

Nakakalungkot na nangyari iyon sa Tita Evie niya. Naging masama ito sa kanya, oo. But a part of her doesn’t want her to be harmed.

“Why?” Napakunot ang noo ni Warren.

“P-pamilya ko na rin si Tita Evie. Nakakagulat ang lahat pero---“

Dumilim ang mukha ni Warren. “That’s what she deserved, Snow. Sinira ka niya. Muntik ka na niyang mapatay. Sa totoo lang, sa tingin ko ay may mas higit pa nga na parusa ang nararapat sa kanya. Dapat ay pinapatay ang kagaya niya.”

Umiling si Snow. “Hindi mare-resolve ng pagpatay ang lahat.”

“Alam ko. Kaya tinatanggap ko na lang ang lahat ng nangyari sa kanya. I’m also trying not to think about her. Problema lang siya. Tayo lang ang mahihirapan kapag patuloy pa natin siyang inisip. Wala na tayong problema ngayon. That’s what’s important.”

“Nagkausap ba kayo ni Hunter?”

Tumaas ang isang kilay ni Warren. “So you consider him as a problem?”

Umiling si Snow. Ikinuwento niya rito ang naging pag-uusap nila ni Hunter. “Naalala ko lang siya. Biktima rin siya ng kasamaan ni Tita Evie. Naging mabait rin siya sa akin. Pinalaya niya ako. Tinanggap niya ang mga pagkakamali ko. I just want the best for him…”

Tumango si Warren. “I understand. Yes, nagkausap kami. Actually, he was here hours ago. Babalik na lang daw siya kapag nagising ka na. At tama ka, mabait si Hunter. Naging madali rin ang operasyon ng mga pulis dahil sa kanya.”

“Hmmm…”

Nagkuwento si Warren. “Nang dumating kami ay kakaunti lang kaysa sa original na nagbabantay ang mayroon sa bahay. He was already distracting them so he can let you escape. Naikuwento rin niya na sinabi mo nga daw na makipag-ugnayan sa akin. But he felt that it was too late. Alam niyang padating na si Evie at alam niyang papatayin ka nga niya kaya humanap siya ng ibang paraan.

“Hindi man nangyari ang suggestion mo, nakatulong pa rin iyon. Hindi kami ganoong nahirapan para pasukin ang mansion dahil sa ginawa niya. Masasabi ko na malaki rin nga ang utang na loob natin sa kanya.”

Tumango si Snow. “He is a good man. I knew it. Too bad that it just didn’t work for us.”

“Because you are for me, Snow.” Pinisil ni Warren ang kamay niya. “Siguro nga ay totoong may dahilan ang lahat ng mga bagay. Hindi ka malalagay sa alanganin kung walang dahilan iyon. And that is to have a chance to meet me, change me and be a part of my family.

“Na-realize ko rin na may dahilan kung bakit maraming masamang nangyari sa akin sa nakaraan. It didn’t work with me and Tricia because you walked onto my life. You made me realize why it never works with her. You came and stole my heart. I am for you.”

Ngumiti si Snow. “That was nice, but cheesy.”

“And so not me.” Napakamot ng ulo si Warren. “`Wag na natin siyang pag-usapan. Ang mahalaga ay maayos na ang lahat. You’re back into our arms safe…”

“At hinding-hindi na ako aalis. I’m so sorry na iniwan ko kayo…”

“Again, `wag na nating pag-usapan. Tanggap ka namin. Basta ipapangako mo sa amin na hindi mo na kami iiwan ulit…” Mahigpit na niyakap ulit siya ni Warren. “I couldn’t lose you. I don’t want to lose another love one again.”

“Oo nga po, Ate Snow. Basta `wag ka ng aalis, ha? We love to be with you…” wika ni Daisy. Nakiyakap rin ito sa Tito. Nagsunuran rin ang mga iba pang bata.

Naiiyak na tumango si Snow. “Hindi na ako aalis. I don’t have any reason to. Isa pa, pakakasalan ko pa ang Tito niyo `di ba?”

Nagliwanag ang mukha ng lahat. Pero pinakamaliwanag ang kay Warren.

“God, I so love you…” Ninakawan ulit siya ng halik ni Warren.

Tumawa si Dixie. “Baka sa dami na ng halik ni Tito kay Ate Snow ay makatulog siya. Nakakapagod rin `yan, ha.”

Kumindat si Snow. “Hinding-hindi ako magsasawa sa halik niya, Dixie. Don’t worry…”

“And so am I. I love you, my dear Snow. And I will promise you forever. I will promise you a happily ever after…”

“I do, too, Mr. Warren Sevillo. I promise to love and take care of you forever…”

“And also for us, Ate Snow!” Demand ni Daisy. “Hindi lang dapat si Tito Warren ang mamahalin at aalagaan mo, ha.”

“But of course…” Snow assured the kids. Mahal niya si Warren at tanggap rin niya ang lahat ng parte ng buhay nito.

“Selfish brats…” Iiling-iling na wika ni Warren. Nang tignan niya ang mukha nito ay makikita naman na naaliw rin ito sa mga bata.

And it was right to adore and love him, too. Ah, totoo nga. Fairy tales do exists. With Warren and his family on her side, it was a happily ever after.

THE END OF SNOW AND THE UNLIKELY PRINCE

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.