Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 20

TRICIA'S P.O.V

Another day, another boring day for me!! Tinigilan ko na kasi ang pambubully ky Joshane at nagiging bitch na lang ako sa mga taong deserve ang pagiging bitch ko..

Nagtataka kayo siguro kung bakit nambubully ako at bakit galit ako sa mga tanga?! Sige ikukwento ko sa inyo kasi bored ako at pantanggal boredom narin..

Hindi naman talaga ako nambubully eh, mabait na bata ako dati kaso nag bago ang lahat simula nung mag college ako.. Nasa highschool ako noon nang maranasan ko ang mabully ng ibang estudyante..

Di ako nerd at di ako jologs as a matter of fact my taste ako sa fashion at laging sunod sa uso ako. Pero kahit ganun di parin naiwasang di ako mabully.. Four years in highschool was like four years in hell. I was physically and verbally abused by my schoolmates..

Ang akala kong bestfriend ko ay ipinagkanulo ako sa nang bubully sa akin. Imbes na ipagtanggol niya ako sa mga nambubully sa akin mas tinulungan pa niya ang mga ito. Pinalampas ko yung ginawa niya sa akin kasi best friend ko siya at siya lang ang nag iisang kaibigan ko sa school since halos lahat sa school namin ayaw sa akin..

Pero ang hindi ko pinalampas yung minsang nagkagusto ako sa isang guy. Dahil pareho naming gusto ang guy na yun gumawa siya ng way para mapahiya ako sa lahat ng tao especially sa guy na gusto ko. Nawasak ang pagkatao ko sa ginawa niyang yun sa akin.. Halos di na ako masyadong pumapasok noon sa school dahil sa mga masasamang salitang naririnig ko sa mga school mates ko.

Sabi nila high school life daw ang pinaka memorable at unforgetable moment daw ng bawat tao. Agree naman ako na unforgetable yun hindi dahil sa masasayang alaala kundi dahil sa masamang nangyari sa akin during those times! Memorable? No comment!

Sa awa naman ng Diyos natapos ko rin ang high school ko na buo pa ang katawan ko pero ang self esteem ko nabawasan na.. Dahil din sa mga nangyari sa akin nung high school ako nag aral ako ng taekwondo pang self defense..

After kong gumraduate sa high school nagpa enroll ako dito sa Branston University kahit na ang previous school ko ay my college department din.. Simula nung tumapak ako sa Branston pinangako ko na sarili ko na hinding hindi na ako magpapabully pa sa iba. Kaya dun nag simula ang pagiging bitch ko! Ngayon alam niyo na ha?!

Chineck ko ang orasan sa side table ko at bumangon na ako. First subject ko will start at 8am sharp at 7am na pero maliligo pa lang ako.. Geez! Late na naman ako nito terror pa naman ang prof ko sa first subject ko.

Naligo na ako at ginawa ko na ang morning rituals ko ng madalian.. Di na ako kumain kasi pag kumain pa ako baka ma stuck ako sa traffic jam.. Pinaharurot ko na ang kotse ko at after 20mins narating ko rin ang school.. Derederetso na ako sa klase ko pero my humarang nanaman sa dadaanan ko na mga epal!! Bakit ba pinipili nilang harangin ako kung kelan male late na ako?!

" Your late bitch! hahaha.. " - Ella

Wala akong panahon sakanya kaya nilagpasan ko siya. Pero hinablot niya ang braso ko. Kapal ng bruhang to ha?!

" Bitiwan mo ako Ella at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag prinovoke mo ako! " - Pero di parin niya ako binitawan bagkus mas lalo pa niyang diniinan ang pagkahawak niya sa braso ko..

" Eh kung ayoko?Anung gagawin mo?! " - Ngumisi pa siya na parang baliw.. Ugh.. Naiirita na ako sa pagmumukha niya lalo pa't late na ako!Bwiset!!

Dahil sa inis ko hinawakan ko ang braso niya at pinisil yun ng sobrang lakas sabay nilagay ko sa likuran niya ang kanyang braso. Namimilipit siya sa sakit dahil sinadya ko naman talagang higpitan ang pagkahawak ko sakanyang kamay..

" Hindi lang ito ang gagawin ko sayo sa susunod na  haharangan mo pa ako.. " Binitawan ko na ang kamay niya at umalis na ako..

" I hate you bitch! Argghhhh.. " - sigaw ni Ella.. Di ko na siya pinansin at pumasok na ako sa room ko. Halos lahat ng mata sa akin nanaman nakatingin. Panu ba naman kasi late na ako ng 20mins dahil sa bruhang Ella na yun..

" Miss Javier, anu ang akala mo sa klase ko mall na pwede kang pumasok anytime na gusto mo?! " - Prof

" Sorry! My humarang kasi sakin na mga epal kaya natagalan ako sa labas! " - Ako

" Hindi yan excuse Javier! Alam mo naman na ayaw ko sa lahat ang late.. Now, get out of my class! " - Prof

Wow! First time na mapalabas sa klase! Paki ko ba?! Matalino naman ako kaya wala akong pakialam kung palabasin niya pa ako sa klase niya..

Tumambay ako sa canteen since wala akong kasama dahil sila Crystal at Ruby ay nasa room pa. Habang busy ako sa pagkalikot ng phone ko my naririnig akong nag uusap na mga estudyante sa likuran ko. Parang nasa bundok lang ang kausap kasi sobrang lakas ng mga boses! I just rolled my eyes!

" Nakakainis na talaga ang babaeng yan. Anu ba ang nakita ng  Gforce sakanya at ang bilis niya nakapalagayang loob ang  Gforce?! Grrrr.. "- Girl 1

" Hindi naman siya kagandahan pero bakit nagustuhan siya ni Harley?! Don't tell me na walang taste si Harley pagdating sa mga babae.?! " - Girl 2

" Shut up Lia! Nilandi lang ni Joshane si Harley kaya nagkagusto sakanya si Harley. Kala mo Santa malandi pala!! Ewww.. " - Girl 1

" That girl! Bumibinggo na siya sa akin. Just let her enjoy the moment kasi pag ako na ang gumalaw magiging kawawa siya at sisiguraduhin kong mapapahiya siya sa lahat!! " - Girl 3

Nilingon ko ang mga babaeng nag uusap sa likod ko. Buti di nila napansin ang paglingon ko. Pero ikinabigla ko ng makita ko si Celine sa grupong yun.. Diba best friend si Joshane at Celine? How come masasama ang lumalabas na salita sa bibig niya?! Wala naman akong pakialam sakanila lalo na ky Joshane pero bigla ko nalang kasi naalala ang ginawa sa akin ng ex bestfriend ko! Napataas agad ang kilay ko sakanila.. Mukha lang pala siyang mabait sa harap ni Joshane pero back stabber rin pala siya?! Kawawang Joshane my kaibigan siyang plastik!!

Binalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko ng dumating si Joshane. Papunta siya sa table nila Celine at ang kasama naman niya biglang nag poker face. Ubod lapad naman ang ngiti ni Celine ky Joshane na nginitian naman ni Joshane ang plastik niyang kaibigan..

" Hey Joshane, tapos na ang klase mo? Join us here.. " - Celine

" Sure! Hi Lia and CHerry. Kamusta kayo? " nginitian sila ni Joshane pero deadma lang ang dalawa..

" Hey girls, don't be like that to Joshane! She's nice naman eh.. " - Celine

" Fine! I just couldnt stand being nice to her! " - Yung Lia yata ang nagsalita..

Hindi ko naman ugali ang mag eavesdrop pero at this moment wala akong choice kundi pakinggan ang usapan ng mga errr plastik..

" Joshane, kamusta naman kayo ni Harley? You look good together! I hope magtagal kayong dalawa.. " - Celine

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Celine.. Seriously?! Kanina lang ang sama ng tabas ng dila niya at ngayong kaharap na niya si Joshane bigla nalang siyang naging angel sa harap niya.. Fallen angel from hell!

Hindi ko na matiis ang ganyang usapan nila kaya tumayo na ako at sinadya kung dumaan sa table nila..

" Akala ko sa basurahan lang nababagay ang mga plastik meron din palang pakalat kalat sa school.. Sobrang init pa naman ngayon baka masunog ang mga plastik na pakalat kalat lang.." - tumigil ako sa harap nila Celine..

" Anung problema mo Tricia?! Naghahanap ka nanaman ng gulo? "- Celine

" Mainit ba?! " - Ako

" Oo dahil hot kami!! " - sumabat ang Lia.. Tinitigan ko ng matalim sabay ngiti!

" Kapal ha?! Natatakot kasi ako para sa inyo dahil baka masunog kayo. Ang paplastik niyo kasi akala ko nga ang mga plastik sa basurahan lang nababagay meron din pala na pakalat kalat sa school! "  Taas kilay kong sabi..

" You call us plastic? How dare you bitch?! " - Celine

" Tricia, di ka ba nagsasawa sa pang iinis mo samin? Anu ba problema mo?! " - Joshane

" Joshane, alam mo di ka lang tanga bulag kapa.. Look around! Kilalanin mo ang mga taong nakikipag kaibigan sayo kasi minsan kung sino pa ang mga so called friends mo yun pa ang back stabber. At least ako enemy mo pero di ako nagsisinungaling sayo.  Kung galit ako sasabihin ko sayo.. Hindi ako katulad ng iba jan na magpapakabait sa harap mo at pagtalikod mo saka naman lumalabas ang totoong sungay nila.. " - Napa awang ang bibig ni Joshane at mukha namang nawalan ng kulay ang mukha ni Celine..

" Anung ibig mong sabihin Tricia? " - Celine

" My ibig ba akong sabihin? Meron ba dapat Celine?" - Tumingin pa sakanya si Joshane.. Ngumiti ako at umalis na sa table nila..

PETER' S P.O.V

Marami na ang nagbago ky Harley mula ng naging sila ni Joshane lalo na sa ugali.. Dati laging naka poker face siya at bihirang ngumiti at kaunting sagi mo lang sakanya para na siyang papatay ng tao. Pero ngayon halos nakatawa na siya lagi. Di narin siya bugnutin at mainitin ang ulo. Malaki talaga ang impact ni Joshane sa buhay ni Harley kaya hinayaan ko na silang dalawa.

Ang importante naman sa akin ay yung makita silang masaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa. Oo nasasaktan ako dahil my gusto din ako ky Joshane pero para ko na kasing kapatid si Harley kaya kung saan siya masaya susuportahan ko na lang siya..

" Uy dude, ang lalim ng iniisip natin ah?! My problema ba? " Tristan

Anung nakain ng isang to at mukhang seryoso ngayon ah?! Si Tristan kasi parang akala mo bata kasi puro gameboy na lang ang inaatupag. Ni hindi ko nga yan nakitang nakikipag flirt sa mga babae.. Siya yung bihira lang sumabat sa usapan pero my sense din naman!

" Wala naman.. Nga pala, bakit puro gameboy nalang inaatupag mo? Tingnan mo si Kelvin puro babae ang inaatupag. Di man lang kita nakitang nakipag flirt sa mga babae..  Are you gay? " - Hinampas ako sa braso ni Tristan.. Hahha..

" Grabe, gay agad?! Porke di lang nakikipag flirt sa mga babae yun na agad?! Let's just say, i haven't found the right girl yet.. Besides, i'm still young so why hurry?! " - Tristan

Kunsabagay my point naman siya at least alam ko na hindi naman pala siya gay.. Kung si Kelvin playboy at sobrang hilig sa babae si Tristan naman ang opposite ni Kelvin.. Ako kaya my mahahanap pa kaya ako na katulad ni Joshane? Alam ko nag iisa lang siya pero sana meron pang natitira na kagaya niya..

" Dude.. Peter, okay ka lang? " Biglang nag snap si Tristan sa harap ng mukha ko..

" Ha? My sinasabi ka? " - Tanong ko ky Tristan..

" Nah, i'm just asking if you're okay! You're spacing out kasi.. My sakit ka ba?! " - halata ang pag alala ni Tristan..

" Wala! Nga pala, binili ko na ang club republiq. Umalis na kasi ng Pinas si Owen kaya pinagbili na niya sa akin ang bar niya.. " - Ako

" Cool!! Pwede tayong tumambay dun pag wala tayong pasok.. " - Tristan

" Yeah, this weekend punta tayo dun.. " - Ako

" Hey dude, anung pinag uusapan niyo? " - Harley

Kararating lang niya sa tambayan.. Malamang galing nanaman siya ky Joshane..

" I bought Owen's bar.. Punta tayo dun this weekend.. " - Ako

" Yung club republiq? So its true that he left the country already?! " - Harley

Tumango ako sakanya bilang pag tugon.. Bigla siyang humarap sa akin..

" Okay, punta tayo dun.. Isasama ko si Joshane and Elisa if thats okay?! " - Harley

" Elisa?? " sabay naming tanong ni Tristan!!

" My cousin.. Close cousin ko siya remember her? " - Harley

Sabay kaming nag nod ni Tristan.. Sino ba naman ang hindi makaalala sakanya? Ang taray taray nun at lagi silang nag babangayan ni Tristan..

" How can i forget her? She slapped me on my face! That freak! Kung hindi mo lang siya pinsan pinatulan ko na siya dati sa pananampal sa akin.. " - Inis na sabi ni Tristan..

" Relax Tris, baka mamaya mainlove ka dun.. Ikaw din! Hahaha.. " - Harley

" Inlove your face! Sakanya lang? Wag na lang.. I'd rather stay single! " - Tristan

" Wag kang mag salita ng tapos Tristan. Remember opposites do attract.. Minsan the more na inaayawan mo ang isang tao mas lalo ka pang inilalapit sakanya ng tadhana! " - Napanganga naman si Tristan pero bakas parin ang inis niya sa mukha..

" Whatever Pete! " - Tristan

Saturday night! Nandito na kaming tatlo sa club republiq.. Hinihintay na lang namin ang pag dating nila Harley.. Nasa isang VIP room kami na pang 10 na tao ang pwedeng mag stay dun. Umiinom narin naman kami pero pakonti konti lang wala pa naman kasi si Harley baka mamaya malasing kami agad..

" Dude, cr muna ako.. Wala pa naman si Harley eh.. " - Tristan

Tinanguan ko lang siya at umalis din siya after.. Si Kelvin my nakakandong sakanya na babae. Halos mag make out na sila sa harapan namin.. Napapailing nalang ako ky Kelvin.. Si JL naman tahimik lang na umiinom sa tabi. Isa pa itong si JL, bigla nalang tumigil sa pakikipag flirt sa mga babae. Ewan ko kung anu ang nakita niya ky Tricia at na inlove dun ang loko?!

" Hey! Ang KJ niyo naman pareho. Mag hanap nga kayo ng babae na makasama niyo tonight! " - Kelvin

Nag raised ng middle finger si JL ky Kelvin pero tinawanan lang siya ni Kelvin.. Habang ang babae na nakakandong sakanya panay ang romansa niya ky Kelvin.. What a whore?!

" Get a room dude! " Sabay bato ni JL ng nuts ky Kelvin.. " Wag kayong mag make out dito. Hiyang hiya naman kasi kami sa inyong dalawa eh! " - sabi ni JL.. Pero tinawanan lang siya ni Kelvin. Tumigil din sila sa pag hahalikan..

" Babe, punta tayo sa condo ko?! " - Girl..

Seriously? Siya pa talaga ang nagyaya ky Kelvin na pumunta sa place niya! Girls these days!! My matino pa kayang natitira sa mundo?!

Biglang dumating sila Harley na kasama si Joshane at Elisa.. Umupo naman sa tabi ko silang tatlo..

" Hey Peter, glad to see you here! " - Elisa

" Yeah, glad to see you too Elisa! Wanna drink? pag aalok ko sakanya..

"  Sure! " - Sagot niya.. Tinawag ko na agad ang waiter para magpakuha ng inumin nila..

" What do you want Elisa? " - Ako

" Tequila please! " - Sinabi nya dun sa waiter.. Wow, hard drinker narin pala siya ha?!

" How about you Joshane, what do you want to drink? " - tanong ko sakanya.. Tumingin siya ky Harley na parang hinihingi ang permiso niya..

" Give her champagne! " -  Harley

" I dont drink alcohol  Pete.. hehe! " - Joshane

"  Champagne ka nalang kung ganun! " at sinabi ko na dun sa waiter..

" Scotch for me.. Make it double! " - Harley

Umalis na ang waiter at saka pa lang dumating si Tristan.. Sobrang lakas ng tugtog kaya halos naka sigaw kami kung mag salita para magkarinigan..

" Akala ko nalunod kana sa cr! " - Pasigaw kong sabi ky Tristan.. Napatingin siya sa dako ni Elisa pero bigla din niya binawi ang tingin sa dalaga.. Hmmm.. I sense something! I smirked!

" Nandito ka pala?! Akala ko naglalaro ka lang ng gameboy. Mahilig karin pala mag bar?! " - Elisa

" Paki mo kung nandito ako? Bakit sayo ba itong bar? " - Tristan

Naloko na, magbabangayan nanaman itong dalawa! Di ko alam kung bakit ang init ng dugo ni Tristan ky Elisa. Di kaya my gusto si Tristan sakanya at ginagawa niya lang mask ang galit niya kunwari?! Hmmm..

" Sinabi ko bang bar ko to? Pilosopo! Dapat di kana sumama dito panira ka lang ng gabi eh.. " - Nakasimangot na sabi ni Elisa..

" Alam mong barkada ako ng pinsan mo syempre kasama ako sa mga gimiks namin!! " - Tristan

Ayaw din nito patalo.. Si Joshane naman nakatingin sakanilang dalawa at nagtataka dahil nagbabangayan silang dalawa..

" Shut up! I dont wanna hear your voice! " - Elisa

" Tss.. Whatever! " - Tristan

Tinaasan lang siya ng kilay ni Elisa..

Nagpaalam naman si Kelvin na pupunta sila ng dance floor..

Dumating na ang waiter na my dala ng order naming drinks.. Uminom nalang kami dun.. Niyaya ni Elisa si Joshane na sumayaw pero tumanggi si Joshane ..

" Peter, Lets dance! C'mmon! " - Elisa

Hinihila na niya ako palabas ng VIP room. Nagpatianod nalang din ako..

" Kayo jan ayaw niyo sumayaw? " tanong ko ky JL at Tristan.. Umiling lang silang dalawa.

Nagsayaw kami ng nagsayaw hanggang sa mapagod kami ni Elisa at nagyaya na siyang umupo...

" Tristan, maglalaro ka nalang ba jan? Get a life dude!! " - Ako

" Hayaan mo na yan si Tristan, bata isip pa kasi kaya no wonder wala siyang girlfriend.. Ni hindi pa nga yata yan nakahalik sa ba-.."  Naputol ang sasabihin ni Elisa dahil bigla nalang siyang hinalikan ni Tristan  sa labi.. Bagsak ang panga naming lahat sa ginawa ni Tristan.. Kahit si Elisa di nakagalaw sa ginawa ni Tristan sakanya..

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.