JOSHANE'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa canteen kasama ang GFORCE. Nagkukulitan silang lima at si Harley panay ang hawak niya sa kamay ko. Tinutukso naman kami ng apat at parang gusto ko ng maglaho sa kinauupuan ko. Kinukuha ko yung kamay ko pero hinahawakan pabalik ni Harley ito..
" Bakit mo ba tinatanggal ang kamay mo sa pagkakahawak ko?! " sabay pout ni Harley.. Nagpapacute ba to? Ang cute niya kasi eh.. Hahaha
" Anu ka ba? Hindi naman ako mawawala eh.. Bitaw na kasi.. " at binawi ko ulit ang kamay ko sa pagkakahawak niya.. Sinamaan niya ako ng tingin.. Napansin naman ni Peter ang ginawa ni Harley..
" Hey dude, your girlfriend is right! She's not going anywhere. Di mo naman siya kelangan hawakan sa lahat ng oras.. " - Peter
Nginitian lang ako ni Peter habang si Harley naman tinitigan niya ng masama si Peter.. Problema nito? Napaka immature talaga kahit kelan..
" Walangjo! Punta na nga lang tayo sa GFORCE building para di naman boring.. " - Kelvin
" Kelvin, manahimik ka kung ayaw mong mabugbog.. " - JL
" Ulol! Baka ikaw ang bugbogin ko jan.. " - Sabay tayo ni Kelvin.. Tumayo narin kaming lima at lumakad na sila sa GFORCE building at ako naman pupunta na lang ako sa garden.. Nung paalis narin ako bigla akong hinila ni Harley..
" Hey Baby girl, where do you think your going? You're coming with us.. " - Sabay akbay ni Harley sa akin..
" Hahahahaha... Baby girl? Ang corny mo Harley! " - Kelvin
Binatukan ni Harley si Kelvin.. At yun na po ang simula mg harutan nila.. Parang wala lang ako sa tabi nila kung mag kulitan sila.. Isip bata parin pala ang GFORCE kahit papanu?!
" Kelvin, ingget ka lang kasi wala kang tinatawag na baby girl. Try mo kaya magseryoso baka sakaling maintindihan mo kung bakit corny si Harley?! hahahah " - Tristan
Aba, tahimik lang si Tristan mula pa kanina pero mantakin mo nakikinig din pala to sa usapan?! Kala ko kasi naka focus siya sa gameboy niya eh..
" Hoy Tristan, mag laro ka na nga lang jan.. Kung magsalita ka akala mo ang dami mong alam!! " - Kelvin
" Tahimik lang ako pero my alam ako no?! " - Tristan
" Sige nga, anung alam mo?! " - Kelvin
Nakikinig lang kami sa bangayan nila.. Gosh! Ganito pala talaga sila kaingay?! Sila yung tipong sa unang tingin mo iisipin mong mga mature na pero pag kasama mo sila dun lalabas ang pagka isip bata nila.. Hay!!
" Anu ang Alam ko? Alam na pangit ka! At alam ko rin na ang bobo mo sa math! Oh diba?! Hahahahahaha.. " - Tristan
" Ako? Pangit? Asa ka!! Bobo? Baka si JL yun.. " - Kelvin
Hinampas ni JL si Kelvin dahil sa sinabi nito.. Kaloka ang Gforce!!
" Gagong to! Usapan niyo yan wag niyo akong idamay jan.. " - JL
Sa wakas nakarating din kami sa Gforce building na walang napipikon sakanila.. Kahit todo asaran sila hindi mo makikitang my napipikon sakanila.. Well, siguro dahil matagal narin silang magkakilala at kilala na nila ang ugali ng isa't isa.. Sanayan na lang siguro sa ugali.. Aaminin ko na nung unang sama ko sakanila natakot ako na baka mag suntukan sila pero sinabi din nila sa akin na masanay na daw ako sakanila kasi ganyan daw talaga sila sa isa't isa..
" Joshane, feel at home sa tambayan namin.. Since girlfriend ka ni Harley treat us as your friends narin.. Welcome na welcome ka dito sa GB.. " - Peter
" Thank you Peter! Ang ganda ng tambayan niyo ha?! Parang bahay lang eh.. " Sobrang namangha ako sa tambayan nila.. Imagine? Parang bahay lang talaga, kumpleto sa gamit. My ref, flat screen tv, my sofa at my mini kitchen. Pwede kang mag luto dito kasi my mga gamit pang luto narin.. Tambayan ba to or extension ng bahay nilang lima?!
" Baby girl, wanna play billiard? " - Harley
Bigla akong nag blush sa tawag ni Harley sa akin.. Hindi naman sa ikinakahiya ko siya pero nahihiya lang talaga ako na iyan ang tawag niya sa akin.. Pero mukhang natutuwa naman siya sa pagtawag sa akin ng ganyan.. waaahh..
" Harley, wag mo nga akong tawagin sa ganyan.. Di ako sanay at nakakaasiwa.. Btw, di ako marunong mag laro ng billiard.. Turuan mo ako if you want.. " - Ako
" Sure babe! " - Sabay kindat sa akin.. Gosh! Bakit ang gwapo gwapo mo Harley?! Kahit boyfriend na kita kinikilig parin ako sa mga kindat at ngiti mo.. Dati naman kinaiinisan ko ang mga ganyang gesture mo.. Nayayabangan kasi ako pero ngayon kinikilig na ako.. Pero syempre di ko sasabihin yan sakanya.. Mamaya biglang humangin nanaman ng malakas eh! Haha
Tinuruan na niya akong mag billiard. Mejo asiwa ako sa posisyon namin kasi halos nakayakap na siya sa akin.
" Okay babe, i got it! " - Huli ko na marealized kung anu nasabi ko..
" What did you call me? Can you say it again?! "- Harley
Lagot! Kukulitin nanaman ako nito! Pero hindi ko yun sasabihin ulit kahit ipalo niya pa sa akin ang cue stick ng billiard..
" What? Nasabi ko na yun kaya di ko na uulitin pa. Di ko na kasalanan kung bingi ka! Bleeh! "
" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.. " - Silang apat yan..
" Boom panes! Hahahaha.. " - JL
" Ang epic mo talaga Joshane! hahaha.. Ikaw pa lang talaga ang nagpapatawa sa amin ng ganito katindi.. Hahahhahaha.. " - Tristan
" Bilib na ako sayo Joshane! Tiklop si Harley sayo! Ang epic ng mukha mo Dude! Hahahhahaha.. Di ako maka get over! " - Kelvin
Binato ni Harley ng bola si Kelvin.. Bigla naman natahimik sila pero pagka maya maya..
" HAHAHAHAHHAHAHAAHAH... " - Silang apat parin.. Kawawamg Harley pinagtutulungan ng apat!
" Sorry dude, di ko talaga mapigilan ang tawa ko.. Hahahahha.." - Peter
" Fvck! Panu ko ba kayo naging kaibigan?! " - Harley
Sobrang naaasar na pero wala siyang magawa.. Panu kasi mas lalo siyang nakakatawa dahil sa ichura niya..
Kriinngg.. Kriiinnngggg...
Time na para sa next subject namin.. Nagpaalam na ako sa kanilang lima. Ayoko kasing malate sa next class ko mahirap ng mapagalitan eh..
" Alis na ako ha? Guys, see you when i see you! Bye babe! Next time kasi makinig ka pag nagsasalita ako.. Hehe.. " - Nag peace sign ako ky Harley.. Hinatid niya ako sa room ko..
Hahalikan niya sana ako pero tinapal ko sa mukha niya ang kamay ko.. Tinginan nanaman lahat ng classmates ko lalo na ang grupo ni Lovelee.. Mamatay kayo sa inggit!
" Pasok kana rin sa klase mo, thanks sa pag hatid.. " - Ako
" Wala bang kiss? " - Sabay lapit ng nguso niya sa akin.. Pinitik ko nga sa noo.. Nakakahiya! Lahat pa naman ng mga nakakamatay na tingin nakatutok sa amin.. Ughh..
" Umalis kana! Shupi! Laters! " at pumasok na ako sa loob.. Wala din nagawa si Harley kundi umalis narin siya.. Habang ang grupo ni Lovelee sinamantala naman ang pagkakataon na lapitan ako habang wala pa ang prof namin..
" Magaling! Ang landi mo talaga! Naagaw mo na si Harley sa akin.. Anu bang gayuma ang ginamit mo ky Harley at nagustuhan ka niya?! Siguro inakit mo talaga siya no?! Umamin ka Joshane, halata naman eh.. " at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.. Sarap dukutin ng eyeballs niya promise!!Pero syempre hindi ko siya papatulan sa madumi niyang laban.. Sila kasi yung tipo ng tao na idadrag ka nila pababa sa level nila at doon ka nila ibebeat up.. Samantalang sanay na sanay na sila sa ganyang labanan.. Kinalma ko ang sarili ko at huminga ako ng malalim..
" Kelan ba naging iyo si Harley?! Last time i checked he was never yours. Ni tapunan ka nga ng tingin di ginawa ni Harley sayo eh.. Alam mo naaawa ako sayo.. Ganyan kana ba ka desperate para itanong mo sakin kung anung ginawa ko para magustuhan ako ni Harley?! To be honest, wala akong ginawa at hindi ko kelangan gumawa ng kahit anu para lang mapansin ako ng isang tao.. Hindi kasi ako ang tipo na naghahanap ng atensyon kasi kusa lang akong binibigyan ng atensyon.. Tulad ngayon, i'm not asking for your attention but you just gave me your attention.. Guess i am that important to you?! So if you'll excuse me, i need to study my notes first.. " Sabay kuha ko ng notebook ko.. Si Lovelee? Ayun, nganga kasama ang mga alipores niya!!
Dumating na ang prof ko at nag umpisa na siyang mag lecture. Bored na bored ako sa klase niya at wala man lang akong naintindihan sa mga itinuturo niya. After 45mins nag bell na para sa dismissal.
Dahil friday ngayon sa bahay ako ng parents ko uuwi. Yan kasi ang usapan namin na friday afternoon ako uuwi dun til sunday night. Nagprisinta si Harley na ihatid ako sa bahay namin..
" Babe, tell me honestly. Bakit nag apply kapa ng scholarship sa school for the past 3years samantalang afford mo naman palang bayaran ang tuition fees mo?! Anu ba ang reason mo?! " - Harley
Halata sa mukha niya ang matinding curiousity. Sasabihin ko na lang sakanya ang lahat total malalaman din naman niya ang lahat one of these days..
" Totoong lumaki ako sa hirap kasi mahirap ang mga kumupkop sa akin.. Lately ko lang nalaman na mayaman pala ang tunay kong mga magulang. Matagal narin nila akong hinahanap pero sa di alam na kadahilanan mejo mailap ang pagkakataon sakanila.. Then one time nakilala ko sa mall ang mommy ko at syempre dahil kamukha niya ako nung kabataan niya dun na siya na curious sa akin. Di ko alam na pina DNA test niya ako without my knowledge.. At dun nga nalaman na ako ang long lost daughter nila.. Kaya ngayon sila na ang nagpapa aral sa akin.. " mataman namang nakinig si Harley sa kwento ko. Makikita mo tlaga sakanya na interesado siyang malaman ang lahat tungkol sa akin.. Simpleng gesture ko parang tinitake note niya. Kaya mas lalo akong nahuhulog sakanya. Mukha lang siyang suplado dahil sa pinapakita niya sa iba pero kung makikilala mo siya mas lalo mo siyang magugustuhan..
" You're lucky! Dalawa ang mommy mo at dalawa rin ang daddy mo.. I want to meet them all.. " Ngumiti siya sa akin at hinalikan niya ang kamay ko na hawak niya.. Sino ba hindi maiinlove sa mokong na to?! Alam na alam talaga kung paanu magpakilig sa babae samantalang ako ang first girlfriend niya!! Di ba ang swerte ko?! Maswerte ako hindi dahil mayaman siya kundi maswerte ako sakanya kasi lahat ng first na gagawin niya sa gf niya sa akin niya yun gagawin.. Hoy wag green minded ha?! Bata pa ako at wala pa akong alam sa mga bagay bagay na ukol sa pagiging green minded niyo..
" You' ll gonna meet them later.. I mean my biological parents.. Ihahatid mo ako sa bahay kaya for sure makikilala mo rin sila later. Natawagan ko na parents ko and nasa bahay lang sila ngayon.. About naman sa mga kumupkop sa akin makikilala mo rin sila soon.. Nasa Iloilo pa kasi sila eh.. "
Nag drive na siya papunta sa bahay namin.. After 45mins narating narin namin ang village kung saan kami nakatira. Hinarang kami ng guard pero my pinakita akong card sa guard at pinapasok niya rin kami. Yung card na yun proof yun na residence ka ng village kahit sabihin na walang sticker ng village ang kotse.. Diba sabi ko noon na strict ang guard ng village dahil narin sa mga matataas na tao ang nakatira sa village namin?!
Tinuro ko ky Harley ang bahay namin at pinindot ko ang remote ng gate para bumukas ito. Yup, automatic kasi ang gate namin at my alarm na nakalagay sa gate. Ino on lang ang alarm tuwing gabi kahit pa na my SG ang bahay namin just in case makatulog ang SG na nagbabantay..
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng pigilan ako ni Harley at saka siya bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.. Ang sweet diba?! Pwede bang kiligin?! Kayaaaah..
" Thank you! Teka ibababa ko lang ang mga dirty clothes ko.. " - Ako
" Let me do it.. " - Harley
At binaba na niya ang mga dirty clothes ko.. Sinalubong naman kami ng mga katulong at kinuha sa amin ang mga dala namin..
" Maam Joshane, good evening po! Ako na po magdadala ng bag niyo! " - Manang Lagring
" Naku manang, Kaya niyo po ba?! Si Lisa na lang ang pagbuhatin niyo po.. " - At binigay ko na ky Lisa ang bag ko.. Si Lisa ang anak ni manang Lagring at pinapaaral siya ng mommy ko sa isang university din na malapit lang sa bahay namin..
" Manang, nasaan po sila mommy at daddy?! "
" Nasa study room ang daddy mo at ang mommy mo naman nasa kitchen my niluluto.. Alam mo naman na gusto niya siya ang magluluto pag nandito ka sa bahay! " Manang Lagring
Dumiretso na kami sa living room ni Harley. Pinaikot niya ang paningin niya sa kabuuan ng bahay namin.. Siguro namamangha siya sa disenyo ng bahay.. Kahit naman ako sobrang namangha nung unang punta ko dito eh..
" Hi Shara, how are you darling?! I missed you!! " - mommy ko
Humalik ako sa mommy ko sabay yakap.. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala si Harley..
" Mom, I want you to meet Harley Scheffer Branston.. Harley, this is my beautiful mother Joecel Alvarez.. "
" Good evening po tita.. Di ko po alam na si Joshane po ang long lost daughter niyo! " -Harley
Parang bigla akong nailang, magkakilala si mommy at si Harley?! What a small world isn't it?!
" Yes! She's our long lost daughter.. I'm glad magkakilala na kayo!! Small world ha?! " - Mommy
" Mommy, panu niyo po nakilala si Harley?! Actually, boyfriend ko na po si Harley.. " Medyo namula pa ako nung sinabi ko na boyfriend ko na si Harley.. Syempre mahiyaing bata ako no?! Namilog naman ang mga mata ni mommy nung marinig niya yun..
" Really?! Wow! I'm happy for both of you! Iha, Kilala ko na ang pamilya nila Harley even before.. Magkasunod lang ang rank ng family niya sa family natin sa forbes billionaire.. His parents is our friend as well.. Magkasosyo din kami sa ibang business natin.. " - paliwanag ni mommy.. Si Harley naman mataman namang nakikinig sa mommy ko..
" Guess whose here?! " - Daddy
" Hi dad, i missed you! " humalik ako sa dad ko..
" Hi tito Quentin, how are you po?! " - Harley.. Nakipag handshake siya sa dad ko at tinanggap naman ni dad yung kamay niya..
" Hey young man.. I'm good! Magkakilala pala kayo ng anak ko?! " - daddy
" Actually honey, boyfriend ng unica iha natin si Harley.. Bagay na bagay sila diba Hon?! " - mommy
Parang kinikilig naman si mommy habang sinasabi niya yun ky daddy.. Hindi naman obvious na botong boto siya ky Harley diba?!
" Well Harley, ingatan mo yang anak namin.. She's the most precious gem for us kaya wag mong sasaktan yan at ako ang makakalaban mo.. " - daddy
Inakbayan niya si Harley at inaya na sa dining table..
" Don't worry tito, i'll take care of her.. Gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya. At hindi ko hahayaang masaktan siya although di po maiwasan na masasaktan siya pero sisikapin ko na iwasan ang mga bagay na maaaring makapanakit ng kanyang damdamin.. Kung pwede nga lang na ako na ang sumalo ng lahat ng makakapanakit sakanya gagawin ko po.. Mahal na mahal ko po ang anak niyo tito! " - Harley
Wow! Touched naman ako sa sinabi ni Harley. Kahit si daddy na speechless bigla pero ngumiti din siya ky Harley..
" My tiwala ako sayo Harley at sana wag mong sisirain ang tiwalang yun.. Nakikita ko sayo ang sarili ko noong mga ganyang edad mo ako at alam ko na seryoso ka sa anak ko! " -
" Thank you tito! Pangako iingatan ko po ang tiwala niyo sa akin.. " - Harley
Bakit ang dali lang niyang makuha ang tiwala ng parents ko?! Siguro dahil matagal ng magkakilala ang family namin kaya ganun..
" Okay, lets eat dinner now.. Naka set na sa table ang dinner natin.. Ako ang nag luto niyan.. Harley, feel at home okay?! Huwag kang mahihiya at kumain ka lang ng kumain.. Ikaw din Shara, eat a lot.. Okay darling?! " - mommy
" Okay mom! Harley, kumain ka ng marami dahil luto yan ni mommy! "
Kumain na kami ng dinner.. Habang kumakain kami di maiwasan ang kwentuhan at si daddy at Harley about business naman ang topic nila.. Since wala akong idea about business matter mas pinili ko nalang ang kumain ng kumain kesa ma bored ako sa topic nila.. Pansin ko naman na my dad likes Harley so much.. I'm glad magkasundo sila ng parents ko..
After namin mag dinner nakipag kwentohan parin si Harley sa parents ko at di rin nagtagal nagpaalam narin siya na uuwi na..
" Tita, tito, thank you po sa dinner.. Sobrang busog po ako and i really enjoyed talking with you.. " - Harley
"Iho, next time ulit ha?! Marami pa tayong dapat pag usapan.. Ingat ka sa pag uwi mo! " - daddy
" Iho, drive safely okay?! " -mommy
Humalik na si Harley ky mommy at nakipag handshake sya ulit ky dad.. Hinatid ko na siya hanggang sa kotse niya..
" Uwi na ako babe, thank you for this wonderful evening.. Nag enjoy ako sa family dinner na to.. " - hinalikan niya ako sa forehead..
" Your welcome Babe! Ingat ka sa pag uwi.. Drive safely wag buwis buhay! - He chuckled.. Pumasok na siya sa kotse niya at nag drive na siya palabas ng gate ngunit bago siya makalabas ng gate nag wave pa siya sa akin at nag wave back ako sakanya..
HARLEY'S P.O.V
Galing ako sa bahay nila Joshane, ininvite kasi ako ng parents niya na mag dinner doon. Imagine? Parents niya pala sila Tito Quentin at tita Joecel. Kunsabagay kelan lang din naman niya nalaman na adopted pala siya ng kinalakihan niyang mga magulang..
Nandito na ako sa labas ng bahay. Bumusina ako sa guard at binuksan na niya ang gate. Pinark ko ang kotse ko at dali dali akong pumasok sa loob ng bahay. Aba, gising pa si lolo samantalang 10pm na?!
" Scheff, ginabi ka yata apo?! " - lolo
" Nag dinner po ako sa bahay ng girlfriend ko lolo.. " kukulitin nanaman ako nito mamaya dahil nalaman niyang my girlfriend ako. Ilang beses narin niya kasi akong inirereto sa mga apo ng kaibigan niya pero tinatanggihan ko.. Panu naman kasi kung hindi spoiled brat eh mga flirt naman ang iba?! Alam niyo naman na allergic ako sa mga ganyang klaseng babae..
" My girlfriend kana apo? " at namilog ang kanyang mga mata pagkasabi nya yun..
" So kelan mo siya ipapakilala sa amin? Siguro maganda yun? Kasi kilala kita eh, masyado kang choosy pag dating sa mga babae.. " - excited niyang sabi..
" Bukas po dadalhin ko siya dito para makilala niyo siya.. Sige lo, aakyat na ako sa room ko.. " tumalikod na ako.. Paakyat na sana ako ng biglang mag salita si mommy..
" Hey son, invite your girlfriend for lunch tomorrow. We want to meet her! " - mommy
" Okay mom! Actually, galing po ako sakanila at dun po ako nag dinner.. " binitawan ni mommy ang magazine na binabasa niya at humarap sa akin..
" Wow! Meet the parents huh?! Thats good! Kamusta naman ang pagtrato sayo ng parents niya? I hope they treated you well.. " -mommy
"They're from a good family mom.. And you wouldn't believe me if i tell you that she's from Alvarez family.. " Rumihistro ang gulat sa mukha ni mommy.. Alam ko na magugulat siya kasi kahit ako nagulat din nung makita ko dun sa mansyon sila tita Joecel at tito Quentin..
" You mean ang girlfriend mo ay anak nila Quentin and Joecel Alvarez? Our business partner? Yung may ari ng Alqueraz mall?! " - mommy. Halos di parin siya makapaniwala. Matagal na kasi na panahon na nawala yung anak nila kaya akala namin di na nila mahahanap ang kanilang anak..
" Yup! Sila nga po mom.. Anyway, akyat na po ako sa room ko.. Goodnight mom! " humalik ako sa pisngi ni mommy at umakyat na..
" Goodnight son.. Don't forget tomorrow. Okay?! " - mommy
Tumango lang ako at umakyat na ako sa room ko.. Nagtataka kayo siguro kung bakit kilala namin ang mga Alvarez?! Ganito kasi yun, dati ng magkaibigan ang parents ko at ang parents ni Joshane.. College sweetheart sila i mean yung parents ko at yung parents niya.. Kaya alam na alam ko ang history ng family niya at ang pagkawala niya..
My natanggap akong text mula ky Joshane.. Napapangiti ako tuwing makakatanggap ng text mula sa kanya.
Joshane:
Nakauwi kana ba?
Me:
yup! Btw, my family wants to meet you tomorrow.. Iniimbitahan ka nila na mag lunch dito sa bahay..
Joshane:
Really?! Okay, na meet mo narin naman parents ko eh..
Me:
I'll fetch you around 10:30am.. Okay?!
Joshane:
Okay! See you tomorrow! Good night babe! :)
Me:
Goodnight babe! I love you! :)
Joshane:
I love you too!
Natulog na ako after naming magtext.. Kinaumagahan, nagising ako dahil my humablot ng kumot ko.. Antok pa ako pero iniistorbo na ang tulog ko.. Sino nanaman kaya ito?!
" Hey pangit gising na jan.. " di pa nakuntento sa pag hablot ng kumot ko tumalon talon pa siya sa kama ko..
" God! Elisa tumigil ka nga sa kakatalon mo.. Masisira na ang kama ko sa ginagawa mo eh.. " Sino siya?! Well, siya lang naman ang pinsan kong spoiled brat na ubod ng sungit.. Mahirap yan pakitunguhan dahil mataray. Pero close kami niyan..
" Eh kung gumising kana kaya jan para tumigil na ako sa kakatalon dito?! " - Elisa
" Ang aga aga tinatarayan mo na ako.. Anu ba kelangan mo pandak?! " bigla siyang sumimangot dahil sa tinawag ko sakanya.. Hate na hate niya na tinatawag siyang pandak. Panu kasi siya lang ang 5" flat ang height?! Di niya namana ang tangkad ng parents niya..
" Hoy kapal mong pangit ka!! Petite lang ako pero hindi pandak! Tseh!! " - Elisa
" Ganun narin yun.. Hahaha.. " bumangon na ako at patakbong pumunta sa banyo..
" Samahan mo kong pumunta sa mall my bibilhin ako dun.. " sigaw ni Elisa..
Nag toothbrush ako at nag suot ng damit pambahay.. Saka ako lumabas ng banyo ko..
" Asan ba boyfriend mo at bakit ako ang iniistorbo mo dito?! "
" I dumped him! His a jerk! " - Elisa
" Di kita masasamahan ngayon dahil susunduin ko si Joshane sa bahay nila.. " Napataas ang kilay niya pagkarinig niya ng sinabi ko..
" Who is she? Mas importante pa ba siya kesa sa akin na pinsan mo?! " nakapameywang niyang sabi.. Napaka selosa talaga nitong pinsan ko. Feeling girlfriend kung umasta eh..
" She's my girlfriend! " - Ako
" Wow! Magpapamisa na talaga ako! Ikaw na super choosy nagka girlfriend din sa wakas?! I want to meet her.. " - Elisa
" Later cousin! Dito siya maglalunch.. Wanna come? Susunduin natin siya! "
" Maligo kana kung ganun at sa baba nalang ako maghihintay! " kumindat pa ang bruha! Minsan talaga di ko masakyan ang ugali ng babaeng yan. Ang tindi ng mood swing parang buntis lang!
Naligo na ako at after 30mins niyaya ko ng umalis si Elisa.. Sana lang maging mabait siya sa pakikitungo ky Joshane!
Habang nasa byahe kami panay naman ang daldal niya at naririndi na ako sakanya.. Grabe parang hindi nauubusan ng topic!
" Siguro mahal mo talaga ang Joshane na yan?! Kasi kung hindi mo siya mahal hindi ka mag eeffort para sakanya at alam ko na allergic ka sa mga malalanding babae at mga spoiled brat.. Syempre di ako kasama sa mga spoiled brat na hate mo dahil pinsan mo ako at mahal mo rin ako! " mahaba niyang litanya..
" Mahal ko nga siya at pwede ba Elisa manahimik ka muna kasi sumasakit na ang tenga ko sa kakatalak mo.. " sinamaan lang niya ako ng tingin pero tumahimik narin siya! After 45mins nakarating na kami sa bahay nila Joshane.. Nag door bell ako at pinapasok kami ng guard! Sinalubong Kami ni Joshane..
" Hey, 10am pa lang ah?! Buti na lang pala inagahan ko ang bihis ko.. " - sinasabi niya yan habang nakatingin ky Elisa..
Bigla naman akong hinolding hands ni Elisa at alam ko ang binalak niya. Ginagawa kasi namin yan pag my gusto akong iwasan na babae or pag my gusto siyang pagselosin na lalake..
" Joshane, this is Elisa.. " pagpapakilala ko sa pinsan ko.. Ngumiti naman si Joshane pero halata sa mukha na fake ang ngiti niya..
" Hi, nice to meet you Joshane! So, lets go Harley? " - Elisa
Umandar nanaman ang pagiging pilya ng pinsan ko. Yung ngiti niyang yan ngiting nag sasabing its payback time!!
" Lets go Joshane!" at inayaya ko na siyang paalis.. Pag dating namin sa kotse imbes na sa passenger seat ko pauupuin si Joshane inunahan na siya ni Elisa dun umupo.. Loko talaga tong babae na to kung hindi ko lang to pinsan binatokan ko na to.. Umupo na lang si Joshane sa likuran..
" Joshane, i want to be honest with you. I dont like you!! " - prangkang sabi ni Elisa. Nabigla ako sa binitawan niyang salita which is di ko talaga inexpect na sasabihin niya yun... Napanganga naman si Joshane sa sinabi ng bruha kong pinsan..
" Hey, don't say that! Be nice to her Elisa! " - ako
" Okay lang Harley.. Naiintindihan ko kung di mo ako gusto Elisa. Di ko naman pwedeng iplease ang lahat ng tao para magustuhan lang nila ako. I have nothing against you Elisa plus first time palang natin na mag meet at hindi mo pa ako kilala totally.. Don't worry, di ko ipipilit na gustuhin mo ako.. " - Joshane
Napapabilib talaga ako ni Joshane.. Siya pa lang ang sumagot sa pinsan ko ng ganyan.. Pag sinasabi kasi ng pinsan ko ang ganyan halos lahat sila gagawa ng paraan na magustuhan sila ng pinsan ko.. Nilingon ko ang pinsan ko at napatingin siya sa akin na napapangiti.. I know, kahit siya siguro di rin inaasahan sa isasagot ni Joshane..
" Wow! I'm impressed!! Ngayon alam ko na kung bakit nagkagusto sayo si Harley?! You're really different from other girls.. Alam mo naman siguro kung gaano ka allergic si Harley sa mga babaeng malalandi at spoiled brat diba?! At ikaw palang ang sumagot sa akin ng ganyan. Yung ibang mga babaeng nagkakagusto ky Harley pag sinabi ko ng hindi ko sila gusto halos manikluhod na magustuhan ko lang sila kasi they know that Harley and I are cousins that close to each other.. " - Elisa..
She's right! Pinsan nga talaga kami!!
" Sabi mo pinsan kayong dalawa? I thought my gusto ka ky Harley?! " - Joshane
" Hahahahhahhahahha.. You're funny!! Kaya pala fake ang pag ngiti mo sa akin kanina!! Yeah! We're cousins! At close kami sa isa't isa.. Btw, I like your attitude! Friends? " - inilahad ni Elisa ang kamay niya ky Joshane at tinanggap naman ito ni Joshane..
" Friends! " - Joshane
" We're here! " - bumaba na kami ng kotse at nauna ng pumasok si Elisa sa loob..
" Kinakabahan ako baka di ako magustuhan ng parents mo.. " - Joshane
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ko yun.. Nanlalamiga ng kanyang mga kamay na senyales na kabado nga siya..
" Relax babe, magugustuhan ka nila.. Just be yourself! Nagustuhan ka nga ni Elisa na mahirap yun pakisamahan sa lahat?! " - Ako
Ngumiti siya sa akin at pumasok na kami sa loob ng bahay..
" Hello iho.. So, you must be Joshane?! " - mommy
" Hi mom, this is Joshane, Joshane this is my mom Shirley! " pagpapakilala ko sakanila..
" Hello po tita, kamusta po?!" - Josahne
Humalik sya sa mommy ko at niyakap siya ni mommy.
" Mabuti naman ako iha.. Kamusta ang parents mo?! I'm so glad na nahanap kana nila.. Hali na kayo at doon na tayo sa dining area baka ubusin na ni Elisa ang mga niluto ko.. " - mommy
" Okay naman po ang parents ko tita.. Sobrang happy nga po nila na nakita na nila ako.." -Joshane
" Oh, nandito na pala ang future daughter in law ko.. Hello iha, i'm Harry but call me tito Harry.. " - daddy
" Hello po tito Harry.. " - Joshane
" Apo, siya na ba ang girlfriend mo? Magaling ka talagang pumili mana ka sa akin.. Iha, ako ang lolo Henry mo.. Masaya ako para sa inyo ng apo ko! " - Lolo
Umiyak pa talaga siya.. Eh? Hinawakan naman ni Joshane ang dalawang kamay ni Lolo at inalo alo ito.. Hay! Ang drama talaga ng matanda na to..
" Lolo, tama na po yan..Ang drama niyo po! Kumain nalang tayo kasi for sure gutom lang yan.. " - Ako
Kumain na kami ng lunch.. Masayang nagsalo ang pamilya ko at si Joshane.. First time na kumpleto kami sa table at masayang kumakain.. Marami kaming pinag usapan at siyempre pa halos di mawalan ng topic sila mommy, Elisa at lolo kasi nonstop ang kwento nila.. Tumatawa nalang kami kapag my sinasabi si lolo na nakakatawa.. Pansin niyo naging mabait na ako sa lolo ko?! Syempre dahil gusto ko na maging mabuting tao na sa lahat..
Hapon na nung nag decide na umuwi si Joshane. Kelangan niya narin kasing mag ligpit ng gamit niya kasi uuwi din siya ng condo bukas ng gabi. Wala na kasi siyang panahon mangligpit bukas dahil my driving lesson siya.. Nagprisinta na nga ako na magtuturo sakanya pero ayaw niya baka daw buwis buhay din siya kung mag drive..
Nagpaalam na siya sa family ko at hinatid ko na siya sa bahay nila.. Masaya ako dahil na meet na niya ang family ko at nameet ko narin ang family niya..