THIRD PERSON'S P.O.V
Mabilis lumipas ang panahon at ngayon nga finals na sa Branston University.. Halos lahat busy sa pag rereview dahil ayaw naman nilang bumagsak sa exams nila..
Ang Gforce my group study sila kasama syempre si Joshane. Nagkukulitan sila habang nag rereview kaya halos di rin sila maka concentrate sa pag rereview..
" Damn it! Tristan and JL pwede ba wag nga kayong makulit. Akala ko group study ito?! " - Kelvin
" Naks!! Kelan kapa natutong mag review Kelvin? Diba hate mo ang ganito kasi boring?! " - JL
" Gusto kong makapasa sa exams problema niyo?! " -Kelvin
" Oo na nga lang.. " - Tristan
Nag review na sila ulit pero di parin maiwasan ang kulitan nila JL at Tristan.. Nakatungo naman si Joshane at busy sa pag review ng notes niya samantalang picture naman ng picture si Harley sakanya gamit ang kanyang camera..
" Hey, stop it! Group study to hindi photoshoot! " - Joshane
Pero deadma lang si Harley at patuloy parin sa pagkuha ng picture ni Joshane.. Sa inis ni Joshane tinakpan niya ang camera ni Harley.. Tawa naman ng tawa si Harley ky Joshane..
" Babe, alam mo kasi gusto kong mainspired kaya kita kinukuhanan ng picture.. " - Harley
" Babe, isang picture lang sapat na yun pero yung sayo ginawa mo na yatang pictorials tong group study natin eh.." She pouted.
Hinalikan siya ni Harley sa pisngi at tinabi na niya ang camera niya at nag umpisang bumuklat ng notes niya.. Buong araw yata silang nag review dahil sa monday na ang finals nila..
Days passed! Monday na at ngayong araw ang start ng finals nila bale two days ang exam nila.. Busy silang lahat. Yung iba nag last minute review pa at my iba namang over confident na maipapasa nila ang exams nila..
Mahirap ang exams pero carry lang ni Joshane. Confident naman siyang maipapasa niya yun kasi pinag aralan naman niya lahat..
Natapos ang finals at lahat nakahinga narin sa wakas..
" Since tapos na ang finals mag outing naman tayo.. " Sabi ni Tristan.. Lahat naman nag agree sakanya..
" Saan naman tayo pupunta? Nakaka sawa na ang bora eh.. Any suggestion guys? " - Peter
" Wag abroad! Mas maganda parin dito sa Pinas eh.. Saan kaya maganda? " - JL
" Diba Joshane my farm kayo sa Iloilo? Why not go there? For a change naman.. Bisitahin natin ang farm niyo dun.. " - Harley
" Farm? Are you serious? " - chorus nilang apat na Gforce.
" I'm dead serious!! " -Harley
" Kung payag kayo we'll go there two weeks from now. Tamang tama at wala na tayong pasok nun.. " - Joshane
" Okay! I'm in! " - JL
" Count me in.. " - Kelvin
" Sama din ako.." - Tristan
" Pahuhuli pa ba ako? Syempre sasama ako! " - Peter
" Okay! It settled then.. " - Joshane
JOSHANE'S P.O.V
Two weeks ang lumipas at ngayon na ang araw ng pagpunta namin sa Iloilo. Tinawagan ko narin nag mga magulang kong kumopkop sa akin na ngayon kami darating doon.. Ready na ang mga gamit ko at hinihintay ko nalang ang pag dating ng Gforce..
Tok.. Tok.. Tok..
" Mukhang excited na ang unica iha ko sa byahe niya ha?! " - umupo si mommy sa kama ko habang pinagmamasdan ako..
" Yeah, excited na nga akong umuwi ng Iloilo.. I'm gonna miss you mom! " yumakap ako sa mommy ko at niyakap din niya ako ng mahigpit..
" Mamimiss din kita anak! One week ka lang naman mawawala eh.. " - naluluhang sabi ni mommy.. Para namang kinurot ang puso ko sa pag tulo ng luha ni mommy. I know, natatakot lang siyang maulit ang nangyari dati..
" Mom, babalik din naman ako after one week eh! " - Pag aalo ko sakanya..
Tok.. tok.. Tok..
" Maam Joshane, nasa ibaba na po ang mga kaibigan niyo! " - Lisa
" Sige bababa na ako.. Please Lisa, don't call me maam feeling ko kasi ang tanda ko na pag tinatawag mo ako ng ganun eh.. " Ngumiti ako sakanya..
" Sige po Joshane! " - Lisa
" Paki dala na lang ng ibang gamit ko sa baba para di ako mahirapan bumaba.. " at kinuha na niya ang ibang gamit ko..
" Mom, let's go down! " Inaya ko na sa baba si mommy at bitbit ko naman ang trolley ko..
Nasa sala ang lima at manghang mangha sa bahay namin..
" Joshane, hindi ko alam na mayaman ka pala?! Bakit ka naging scholar? " -Tristan
Mahalata mo ang curiousity sa mukha niya.. Binatukan naman siya ni JL at kinuwento ko naman sakanila ang totoo.. Napa tango na lang silang apat.. Pinakilala ko sila ky mommy at tuwang tuwa naman si mommy sa kanilang lima.. Ang kukulit kasi nila parang mga bata!
" Mom, aalis na po kami baka kasi matrapik kami mamaya eh. " at humalik na ako sa mom ko at hinila ko na ang trolley ko.
" Ingat kayo ha? Tawagan mo ako pag my problema dun.. " -mommy
At sumakay na kami sa van nila Kelvin. Kasya naman kaming anim sa loob at my driver siyang kasama para mag drive sa amin..
" Joshane, bakit Legaspi parin ang gamit mong apelyido kung Alvarez naman pala ang apelyido ng parents mo? " - JL
" Honestly, ayoko kasi na kakaibiganin ako dahil mayaman ako. Gusto ko kasi na tanggapin nila ako bilang ako hindi dahil mayaman ako.. Kaya di ko parin pinapalitan ang apelyido ko. " - Ako
Nagkibit balikat lang silang lima.. Nakarating narin kami sa airport at hinihintay na kami ng mga crew ng plane..
" Miss Joshane, i'm Capt. Dannielson Villa. Ako po ang pilot niyo today.. Nakausap ko na ang daddy niyo kanina.. " - Capt. Villa
" Hello sir, nice to meet you! " - At nakipag handshake ako sakanya..
" Shall we go now? " Tumango ako at lumakad na kami papasok sa loob ng eroplano.
" Ibang klase ka talaga Joshane! Ang yaman yaman niyo. Mantakin mo my private plane kayo na pwedeng gamitin anytime na gusto niyong bumiyahe. Astig kaya yung ganun?! " - Tristan
" Mas mayaman parin ang family nila Harley kesa sa amin. Nasa top 2 lang kami at sila ang top 1 sa pinaka mayamang negosyante sa Pilipinas. " - Ako
" Wala naman silang private plane eh! Kasi baka daw di na papasok sa school si Harley at bumiyahe na lang siya imbes na mag aral.. hahahahha " - Kelvin
" Pag ako nagkaroon ng private plane asa kang makakasakay ka Kelvin! " - Harley
Good day passengers! Please be seated and fasten your seatbelt. We're about to take off in ten minutes! This is capt. Dannielson Villa your pilot..
Dun lang natigil ang ingay namin nung magsalita na ang pilot. Kinabit na namin ang aming seatbelt at pagkamaya maya lang umandar na ang eroplano. Walang nagsasalita sa aming lahat at halos lahat hinihintay na lang ang pag angat ng eroplano sa lupa. Maya maya naramdaman ko ng lumilipad na kami.. Ito ang hate ko pag sumasakay sa eroplano parang napupuno ng hangin ang tenga ko na parang gusto ng sumabog. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at maya maya lang ay nakaidlip na ako dahil narin sa pagod at puyat pa ako..
Nagising ako sa mahinang pag tapik sa pisngi ko. Saka ko narinig ang anunsiyo ng piloto..
" Welcome to Iloilo.. Thank you for flying with us! Have a good day everyone! " - Pilot
" Sa wakas nandito na tayo! Marami kayang chicks sa lugar niyo Joshane? " - Kelvin
Kahit kelan talaga si Kelvin puro babae na lang ang laman ng utak! Natawa na lang ako sa kanya..
" Dude, farm yun malamang maraming chicks dun. My poultry sila Joshane kaya meron yun syempre! " - Tristan
" Babae ang ibig kong sabihin! Bobo mo talaga Tristan.. " Kelvin
" Maraming babae Kelvin pero mga probinsyana sila.. Knowing you for sure di mo sila type! Ang hilig mo kasi sa mga liberated na girls.. Tsk! " - Peter
" Nga pala, bago ko makalimutan malayo ang hotel sa lugar namin. At wala kaming sasakyan so most of the time sasakay lang tayo sa tricycle or motor dun. Anu game ba kayo? " Tanong ko sakanila.. Alam ko kasi na sanay sila sa marangyang buhay.. At di sila sanay sa buhay sa probinsya.. Alam ko na, ipapa experience ko sakanila ang buhay na meron ako dati.. *Evil smile*
" Joshane, saan tayo sasakay? My van ka bang nirentahan man lang? " - Tristan
" Mag co-commute tayo. Sasakay tayo ng jeep papunta sa amin.. "
Biglang lumaki ang mga mata nila at sabay pa silang nagsalita..
" Anu/What? " -Silang lima yan.. Nakakatawa ang mga ichura nila parang ewan!
" Oh ayan na pala ang jeep! Halina kayo! " At naglakad na ako patungo sa jeep. Naiwan naman silang nakatayo lang at parang di ma drawing ang mga mukha..
" Sigurado ka bang diyan tayo sasakay babe? " - Harley
" Yup! Ito lang naman ang pwede nating sakyan. Kung guto niyong mag taxi bahala kayo. Pero wag niyo akong sisisihin kong iligaw kayo ng driver.." Pananakot ko sakanila. Bigla naman silang nagsilakad papunta sa jeep..Takot din pala ang mga to..
" Hindi kaya tayo mauuntog diyan? Ang baba kasi ng bubong eh! " - JL
Ang tatangkad kasi nila kaya parang feeling nila mauuntog sila sa jeep kasi mukhang mababa kasi ang bubong ng jeep kung tingnan sa labas..
" Hindi kayo mauuntog uupo naman kayo at hindi tatayo sa loob.. Sumakay na nga tayo dahil nag rereklamo na ang tiyan ko sa gutom.. " Sinimangotan ko na sila kaya pumasok narin sila sa loob.. Nakakatawa ang mga ichura nila parang mga bata na ngayon lang nakakita ng laruan..
" Naku matatawa si mommy pag nalaman niyang sumakay ako sa jeep. Alam niya kasing hindi ako sumasakay ng jeep. Ni hindi ko nga na try mag commute eh.. Ibang klase ka talaga Shane napilit mo kaming sumakay dito!! Tsk! " - Kelvin
Alam ko ang sentimyento ni Kelvin. Anak kasi siya ng may ari ng Bradford motors at magaganda ang sasakyan niya. Papasok nga lang siya ng school naka lamborghini pa siya na kotse! Syempre lahat naman sila magaganda ang kotse. Si Harley ferrari ang kotse, si Peter Porsche at ganun din si Tristan. Si JL naman naka BMW na kotse. Ako lang wala pang kotse kasi di pa naman ako totally marunong mag drive.
" Pero astig din naman to eh.. New experience para sa atin ang mag commute at mag jeep.. " - Peter
Nag agree naman silang apat sa sinabi ni Peter.. Buong byahe kaming tahimik na parang lahat kami kinoconserve ang energy namin.. After 45mins nakarating din kami sa bahay namin.. Pag baba pa lang namin sa jeep halos lahat ng tao sa amin na nakatingin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa mga kasama ko na puro hot and gorgeous?! Plus ang popogi pa nila! Laglag panga ang mga babaeng nakatingin sakanila..
" Ahhhh.. Finally, nandito narin tayo! Ang sakit ng likod ko grabe! " - Peter
Nag unat unat siya ng kanyang mga kamay.. Kahit naman ako sumakit din ang katawan ko dahil panay upo nalang kami.
Sinalubong ako ng mama ko ng yakap.. At yumakap din ako sakanya..
" Kamusta ang byahe niyo? " - mama
" Okay naman po mama.. Napagod ang mga kasama ko kasi first time nilang mag jeep.. Hahaha! " - Ako
" Halina kayo mga iho! " - Mama
" Mama, sila pala mga kaibigan ko si JL, Tristan, Peter, Kelvin.. Siya naman si Harley, boyfriend ko po! " - Nahihiya pa ako nung sinabi ko na boyfriend ko si Harley.. Ang lapad naman ng ngiti ni Harley at nagsipag mano sila sa mama ko.. I'm impressed!! Magalang na mga bata din pala ang mga makukulit na to?! Hmm..
" Tara na sa loob, siguradong gutom na kayo.. " - mama
Pumasok na kaming lahat sa loob at namilog ang mga mata ng mga kasama ko sa nakita nila.. Ang daming inihandang pagkain si mama parang fiesta lang sa amin.. Ang lima naman parang ngayon lang nakita ang ganitong klase ng pagkain kaya kahit gutom na gutom na hindi parin sila umuupo.. Tiningnan nila ako na my pagtataka.. Pumunta ako sa kusina at naghugas ng kamay..
" Kain na tayo! Di ba kayo nagugutom? " - Ako
Umupo naman sila sa hapag kainan.. Tinitingnan lang nila ako sa ginagawa ko.. Naglagay ako ng pagkain sa plato ko. Kumuha ako ng pork adobo, inihaw na isda at kumain ng naka kamay.. Silang lima? Ayun naka nganga! Pfft..
" Bakit nakatingin lang kayo? Ayaw niyong kumain? " - panay naman ang subo ko dahil gutom na gutom ako..
" A-ah.. E-eh.. Anung pangalan ba ng pagkain na kinakain mo Joshane? " - napakamot sa batok si Peter habang nagtatanong sa akin.. Seriously? Di nila alam na adobo ang kinakain ko?! Goodness gracious! Alien ba sila at pati adobo di kilala?
" Don' t tell me di kayo kumakain ng adobo sa bahay niyo?! " - Ako
" Hindi talaga! Iba naman kasi kinakain namin eh.. Puro international foods.. Hehe " - Harley
" Oo nga pala, lutong bahay kasi ito.. Kumain na kayo at safe ang lahat na mga nakahain sa mesa.. Pag hindi kayo kumain magugutom kayo plus you miss 1/2 of your life pag di niyo tinikman ang luto ni mama.. Masarap siyang magluto! Promise! " At kumuha narin sila ng pagkain. Walang kumuha ng inihaw na bangus.. Anak mayaman nga pala mga kasama ko! Hay!
" Masarap pala talaga mag luto ang mama mo Shane! Anu ngang tawag dito? " - JL
" Adobo yan, masarap diba?! " - Ako
Subo lang ng subo ang mga kasama ko. Halos di na nagsasalita dahil nilantakan na nila ang pagkain.. Sarap na sarap sila sa mga pagkain na nakahain sa mesa.. Natapos kami sa pagkain at halos mabundat ako sa sobramg dami ng kinain ko..
" Grabe! Busog na busog ako.. Di ko inakala na my mas masarap pa pala sa kinakain ko sa bahay.. " - Harley
" Oo nga eh.. Magpapaluto nga ako sa chef namin ng adobo masarap pala eh.. " - JL
Nagpahinga kami sandali at maya maya dinala na namin sa loob ng kwarto ang mga gamit namin.. Nagyaya si Kelvin na gumala kami..
" Uy, saan ba pwede gumala dito? Tara gala tayo! " - Kelvin
Nagsipagtayuan na kaming lahat. Pupunta muna kami sa tabing dagat para maglakad lakad..
HARLEY'S P.O.V
Nandito kami ngayon sa tabing dagat naglalakad lakad.. Ang mga kasama ko naman ayun nagsisipag takbohan. Ang kukulit talaga ng mga kumag na to. Pero kahit ganun happy naman ako kasi nag eenjoy naman sila..
Naglalakad kami ni Joshane na magka holding hands. Tinitingnan ko siya habang naglalakad kami.
" Baka matunaw na ako sa kakatingin mo sa akin.. " - Joshane
" Panu ka matutunaw babe hindi ka naman hot?! " Binibiro ko lang naman siya.. Binigyan niya ako ng death glare!
" Di pala hot ha?! Okay! " - Bigla nalang siyang lumakad ng mabilis at iniwan akong mag isa.. Hinabol ko siya at hinawakan ko siya agad sa kamay..
" Babe, biro lang yun! Kaw talaga tampurorot.. " Kinurot ko siya sa pisngi.. Hinampas naman niya ang kamay ko! Napaka sadista talaga ng babe ko..
" Tara maligo tayo sa dagat, ang ganda kasi ng dagat ngayon.. Ang linaw ng tubig! Nakakaengganyong maligo! " - Kelvin
" Sure, ready na ako kanina pa.. " - Tristan
Nag hubad na si Tristan at nakasuot na pala siya ng swimming trunk underneath his pants! Naghubad narin ang iba at kami nalang ni Joshane ang hindi pa nakahubad.. Halos lahat ng tao sakanila nakatingin..
" Babe, ligo tayo? My swimsuit kabang suot ngayon? " - Nahihiya pa ako nung sinabi ko yan.. Bigla naman siyang nag blush pero tumango din..
" Yup! I' m ready.. " - Joshane
Hinubad narin niya ang summer dress na suot niya.. Naka one piece swimsuit siya pero bagay na bagay sakanya.. Conservative ang style pero ang sexy niya.. Anu ba naman tong iniisip ko? Pinilig ko ang ulo ko para di ko na maisip ang bagay na yun..
" Babe, tutunganga ka nalang ba diyan? Let's go! " - Joshane
Lumapit ako sakanya at binuhat ko siya na buhat pangkasal..Tumili siya dahil di niya inaasahan ang pagbuhat ko sakanya..
" Put me down babe! " - Joshane
" I will babe! " ngumisi ako sakanya at ibinagsak ko siya sa tubig.. Nagulat naman siya kaya sinabuyan niya ako ng tubig..
" Walangya ka talaga Harley! Napaka sadista mo.. Arggghh.. " - Joshane
" Hahahhaha.. I love you babe! " - At sinabuyan ko din siya ng tubig.. Sumali narin ang apat sa pag saboy ng tubig sa amin.. Mga loko nakisawsaw din sila..
" Hoy, gusto niyo na bang mamatay? Tumigil na kayo sa kakasaboy sa akin.. " - Tumigil naman sila pero pagka maya maya sinabuyan nila ulit ako ng tubig..
Nag habulan kami sa tubig hanggang sa mapagod kami. Umuwi na kami dahil pagod na kami sa paglangoy at giniginaw narin kami..
Maaga kaming kumain ng dinner! Ganito pala sa probinsya maaga silang kumakain ng dinner at maaga din natutulog. Since pagod kaming lahat nakatulog kami ng maaga..
Kinabukasan maaga kaming nagising dahil di rin kami nakatulog ng maayos. Sumakit ang katawan ko dahil di ako sanay na walang kamang malambot na hinihigaan.. Tiningnan ko silang apat at katulad ko masakit din ang mga katawan nila.
" Ang sakit ng katawan ko! Daig ko pa ang binugbog ng ilang beses!! " - Kelvin
Hinihilot hilot pa niya ang braso niya.First time naming natulog sa papag na banig lang ang sapin at walang aircon.. Ni sa isip di ko to naisip na mararanasan ko to sa totoong buhay.. Lumabas na kaming lima sa kwarto at dumiretso na sa table.. Pinagsilbihan naman kami ni Tita Alma..
" Heto ang kape, kayo ng bahalang magtimpla ng kape niyo ha?! Wag kayong mahihiya at kung my kailangan kayo tawagin niyo lang ako.. " - Tita Alma
" Tita, si JOshane po gising na ba? " - Ako
" Naku, nasa labas na siya nakabihis na nga eh.. Pupunta daw kayo sa farm ngayon.. Sige maiwan ko na muna kayo. Kayo ng bahala diyan ha?! " - Tita Alma
Umalis na siya at pumunta sa kusina.. Nagtimpla na ako ng kape at dahan dahan ko itong hinigop..
" Ilang kutsarita ba ang nilagay mong kape Harley? " - JL
Nakakatawa talaga kami kasi nga first time ang lahat ng ito sa amin. Di kami sanay na kami ang gumagawa ng kape namin. Kaya ayan nagsitanungan nalang kami sa isa't isa.. Maglalagay na sana ng isang punong puno na kutsara ng kape sa baso si Kelvin ng biglang nagsalita si Joshane..
" Hoy Kelvin, sobra sobra na yang kape na ilalagay mo sa hot water. Ang pait na niyan mamaya.. " - Pasigaw na sabi ni Joshane.. Nagulat naman si Kelvin kaya natapon ang kape sa lamesa.. Umandar nanaman ang pagiging megaphone lady ng babe ko. Tindi makabasag ng eardrums..
" Bakit ka naman naninigaw Joshane?Nakalunok ka talaga ng megaphone no?! " - Kelvin
Binatokan nga siya ni Joshane. Sabi sa inyo sadista ang babe ko eh..
" Loko ka Kelvin! Magtimpla kana nga diyan at bilisan niyo na at pupunta pa tayo ng farm.. " - Joshane
Dali dali namang nagtimpla si Kelvin pati narin ang iba.. Inubos ko na ang kape ko at pumasok na ako sa banyo para maligo.. Pagkamaya maya lang naligo narin ang iba hanggang sa matapos na kaming lahat at pupunta na kami ng farm..
Naka short pants at tshirt lang kaming lahat since sa farm naman kami pupunta.. Nilakad lang namin papunta sa farm at di naman siya ganun kalayo.. Pagdating namin dun namangha kami dahil ang daming puno ng mangga at kung anu anu pang mga namumungang puno.. My lumapit samin na kakilala ni Joshane..
( Guys, ilonggo ang gamit ko na convo dito.. Nasa Iloilo sila kaya ilonggo ang lenggwahe nila.. Don't worry my translation naman eh.. Saka di ko hahabaan.. :D )
" Joshane, sang san-o kapa nag abot? Sin-o ang mga upod mo? " - GUY
** " Joshane, kelan kapa dumating? Sino ang mga kasama mo? " -Guy
" James, kahapon pa kami nag abot. Mga abyan ko na sila.. Ang isa da nobyo ko.. "
** " James, kahapon pa kami dumating. Mga kaibigan ko sila. Ang isa diyan boyfriend ko.. "
Sabay turo ni Joshane sa akin.. Di ko sila maintindihan dahil iba ang salita na gamit nila.. Kainis naman!! Baka mamaya nilalandi na pala ng lalake na to ang girlfriend ko at di ko pa alam!! Lumapit ako sa kanila at nagsipaglapitan din ang apat sa amin..
" Guys, si James pala kababata ko.. James, sila ang mga kaibigan ko.. Siya si Peter, si JL, si Tristan at si Kelvin.. Ito naman si Harley ang boyfriend ko.. " - Pinakilala kami ni Joshane ky James.. Kinamayan naman kami ni James at tinanggap naman namin ang pakikipag kamay niya..
" Anihan ngayon ng mangga.. Gusto niyo bang itry mang harvest? " - James
Buti nalang marunong siyang magtagalog. Akala ko dudugo ang ilong namin sa salita nila..
" Game ako diyan.. Panu ba ang gawin? " - Tristan
"Kami rin.. " - chorus nila JL, Peter at Kelvin.. Di na ako sumagot dahil kaya na nila yan..
" Ganito lang yan, sungkitin mo na lang ang bunga ng mangga gamit ang panungkit.. Sasaluhin ng net ang mga mangga na nasusungkit niyo.. " - James
" Madali naman pala.. Sige umpisahan na natin.. Ang daming bunga.. " - Peter
Nanungkit na sila ng mangga at mukhang masayang masaya ang apat sa ginagawa nila. Nagbibiruan at nagkukulitan pa sila. Nagkaroon din ng kumpetisyon na paramihan ng kuha ng mangga.. Pinanood nalang namin ni Joshane ang apat na nangunguha ng mangga.. Nanalo sakanila si Peter pero marami din ang nakuha ng iba pa..
Pumunta din kami sa poultry para iharvest ang mga itlog. Tumulong din kami sa pang haharvest ng mga itlog.. Nagtatawan silang lahat sa mga ginagawa nila. Kung tutuusin simpleng bagay lang naman ito pero masarap sa pakiramdam..
Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga pabalik na kami ng Manila. Maraming pinadala sa amin si tita Alma, my tig isang basket ng mangga kaming lahat na take home.. Sobrang bait nila sa amin.. Ang akala kong boring na bakasyon naging adventure at naging exciting ang lahat..
Marami kaming natutunan sa bakasyon namin sa Iloilo. Natuto akong magpahalaga sa mga simpleng bagay.. Lahat ng experience ko sa Iloilo ay first time.. First time matulog ng walang aircon. First time matulog sa matigas na higaan. First time mag commute. First time sumakay ng jeep at higit sa lahat first time kong maging masaya sa bagay na pinaghirapan ko.. Ganun naman talaga, mas mainam makuha ang isang bagay kung pinaghirapan mo ito.. Worth it ang paghihirap mo kapag nakuha mo na ito.. Bagay na hindi ko malalaman kung hindi ako pumunta ng Iloilo.. Nakakapagod ang byahe pero masaya naman kami!
" That was a once in a life time experienced we had in Iloilo! I really had so much fun back there.. " - Peter
" Yeah! Next time ulit pag my time tayo.. " - JL
" Kahit wala akong nakitang mga chikababes dun ayos lang kasi nag enjoy naman ako dun kahit papanu!! " - Kelvin
Binatukan ko nga, babae nanaman ang nasa utak nito!
" Aray naman! Bakit ka nambabatok Harley? Problema mo? " - Kelvin
" Wala! Trip ko lang batukan ka.. Testing kung matigas parin ang bungo mo.. " - ngumisi lang ako sakanya.. At nag tawanan kaming lahat samantalang di maipinta ang mukha ni Kelvin.