HINDI maintindihan ni Aurora kung bakit hindi pa rin nawawala ang pagbilis ng tibok ng puso niya kapag nagkikita sila ni Phillip. Dahil nag-aaral si Dylan sa riding school na pagmamay-ari nito ay araw-araw niya itong nakikita. Sa tuwina ay hindi pa rin siya mapakali kahit na ba ilang beses na rin silang nagkakalapit. Madalas kasi ay sinasabayan sila nitong mag-lunch at madalas rin na kinakausap sila, lalo na siya. Para bang gusto nitong mapalapit sa kanya. Gusto rin naman niya iyon dahil crush niya ito. Napapansin rin niyang binibigyan sila ng tsansa ni Dylan na lalo pang magkalapit. Alam niyang mali pero madalas na nagpapasalamat sa isip si Aurora rito. Ang sarap kasi ng pakiramdam niya habang kasama ito.
Hindi niya alam kung dahil ba sa nalaman niyang totoong pangalan nito kaya parang tumatak na sa state of mind niya na mas bagay itong maging prinsipe niya kaysa kay Dylan. Minsan ay sinasaway niya ang sarili niya pero tila may bumubulong sa isip niya na tama ang ginagawa. Isama pang nararamdaman rin kasi niya na pinababayaan na siya ni Dylan rito na naging dahilan kung bakit lumapit ang loob niya kay Phillip. Ganoon pa man ay hindi niya masasabi na komportable rito dahil kung ganoon, bakit hindi siya mapakali kapag nakikita at nakakasama ito? Unless kung in love na siya rito…
Lumaki si Aurora sa America kaya liberated ang isip niya. Alam niya ang salitang in love at ang mga senyales noon. Madalas na pagkuwentuhan iyon ng mga kaklase niya. Nakakapagbasa rin siya ng romance book. Kagaya ng mga heroine roon ay ganoon rin ang nararamdaman sa mga hero na ito…
Pero maari ba siyang ma-in love rito kung may Dylan na sa buhay niya? Ni hindi nga alam ng mga tiyahin niya ang existence ni Phillip sa buhay niya. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito dahil alam niyang mag-iiba ang tingin ng mga ito sa kanya. He had Dylan in his life now. Pati nga ang pagpunta sa riding school ay hindi niya sinasabi sa mga tiyahin dahil ayaw niyang malaman ng mga ito dahil baka madulas siya na hindi naman talaga ang pangarap niya para kay Dylan ang pangunahing dahilan niya kung bakit niya gustong pumunta roon. It is because of Phillip.
Ngayong araw ay nagkita na sila ni Phillip pero mukhang kaggaya niya ay hindi pa rin sapat rito ang pagkikita. Pagkauwi niya sa bahay at pagpasok sa kuwarto ay napansin niya agad na may nag-aabang sa baba ng kuwarto niya. Lumaki ang ngiti niya nang makitang si Phillip iyon. Kinawayan siya nito at ngumiti. Ginantihan rin niya ito ng kaway at ngiti. Kapagkuwan ay kinuha niya ang sketch book at nagsulat.
“Miss me?” sulat niya.
May dala rin itong sketch book kaya nakasagot ito sa sasabihin niya. Ilang beses na nilang ginagawa iyon kaya ready na ito. “Yes. But I’ll be leaving soon, too. Gusto lang talaga kitang makita bago ako umalis,”
Nakaramdam nang lungkot si Aurora nang mabasa ang sinulat nito. Sa tuwina ay nakakaya nilang magkausap roon ng ilang oras. Hindi niya alam kung bakit pero may nakita siyang stock ng sketchbook sa kuwarto niya kaya hindi siya nauubusan ng papel na ginagamit para pangsagot dito. “Saan ka naman pupunta?”
“A-a-ttend ako ng party,”
“Puwedeng sumama?”
Sandaling natigilan si Phillip sa nabasa. “Sure you can. Pero `di naman puwede `di ba? Magagalit ang mga Tita mo. Hindi pa nga nila ako kilala,”
“Puro naka-OB trip ang mga Tita ko. Wala sila dito maghapon. Si Dylan at ang mga kawaksi lang ang kasama ko,”
Nagliwanag ang mukha nito. “Sigurado ka ba riyan?”
Tumango siya at nag-thumbs up pa rito. Pumasok ang excitement sa buong kalamnan ni Aurora sa isipin na magkakasama sila ni Phillip sa isang party. Sila lang dalawa… wala si Dylan. Napasimangot sandali si Aurora sa isiping kasama si Dylan. Pero ganoon pa man ay pinalis niya iyon. But at least, Phillip was there. Kahit saan, kahit may epal man, basta kasama niya ito ay wala na siyang pakialam.
“Fine. I’ll bring you to the party. Please do wear a formal dress. I’ll pick you up after thirty minutes,”
Nag-ayos nang mabuti si Aurora. She wanted to look beautiful in the eyes of Phillip. Hindi naman naging mahirap sa kanya ang pag-aayos dahil may mga nakita siyang formal dress sa kuwarto niya na kasyang-kasya pa sa kanya kahit mukhang noon niya pa nabili iyon. Tinanggal rin niya sa pagkaka-pig tails ang buhok niya na hilig niyang gawin sa buhok. She brushed it up for a fresh bun para magmukha siyang dalagang-dalaga at sosyal.
Thirty minutes ang nakalipas ay bumaba na siya ng kuwarto. Nakita niyang kausap ni Dylan si Phillip. Natampi niya ang noo nang nakalimutan ito habang nag-aayos. Hindi niya nasabi rito ang lakad nila ni Phillip. Ganoon pa man ay wala siyang nakitang galit sa mukha ni Dylan nang malaman nito ang naging usapan nila ni Phillip. Bagkus ay mukhang masaya pa ito.
“`Di ka sasama?” paninigurado pa niya.
Tumango ito. “I’m okay here. Gusto kitang mag-explore kaya hahayaan na lang kita kay Phillip. Ako na ang bahala sa mga katulong,” paninigurado naman nito sa kanya.
Nagpasalamat siya kay Dylan. Ramdam siguro ni Dylan na kapag umalis siya na hindi ito kasama ay magtataka ang mga katulong at maari iyong isumbong ng mga ito sa tiyahin niya. May pagka-overprotective kasi ang mga ito at kahit busy ay maraming paraan ang mga ito para malaman pa rin ang mga nangyayari sa kanya.
Nang makasakay siya sa kotse ni Phillip ay saka lang niya napagmasdan nang mabuti ito. He looked dazzling in his white polo and slacks. Hindi lang ito guwapo habang nangangabayo. Guwapo rin pala ito habang nagmamaneho.
“Is there something wrong?” tanong nito nang mapansin ang tingin niya.
“Ah, I just wondering kung ano bang klase ng party ang pupuntahan natin. Mukha kasing ang pormal-pormal ng suot mo,” pormal rin naman ang suot niyang red halter dress na hapit sa katawan niya. Ginawa lang niyang alibi ang komento niya sa damit nito.
“Well, it is actually a masquerade ball,”
“Ha? Eh bakit `di mo ako sinabihan ng tungkol sa maskara? Wala akong…”
“I have it already. Nandiyan sa likod. I hope you liked it,” tinignan niya ang paper bag na nasa back seat at kinuha. It is a gold and silver mask. Halos magkaparehas ang mga maskara. Mas maliit lang ang isa na sa tantiya niya ay para sa kanya.
“I like it. Salamat,” para iyong couple masquerade mask. Mainam iyon para kay Aurora dahil ayaw niyang mawala si Phillip sa tabi niya. Sa ganoong klase ng maskara ay agad niyang makikita ito at kapag nakita ng mga taong parehas sila ng maskara, aakalain ng mga itong may relasyon sila. The girls would wooed of at masasalo lang niya sa Phillip. Sa isipin kasing may kahati siya rito ay nasasaktan siya.
Ngumiti lang ito at nag-concentrate sa pagda-drive.
“Ang talented mo pala. `Di ka lang maggaling mangabayo. Magaling ka rin mag-drive. Alam mo ba, marunong rin akong mag-drive---“
“Alam ko,” napansin niyang sa sinabi niya ay nag-iba ang timpalada ng mukha nito. Kumunot ang noo ni Aurora.
“Alam mo? Paano mo nalaman?” wala siyang naikukuwento rito tungkol roon.
“A-ah, ang ibig sabihin ko, `di na kataka-taka iyon. You looked so talented,”
Her face flushed. Natuwa sa papuri nito. “Hindi naman ako talented. Talaga lang pasaway ako,”
Ngumiti lang ito. Maya-maya ay dumating na sila sa venue ng party. Namangha si Aurora nang makita ang lugar. Napakalaki ng bahay at kumikintab iyon sa dami ng ilaw. Pakiramdam tuloy niya ay pumasok sila sa isang fairy tale sa sobrang glamoroso ng lugar at ang venue nila ngayon ay isang castle.
Bago bumaba ng kotse ay isinuot nilang pareho ang mask. Pero hindi naging hadlang ang maskara para lalo pa nilang hangaan ang lugar.
“Wow,” halos sabay pa na komento nila ni Phillip. Napatingin siya rito.
“This is so grand. Prinsesa ba ang nakatira rito? Prinsesa ba ang may party?”
“Cindy is the only girl in the family so we can assume that she is really a princess,” hinawakan nito ang kamay niya. “Lets go,”
Marami ng tao sa loob nang makapasok sila. Pakiramdam ni Aurora ay pumasok talaga sila sa isang kastilyo. The people dressed gorgeously. Hindi man naka-gown ay malalaman mong galing sa elite society ang mga ito dahil sa kilos. Lahat rin ay nakamaskara kagaya nila. It was a masquerade cocktail party. Nakatayo ang lahat ng tao at may kanya-kanyang matataas na lamesa. May mga waiter na nagse-serve ng cocktail drinks. Kaka-settle lang nila ni Phillip sa isang table at kakuha ng cocktail drink nang magsalita ang emcee.
“Ladies and gentlemen, are you enjoying the party?”
Nagtanguan ang lahat ng tao at itinaas ang kanya-kanyang cocktail drinks ng mga ito.
“If so… then let me make this party more enjoyable by presenting the celebrant. Ladies and gentleman, may I present to you, the gorgeous, Cinderella Soriano!”
Nagpalakpakan ang mga tao. Ang celebrant ay bumaba mula sa eleganteng hagdan ng bahay. Ilang beses ikinurap ni Aurora ang kanyang mga mata sa pagkamangha. The celebrant was not just gorgeous. She was amazing. Matagal rin siyang natulala sa ganda nito kahit na ba hindi niya makita nang maayos ang mukha nito dahil sa maskara. Sa suot nitong hapit na powder blue na dress, pupusta siya na isasayaw ito ng lahat ng lalaki sa party.
“Ang ganda-ganda ni Cindy,” naunahan pa siyang magkomento ni Phillip. Admiration was all over in his eyes. Totoong maganda ang celebrant at tanggap niya iyon. Kung lalaki nga lang siya, baka isayaw na rin niya ito. Pero hindi maiwasang makaramdam ng sakit sa puso ni Aurora sa nararamdamang may gusto si Phillip sa babae. Lalo na at napansin niyang parang may pagkakahawig ang itsura nito sa babaeng nakita niyang lumapit kay Phillip nang una niya itong makita sa kuwarto niya.
May gusto ba si Phillip kay Cindy? Parang hinihiwa ang puso niya sa isiping iyon. Pakiramdam ni Aurora ay nawalan siya ng gana sa nangyari. Pero bakit siya nakakaramdam ng ganoon? Alam ni Phillip na may Dylan na sa buhay niya. Si Dylan rin dapat ang iniisip niya, ang kasama niya. Hindi ito. Pero hindi niya mapigilang magkaroon ng damdamin kay Phillip.
Hanggang sa magsimula ang sayawan ay hindi nawala ang masamamang pakiramdam ni Aurora sa isip. Niyaya agad siya ni Phillip na sumayaw pero hindi pa rin iyon nakatulong. Napansin naman ni Phillip ang pag-iinarte niya. Iniangat nito ang baba niya nang wala na siyang ginawa habang nagsasayaw sila kundi ang tumungo.
“Mukhang nawala ka yata sa mood. May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?”
Umiling siya.
“Sigurado ka? Bakit parang `di ka yata nagsasalita? Nanibago ako sa `yo…”
“I---“ tumingin siya sa celebrant. Ngayon ay may kasayaw ito. Napatingin rin roon si Phillip. “M-may gusto ka ba sa celebrant?”
Mahinang tumawa ito. “Paano mo naman nasabi `yan?”
“The way you look at her---“
“Teka nga, nagseselos ka ba?” aliw na sabi nito.
Pinilit niyang umiling pero hindi niya gumawa. Napatango siya.
“Come on. Hindi ko siya gusto. Magkaibigan lang kami. At kung gusto ko siya, maggagawa ko bang magdala pa ng date sa mismong party niya?”
Napakagat labi siya. Bakit ba kasi ang immature pa rin ng isip niya? “I-I’m sorry. Hindi ko naman dapat talaga nararamdaman ang lahat ng ito. Siguradong magagalit si Dylan kapag---“
Sinalubong ni Phillip ang kanyang mga mata. “Mahal mo ba talaga si Dylan?”
“Phillip…” tama bang sabihin niya kay Phillip ang nararamdaman niya kung mali iyon? Maatim rin ba niyang saktan si Dylan kung wala na itong ginawa kundi alagaan siya?
“Tell me, do you feel something for him?”
“Siya ang gumising sa akin mula sa pagkakatulog ko. His kissed had a power. And I believe it is the power of a true love kiss kaggaya na lang nang mga nasa fairy tale. Mabait rin si Dylan. Wala kang maiisip na masama sa kanya. Pero---“
“This is the real world, Aurora. Hindi ito fairy tale,”
Tumango siya. “Alam ko. Pero masasaktan si Dylan kapag sinabi ko sa kanya ang lahat,” huminga siya nang malalim. “Gusto kita, Phillip. Una pa lang kitang nakita mula sa terrace ng kuwarto ko, I feel something weird about you. Pero pinipigilan ko iyon nang dahil sa kanya…”
Sa gulat niya ay niyakap siya ni Phillip. “Don’t worry about Dylan, Aurora. Kaggaya mo ay gusto rin kita. Ipaglaban natin ang nararamdaman nating ito. I can fight every dragon just to bring you in my kingdom, in my castle. To have you as my princess.”
HINDI mapalis-palis ang ngiti sa mga labi ni Aurora kahit naihatid na siya ni Phillip sa bahay niya at nasa kuwarto na rin siya. Ang akala niya noon ay the best na ang parte ng fairy tale na mangyayari sa buhay niya nang malaman niyang ginising siya ng halik ng isang lalaki. Pero ang pinaka-the best pala ay sa simpleng bagay lang: Ang maisayaw ng hindi man totoong knight in shining armor niya pero ang lalaking nagbibigay naman sa kanya ng kakaibang kilig sa katawan.
Phillip was his and damn the dragons in their life.
The night is so magical na para bang ayaw na niyang matapos iyon dahil natatakot siyang maggaya siya ng prinsipe sa istorya ni Cinderella----ang mawala ang pinakamamahal nito at nagkaroon pa nang mahirap na pahanapan para lang makita muli ito. Pero sabi nga ni Phillip ay wala sila sa fairy tale. Hindi ito mawawala sa kanya. Sa ngayon ay kailangan lang nilang maghiwalay dahil kailangan nilang magpahinga. Bukas ay babalik rin sila sa true to life fairy tale nila. Babalik siya sa kanyang totoong pantasya.
Nasa ganoong pag-iisip si Aurora nang kuhanin niya ang sketch book niya at ninais na basahin ang mga nakasulat roon. Pero sa pagkuha niya ng sketch book ay may napansin siyang mga sketch books pa pala na nakatago sa ilalim ng mga bagong sketch book. Ngayon lang niya nakita ang mga iyon dahil kung hindi siya abala sa pakikipagkuwentuhan kay Phillip sa terrace ng kuwarto niya ay nagpapahinga lang siya kapag nasa kuwarto. Wala siyang oras para maghalungkat nang mga gamit roon. Kinuha niya ang mga nakatagong sketch books. Mukhang luma na ang mga iyon dahil nagye-yellow na ang mga papel. Nang buklatin niya ang unang lumang sketch book na nakita niya ay nagulantang siya sa mga nabasa.
“Be my Romeo. Akyat ka dito sa kuwarto ko.”
“But I miss you, Phillip…”
Mga ganoong salita ang nabasa niya sa sketch book. Phillip, Phillip, Phillip. Ilang beses na umalingawngaw ang mga pangalan nito sa utak niya. Sa mga nabasa ay tila noon pa man ay magkakilala na sila. Siguro ay isa ito sa mga parte ng nawalang nakaraan niya. Kaya ba ganoon ang nararamdaman niya ngayon kay Phillip? Kaya ba mabilis na nagustuhan niya ito ngayon at ganoon rin naman ito sa kanya? May relasyon ba sila noon? Bakit ba hindi niya binigyang pansin ang mga nalimutang alaala?
Gusto niyang malaman ang nakaraan. Mukhang may mga sikreto yata siyang kailangang malaman.
Pero bago pa makapag-umpisa si Aurora na mag-imbestiga ay nakaramdam siya nang matinding pananakit ng ulo.