“AURORA, in two weeks time, aalis na tayo ng Pilipinas. Babalik na muli tayo sa California at doon magbe-base. Gusto ka rin namin kumuha ng proficiency exam para makapag-college ka na rin roon. Magbabagong-buhay muli tayo sa California,”
Naibagsak ni Aurora ang kubyertos na hawak niya nang magsalita si Tita Neri. Kakauwi lang nito pati na rin ng Tita Tina at Tita Adel niya galing sa OB trip ng mga ito. Dahil Sabado ng umaga ngayon ay walang trabaho ang mga ito at ginawa iyong day-off ng mga ito para kay Dylan. Sabay-sabay silang nag-almusal nang umagang iyon.
“Tita, ayaw ko. Hindi ba at hindi niyo naman gusto roon kaya umuwi tayo rito sa Pilipinas?” ang kuwento sa kanya ng mga Tita niya ay hindi daw gusto ng mga ito ang environment sa America kaya napagpasyahan nitong iuwi siya sa Pilipinas. Ngayon ay gustong bumalik ng mga ito roon? Pero alam niyang hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ayaw ni Aurora na bumalik sa America.
Gustong maalala ni Aurora ang lahat pero kahit naitulog na niya ang pananakit ng ulo niya kagabi ay wala pa rin naging epekto iyon. Gusto niyang magtanong sa mga Tita niya pero bago pa siya makapag-umpisa ay sinabi na agad iyon ng kanyang Tita Neri. Gusto niyang malaman kung may mga hindi pa ba siya alam sa mga sinabi ng mga ito tungkol sa tatlong taon nawala sa memorya niya. Wala kasi ang mga itong nabanggit tungkol kay Phillip na ramdam niyang may kinalaman sa nakaraan niya base na rin sa mga sketch book na nakita.
“Nagbago na ang isip ko. Gusto kong bumalik tayo sa America,”
Umiling siya. “Pero paano si Dylan? Sasama ba siya sa atin?”
Natigilan si Tita Neri. Sandaling tumingin-tingin ito sa dalawang kapatid. “Aurora, naniniwala ka ba talaga na si Dylan ang dahilan kung bakit naggising ka?”
Hindi nagsalita si Aurora. Kinokonsidera niyang ang halik ang dahilan kung bakit siya naggising dahil iyon ang una niyang naramdaman. It seems like a dream but she felt it. May labing dumampi sa kanya at dahil si Dylan ang una niyang nabungaran paggising, nag-assume siya na ito ang may gawa ng halik. Dahil bata pa nga siguro ang pag-iisip niya, naniwala siya sa mga fairy tale. But not now. Not when she had saw Phillip and spend some time with him.
“Twenty-three ka na. Kailangan nang mag-mature ng utak mo. Hindi ka na dapat naniniwala pa sa mga kuwento. Wala tayo sa far far away at wala rin tayo sa panahon ng Once Upon A Time. Hindi si Dylan ang prinsipe mo. Hindi natin siya isasama papunta ng America,”
Napalunok si Aurora. Wala na siyang pakialam kay Dylan at kung akala ng mga Tita niya na malulungkot siya sa isiping hindi niya ito prinsipe ay nagkakamali ang mga ito. Phillip was his real prince. Hindi man ito ang alam niyang humalik sa kanya, pero kapangalan pa rin ito ng prinsipe niya. At masaya siya na kasama ito. Mas masaya kaysa sa nararamdaman niya kapag nasa tabi niya si Dylan.
“Ate, you shouldn’t be so rude. Kakagaling lang ni Aurora mula sa sakit niya,” saway naman ni Tita Adel sa Tita Neri niya.
“Alam ko. Pero gusto ko lang malaman niya ang mga realidad ng buhay,”
“Hindi naman po ako nasasaktan tungkol kay Dylan, Tita. Okay lang po sa akin kung paghiwalayan niyo kami. I don’t really mind. Napagtanto ko po kasi na hindi ko siya mahal,”
Tumaas ang kilay ng Tita Neri niya. “Ganoon ba? Mabuti. Hindi ka na mahihirapan pang umalis dito sa Pilipinas,”
Umiling si Aurora. “But it doesn’t mean na gusto kong umalis ng Pilipinas. Gusto ko na manatili tayo rito,”
“At bakit?” itinaas ng Tita Neri niya ang kubyertos nito. Akmang susubo nang magsalita muli siya.
“Kailangan kong alamin kung sino si Phillip noon sa buhay ko,” deklara ni Aurora na siyang nagpatigil sa lahat ng Tita niya sa pagkain. Ibinagsak ng mga ito ang kubyertos. Halatang nagulat sa sinabi niya. Namutla sina Tita Adel at Tita Tina samantalang ang Tita Neri naman niya ay nagdilim ang mukha.
“So kilala mo na pala si Phillip. Paano mo nalaman ang existence niya? Sinabi ba sa `yo ng Dylan na `yun?”
Naguluhan si Aurora. “K-kilala ni Dylan si Phillip? At totoo ngang parte siya ng nakaraan ko?”
Nagkatinginan ang tatlo. Ang Tita Tina ang sumagot sa tanong niya. “May espesyal na relasyon kayo ni Phillip dati. At kilala niya si Dylan dahil palagi ka niyang dinadalaw sa ospital. Si Dylan rin ang nagsilbing reporter niya kapag busy siya at hindi ka niya maggawang bisitahin. Magkakilala sila. Hinintay ka rin ni Phillip hanggang maggising ka, Aurora. Mahal ka niya. At ang inakala mong si Dylan na naging prinsipeng humalik sa `yo kaya ka naggising? Hindi iyon si Dylan. It was Phillip,”
“Tina!” saway sa kanya ni Tita Neri. Nagpupuyos sa galit ang mukha nito.
“Tama na, Ate! Tama na ang pagpapanggap! Hanggang kailan pa ba tayo magiging ganito? Na magtatago ng sikreto sa kanya? Dapat na malaman niya ang katotohanan!”
“Pero walang naidulot na maganda sa kanya si Phillip! Nakalimutan niyo na ba na dahil sa kanya kaya naaksidente si Aurora?!” galit na pangaral nito sa kapatid.
“At alam rin natin na hindi iyon kagustuhan ni Phillip. Kung tutuusin ay wala rin siyang kasalanan `di ba? Tama si Tina. Tama na ang mga pagpapanggap. Tama na ang pagpapasakit. It is time to let go. Kaya mag-let go ka na rin ng galit mo, Ate. Mag-move on na tayo. Tutal ay maayos na naman ngayon si Aurora,” sabat rin ng Tita Adel niya.
“Hindi! Hindi niyo ba naisip na kahit ganoon ay masama pa rin ang naidulot niyon kay Aurora? Nawala ang pitong taon sa buhay niya at---“
Hinawakan ni Aurora ang magkabilang ulo dahil nanakit yata iyon sa mga nalaman niya. “Tama na! Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Bakit hinayaan niyo ako na maniwala na si Dylan ang prinsipe ko? Na siya ang humalik sa akin at ang dahilan kung bakit naggising ako? Bakit?”
“Dahil iyon ang tama, Aurora. Bakit, matatanggap mo ba kung malalaman mo na ang lalaking minamahal mo ay siyang dahilan kung bakit ka naaksidente?”
“I love him. Bakit hindi ko naman matatanggap kung ganoon ang nangyari? At sabi nga ni Tita Adel ay hindi niya sinasadya ang lahat. Bakit kayo nagsinungaling sa akin? Bakit niyo hinayaang mangyari ito? Pinagkatiwalaan ko kayo kasi para sa akin, kayo na ang magulang ko. Pero niloko niyo ako. Nagsikreto kayo sa akin…”
Sa sobrang sakit sa mga nalaman ay tumayo na si Aurora sa dining table. Kaya pala nararamdaman niya na hindi nababahala ang mga ito sa katotohanang wala siyang maalala. Hindi siya pinipilit ng mga ito kaya hindi na rin siya nag-abala pa na maalala ang ilang taon nawala sa buhay niya. Iyon pala ay may kinagagalitan ang mga ito na naging malaking parte ng buhay niya.
At si Phillip…ito talaga ang prinsipe niya. Kaya pala ganoon na lang ang nararamdaman niya rito. May relasyon sila noon. At hinintay siya nito hanggang sa maggising siya. Kahit walang kasiguraduhan ang paggising niya ay naghintay ito para sa kanya. He must love her so much.
And she loves him, too. Hindi siya papayag na magkaroon pa ng balakid sa relasyon nila ngayon. Tumakbo si Aurora patungo sa kanyang kuwarto. Ni-lock niya ang pinto. Kinuha niya ang kumot niya at itinali iyon sa bintana. Ang kumot ang ginawa niyang paraan para makaliban siya sa riding school na pagmamay-ari ni Phillip. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para makasama ito.
Tagumpay naman na naggawa ni Aurora ang plano. Tumakbo siya papunta sa main lobby ng riding school. Pagdating na pagdating niya roon ay kinausap niya agad ang admin staff na una niyang nakita.
“Gusto kong makausap si Phillip,” maawtoridad pa na sabi niya.
“I’m sorry, Ma’am. Wala po si Sir Phillip rito. Nasa distillery po siya at---“
“Wala akong pakialam kung nasaan siya! I want him here! Tell him that I am here!” matigas na sabi ni Aurora. She doesn’t even care too if she have sounded like a real brat. Ang tanging gusto lang niyang mangyari ngayon ay makasama si Phillip.
MASAYA na malungkot si Phillip. Masaya siya na kasama niya ngayon si Aurora, nahahawakan niya ito at parang nagbalik na talaga sila sa dati kahit hindi pa man lubusang bumabalik ang mga alaala nito. Pero ganoon pa man ay hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Alam kasi niyang kahit mahal siya nito, may mali pa rin sa sitwasyon nila. Nagkaayos man sila, alam niyang nagkaroon naman ito ng iringan sa mga Tita nito, lalong-lalo na kay Tita Neri.
Maraming bagay ang natutunan ni Phillip sa mga nakaraang taon at masasabi niya na isa sa mga pinakanatutunan niya ay ang dapat na ayusin ang mga problema sa pamilya bago makipagrelasyon. Dahil kapag pumasok ka sa isang relasyon, lubos na maapektuhan ang pamilya mo. Kaggaya na lang ng nangyari sa Mommy niya. Hindi niya pinansin ang galit nito. Hinayaan lang niya ito. At ang naging consequences noon ay ang pinakamasakit na pagsubok na dumaan sa buhay niya. Ayaw na niyang ulitin pa ang nakaraan. Kaya kahit ilang beses na sinabi sa kanya ni Aurora na ayaw nitong umuwi sa kanila at gustong makasama lang siya ay hindi niya sinunod ito.
“I hate you!” she sounded like a brat again just like what his employees told him about the way he act on the riding school this morning. Nasa distillery siya nang mga sandaling tinawagan siya ng empleyado dahil nagkaroon ng problema roon. Medyo napabayaan na kasi niya ang distillery simula nang maggising muli si Aurora. Nag-focus siya sa riding club para makasama ito. Ganoon pa man ay iniwan niya ang trabaho at sinunod ang gusto nito.
“Ginagawa ko ito hindi lang para sa `yo, pero para na rin sa atin. Ayaw ko nang magkaroon pa muli ng kagalit at ayaw ko rin na maging ganoon ka,”
“I hate them,”
Bumuntong-hininga siya. “Kung ayaw mong kausapin sila, hayaan mong ako na lang ang kumausap,”
“Hindi! Ibalik mo na lang kasi ako sa amusement park. Gusto pa kitang makasama. Gusto ko pang gumala. Gusto ko pang makalaya….” Nagsimula itong umiyak. Kailangan pang itigil ni Phillip ang kotse para patahanin ito.
Aurora tend to be immature but he tried his very best to understand her. Lalo na ngayon at alam na nito ang tungkol sa kanya at ang ginawang pagpapalayo sa kanya ng mga Tita nito. Kaya nga pinagbigyan niya sa ngayon si Aurora sa gusto nito. Iginala niya ito para mawala ang sakit na nararamdaman nito. Ginawa na naman niya ang “one step at a time” na parang motto na yata ng buhay niya. Hinayaan muna niyang gumaan ang pakiramdam ni Aurora kahit sandali. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya gagawin pa ang tama. Mag-aalas siyete na ng gabi nang yayain niya itong umuwi dahil alam niyang hahanapin ito ng mga Tita nito.
Hindi naging madali para kay Phillip ang patahanin si Aurora. Naiintindihan naman niya ito dahil sa pinagdaraanan nito. She had been in too much pain already. Sa huli ay nagtagumpay naman siya. Nakumbinsi niya rin ito sa gusto niyang gawin.
Pagdating nila sa bahay ng mga ito ay inasahan na niya ang gulo roon. Nasa labas ang mga Tita nito at nag-aalala. May kausap rin ang Tita Neri nito sa telepono at mukhang galit na galit. Nang makita sila nito ay agad na lumapit ang mga ito sa kanya. As usual, mainit na naman ang dugo ni Tita Neri sa kanya. Akmang sasampalin pa siya nito nang harangin iyon ni Aurora.
“Tama na, Tita!” pagtatanggol sa kanya ni Aurora. “`Wag niyong sisihin si Phillip sa mga nangyari. Ako ang sinadyang lumapit sa kanya. Ako ang nag-istorbo sa kanya. Wala siyang ginawang masama sa akin,”
“Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, Aurora! Siya ang---“
Galit na naggulo ni Aurora ang buhok sa galit. “Hindi ko man naalala ang lahat pero alam ko, nararamdaman ko, na hindi dapat talaga na si Phillip ang sisihin niyo. I’ve feel it. We have something so strong to deny. Mahal niya ako at hindi niya ako gagawan ng masama. Hanggang kailan niyo ba siya sisihin? Hanggang kailan niyo ba siya sasaktan? Hanggang kailangan niyo ba pipigilan ang relasyon namin? Hanggang kailan ba kayo magiging villain sa love story namin? Hanggang kailan ba kayo magiging dragon?
“Mahal ko kayong mga Tita ko. Naiintindihan ko na lahat ng ginagawa niyo ay para sa ikabubuti ko. Ang mali nga lang ay masyado tayong nagde-dwell sa nakaraan. Kapag galit tayo, kailangan natin ng pagbubuhusan. Ganoon ang sa tingin ko nararamdaman niyo. Lalong-lalo ka na, Tita Neri. Pero sana ay maging fair rin tayo `di ba? Not just with Phillip. Pero para sa akin na rin.
“Kahit na nawala ang mga aalalala ko, hindi pa rin nawala ang puso ko. Hindi pa rin nawala ang pakiramdam ko. It was Phillip that I love and it will be always h-him…” umiiyak nang paliwanag ni Aurora sa mga Tita nito.
Matagal na nakatitig lang si Tita Neri sa kanila. Ganoon rin ang mga Tita niya. Nanlalambot ang reaksyon ng mga ito sa sinabi ng pamangkin. Lalo pang natunaw ang mga ito nang mas lalong dumami ang tumulong luha sa mga mata ni Aurora.
Natunaw ang puso ni Phillip sa tamang na ipinakita ni Aurora. Nabuhay rin ang pag-asa sa puso niya.
Pero kasabay ng pagtunaw ng puso niya ay siyang tila pagtunaw rin ng katawan ni Aurora. Unti-unting pinawan nang malay at dahil malapit siya rito ay nasambot niya ito. Nagsigawan ang mga Tita nito sa nakita. Nawalan ng kulay ang mukha ni Phillip nang subukan niyang gisingin ito pero hindi ito nagre-respond.
Mabilis na isinakay niya ito sa kotse niya at dinala sa ospital. At habang nandoon ay ang nabuhay na pag-asa sa puso niya ay tila ibinaon muli.
Hindi niya kayang mawala muli si Aurora sa piling niya. He would die inside.