PARANG may malakas na sumapok kay Aurora nang marinig at maramdaman niya ang sakit mula sa boses ng lalaki. He sounded so sad. Sa buong durasyon ng pagkakahiga niya, ngayon lang siya nakarinig ng ganoong klase ng boses. Palagi siyang nakakarinig ng saya at words of encouragement. Ngayon ay tila sumusuko ang lalaki, waring umiiyak pa. It seems like he was letting her go. Pero bakit?
Sandali lang pagkatapos magsalita ng lalaki ay nakaramdam naman si Aurora na tila sinasakal siya sa sakit. Parang pinipira-piraso ang katawan niya sa sakit. Inaalisan siya ng hangin. It was gripping her!
Ano ba ang nangyayari? Gusto niyang lumanghap nang hangin pero hirap na hirap siya. Kahit gusto niyang imulat ang mga mata ay hindi rin niya maggawa. Matagal na niyang sinusubukan pero hindi niya makontrol ang katawan niya. Hindi niya alam kung bakit. Aurora was grasping for breath when she felt that something touched her lips. And everything seems went to normal. Tila nagkaroon ng magic ang buong paligid at naramdaman niyang tila umandar rin ang tibok ng puso niya.
Pero hindi naging ganoon kabilis ang effect ng halik. Sandaling pinakiramdaman muna ni Aurora ang sarili bago niya unti-unting iminulat ang mga mata. And he saw her prince…
Sleeping beauty was waked up because of the kiss. Of true loves kiss.
“KUNG kinakailangan na halikan kita ng isang daang beses pa ulit para lang maggising ka, I would. Kahit maubos pa ang hininga ko sa kakabigay noon sa `yo, it would be okay. Because you will live and even if it will be the cause for me to die, it will still be worth it. Alam mo kung bakit? Dahil alam ko na kahit mamatay man ako, I will still live in you. Mas gusto ko pa nga na mabuhay ka kaysa sa akin kasi, kung mawawala ka pa muli at ako ang mabuhay, I don’t think I would still made it. Siguro mag-e-exist ako pero hindi na siguro mabubuhay pa…” pagkatapos noon ay nakaramdam si Aurora nang dampi sa kanyang labi. Hinawakan rin ng lalaki ang kamay niya.
“Wake up, princess. You are already worrying me….” Naramdaman niya ang sakit at pait sa boses ng lalaki. At dahil ngayon ay naririnig niya ito ay sinubukan niyang imulat ang mga mata. Nagtagumpay naman siya sa pagsubok. Nakita niya ang malinaw na imahe ng lalaki na malambot na nakatingin sa kanya.
“Phillip…” agad na na-recognize ni Aurora ang lalaki. Memories flooded into Aurora’s mind. Ang unang beses na nakilala niya si Phillip, ang walang kahiya-hiyang pagpapakita niya rito ng interes at kung paano niya nakitang unti-unting naggagaya na rin ito sa kanya. Naalala na niya ang tatlong taon na nawala sa buhay niya na ang masaklap pa ay ang kalahati noon ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Dahil iyon ang mga taon na nakilala niya si Phillip. Na hinayaan niya ang sarili niyang umibig.
Si Phillip ang pinakamagandang nangyari sa kanya. Ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Ang pinakamamahal niya.
Mabilis na niyakap siya ni Phillip. Tumalon ang puso ni Aurora. She felt more alive than ever. Niyakap rin niya ito.
“Oh God, thank you! You are here with me again,” mangiyak-ngiyak pang sabi nito. Nang pakawalan siya ay hinaplos nito ang mukha niya. “Ano ng pakiramdam mo? Are you okay? May masakit ba sa `yo? Please tell me. Pinag-alala mo ako. Kahit sinabi ng doctor na hindi ka naman comatose ay ang tagal mo pa rin maggising…Halos beinte kuwatro oras kang natulog. Ilang beses na rin kitang hinalikan pero ayaw mo pa rin na maggising…”
“Hindi ko alam. Pagod lang siguro ako kaya ganoon. Pero okay na ako. I am okay more than ever. Dahil naalala na kita, Phillip,”
Namilog ang mga mata nito. “Seryoso ba `yan?”
“Oo. I remember the three years that erased on my memory. Ikaw ang prinsipe ko. Ikaw ang lahat para sa akin. You are the man I loved. And I love you so much. Thank you for waiting for me… Thank you for loving me…”
“Hindi mo na ako kailangang pasalamatan pa. I can wait for you forever, Aurora. Ganyan kita kamahal. You are the love of my life. Nothing else will ever be. Kahit brat ka, kahit sabihan pa nila ako ng cradle snatcher, hindi ko papansinin ang lahat ng mga `yun sa pakiramdam ko kapag nasa tabi kita. Kahit maraming dragon ang humaharang sa akin para mapasa-akin ka nang tuluyan, kaya kong labanan ang mga iyon para sa `yo. I love you so much…” hinalikan siya nito. She even responded to the kiss though. May fireworks yata na sumabog sa hospital room niya sa ginawa nito. Kilig na kilig siya.
“So nasa tamang edad na ba ako para mahalikan mo ako? At masabi mo na mahal mo ako?” ngumisi siya. Naalala niya ang mga dilemma nito tungkol sa pagkakalayo ng edad nila.
Tumango ito at hinaplos ang gilid ng labi niya. “Yeah. And you are not wearing pigtails anymore. Tinanggal ko habang natutulog ka,”
Tumaas ang kilay niya. “Ikaw ang nagbabantay sa akin matapos kong himatayin?”
Tumango ito. “Ako rin ang nagsugod sa `yo sa ospital. Sabi ng Doctor ay mukhang wala namang masamang naging epekto sa `yo ang lahat, kaya lang ay sa sobrang bigla siguro kaya ka nahimatay. Nagre-respond ka naman raw kasi. Nag-conduct na rin sila ng test at wala namang dapat ikabahala,”
“P-pero sina Tita? Si Tita Neri? Hindi ka nila pinaalis? Hindi sila naggalit sa `yo?”
Umiling ito. “Apparently, dahil sa pagtatanggol mo sa akin bago ka himatayin, napabago mo ang isip ni Tita Neri. Sabi niya, she hated seeing you crying. Mas malala na raw ang galit niya sa sarili niya ngayon kaysa sa galit niya sa akin. ” bumuga ito ng hangin. “Tanging ang iyak mo lang pala ang magpapalambot sa dragon,”
“Hmmm… At bakit naman tila nanghihinayang ka? Dahil hindi mo naggawa ang main task ng isang prinsipe sa fairy tale?”
Huminga ito nang malalim. “I’ve been fighting with her for so many years. Hindi mo ako masisisi kung bakit ganito na lang ang panghihinayang ko,”
Bumaba ang tingin niya. “I’m sorry. It wasn’t your fault, Phillip. Ngayong naalala ko na ang lahat at sa tingin ko ay unfair talaga na sisihin ka niya. I was really the one to blame. Nagpauto ako kay Mang Densho. Sa kagustuhan kong magpatunayan sa `yo na hindi na ako bata, I drove the car alone. But unfortunately, the accident happened. I’m so sorry, Phillip. I’m really a brat, am I?”
“Good you know. Pero ayaw kitang i-blame, Aurora. Bata ka pa noon at dahil bata ka pa, malakas ang loob mo. Nagiging pasaway ka, you are impulsive. Kasama naman `yun sa parte ng kabataan. Sinisisi ko rin ang sarili ko sa mga nangyari kaya tinanggap ko ang galit ni Tita Neri. Saka hindi naman talaga siya ganoong naggalit sa akin noong na-comatose ka. Binigyan niya ako ng oras para makasama ka pa rin. She gave me the right to visit you. She is being fair, too. Noong naggising ka lang ay saka niya ako hinayaang pagbawalan sa `yo. Gusto ko lang kasi niyang protektahan sa akin dahil na rin isa ako sa mga sanhi ng aksidente. Kung hindi ako nagtiwala kay Mang Densho, kung pinansin ko lang noon ang mga kahina-hinala niyang tingin, kung inayos ko ang gulo sa pagitan namin ni Mommy, hindi mangyayari iyon. Ayaw rin ng Tita mo na masaktan ka sa oras na malaman mo ang totoo,”
“Pero mahal kita, Phillip. Matatanggap ko ang lahat sa `yo. Saka may kasalanan rin ako. Alam ko na galit sa akin ang Mommy mo pero nilapitan pa rin kita. Pasaway talaga ako. P-pero ano `yung sinabi mo tungkol kay Mang Densho? Bakit may mga kahina-hinala siyang tingin?”
“Nangyari ang aksidente hindi dahil sa kakaunti ang karanasan mo sa pagmamaneho. It was a planned accident. Sinadya ni Mang Densho na alisan ng brake ang sasakyan na pinaggamit niya sa `yo,”
Napasinghap si Aurora. Kaya pala kahit anong gawin niya ng oras na iyon ay hindi niya maggawang itigil ang sasakyan. Nagpanic siya at sa sobrang panic ay ibinangga na lang niya ang kotse sa unang puno na nakita niya para tumigil iyon. Ang nangyari ang huling memorya na nasa isip ni Aurora.
“Oh God… Bakit niya naggawa iyon?”
Ikinuwento sa kanya ni Phillip ang tungkol sa nalaman nito sa pagkatao ni Mang Densho. Matagal na pala nitong iniibig ang ina ni Phillip at sa pagkabaliw nito ay nang makaggawa ng paraan para masunod ang gusto ng ina nito ay ginawa nito ang aksidente.
“But don’t worry about them. Matagal ng nakulong si Mang Densho and last year, he died in prison. Nagkasakit siya roon. Si Mommy naman ay namatay rin sa car accident sa San Francisco kung saan siya naglagi pagkatapos ng aksidente mo. Kahit wala kasi siyang kasalanan ay ginugulo siya ng Tita Neri mo. All of the way of thorns and dragons are in peace now. Wala ka nang dapat pang ipag-alala. We are going to start our happy ever after,”
Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pinto ng hospital room niya. Magkakasunod na pumasok ang Tita niya. Nginitian niya ang mga ito. Isa-isang niyakap siya ng mga tiyahin. Teary-eyed ang mga mata nito, lalong-lalo na ang Tita na huling niyakap niya. She hugged her tightly.
“I’m so sorry, Aurora. I am so sorry for you, too, Phillip. Masyado akong binulag ng galit ko…”
“Its okay, Tita. Naiintindihan ko po kayo,” wika naman ni Phillip.
“Ganoon rin po ako, Tita. Tama si Phillip. Gusto niyo lang naman na protektahan ako. Ikinuwento niya sa akin ang lahat. Ako naman talaga ang dapat sisihin dahil sa pagiging pasaway ko. And from now on, I’ll strive my very best not to be a brat again. It would only do me no good. Twenty three years old na ako. Hindi na ako dapat maging immature,” wika naman ni Aurora.
Tumango si Tita Neri. “At dahil diyan, pagkakatiwalaan na rin kita. Kayong dalawa ni Phillip. I will stop my hatred now. I will revoke the curse but cast you another spell. By giving you both freedom and love each other until forever. Until the end of happily ever after,”
Five Years Later
“CONGRATULATION, Baby,” bungad agad ni Phillip kay Aurora nang lumapit siya sa nobyo. Masayang itinaas niya ang diploma niya rito pati na rin sa tatlo niyang Tita. Ipinagmamalaki niya ang nakuhang tagumpay.
“Thank you, Baby. Thank you so much,” tinignan rin niya ang mga Tiyahin at niyakap. Kanya-kanyang bati rin ang mga ito. “Salamat rin po sa support niyo. If it weren’t for all of you, I wouldn’t be here. I wouldn’t have this,”
Dahil naayos na ang lahat tungkol sa nakaraan ay nakumbinsi ni Aurora ang kanyang Tita na huwag na silang bumalik sa America. Sa Pilipinas niya ipinagpatuloy ang pag-aaral. Nag-enroll siya sa Alternative Leaning School para mabilis siyang makapasa ng highschool. One year later ay saka siya nag-college. Kumuha siya ng kursong business management at ngayon ang araw ng pagtatapos niya.
Sa limang taon nakalipas ay naging maayos ang buhay ni Aurora. Sinikap niyang makasabay sa pag-iisip ng mga ka-edad niya. Malaro at makulit pa rin siya pero inayon na niya sa edad ang mga ginagawa. Sinikap rin niya na mag-aral nang mabuti para maging maayos ang pag-aaral niya. At ngayon ay graduate na siya. Halos wala na siyang mahihiling pa. She almost had everything except for one thing…
Niyaya siya ni Phillip na mag-celebrate sa labas. Isinasama nito ang mga tiyahin niya pero umayaw ang mga ito. They just left them alone. Tita Neri had been true to her words. Nagtiwala ito sa kanya pati na rin kay Phillip. Sumakay sila sa kotse nito.
“Saan tayo magse-celebrate? Bakit parang kanina ka pa yata nagda-drive at hindi pa rin tayo nakakapunta sa kakainan natin?” maaga pa naman pero hindi niya maiwasang magtaka. Treinta minutos na silang nasa sasakyan. Nalito rin siya nang pumasok sila sa South Luzon Expressway. “Sa Tagaytay ba tayo magdi-dinner?”
Ngumiti lang ito. “You’ll see. Pero kung naiinip ka na, puwede kang matulog muna. Nasa likod ang paborito mong unan. Matagal pa tayo,”
Napahikab si Aurora. Naiinip na nga siya at medyo inaantok na rin. Kakaunti lang kasi ang tulog niya dahil sa sobrang excitement. Sinunod niya ang mungkahi nito. Natulog siya sa sasakyan nito.
Hindi sigurado ni Aurora kung gaano siya katagal na natulog. Naggising lang siya nang tinapik ni Phillip ang braso niya. “We are here,”
Pipikit-pikit pa si Aurora nang tignan ang lugar kung nasaan sila. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may kastilyo roon. “Far far away?”
“Nasa castle tayo na may statues ng Avengers. A modern castle,” tumawa ito. “We are here in Batangas. La Virginia Resort, particularly,”
Inalalayan siyang makababa ni Phillip. “Wow, this is so grand. Gusto mo talaga akong i-treat na parang prinsesa…”
“Because I am your prince,” kinantalan pa siya nito ng halik sa noo niya pagkatapos. Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayang makalapit sa kastilyo. It was gleaming with lights. Pumasok sila sa loob noon at nanlaki ang mga mata niya nang makitang may espesyal na dinner table na naka-set sa loob. May mga pagkain na roon. Mayroon rin mga musicians sa tabi. It was set-up for a very romantic date. May nag-abot pa kay Phillip ng boquet ng bulaklak saka ibinigay sa kanya. Nagsimula na silang kumain pagkatapos noon.
Nang matapos kumain ay niyaya siya ni Phillip na sumayaw. Siyempre ay nagpaunlak siya. Tinanong siya nito habang nagsasayaw.
“How did you find my surprise today?”
“How grand for a graduation celebration treat,” sagot naman niya. “But thank you. Ang sweet-sweet talaga ng prinsipe ko,”
Hindi iyon ang unang beses na sinorpresa siya ni Phillip ng date pero masasabi niyang sa lahat ay ito ang pinakamaganda at marangya sa lahat. It is like a real-life fairy tale again.
“Well, it is because on a double purpose,” ngiti-ngiting sabi nito. Sinenyasan ni Phillip ang mga musicians. Nagbago ang kantang tinutugtog nito. It became a Jason Derulo song. Nagulat siya nang ma-recognize ang kanta. Pero mas nagulat siya ng sinabayan nito ang pagtugtog ng mga musicians. Ito ang nagsilbing vocalist ng mga ito.
A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do…
Nagkakaroon ng hint si Aurora kung ano ang ginagawa ni Phillip. Ramdam rin niya kung ano ang double purpose na sinasabi nito. Masasabi niya ngayong wala na talaga siyang mahihiling. The only thing she was wishing for is happening now.
They will get married. It wouldn’t just be happily ever after. It would be eternity.
Mangiyak-ngiyak si Aurora nang kumanta na nang chorus si Phillip. Lumuhod pa ito sa harap niya.
I'll say, "Will you marry me?"
I swear that I will mean it
I'll say, "Will you marry me?"
Inilabas nito ang singsing. Matagal siyang nagsalita dahil inantay niya ang musician na mapunta sa susunod na verse.
Singing
Ooh whoa ooh oh
Ooh whoa ooh oh
Ooh whoa ooh oh
Oh, yeah
Pagpatol naman niya sa kalokohan nito. Masayang niyakap siya nito pagkatapos.
“No more pain. No more unending sleeping. No more dream. No more once upon a dream. Ours is once upon forever,” wika nito sa tainga niya.
Aurora couldn’t agree more.
THE END OF ONCE UPON FOREVER