THIRD PERSON'S POV
Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng makabalik ang Gforce at si Joshane ng Manila. Pagkatapos ng 1 week na bakasyon sa Iloilo naging busy na ang lahat sa kanya kanyang mga buhay..
Pumunta ng Australia si Joshane kasama ang parents niya para magbakasyon doon at the same time dahil narin sa business nila.. Gusto din kasi niyang makasama ang family niya na matagal na panahon niyang hindi nakasama. Marami siyang gustong gawin kasama sila.
Samantala si Harley naman kasama din niya ang mga magulang niya sa France. Tinitrain narin kasi siya na humawak ng business nila dahil once na grumaduate na siya sa college siya na ang mamamahala ng business nila..
Yung ibang Gforce naman ayun kanya kanyang training din sa mga business nila.. Wala naman silang choice dahil pag dating ng panahon sila na ang hahawak ng mga business nila..
Kakauwi lang ni Joshane ng makatanggap siya ng text mula ky Harley.. Galing kasi sila ng Crown Casino my meeting kasi ang daddy niya sa isang business partner niya doon..
Harley:
Hi there beautiful! How are you? Hope you're doin good.. I miss you dearly! See you when i get back! I love you! :)
Binasa lang niya ang text at di naman siya nag reply pa kasi magkikita naman sila pag nasa Pinas na sila..
JOSHANE'S P.O.V
Kagagaling lang namin sa Crown Casino nung makatanggap ako ng text mula ky Harley..
Harley:
Hi there beautiful! How are you? Hope you're doin good.. I miss you dearly! See you when i get back! I love you! :)
Binasa ko lang ang message niya pero di na ako nag reply sakanya total magkikita naman kami once na nasa Pinas na kami..
Maliban kasi sa Iloilo escapade namin ay my kanya kanya din kaming get together sa mga family namin.. Kaya nandito ako ngayon sa The Land down under.. Sosyal ba? Well, isa ito sa mga dream place ko na gustong puntahan and luckily isinama ako dito ng parents ko..
Nandito din kasi nakatira ang kapatid ni mommy na si tita Jocelyn. My dalawa siyang anak na mas matanda sa akin si Joshua at ang twin niyang si Jomania pronounce like (Jomeynia).. Hindi naman malayo age namin 2years older lang sila sa akin.. Pero ayaw nilang tawagin ko silang ate at kuya kasi daw nakakadiri pakinggan.. Ang aarte kasi ng mga yan. Kahit 2 weeks ko palang silang nakilala at nakakasama pero close na kami agad.
" Hey cousin, wanna go bar hopping later? - Jomania
Kaya hindi ako bored dito sa Oz (Australia) dahil narin sakanya.. She's the opposite of me.. Once lang ako nakapasok ng bar at bar yun ni Peter. Samantalang si Jomania ay laging laman ng bar, pub, club or whatever you call it.. Party goer at mahilig mag shopping. When she go shopping its always shop til you drop.. Stress reliever na niya ang pag sashopping while me? Books lang ang stress reliever ko.. Meaning my life is boring. Buti na nga lang naging friends ko ang Gforce kaya nagkaroon naman ng kulay ang mundo ko..
" Cous? You there? " - Jomania
Pumupunta din naman kami ng mall ni Celine pero since nung naging kami na ni Harley parang iniiwasan na niya ako. Ewan ko ba sakanya kung anu problema namin basta alam ko wala kaming pinag awayan..
" Aray! Bakit mo ko pinitik sa noo? " Nakakainis naman tong pinsan ko pinitik ako sa noo.. Problema nito?!
" Seriously?! Kanina pa kaya ako salita ng salita dito but you're not even listening to me.. Nilipad na yata ng hangin ang isip mo at umabot na sa outer space.. " - Jomania
Sinimangutan lang niya ako.. Kasi naman ang dami kong iniisip which is hindi naman dapat iniisip..
" Anu ba sinasabi mo? Sorry naman my iniisip lang.. " Umirap lang siya sa akin..
" I said, you wanna go bar hopping? I'm going out with my aussie friends later.. Wanna come with us? " -Jomania
" Okay sasama ako BUT i dont wanna get drunk.. Baka magkalat pa ako dun.. " Di naman talaga ako umiinom kaso magaling na teacher itong pinsan ko kaya natuto din ako pero moderate lang ako pag umiinom..
" Okay! Change your outfit now..I'll just dress up and then we'll go." - She just winked at me and then she left..
Anu ba isusuot ko? Dress? Nah, it's too semi formal.. Jeans and tee kaya? Hmm.. I decided to wear short pants and sleeveless shirt.. Bahala na kung anu iisipin ni Jomania basta i feel comfortable wearing these outfit..
" Are you re- .. Oh my gosh! Bakit naka ganyan ka? Para ka lang pupunta ng supermarket? " - Jomania
Bigla niya akong hinila at pinapalitan sa akin ang suot ko.. Sabi na eh ayaw nanaman sa suot ko..
" Wait for me here, i'll get my extra dress for you to wear.. You can't wear that outfit inside the bar! It's disgusting you know! " - At tumalikod na si Jomania at pumasok ulit sa room niya..
Panu naman ito naging disgusting? Okay naman ang ichura ko sa suot ko eh.. Ang arte talaga niya! Hays!
" Here, wear this dress! "- Jomania
Di na ako nakipag argue sakanya. Kinuha ko nalang ang dress at isinuot ko na lang.. Wow! Maganda ang dress at bagay sa akin.. Sleeveless fitted above the knee dress na black ang pinasuot niya sa akin na pinarisan ko ng black stilleto.. Gosh! I hate wearing killer heels..
" Cous, pwede bang mag flat shoes nalang ako? I can't wear high heels sandals.. Baka madapa ako! " - Jomania
" Geez! Edi magiging pandak ka mamaya pag naka flat shoes ka?! Alam mo naman na matatangkad mga friends ko plus bagay na bagay sayo ang dress with matching stilleto sandals.. Pag nag flat ka para mo ng minurder ang black dress na yan!! Wether you like it or not you need to wear that! Period! " - Jomania
Oh God! Bakit ba ako nagkaroon ng pinsan na spoiled brat at super bossy? Kaya no choice sinuot ko nalang yung stilleto kahit na mangangalay ang binti ko mamaya dahil sa pesteng heels na yan..
" Tara na, Joshua is waiting na outside.. " - Jomania
Lumabas na kami ng kwarto at nagpaalam na kami sa parents namin..
" Tita, i'm bringing Joshane with me.. Kasama naman namin si Joshua kaya you have nothing to worry! " - Jomania
" Okay iha, don't get drunk and please go home safe.. Tell Joshua to drive safely.. Take care of my daughter.. " - Mommy
Humalik na kami ni Jomania sa parents ko at sa parents niya at umalis na.. Sa kotse halos di na maipinta ang mukha ni Joshua dahil naiinip na siya sa paghintay sa amin..
" What took you so long? Kanina pa ako dito kinakagat ng lamok.. Tara na nga! " - Joshua
" Hoy twin, walang lamok sa loob ng kotse! Napaka exaggerated mo talaga mokong ka!! -Jomania
" Mag aaway na lang ba kayong dalawa or aalis na tayo? " - Saka lang silang dalawa lumingon sa akin.. Nasa backseat kasi ako umupo.. Binigyan nila ako ng death glare, just imagine na my kambal na pinapatay ako sa tingin.. Eeeehh.. Goosebump!
Malapit lang naman ang bar na pinuntahan namin. Pag dating namin dun nandun na ang mga grupo ni Jomania at pumunta naman sa kagrupo niya si Joshua..
Pero bago pa kami mag kanya kanya ay nag usap muna kaming mag pinsan..
" Josh, don't get drunk dahil ikaw magdadrive mamaya.. Lapitan ka nalang namin pag gusto na namin umuwi okay?! " - Jomania
Tumango lang si Joshua at umalis din after.. Kami naman pumunta na sa isang table sa gilid at nag order na ng drinks namin.. Pinakilala ako ni Jomania sa mga aussie friends niya at ngumiti lang ako sakanila.. Dahil narin sa ingay sa loob ng bar di ko na gets kung anu mga pangalan nila.. Anyway di rin naman kami magkikita pa ulit so no need to bother na alalahanin pa mga pangalan nila..
" Cous, sayaw tayo! " - Hinila na ako ni Jomania sa dance floor.. Di naman ako sumasayaw pero marunong naman akong sumayaw..
Sumasayaw na kami at nag eenjoy na ng bongga.. Natatawa ako ky Jomania dahil ang landi ng sayaw niya.. Pero infairness sexy talaga ng pinsan ko na to.. No wonder halos all eyes on her while she's dancing.. Ako naman sumasabay lang sakanya..
Halos apat na oras din kami sa bar nung magyaya ng umuwi si Jomania.. Akala ko nga wala pa siyang planong umuwi dahil kanina pa ako pagod na pagod dagdagan pa ng sandals ko na super taas.. Parang malulumpo na ako sa pagod. Ang sakit ng binti ko grabe! Gustong gusto ko ng hubarin ang sandals ko pero nahihiya naman ako kaya no choice kundi ang mag tiis..
Pag dating namin sa bahay derederetso na kami sa kanya kanyang mga kwarto namin.. No one dared to speak i guess dahil narin sa pagod.. Nagpalit ako ng pantulog ko at nahiga na sa kama ko at hinintay ang antok na dalawin ako.. Di ko na alam kung anung oras na ako nakatulog basta nakatulugan ko na hawak hawak ko pa ang phone ko.. Kinabukasan late na kaming nagising na magpinsan.. My hang over pa yata si Jomania kasi sumakit ang ulo niya..
Marami pa kaming mga bonding moments na magpinsan.. Meron pa na pumunta kami ng Luna Park at Melbourne Aquarium. Pinuntahan din namin ang Sydney opera house dahil narin sa pamimilit ko sa kanila.. Nag road trip din kami sa Gold coast at kung saan saan pa.. Masaya naman ako na kahit papanu naka bonding ko din naman ang mga pinsan ko.
Pauwi na kami ngayon ng pinas dahil mag eenroll pa ako this week. Ngayon pa lang namimiss ko na mga pinsan ko kahit di pa kami umaalis..
" Hey cous, para sayo! Open it.. " - my binigay na maliit na box si Jomania sakin at binuksan ko ito. Napa singhap ako sa nakita ko. Isang white gold anklet na my infinity design at my diamond na naka palibot sa infinity.. Base sa design ng anklet alam ko ng mahal ito.. Bigla ko siyang niyakap at nagulat pa siya sa biglang pag yakap ko sakanya.. Niyakap din niya ako pabalik..
" Thanks cous.. Ang mahal nito sigurado pero dahil mahal mo ako i deserved this anklet.. HAhaha.. I love you my dear cousin! I'm gonna miss you! Wala na akong kakulitan at wala ng kakaladkad sa akin papunta sa bar.. Hahaha " - Hinampas niya ako pero natawa din siya sa sinabi ko..
" Bakasyon kayo dito ulit para bonding ulit tayo.. " - Jomania
" I will cous! "
" Joshane, ito naman gift ko sayo.. " - Joshua
Kinuha ko ang box na bigay ni Joshua.. Pag bukas ko isang necklace ang tumambad sa loob ng box. Isang white gold necklace na my pendant ng pangalan ko. Parang pinasadya na pinagawa ang pendant.. Niyakap ko si Joshua at nakiyakap narin si Jomania sa aming dalawa..
" Thanks kuya Josh! - Ngumiti ako sakanya..
" Don't call me Kuya! Masakit sa tenga! Anyways, your welcome Joshane! " - Nginitian niya rin ako..
" Thanks to both of you! My trip here is worth it.. I really enjoyed your company.. Til next time! " Nagyakapan na kaming tatlo..
Nagpaalam na kami sakanilang apat dahil tinawag na ang mga pasahero ng flight namin.. Nag wave ako sakanila at lumakad na kami nila mom and dad sa loob ng airport para mag check in..
Buong byahe akong natulog at pag dating namin ng pinas gabi na.. Sinundo kami sa airport ng driver namin at pagdating ng bahay nag half bath lang ako at natulog na..
Kinabukasan nagising ako ng maaga dahil enrollment namin.. Kahit my jetlag pa ako pinilit ko nalang ang sarili ko na magpunta ng school para makapag enroll narin ako.. Pag dating ko sa school nakita ko doon si Celine na mag eenroll din.. Lumapit ako sakanya dahil sobrang namiss ko siya..
" Celine, kamusta na? I miss you! " - sabay yayakapin ko na sana siya pero bigla siyang umiwas sa akin.. Ngumiti siya sa akin pero halatang pilit lang..
" Okay naman ako Joshane! Umuwi kaba ng Iloilo? Di mo ako tinext or tinawagan man lang.. Nakalimutan mo na yata ako eh?! " - Celine
" Ofcourse not! I spent time with my family kaya di ako masyadong nakapag paramdam sayo.. Sorry! " - Ako
" Hey bessy, ngayon ka lang din nag enroll? " - Lia
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pero umirap lang siya after at hinarap na si Celine ulit.. Di ko talaga alam bakit dami kong haters?!
" Saan ka pala pumunta nitong bakasyon? Kami pumunta kami ng HK nag shopping lang kami ng parents ko dun.. " - Lia
" Oh, i went to Europe with my parents! " - Celine
Pumunta pala siya ng Europe pero di naman niya ako sinabihan. Kunsabagay di ko rin sinabi sakanya kung saan talaga ako pumunta.. Medyo nag aalangan pa ako na sabihin sakanya ang totoo. Hindi ko alam pero my pumipigil sa akin na hwag sabihin ang tunay kong pagkatao sakanya..
" Ikaw Joshane, saang bansa ka nagbakasyon? Oopss.. Di mo pala afford magpunta ng abroad! Kung dito nga sa school you can't afford to pay your tuition fees bakasyon pa kaya sa abroad?! " - Lia
" Umuwi ako sa amin.. Anu ba masama sa pagiging scholar Lia?! " - Nakakainis talaga ang bruhang to.. Hindi na nga ako binubully ni Tricia pero my pumalit nanaman sa pwesto niya..
" Masama kasi mahirap ka! Hindi ka bagay dito sa school na to. Kung hindi ka lang matalino do you think makakapag aral ka dito? " - Lia
Nagtataka ako dahil di na ako pinagtatanggol ni Celine samantalang dati naman pag my nang iinsulto sa akin to the rescue na siya agad. Pero ngayon nakikinig lang siya sa pang iinsulto ni Lia sa akin ni hindi man lang niya sinaway ito..
" Lia, kahit mahirap ako proud ako dun dahil mabuting tao naman ako at mayaman ako sa pagmamahal.. " - Ako
" Hahaha.. If i know, malandi ka lang kaya mo nakuha si Harley.. Sige enjoy your moment habang kasama mo pa si Harley at habang mahal kapa niya kasi darating ang araw na maghihiwalay din kayo at pag nag hiwalay kayo sigurado akong mawawasak ang buhay mo! " - At tumalikod na si Lia at sinundan siya ni Celine..
" Bez, saan ka pupunta? " - Ako
" Kelangan ko pang magpa enroll.. Sige mauna na ako, see you around! " - Celine
Umalis na siya at hindi na siya lumingon man lang.. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa amin ni Celine.. Marami na ang nag bago sa kanya. Hindi na niya ako laging kinakausap at kapag tatangkain ko siyang kausapin ng mag isa bigla bigla din magsisulputan sila Cherry at Lia. Pansin ko narin na naging close na silang tatlo at halos di na ako pinapansin ni Celine.. Kanina ni hindi man lang niya ako pinagtanggol ky Lia.. Nakakapanibago pero bahala na.. Kakausapin ko nalang siya sa pasukan..